You are on page 1of 2

ESP

TUTUKLASIN KO

1. PROBLEMA SA MARUMING HANGIN (AIR POLLUTION)


- Isa sa pinakaunang bagay na dapat gawin para mapigilan ang air pollution ay ang
paglilimita ng paggamit ng mga sasakyan. Kung malapit lang naman ang pupuntahan,
maaari namang maglakad nalang o di kaya ay gumamit nalang ng bisikleta. Ang isa pa ay
itigil ang pagsusunog ng mga basura, lalo na ng mga plastic. Huwag din magbisyo, gaya na
lamang ng paninigarilyo. At higit sa lahat, magtanim pa ng maraming mga puno, upang
masala nito ang maruming hangin sa ating paligid.

2. PROBLEMA SA PAGTATAPON NG BASURA (WASTE DISPOSAL)


- Huwag magtapon ng basura kung saan-saan, bagkus ay mag-segregate dapat tayo,
paghiwalayin ang nabubulok sa hindi-nabubulok, at sa mga pede pang I-recycle na mga
basura. Isa pang paraan para malutas ang problema sa pagtatapon ng basura ay gumawa
ng compost pit at doon ibaon ang nabubulok na basura natin o di kaya ay gawin itong
organic fertilizer para sa mga halaman. Sa ganitong paraan mababawasan na natin ang
ating kalat at mapapataba pa natin at mapapalusog ang lupa at mga halaman.

3. PAGRERESAYKEL (RECYCLING)
- Dapat ay I-check nating mabuti ang mga basura na nagagawa natin araw-araw bago natin
ito itapon, tignan kung may mga bagay ba na maaari pang mga mapakinabangan na
bagay. Ihiwalay natin ang mga maari pang gamitin sa mga wala nang pakinabang na mga
basura. Once na napaghiwalay na natin sila ay maaari na tayong magsimula sa
pagrerecycle. Sa pagre-recycle, dapat ikaw may malawak at malikhaing isip. Isa sa mga
bagay na pwede nating irecycle ay ang mga plastic bottles at plastic gallons; maaring
natin itong gawing mga paso, pangdekorasyon sa bahay, at marami pang iba. Ang mga
lata naman, dyaryo, karton, mga hindi na ginagamit na damit, ay maari ring gawing mga
pandisenyo sa tahanan at sa kwarto; pwede rin silang gamiting mga alternative tools para
sa gawaing ginagawa natin sa pang-araw-araw.

4. PAGTITIPID SA ENERHIYA (ENERGY CONSERVATION)


- Patayin ang mga appliances at gripo pagkatapos itong gamitin; matutong magtipid ng
tubig. Gumamit rin (kung maaari) ng mga solar panels para hindi masyadong magastos sa
kuryente. Huwag ding masyadong gamitin ang sasakyan kung malapit lang naman ang
pupuntahan; dapat ay magtipid tayo ng gasolina. At panghuli, huwag nating gamitin ang
mga appliances at ating mga ilaw sa bahay kung hindi naman kailangan.

5. WASTO AT MATALINONG PAMIMILI (SMART SHOPPING)


- Iwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan; bilhin lang ang mga kailangang bilhin. Sa
pagbili rin ng mga kagamitan o pagkain, tignan kung affordable ba ang presyo nito at
siguraduhin din na maganda ang quality nito at hindi agad-agad nasisira. Kung maganda
ang produkto at mura ito, iyon na ang bilhin mo; matutong magtipid. At panghuli, huwag
magpapalinlang sa mga ads na napapanood sa internet o di kaya ay sa mga promo, dahil
minsan ay scam ang mga ito.

You might also like