You are on page 1of 6

Gawain 1

Maghanap sa internet ng iba’t ibang simbolo o icons na makikita mo sa iyong paligid (hindi
kukulangin sa sampu).Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng bawat isa. Ipaliwanag din ang
kahalagahan ng gamit nito. Ang iyong paliwanag ay hindi dapat kukulangin sa tig lilimang
pangungusap bawat simbolo o icons. Gawin ito sa patalatang porma ng paggawa. Sa bahaging
kaliwa ilalagay ang simbolo pagakatapos sa kanang bahagi ang paliwanag.Lagyan din ng bilang
ang bawat simbolo.

“No Smoking”

Iyan ay simbolo kung saan ipinapahayag na bawal manigarilyo. Kadalasan itong


makikita sa mga mall, gasolinahan o sa mga lugar kung saan delikado ang
paninigalirilyo. Mahalaga ito dahil makakaiwas tayo sa maaring disgrasyang
dulot ng upos ng sigarilyo. Maari din nating maingatan ang kalusugan at
makaiwas sa mga di-mabuting epekto ng paninigarilyo. At higit sa lahat maari
ding maiwasan ang kardagang polusyon sa hangin kapag hindi ka na nigarilyo

“No Loitering or Bawal Magtapon Dito”

Ang simbolong ito ay nagpapakita ng pagbabawal sa pagtatapon sa isang


espisipikong lugar. Ang mga kaukulang paglabga sa simbolong ito ay maaring
mag resulta sa pagkakakulong o pagmumulta. Mahalaga ang simbolong ito
upang mapanatili ang kalinisan ng isang lugar. Sa simbolo ding ito masusukat
kung gaano ka disiplinado ang isang mamayan. Sa tulong ng simbolong ito
kapaligiran ay mapapanatiling maayos at malinis.

“Recycling”

Ito ay simbolo ng recycling, kadalasan itong makikita sa mga


basurahan, recycling bin, o minsan naman ay sa mga bote o
pakete ng ating pagkain. Isa ito sa mahahalagang simbolo upang
mabawasan ag basura lalo na ang plastic at styro sa ating mga
dumping sites. Sa tulong ng recycling ay maari mong magamit
muli ang isnag bagay sa ibang paraan. Madalas din itong gawing
libangan ng iba at minsan na din itong naging source ng
pagkakakitaan. At sa tulong ng recycling na ito madaming
kagamitan ang naimbento para makatulong sa pagdidisenyo ng bahay or di
kaya ng isang hardin.

“No Parking”

Ito ay simbolo na madalas nakikita sa may harap ng isang


building o garahe ng ay ari ng isang may bahay. Sumibulo ito
bilang pag sasabi na hindi maaring mag park o pumarada sa lugar
na iyon. Ito ay ginagawa upang maiwasan ang mga posibleng
aksidente sa daan, gaya ng kung pumarada ka sa maling lugar at
may biglang sasakyan na umurong o dumating ng biglaan maari
ka nitong mabangga at mag karoon ng isang malaking aksidente. Ginagawa ito
para madisiplina ang mga mamayan sa mga batas trapiko. Ang kadalasang pag
labag sa simbolong ito ay maguuwi sa pagrereklamo at pagmumulta.

“Stop / Tigil”

Ito ay isang simbolo ukol sa batas trapiko. Madalas itong makikitang hawak ng
mga traffic enforcers o di kaya naman ay nakatayo sa isang poste sa gilid ng
daan. Mahalaga ang simbolo na ito upang maipahiwatig sa mga mamayan kung
kailan sila dapat tumigil. Makakaiwas tayo sa aksidente at iba pang gastusin kung susundin ang
simbolong ito. Ito ay nagpapahiwatig ng pagtigil hudyat ng bigat ng trapiko o di kaya naman ay
hudyat ng isang pangayayri.

“Persons With Disability”

Ito ay isnag simbolong makikita karaniwan sa mga banyo, upuan sa jeep or sa


mga restawrant o iba pang pampublikong lugar kung saan pweden mapuntahan
ng mga taong PWD. Ito ay inilalagay upang magbigay respeto sa mga taong
maykapansanan. Isa din itong daan upang sila ay ma “prioritize” ng mga crew o
kung sino pa man na sila ay pinaglilingkuran. Mahalaga ito dahil natutulungan
natin ang ating kapwa mamayan para maibsan ang hirap na dinadala nila sa buhay.
Makakatulong din ito para maorganisa ng ayos ang isnag pila.
“High Voltage- Mataas na Boltahe”

Ito ay simbolo ng high voltage makikita ito madalas sa mga pagawaan o


mga factory na kumukunsumo ng mataas ng boltahe ng kuryente. Isa ito sa
mga simbolo na nagdudulot ng panganib sa buhay ng isang tao. Kapag ito
ay hindi sinunod maaring magdulot ng agarang lapnos o pagkamatay. Mahalaga ang simbolong
ito upang mapagbantaan ang mga mamayan na magingat sa mga lugar na may ganitong
simbolo.

