You are on page 1of 1

13-B

Althea Cathleen B. Hopio


10- Einstein

PAGBABAGO NG KLIMA DULOT NG PAGTAAS NG


GREENHOUSE GASES

Malaki ngayon ang hinaharap ng ating daigdig dahil sa pagbabago ng klima o climate
change. Sa paniniwala ko nagkakaroon tayo ng climate change dahil sa patuloy na
pagsusunog ng mga plastik, pagtatapon ng mga basura kung saan-saan. Inaakala ng
iba na tama lang ang ginagawa nilang pagsusunog ng mga plastik at pagtatapon ng
mga basura kung saan-saan. Dahil sa ginagawa ng ibang tao, tayo-tayo lang din ang
nakararanas ng matinding init na nagdudulot ng ating pagkakasakit.

Sa palagay ko kailangan na nating kumilos at pagsabihan ang mga taong patuloy


parin na gumagawa ng maling waste disposal at pagsusunog ng mga basura, iwasan na
nila ang kanilang mga ginagawa, at bagohin na nila ang kanilang maling ginagawa dahil
tayo lang din ang nakararanas at nahihirapan sa ginagawa ng ibang tao. Sang-ayon ako
sa anomang isasagawa ng barangay para sa pagbabago ng klima. Samantala kung
mabibigyan ako ng pagkakataong mamuno, isasagawa ko ang tree planting, proper
waste disposal at ipagbabawal ko ang pagsusunog ng mga plastic para maibsan ang
ating kinakaharap na problema at hihikayatin ko silang makipag kooperasyon at para
mapadali ang pagsugpo ng climate change na patuloy nating kinakaharap.

Sa pagsasgawa ng tree planting, proper waste disposal, at hindi pagsusunog ng mga


basura naniniwala akong masusugpo ang ating kinakaharap na problemang pagbabago
ng klima o climate change. Tayo ay magtulong-tulong para sa ating bansa o daigdig, at
para mismo sa ating mga mahal sa buhay at sa ating sarili.

You might also like