You are on page 1of 2

ESP SCRIPT

INTRO: JUST VOICE OVER


Kung hindi nagliliyab, ito’y nalulunod
Akala niyo bas a pelikula lang nangyayari ito? Sa ngayon, nalalahad na ito sa totoong buhay at hindi
na ito palabas. Kumpirmado na ng mga eksperto na CODE RED NA ANG NANGYAYARING
PAGBABAGO SA KLIMA SA ATING PLANETA.

STARTER:
BAKIT DAPAT TAYONG MABAHALA SA BAGONG CLIMATE CHANGE REPORT?

1ST SCENE WITH MY FACE:


Ayon sa ulat, tayong mga tao at ang mga ginagawa din natin ang dahilan ng patuloy na global
warming at climate change. Para maunawaan natin ito, aking tatalakayin ang araling ito.

2ND SCENE WITH BACKGROUND: INVERT CIRCLE


Ano ba ang Global Warming? Ang Global Warming o pag-init ng daigdig ay tumutukoy sa
nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo. Ayon
sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ito na ba
ang ganti ng Inang kalikasan o nang Poong Maykapal sa lahat ng ating kapabayaan sa kalikasan?

3RD SCENE WITH MY FACE:


Tanong ng lahat: Ano nga ba dulot nito sa ating paligid? Inimbitahan ko ang isa sa pinakasikat na
environmentalist sa ating bansa upang sa ilan nating katanungan na kanyang sasagutin. Christian
Polero

4TH SCENE WITH MYSELF (THE ZOOM, TYPE)


J: Ano nga ba ang dulot ng global warming sa ating paligid?
C: Malaki ang epekto ng Climate Change o Global Warming sa ating buhay at lalong-lalo na sa ating
paligid. Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng katamtamang pantay laot, dulot sa sakahan, paghupa ng
ozone layer, pagtindi at pagdalas ng mga matitinding klima (extreme weather events), at pagkalat ng
mga sakit mapa-matanda o mapa-bata.

J: Sa patuloy na pagkawasak ng ating planeta, Paano nga ba malalaban o mahihinto ang masamang
dulot ng Global Warming?

C: Kung may malasakit at pagmamahal ka sa iyong paligid, kapwa at maging sa iyong sarili tulungan
mong ihinto ang masamang dulot ng Global Warming. Kung papaano, narito ang ilang hakbang
upang makatulong sa pagresolba sa mga problemang dala ng Global Warming.

1. Bago ang lahat, dapat desidido ka na magbago o sa pagbabago. Tandaan, ang lahat ng pagbabago
ay dapat sinisimulan sa ating sarili.

2. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan lalo na yung mga basura na maliliit gaya ng mga resibo,
maari muna natin ito pansamatalang itago sa ating bag at itapon sa tamang tapunan. Base kasi sa
aking obserbasyon, karamihan sa atin ay tinatapon na lang ito kung saan-saan dahil akala nila ito’y di
makakaapekto sa bagamat ito’y napakaliit.

3. Sa halip na gumamit ng plastic, mas makakabuti na gumamit ng telang bag o anumang alternatibo
katulad ng bayong sa pamamalengke.

4. Magtipid ng kuryente at tubig. Patayin kung hindi ginagamit.

5. Maglakad na lang kung kaya't maari. Healthy lifestyle pa.

6. Maging Eco-friendly.

7. Mas makakabuti kung sasali ka sa mga eco-friendly organizations na makakatulong sa iyo upang
maging aware ka sa lahat ng bagay lalo na sa pangangalaga sa ating paligid

J: Maraming Salamat sa iyong pagdalo, Sir Christian Polero!

5th SCENE WITH MY BEST SHOT


Nakakatakot isipin ang kahihinatnan ng ating mga buhay at lalo na ang ating iisang tahanan, ang ating
planeta sa paunti-unting pagdudurusa at paghihirap na dadalhin o dala ng Climate Change o Global
Warming. Ating tandaan, kailangan nating magkaisa upang laban ang problemang ito. Tayong lahat
ang gagawa ng solusyon laban dito. Hindi pa huli ang lahat, meron pa tayong pag-asa. Hindi lang isyu
mo, isyu ko sa kalikasan, lahat tayo ay may magagawa.

Jerome Balcita, Vizcaya News.

Lahat tayo’y pantay-pantay anuman ang ating kakayahan, kahit anong responsibilidad, ito’y kaya
nating gampanan sapagkat ang kalakasan ay kailanman hindi nakikita sa kasarian,

You might also like