You are on page 1of 35

UNIT II: Pagproseso

ng Impormasyon para
sa Komunikasyon
A. Pagpili ng Batis Impormasyon
• Ang batis ng impormasyon ay ang
pinanggagalingan ng mga katunayan na
kailangan para makagawa ng mga pahayag
na may kaalaman hinggil sa isyu, penomeno
o panlipunang reyalidad
Kategorya:
 a. Primarya – orihinal na pahaya, obserbasyon at teksto na direktang
nagmula sa isang indibidwal, grupo, o institusyon na nakaranas,
nakaobserba o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomeno,

Halimbawa ng primaryang batis ng impormasyon:


 Mula sa harapang ugnayan sa kapwa tao

 Pagtatanong-tanong

 Pakikipagkwentuhan

 Panayam

 Pormal,impormal o semi-estrukturadong talakayan

 Umpukan

 Pagbabahay-bahay
Halimbawa ng primaryang batis ng impormasyon:

 Mula sa material na  artikulo sa jornal


nakaimprenta sa papel na  balita sa dyaryo, radyo o tv
madalas ay may kopyang  rekord ng tanggapan ng
elektroniko  gobyerno
 awtobayograpiya
 orihinal na dokumento
kagaya ng sertipiko ng kasal o
talaarawan


testament
 sulat sa koreo o email  talumpati sa pananalita
 tesis/disertasyon  larawan at iba pang biswal na
 sarbey grapika
Iba pang batis
 online na sarbey o harapan artipak gaya ng
bakas o labi ng sating buhay
 nakarekord na audio o video
 blog sa internet website ng mga pampubliko

at pribadong ahensya
 likhang sining tulad ng pelikula, musika,

painting o music video


b. Sekondaryang batis – pahayag ng
interpretasyon, opinion at kritisismo mula sa
mga indibidwal o grupo o institusyon na hindi
direktang nakaranas, nakaobserba,
nakasaliksik ng isang paksa o penomeno
Halimbawa:
 Artikulo sa dyaryo gaya ng  mga kagamitan sa pagtuturo
editorial,sulat sa patnugot kagaya ng powerpoint
 Ensayklopidya
presentation
 Teksbuk
 sabi-sabi 
 Manwal o gabay na aklat
 Maari ring gamitin ang Google
 Diksyonaryo o Tesoro
 Kritisismo Reverse Image Search sa
 Sanaysay pagtukoy kung ang mga larawan
 komentaryo ay ginamit sa ano-anong site
 sipi mula sa orihial a hayag o  Maaring ring ikumpara ang mga

teksto nababasang impormasyon sa


 abstrak
ibang kilala at
mapagkakatiwalaang website
Pamantayan sa pagtataya ng mga impormasyon nakalap BAGO :

Pagiging bago ng impormasyon at umaakma sa panahon.

 Kailan sinulat ang impormasyon, inilathala o ipinost?


 Ang impormasyon ba ay nirebisa o ina-update?
 Ang paksa ba ay nangangailangan ng kasalukuyang
impormasyon or maari ring gumamit ng mga
sangguniang matagal na?
 Maari pa rin bang maakses ang mga link na ginamit
Pamantayan sa pagtataya ng mga
impormasyon nakalap KAHALAGAHAN :
Kahalagahan ng impormasyon sa iyong pangangailangan.

 Ang impormasyon ba ay may kaugnayan sa iyong paksa o sumasagot


ba ito sa iyong tanong?
 Sino ang inaasahang awdyens/ babasa ng iyong pananaliksik?
 Angkop ba sa iyong anta sang impormasyong iyong nakalap? ( hindi ba
pang-elementarya o kaya ay masyadong mataas para sa iyong antas? )
 Naghanap ka ba ng iba’t ibang sanggunian bago mo piliin/gamitin ang
nasabing sanggunian?
B. Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon
 Kung nakapili na ng mayaman at angkop na
batis ng impormasyon, kailangang
paghandaan ng mananaliksik ang
pangangalap at pagbabasa ng mg katunayan
at datos.
Dalawang Paraan ng Pagkalap ng Datos
 1. Kuwantitatibong Disenyo - pamamaraang
sarbey na ginagamitan ng talatanungan at
eksperimento na may pretest at post test.
 2. Kuwalitatibong DIsenyo - pamamaraan na

nagbibigay puwang sa relatibong


pagsasabay-sabay ng pangongolekta,
pagbabasa at pagsusuri ng impormasyon.
Tambalan ng Pangangalap ng Datos at Pagbabasa ng impormasyon.

