You are on page 1of 16

PAHINA: 1

I. Pamagat

"Pagsusuri sa Kontribusyon ng mga Pangkasaysayang Pelikula sa Pagpapa-unlad

ng Wikang Pilipino batay sa paningin ng mga SHS ng Pamantasan ng De La Salle

Araneta."

II. Panimula

Ang Filipino ay isa sa mga asignatura na tinuturo sa paaralan. Ito ay kasama sa

korikulum mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang mga iba’t-ibang asignatura na

tinuturo sa kolehiyo ay may mga katapat na deskripsyon na naglalahad kung ano

ang puwedeng matutunan ng isang estudyante. May mga asignatura na Filipino na

ang deskripsyon ay ang pag-aaral at pagsusuri ng pelikulang Pilipino ayon sa

kasaysayan, anyo, pag-unlad, at pagtanaw dito sa kontekstong panlipunan, pang-

kultura, batnayin, at estetiko. Dagdag pa nito ang isa sa mga layunin ng kurso na ito

ay matutunan ang kasaysayan at pag-unlad ng pelikulang Pilipino, maunawaan at

mapahalagahan ang nilalaman ng pelikulang Pilipino, matuklasan at masuri ang

mga katangian ng pelikulang Pilipino upang mapahalagahan ang kultura, gawi, at

kaugaling Pilipino na nilalaman noon at makalilinang ng kakayahan sa pagsasasalita

at pagsulat sa pamamagitan ng pagsusuri at kritisismo na gumagamit ng mga

tanging bokabularyo sa larangan ng pelikula. Ito ay ayon kay Ruth Elynia S.

Mabanglo.
PAHINA: 2
Maraming iba’t-ibang paraan para mapaunlad ang ating sariling wika at isa na dito

ang paggawa ng mga makasaysayang pelikulang Pilipino na gamit ang wikang

Filipino bilang “medium of language” sa kabuuan ng pelikula. At ito ay mapapagtibay

sa nasabing kurso tungkol sa pelikulang Pilipino na kung saan binibigyang halaga

ang kultura, gawi, at kaugaling Pilipino na sumasaklaw sa paggamit ng ating wika

dagdag pa nito binibigyang pansin ang kakayahan sa pagsasalita at pagsulat gamit

ang wikang Filipino sa pagbuo ng mga makasaysayang pelikulang Pilipino.

III. Kaugnay na Panitikan

Ayon kay Mitzy Lorraine F. De Villa, (2016), Sa pag-gamit ng telebisyon at

pelikula ay nakakapag-bigay ito ng impormasyong pormal at di-pormal na mayroong

malaking epekto sa ating mga manonood. Hindi kataka-takang nagagawa nitong

maipluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang wika. Nagdudulot

ito ng madaling pagkakatuto at madaling pagbigkas ng mga salita lalo na sa mga

kabataan ngayon. Ngunit sa kabilang banda nito ay nagdudulot pa rin ito ng masama o

mga salitang hindi na-aangkop sa pagkakaroon ng magandang lipunan, tulad ng

pagpapaikli ng mga salita at, ang mga binabanggit o naririnig sa telebisyon na mga

salitang hindi na masyadong makahulugan. Ngunit nakakatulong pa rin ang telebisyon

sa pagunlad ng wika, na mababakas sa pang-araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa

ating kapwa. Sapagkat sa pagtangkilik sa telebisyon ay syang pag-unlad rin ng wikang

Filipino. Isang halimbawa, ay ang iba kulturang napapanood sa telebisyon, na sa tulong

nito ay madaling maintindihan dahil sa mga larawan at sa pagbigkas nito.


PAHINA: 3
Nakakapagbigay rin ito ng mga bagong salita na maaari nating gamitin sa pang-araw-

araw. Ngunit minsan ay may hindi ring magandang kinakalabasan ang panonood ng

telebisyon patungkol sa pag-unlad ng wikang Filipino, katulad ng mga mga salita,

parirala o kataga na pinasikat ng mga personalidad sa telebisyon na naging bahagi na

ng ating berbal na komunikasyon. At maging dahilan ng kakulangan ng kaalaman natin

sa wikang Filipino o sa hindi tamang pag-gamit nito.

