You are on page 1of 1

Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran

Halimbawa ng Sanaysay

Global Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng
pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking
naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi
lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging
dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang
pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi
ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging
sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer,
ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y
direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang
siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok
sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng
ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong
paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng
paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone
layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman
ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating
kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang
sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap.
Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana
tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.

You might also like