 - Maraming disenyo ng pagsasaliksik (halimbawa.


sarbey, eksperimento, sosyometrikong analisis)
kung saan kailangang munang malikom ang datos
bago ang pagbabasa at pagsusuri nito.
 - Kailangan ang panimulang pagbabasa habang

nangangalap ng impormasyon kung hindi pa


natutukoy ang espesipikong sanggunian mula sa
isang uri ng batis na napili. 
Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

 - Ang ating kapwa tao ay mayamang batis ng


impormasyon dahil marami silang maaaring masabi
batay sa kanilang karanasan.
 - Importanteng ipaalam agad sa mga tagapagbatid
na sila ay napili para sa isang pananaliksik, hingin
ang kanilang permiso na lumahok, at isangguni sa
kanila ang takdang lugar araw, at oras ng harapan o
mediadong interaksyon para sa pangangalap ng
datos.
Mga Establisadong Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

1. Eksperimento - ito ay isang kuwantitatibong disenyo ng


pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent
variable na nagsisilbing interbensyon sa dependent variable.

2. Survey - ito ay ginagamit sa mga deskriptibo at


kuwantitatibong pag-aaral ng malaking populasyon para
sukatin ang kaalaman, persepsiyon, disposisyon,
nararamdaman, kilos, gawain, at katangian ng mga tao
(Baxter&Babbie, 2004). Ito ay ginagamitan ng talatanungan at
maaaring isagawa ng harapan o online.
3. Interbyu - ang interbyu o panayam ay isang
interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang
tagapagtanong at tagapakinig, at ng tagapagbatid
na siyang tagapagbahagi ng impormasyon
(Baxter&Babbie, 2004). Sa estrukturadong interbiyu,
gumagamit ang mananaliksik ng gabay na tanong,
na ang pagkakasunod-sunod ay mahalaga upang
matiyak ang konsistensi sa lahat ng tagapagbatid.
Tatlong Uri ng Interbiyu
 a. Estrukturadong Interbiyu - gumagamit ang mananaliksik ng

gabay na tanong, na ang pagkakasunod-sunod ay mahalaga


upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng tagapagbatid.
 b. Semi-estruturadong Interbiyu - mayroon ding gabay na

tanong ang mananaliksik, subalit pwedeng baguhin ang


pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbiyu at maaari
ring dagdagan kung may follow-up na tanong.
 c. Di-estrukturadong interbyu - hindi kahingian ng gabay na

tanong upang mas maging natural ang daloy ng usapan.


4. Focus Group Discussion (FGD) - isang semi-estrukturadong talakayan
na binubuo ng tagapagpadaloy, na kadalasa'y ginagampanan ng
mananaliksik, at anim hanggang sampung kalahok.
5. Pakikisangkot habang pakapa-kapa - eksplorasyon hinggil sa isang
paksa sa konteksto ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad
gamit ang mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng
"pagmamasid, pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at
pakikisangkot" (Torres, 1982, p.171)
6. Pagtatanong-tanong - maraming mananaliksik ang gumagamit nito.
7. PakikipagKuwentuhan - ito ay isang di- estrukturado at impormal na
usapan ng mananaliksik. Walang mahigpit na kalakaran kundi ang
pagiging malaya ng mga kalahok na magpahayag ng anumang opinyon o
karanasan.
8. Pagdalaw-dalaw - "pagpunta-punta at pakikipag-usap" ng
mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makilala.
9. Pakikipanuluyan - ito ay isa sa pinakamabisang
pamamaraan upang mapaunlad ang pakikipagkapwa ng isang
tao (San Juan&Soriaga, 1958, p.433)
10. Pagbabahay-bahay- ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagsasagawa ng survey, pero itinuturing ding etnograpikong
pamamaraan kung saan inaasahang makakakuha ng hitik,
kompleks, at malalim na impormasyon mula sa maraming
tagapagbatid.
11. Pagmamasid - ito ay pag-oobserba gamit ang mata,
taynga, ilong, at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran.
Apat na Uri ng Tagapagmasid ayon kay Gold (1958)

a. complete observer (ganap na tagamasid)


b. complete participant (ganap na kalahok)
c. observer as participant (tagamasid bilang
kalahok)
d. partcipant as observer (kalahok bilang
tagapagmasid)
C. Pagbubuod at Paguugnay-ugnay ng
Impormasyon

Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli


ng anumang teksto o babasahin. Sa pagbubuod ay
kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan
ng teksto o babasahin. Sa paraan ng pagbabahagi,
kinakailangan ang pagpapaikli, upang ang mga
pangunahing ideya at pagkaka-ugnay-ugnay ng
mga ito ay maipahayag ng malinaw at maayos.
 Ang paguugnay ng impormasyon ay
ginagawa upang mas maintindihan ang
tekstong nais ipahayag. Dito maaari tayong
maglagay ng sariling nating pananaww at
opinyon. Maaari magsadula dito para sa mas
malawakang maintindihan at maunawaan ang
impormasyon at amga kaalaman na nakalap.
Kahalagahan ng Pagbubuod at Pag-uugnay