Ayon sa sitwasyong pangwika sa pelikula, Ingles ang kadalasang pamagat ng mga

pelikulang Pilipino dahil mas babagay ito para maka-akit ng manonood at maraming

Pilipino ang magtatangka na panoorin lalo ang pelikula. Mas kaaya-aya tingnan ang

pamagat kung Ingles ang gagamitin sa gagawin pelikula. Minsan ay naka-depende rin

sa tema ng kanta ng magkatambal na gumaganap sa pelikula kaya Ingles ang

ginagamit. Ngunit filipino ang pangunahing wika ang ginagamit para maintindihan ng

mga manonood na Pilipino ang pinapahiwatig ng mga gumaganap sa pelikula. Marami

ang manonood ng pelikula dahil sa alam ng mga Pilipino ang wika na gamit. Hindi nila

ito masasabing nakakatamad panoorin at mas lalo nila itong mapapatnubayan. Mas

nasusubaybayan ng karamihan ang mga pelikula na gamit ang wikang Filipino dahil

puwedeng mahirapan silang masundan ang pelikula kung ang wika na gamit ay Ingles.

Mabilis na papasok sa kanilang isipan ang ipinaparating ng mga aktor o aktres kung

wikang Filipino ang gamit sa pelikula. Dahil wikang Filipino ang karaniwang ginagamit

dito, ito ay isang magandang akbang upang yumaman at umunlad ang ating wika. Ang

pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa

kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki. Lalong malaki ang kita

kung ang programa o palabas na kanilang ginawa ay nakaka-engganyo at nagbibigay-


PAHINA: 4
kasiyahan sa mga mata ng mga Pilipino. Kaya nasasabi rin ng mga manonood na sulit

ang kanilang bayad dahil masaya at madami silang natutunan sa pelikula na kanilang

napagmasdan. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas maraming

mamamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

Mapapa-yaman at mapapa-unlad ang paggamit ng wikang Filipino dahil sa paggawa ng

ganitong pelikula. Dahil dito, mas mabubuhay ang wika na ginagamit natin at laging

tatatak ito sa puso at isipan natin.

Ayon kay Felicisimo Galletes, Jr. (2019), Ang ating wika at kultura ay magkasalikop

o magkakakambal. Hindi magtatagal ang wika kung wala ang kultura at hindi rin

magtatagal ang kultura kung wala ang wika. Sa ganoon, malalaman din natin ang ating

wika kung ating malalaman ang ating kultura. Sa pangkasaysayang pelikula ay makikita

natin ang ating tunay na kultura. Kung ano ba ang tradisyon at mga gawain noong mga

nakalipas na dekada at siglo. Kapag ito ay natutunan ng mga mamamayang Pilipino,

matututunan nila ang ating kultura pati narin ang ating wika. Sa ganoon ay

maiintindihan at maisasapuso ng bawat Pilipino ang ating wika pati na rin ang ating

kultura.

IV. Batayang Teoretikal

 Teorya ng Pagkatuto sa Pagmamasid (Observational Learning)


PAHINA: 5
- Ang teorya na ito ay nangangahulugang ang isang tao ay natututo sa

pamamagitan ng kaniyang pagmamasid o pag-oobeserba sa mga tao o sa bagay. May

tatlong hakbang ito. Ito ay ang pag-obserba, pagpapanatili ng impormasyon, at

paggamit o pagsasagawa ng natutunang impormasyon. May apat na salik ang nakaka-

apekto rito at yun ang pagbibigay ng pansin, memorya, pagsasagawa, at pagganyak.

Kung wala ang apat na ito ay hindi magiging matagumpay ang pagkatuto sa

pamamagitan ng pag-oobserba.

Ang teorya na ito ay sumusuporta sa pananaliksik na ito sa pamamagitan ng

pagpapatunay na ang panonood o pag-oobserba ay nakakatulong upang matuto ang

mga tao. Pelikula man o kahit anumang bagay ay may matututunan ang tao kung ito ay

kaniyang oobserbahan. Halimbawa ay nanonood ang isang bata ng isang

pangkasaysayang pelikula. Ang kaniyang mga narinig na mga malalim na salita ay

maaari niyang gamitin. Isa pa ay ang mga tradisyong kaniyang nakita ay maaari niyang

gawin hanggang sa kaniyang pagtanda.

