You are on page 1of 3

Vernel Miguel Konfil Prof Delia Mendoza

Modyul 6 - Awtput
Awtput

Gumawa ng awtput na angkop sa sariling kakayahan at kasanayan (bukod sa sintesis, maaaring tula,
sanaysay, likhang-awit, maikling kwento at/o iba pa) hinggil sa mga gawing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino. Makikita sa google drive ang paraan ng pagsasagawa at paraan ng pagmamarka.

Kapangyarihan ng Pagwi-Wika

Komunikasyon ang susi sa pakikipag-ugnayan

Nagsisimula ito sa pakikipag kaibigan

Ideya at pananaw ang ginagamitan

Upang may patunguhan ang isang usapan.

Ang wika ay lubhang makapangyarihan

Kaya nitong impluwensiyahan ang mamamayan

Ngunit hindi mabubuo ito kung walang pamahalaan

Kaya’t magpasakop tayo sa ating nasasakupan.

Makaluma at makabago

Tila ba ang isip ng tao ay pabago-bago


Sa panahon ng tayo ay moderno

Ang wika at ang tao ay di magtagpo

Sa mabailis na panahon

Nandito na tayo sa modernisasyon

Mensahe at opinyon

nasa radyo na at telebisyon.

Sa paglagda ng pangulong Benigno Aquino sa batas

Sana ito ay maging patas

Dahil kung ito ay lumipas

Kawawa ang mamamayang Pilipinas.

Di man magkaintindihan

Dahil sa lahi at kulturang nakagisnan

Pero lahat tayo ay magkakaibigan

Sa ASEAN ay nagtitipon tipon at nag-uugnayan.

MIGUEL 2022

You might also like