~ Makatutulong ito sa pagpapalinaw ng lohika at


kronolohiya ng mga ideya lalo na sa mga hindi
organisado o komplikadong paraan ng pagsulat
ng teksto.
~ Upang mas mapadali ang pag-unawa ng isang
mababasa sa isang kwento o iba pang mga akda.
~ Upang malaman kung naunawaan o naging
mapanuri ba ang isang nagbasa ng akda.
Katangian ng Pagbubuod at Pag-uunay

~ Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o


punto ng kaugnay na paksa
~ Hindi inulit ang mga salita ng may akda,
bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita.
~ Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang
buod.
Hakbang sa Pagbubuod at Pag-uugnay

1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang


teksto.
2. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang
pinakapunto o tesis
4. Sulatin ang buod. Tiyaking ang teksto ay organisado.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makakatulong ang paggamit ng mga salitang nagbibigay-
transisyon.
7. Huwag magsingit ng mga opinion.
D. Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa mga
Impormasyon
• Ang pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos
mangalap at magbasa ng mga kaugnayan at
datos para sa binubuong pahayag ng
kaalaman. Sa pagsusuri ng mga nakalap na
datos, hinahanapan ng mananaliksik ng
kaugnayan sa isa’t isa ang mga datos at
bumubuo siya ng buod hinggil dito.
 Sa pagbubuod ng teksto, pinapalitaw ang
mga pangunahing puntong makukuha sa
mga pinagugnay ugnay at tahi-tahing
impormasyon. Subalit hindi dapat umasa lang
sa mga ito ang mananaliksik dahil ang
mahahalagang piraso at ang konteksto ng
impormasyon ay mababasa sa detalye ng
nilalaman ng isang materyal.
Gabay sa pagsusuri/pagbubuod ng impormasyon

1. Paggawa ng buod sa pangkalahatan


2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang
angkop na elemento at estruktura ng buod
3. Iwasan ang mapanlahat ng pahayag kung
kakaunti lang ang bilang ng kalahok o
tinatanong.
Pagbuo ng Pahayag ng kaalaman
 Ang pagbuo ng pahayag ng kaalaman ay batay
sa mga pangunahing temang natukoy mula sa
mga pinag-ugnay-ugnay at binuod na
impormasyon na nanggagaling sa iba’t ibang
batis. Ang mga tema ay dapat sasagot sa mga
layon ng pananaliksik; isasaayos ayon sa mga
layong ito at palalawigin ng mga paliwanag,
katuwiran at exemplar na hinalaw sa datos
 Exemplar – ay tipikal o malinaw na ehemplo
na nagpapatunay sa kategorya ng
impormasyon o tema ng kaalamang napalitaw
sa pagsusuri
 Pumili ng mga angkop na salita na sumasalmin sa mga
katunayan at datos ng ginawang pananaliksik, naiintindihan ng
mga kalahok o audience ang sitwasyong pangkomunikasyon, at
makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino.
 Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon
 Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag
upang hindi magdulot ng kalituhan.
 Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok
o audience.
 Gumamit ng isang istilong pansanggunian, lalo na kung
kahingian. (hal. sa journal article)
 MLA (Modern Language Association)
 APA (American Psychologigal Association)
 CMS (Chicago Manual of Style)
 Pinaka importante sa lahat ng konsiderasyon
sa pagslat ang mga katunayan at datos na
magpapatibay. Ang kapani paniwala ay
nakasalig sa mga katunayan. (Almario, 2016)
Sintesis
Ang sintesis o buod ay ang pinaikling impormasyon sa
isang kwento, pangyayari o impormasyong mahaba at
hindi madaling maintindihan. Hindi ito panibagong
bersyon ng kwento, kundi ito ay pinaikli ngunit taglay
parin nito ang pinakamahalagang impormasyon sa isang
akda. Ikinakapit dito ang salitang “sumaryo” sa layuning
panatilihin ang mga mahahalagang impormasyon ng
pangyayari o katotohanan na hindi nangangailangan na
maraming paliwanang o pagpapahayag.
 Ang SINTESIS O BUOD ay…
 1. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
 2. Ilahad sa pamaraang nyural o walang kinikilingan.
 3. Pinaiksing bersyon at gamit ang sariling
pananalita ng gumawa.
 4. Tala ng indibidwal, sa sarili niyang pananalita,
ukol sa narinig o nabasang artikulo, balita aklat,
panayam, isyu, usap-usapan o iba pa.
Mga katangian ng Sintesis o Buod
1. May obhetibong balangkas ng orihinal na
teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o
impormasyong wala sa orihinal na teksto.
4. Gumamit ng mga susing salita.
5. Gumamit ng sariling salita.
MARAMING SALAMAT!!

You might also like