 Teorya ng Pagkatuto sa Lipunan (Social Learning) ni Albert Bandura

- Ayon kay Albert Bandura (1977), ang teorya na ito ay nagsasabing ang mga tao

ay natututo dahil sa kanilang nakikita o nakakasalamuha sa kanilang buhay. Maaaring

mula sa isang tao, pangyayari, bagay o maging sa mga palabas ay natututo ang isang

tao. Ang kultura ng isang bansa ay may malaking papel sa teorya na ito dahil kung ano
PAHINA: 6
ang madalas na ginagawa ng isang bansa ay madali itong matutunan at gawin ng isang

tao.

Ang teorya na ito ay tumutulong sa pananaliksik na ito dahil pinapatunayan nito

na ang mga nakapaligid sa isang tao ay tumutulong upang matuto ang isang tao. Sa

ating bansa, ang industriya ng pelikula ay isa sa malaking industriya sa ating bansa.

Halos lahat ng mga Pilipino ay nakakapanood ng mga pelikula. Maaari nating sabihin

na ang mga peliula ay kasama nang ating kultura. At dahil kasama na sa buhay nating

mga Pilipino ang mga pelikula ay natututo tayo mula rito. Mga kaalaman man o mga

aral tungkol sa ating buhay.

 Malawak na Pagtingin (Extensive Viewing) ni Stuart Webb

-Ayon kay Stuart Webb (2015), ang telebisyon at iba pang panooran ay may

malakinhg kontribusyon sa pagtuturo sa mga tao. Lalong-lalo na sa pagtuturo ng wika.

Nasabi ni Ginoong Webb sa kaniyang pag-aaral na ang telebisyon ay isang midyum ng

pag-aaral na hindi naabala o sa madaling salita ay tuloy-tuloy. Ayon sa kaniyang

pananaliksik, maaaring mahasa ng estudyante ang kaniyang kaalaman sa bokubularyo

at pag-unawa sa pakikinig. Ang isang karaniwang tao ay natututo ng dalawang libong

salita ngunit ang kailangan ng tao sa kaniyang buhay ay walong libo hanggang siyam

na libong salita upang maka-unawa ng mga pahayagan at nobela. Ang pag-aaral ni


PAHINA: 7
Stuart Webb ay maaaring makatulong upang lumawak pa ang kanilang kaalaman sa

sarili nilang wika.

Ang pag-aaral na ito ay may matibay na koneksyon sa pananaliksik na ito dahil

pinapatunayan ng pag-aaral na ito na ang mga palabas at pelikula ay lubos na

nakatutulong sa paglawak ng ating kaalaman sa ating wika. Kapag lumawak na ang

ating kaalaman sa ating wika ay lubos nating itong magagamit at mapapa-unlad sa

pamamagitan ng pag-imbento ng mga bagong salita at pagamit ng mga lumang salita.

V. Balangkas Konseptuwal

INPUT PROCESS OUTPUT


Paggamit ng wikang
Filipino para sa
Makasaysayang paggawa ng
Pelikula Filipino Makasaysayang
Mga asignaturang Pelikulang Filipino.
Pag – unlad ng
tungkol sa Pagbibigay wikang Filipino
Makasaysayang kahalagahan sa kultura,
Pelikulang Filipino sining, gawa, at
tradisyon ng mga
Filipino sa
pamamagitan ng
paggamit ng Wikang
Filipino bilang midyum
ng lenggwahe.

VI. Paglalahad ng Suliranin


PAHINA: 8
 Ano-ano ang maiaambag ng pangkasaysayang pelikula sa pagpapa-unlad ng

ating wika?

A. Paggamit ng sariling wika

B. Pananatiling buhay ng wika

C. Pagkilala sa mga malalalim na salita.

 Ano-ano ang dahilan na mabisang instrumento ang pangkasaysayang pelikula

sa pag-unlad ng wikang Filipino batay sa?

