You are on page 1of 2

San Pedro, Chesky Maze M.

12STEM2202

Gawain 3: Tekstong Persweysiv

Lubos na nakakapinsala ang mga plastik na produkto sa ating kalikasan at maging sa ating
kalusugan, kung kaya’t marami na ang gumagawa ng mas mabisang alternatibo. Alam mo ba na
sa loob ng isang araw, mahigit 100 milyon na plastik ang kinokonsumo ng mga tao? Dahil sa
patuloy na paglala ng polusyon sa bansa, ang pagpalit o paglipat sa paggamit ng mga eco-friendly
na produkto ay ngayo’y mas tinatangkilik na. Nang dahil sa patuloy na paglago at maraming
benepisyo ng mga produktong eco-friendly, hindi na nakapagtataka kung isinasaisip ng mga tao
kung dapat na bang maging pangunahing produktong bilihin na ba ito ng mga mamimili.

Bilang isang mamamayan na may malasakit sa kanyang kapaligiran, at iyong nais na


tumangkilik sa isang eco-friendly na produkto, ang aking mabibigay na suhestiyon ay ang
“Reusable Bamboo Utensil”. Bakit nga ba dapat na tangkilikin ang Reusable Bamboo Utensil? Sa
kadahilanang, ang mga kubyertos na gawa sa plastik ay hindi lamang masama para sa ating
kalikasan, maging sa ating kalusugan ay hindi ito nakabubuti. Ang mga plastik na kubyertos ay
maituturing bilang hindi earth-friendly na produkto. Kung kaya’t maituturing ang Reusable
Bamboo Utensil bilang isang magandang alternatibo sa mga kubyertos na gawa sa plastik. Maliban
sa pagiging alternatibo, higit na mas mura ang eco-friendly na produktong ito, kumpara sa mga
plastik na kubyertos. Isa pang benepisyong dala nitong produkto ay binabawasan nila ang mga
basurang maaaring makapinsala sa kapaligiran at mga hayop. Bilang isang mamimili na nabudol
at mayroong Reusable Bamboo Utensil, aking matitiyak na ang produktong ito ay magandang
alternatibo kung ang iyong nais ay makatulong sa ating kalikasan at magsimula nang maging eco-
friendly.
Reperensiya:

BloomyBliss. (2022). The Benefits of Buying Eco-Friendly Products. Bloomy Bliss.


https://www.bloomybliss.com/2022/07/the-benefits-of-buying-eco-friendly-products/

Ungerman, K. (2018). THE BENEFITS OF USING ECO-FRIENDLY PRODUCTS. Her


Campus. https://www.hercampus.com/school/du/benefits-using-eco-friendly-products

Kapares: Gunio, Eve Florieze E.


May ari ng papel: San Pedro, Chesky
Ang kanyang gawa ay napaka-epektibo para sa persweysiv. Mahusay ang kanyang gawa at tiyak
na makakahikayat. Mabuti rin na nag lagay siya ng mga source ng kanyang mga kinuwaan.

iskor: 20/20

You might also like