“Tamang Tapunan”

Ito ay simbolo na nagpapahiwatig kung saan natin dapat ilagay ang ating
mga basura. Kadalasan itong makikita sa mga pangpublikong lugar kagaya
ng palengke, malls, at restawrant. Mahalaga itong simbolo upang ipahiwatig
sa mga mamayan kung saan sila dapat magtapon ng kanilang basura.
Mahalaga ito upang mapanatili nia ang kalinisanng isang lugar. May ilang lugar din na
nagiimpose ng multa kung sakaling hindi sumunod dito.

“Flammable”

Ito ay simbolo na nagpapahiwatig na ang isang bagay o lugar ay highly


flammable o maaring pagmulan ng apoy o maging dahilan ng sunog. Ito ay
madalas makikita sa pabrika ng alcohol, pabango at mga gasolinahan. Mahalaga
ito sapagkat dahil sa simbolong ito mas magiging malinaw sa mga mamayan kung
ano ang dapat gawin sa mga bagay na flammable. Nagbibigay intruksyon din ito

U
na ang isnag bagay ay hindi dapat ilapit sa mga posporo, lighter o kandila na may
sindi sapagkat maari itong pamulan ng malaking pagsabog o sunog.

“No U-Turn”

Ang simbolong ito ay nagpapahiwatig na bawal mag U turn o lumiko sa


isang direksyon. Ang paglabag sa simbolong ito ay magdudulot ng
aksidente at trapiko sa isang lugar. Mahalaga ito para malaman ng mga
mamayan at mga tsuper kung saan sila dapat o di dapat lumiko para hindi
makabunggo ng iba pang sasakyan. Mahalaga ito para madisiplina ang
mga tsuper at iba pang mamayan. Mahalga din ito sa pagpapantili ng ayos
na daloy ng trapiko.
Gawain 2

Maglista ng tigsasampung (10) ekspresyong lokal na naririnig sa inyong lugar. Gumawa ng


talahanayan na may tatlong kolum. Sa unang kolum, isulat ang ekspresyon; sa pangalawa, ilagay
ang paliwanag sa kahulugan nito; at sa pangatlo, ilarawan ang isa o higit pang sitwasyon kung
saan ito ginagamit.

Ekspresyong Lokal Kahulugan Gamit


1. Karibok na  Kagulo na - Ginagamit ito minsan ng aking ina
kapag magulo na ang tahanan.
- Minsan naman ay ginagamit ito
kapag nagkakagulo or nagpapanic
na ang mga tao sa isang lugar dulot
ng isang sakuna o pangyayari.
2. Pagkakabanas Naiinitan - Madalas itong ginagamit kapag ang
isang tao ay binabanas na.
- Ginagamit din minsan itong
ekspresyon lalo na kung ang isang
tao ay nasa siksikang lugar.
3. Burara Di mainggat mag tago ng - Ito ay isang ekspresyon kung saan
gamit ginagamit ito sa isang taong di
maalam magingat ng isang bagay.
- Halimbawa, Si Nicole ay burara
sapagkat nalimutan niyang ilagay
sa locker ang kanyang libro kaya
nawala ito kinabukasan.
4. Susko po rudeh Dismayado , nagulat - Ito ay ekspresyong ginagamit
minsan kapag ang isang tao ay
nagulat sa pangyayari, halimbawa
na lamang ay kapag di mo
sinasadyang makabunggo ng tao sa
palengke minsan ay nasasabi nila
ito.
- Minsan naman ay kapag ginulat mo
ang isang tao napapasabi din sila
ng ekpresyong ito.
5. Pasal Gutom na - Kapag ang isang tao ay nakapila ng
matagal buong araw mapapasabi
siya na siya ay “pasal na.”
- Kagaya din ito ng pangyayari kapag
maghapon kang may klase at
nakakaligtaan mo nang kumain
pagdating mo s bahay ay
magtatanong ka kung may ulam o
bahaw pa ga dahil ikaw ay pasal na.

6. Pagulpol Bulok - Ang ekspresyong ito ay minsang


sinasabi kapag ang anak ay di
nakataas ng grado o marka sa
pagsusulit.
- Ito din ang kadalasang ginawang
biro ng mga kalalakihan kapag di
maalam magbasketball ang isnag
lalaki.
7. Nagdamusak Nagkalat - Kapag ang isang taong gulang na
bata ay kumain sa unang beses at
makalat siyang kumain.
- Kapag ang isnag baa ay nagkalat
ng kung ano ano sa bahay
kadalasnag sinasabi siya ay
nagdamusak na.
8. Sasampigahin Sasampalin - Ito ay ekspresyong madals
ginagamit na pambanta kaaway ng
isang tao.
- Ginagamit din ito kapag minsn ay
nagakakagalit ang magtropa o mag
asawa sa isat isa, wika nila ay
makakatikim sila ng sampiga.
9. Agay Batang babae o anak na - Ito ay madalas na ng matatanda sa
babae kanilang apo.
- Madals din itong gianagawang
pambati ng mga matatanda sa
kanilang mga apo.
10. Bakas- bakas Maghati- hati - Kapag may pagkaing kakaunti
lamang ang bilang at di gaanong
sapat para sa pamilya, sinasabihan
sila na magbakas bakas na lamang.
- Ito ay ekspresyong ginagamit din
kapag may isang tungkulin na di
kaagad magagampanan magisa,
ika nila a magbakas bakas ng
gawain upang matapos kaagad ito.

You might also like