A.) Wika

B.) Impluwensya

C.) Aral

 Ano-anong elemento ng pangkasaysayang pelikula ang makatutulong sa pag-

unlad ng wikang Filipino?

A.) Diyalogo

B.) Mensahe

C.) Ponograma

 Ano-ano ang maaaring gawin upang mas makatulong ang pangkasaysayang

pelikula sa ating wika?

A.) Seminar

B.) Pagtataguyod

C.) Paggawa ng pagdiriwang


PAHINA: 9

VII. Saklaw ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang epekto ng panonood ng makasaysayang

pelikula sa kabataang lalaki at babae ng mga magaaral ng De La Salle Araneta

University. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon at

konkretong datos ukol sa kakayahan ng mga makasaysayang pelikula sa paglawak

ng wika sa kaisipan ng mga magaaral. Saklaw din ang mga iba’t ibang kaunlaran

hatid sa kabataan nang panonood ng makasaysayang pelikula at kung paano ito

nakakapaapekto sa kanilang kaalaman, sa ating kultura at wika, pagsasalita at

pagiisip sa iba’t ibang aspekto ng lipunan. Hinuhubog sa mga Pilipino ang mga

makasaysayang pelikula para mas malaman pa kung gaano ka-importante sa mga

tao sa panahon na iyon ang wika natin. Sakop din dito ang pagpapayaman ng wika

at kultura natin upang mas tangkilikin pa ng mamamayang Pilipino. Kabilang na rin

sa mga makasaysayang pelikula ang pagpapalawak ng kaalaman sa tradisyon,

paniniwala, at pamumuhay ng mga Pilipino dito sa ating bansa dahil kasama na rin

ang mga ito sa pagpapa-yabong ng wikang Filipino. Ito ay kung paano rin ma-

ilalagay ng bawat Pilipino lamang ang makasaysayang pelikula. Ang tanging sakop

lang sa pag-aaral na ito ay ang panonood ng makasaysayang pelikula ang

nagsisilbing pag-alala sa kahalagahan ng kultura, wika, at pag-usbong ng ating

bansang Pilipinas.

VIII. Depinisyon ng mga salita


PAHINA: 10
Pangkasaysayang Pelikula - Isa itong piksyon na humihiram ng mga

pangyayari mula sa kasaysayan o ng mga katangian ng mga taong may

mahalagang papel sa ating kasaysayan.

Medium of Language – ito ang lenggwahe na ginagamitr sa isang bagay.

Ponograma – ito ang tugtog o musika na ginagamit sa isang pelikula.

Pista ng Pelikula – isang maayos, pinalawak na pagtatanghal ng mga pelikula

sa isa o higit pang mga sinehan o lugar ng pag-screen, karaniwang sa isang

lungsod o rehiyon.

Pagganyak - ang dahilan para sa mga pagkilos, pagpayag at layunin ng mga

tao o sa wikang Ingles ay “motivation”.

Batnayin - ng o nauukol sa pilosopiya o sa wikang Ingles ay “philosophical”

IX. Patunguhan ng Pananaliksik

Dahil ang pananaliksik na ito ay naglalayong mapa-unlad ang ating sariling wika sa

pamamagitan ng mga pangkasaysayang pelikula. Ang mga maaaring irekomendang

aksyon upang mapa-unlad ang ating wika ayon sa mga pelikula ay; pagbibigay ng

mga seminar sa mga tao sa industriya ng pelikula, pagtaguyod sa mga


PAHINA: 11
pangkasaysayang pelikula, at paggawa ng pistang pelikula o film festival na para

lamang sa mga pangkasaysayang pelikula.

• Pagbibigay ng mga seminar sa mga tao sa industriya ng pelikula

Ang seminar ay isang magandang paraan upang mahubog pa nang lubusan ang

mga tao sa industriya ng pelikula tulad ng mga direktor, panugot, at mga aktor. Sa

pamamagitan ng seminar ay mahahasa ang kanilang kakayahan sa paggawa ng isang

pelikula sa gayon mas magiging nakakainteres ang isang pelikula at makakahikayat ng

maraming madla. Mapapayaman din ang elemento ng maksaysayang pelikula tulad ng

diyalogo, mensahe, at ponograma kung bihasa at maraming alam ang mga taong nasa

likod ng isang pelikula.

• Pagtaguyod sa mga pangkasaysayang pelikula

Ang patataguyod ng isang bagay ay may malaking tulong sa pagpapasikat o

pagpapakilala sa sambayanang Pilipino. Kapag itinaguyod ang mga pangkasaysayang

pelikula ay mabilis kakalat ito sa bawat mamamayan ng ating bansa at maaari pa itong

umabot hanggang sa mga kalapit nating mga bansa. Sa gayon ay hindi lang tayong

mga Pilipino ang nagkakaroon ng interes sa ating wika pati na rin ang mga banyaga.

Kung marami ang nagkakaroon ng interes sa ating wika ay mas yayaman ito at

mapapatagal.

 Paggawa ng pista ng pelikula o film festival para lamang sa mga

pangkasaysayang pelikula
PAHINA: 12

Ang pagdiriwang ng mga pelikula o mga film festival ay isang malaking bagay para

sa ating mga Pilipino lalo na kapag sasapit na ang panahon ng Kapaskuhan ngunit

kaunti lamang ang mga pangkasaysayang pelikula sa mga pista ng pelikula. Kaya ang

rekomendasyon na ito ay naglalayong magpatupad sila ng isang pista ng pelikula na

para lamang sa mga pangkasaysayang pelikula upang mas sumikat ang mga

pangkasaysayang pelikula sa ating bansa at mas makilala ng nakararami ang ating

kasaysayan. Mas maganda kung ang pista ng pelikula ay gagawin tuwing buwan ng

Agosto upang sumabay sa tema ng Buwan ng Wika.

X. Sariling Repleksiyon

 Jacinto

Ang aking nalaman sa aming ginawang pananaliksik ay maraming bagay ay

puwedeng gawin upang mapayabong ang ating wika. Hindi lamanng sa pagtuturo kung

ano ba ang ating wika. Maaari itong mapa-unlad sa pamamagitan ng kanta, libro, o

pelikula. Halos lahat nang nasa ating paligid ay puwedeng gamiting instrumento bilang

payamanin o pa-unlarin ang ating wika. Kaya hindi dahilan na ang ating wika ay

mahirap o hindi superyor dahil kaya natin itong pagyamanin upang ito lang ang ating

tangkilikin. Kailangan nga lang ito ng mahabang proseso bago yumaman ngunit ang

premyong ating makukuha ay walang katumbas. Ang mga pangkasaysayang pelikula

ay isa sa pinakamabilis na daan upang mapayaman natin ang ating wika. Sa

kadahilanang, maiintindihan at matututunan natin ang ating kasaysayan at kung ano ba

ang totoong ibig sabihin ng ating wika para sa ating mga Pilipino lalong-lalo na para sa
PAHINA: 13
ating mga bayani ng ating bansa. Kapag ating lubos na naunawaan ang ating nakalipas

ay tatatak sa ating mga puso at isipan na dapat nating pangalagaan ang ating wika at

huwag pabayaan lamang. Aking napagtanto habang ginagawa ang pananaliksik na ito

na hindi mga Kano, Espanyol, o Koreano ang magpoprotekta at magpapayaman ng

ating wika kung hindi tayong mga Pilipino ang gagawa noon. Kaya dapat lang na unahin

muna natin ang sariling atin bago pa ang mga dayuhan.

Akin ding napagtanto na dahil sa mga pananaliksik na ito ay madaling

makahanap ng solusyon o makahanap ng problema na ating kakaharapin sa hinaharap.

Kung wala ang pananaliksik sa atng buhay ay malamang maraming bagay ang hindi

maiimbento o kaya naman ay hindi uunlad ang isang bansa. Salamat sa pananaliksik,

guminhawa ang ating buhay at mas gumanda ang ating pamumuhay ngayon. Hindi biro

ang paggawa ng isang pananaliksik ngunit ang matatanggap mo namang resulta ay

hindi matutumbasan. Kaya saludo ako sa mga mananaliksik natin ngayong panahon

lalo na sa mga nagsasaliksik ukol sa maaaring gamot sa COVID-19. Dahil mahirap na

nga ang buhay ngayon ay mas humirap pa ang buhay nila dahil sa knailang mga

isinasaliksik. Kaya iniisip ko na kung lahat kaya ng tao sa ating bansa ay sanay

magsaliksik, siguro ay maganda na ang estado ng ating bansa at ating pamumuhay.

Kaysa sila ay magreklamo o magdebate sa Internet ay inubos nila ang kanilang oras sa

pananaliksik ay siguradong nabigyan na nila ng solusyon ang kanilang mga hinanaing

sa buhay. Dahil sa pananaliksik na ito ay marami akong bagong natuklasan. Mas


PAHINA: 14
nabuksan ang aking isipan na marami palang posibleng gawin kung atin itong

sasaliksikin.

• De Dote

Sa paggawa ng pananaliksik tungkol sa aming paksang napili mediyo nahirapan ako

sa paggawa ng mga tanong, dahil dun sa paggawa ng mga tanong patungkol sa paksa

namin pero nung binigyan na kami ng lider namin na gagawin ay inunti-unti ko,

sinimulan ko sa panimula na nagresearch ako at gumawa ng sariling panimula at doon

sa paggawa ng paglalahad ng suliranin medjo nahirapan din ako ngunit kinaya naman.

Marami akong natutunan sa paggawa ng pananaliksik namin patungkol sa pelikulang

pangkasaysayan, sa pagbuo ng panimula, sa paglalahad ng suliranin at ipa ba.

• Mendoza

Ang aking napagtanto sa pagaaral na ito ay kung ano ano ang malalaking epekto ng

mga makasaysayang pelikula sa kaunlaran ng wika natin. Sa teknolohiya at

modernisasyon na nararanasan ng bawat kabataang magaaral madali nilang

mahahanap ang mga pelikulang ito upang magamit sa paglawak ng kanilang kaalaman.

Marami ng kabataan ay pwede ng makapag-access ngunit paunti ng paunti na ang

nagiging interesado sa kasaysayan ng ating bansa, wika at kultura. Sa paraan ng

pagbibigay pokus sa pagsasagawa ng mga pelikulang makasaysayan na magbibigay

interest sa mga kabataang magaaral upang palawaking ang kanilang kaalaman sa

wika. Sa pamamagitan ng pagbibigay pokus sa gantong uri ng pelikula maaring ito ay


PAHINA: 15
makatulong ito rin ay pwedeng maging sanhi ng bagiging interesado ng makabagong

henerasyon o ang henerasyon ngayon.

XI. Sanggunian

Cherry, K. (September 6, 2019). Verywell Mind. Ipinanumbalik mula sa/kay

Verywell Mind: https://www.verywellmind.com/what-is-observational-learning-

2795402

Felicisimo Galletes, J. (August 7, 2019). YouTube. Ipinanumbalik mula sa/kay

YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=dj6R04h3lq4

Katyaarianna. (October 2017). Quizlet. Ipinanumbalik mula sa/kay

Quizlet.com: https://quizlet.com/230162386/pelikulang-historikal-flash-cards/

Mabanglo, R. E. (2005). Hawaii Edu. Ipinanumbalik mula sa/kay Hawaii Edu:

https://www2.hawaii.edu/~mabanglo/FIL330_S2005_SYLLABUS.htm

Villa, M. d. (November 2016). Word Press. Ipinanumbalik mula sa/kay

Group2a1107 Word Press:

https://group2a1107.wordpress.com/2016/11/16/salitang-pang-telebisyoy-

nagdudulot-rin-ng-pag-unlad/
PAHINA: 16
Wikipedia. (August 18, 2020). Wikipedia Foundation Inc. Ipinanumbalik mula

sa/kay Wikipedia: https://en.wikipedia.org/wiki/Metro_Manila_Film_Festival

David L, "Social Learning Theory (Bandura)," in Learning Theories,

September 14, 2020, https://www.learning-theories.com/social-learning-

theory-bandura.html.

Webb, S. (2015). Extensive viewing: language learning through watching

television. In D. Nunan & J.C. Richards (Eds.) Language Learning Beyond the

Classroom (pp. 159-168). New York: Routledge

You might also like