Professional Documents
Culture Documents
Maraming tao sa buong mundo ang nagsasabi ng "Global warming is a hoax", "Global
Warming is a fake", "Global warming is created by fake environmentalist", ito
siguro yung mga taong hindi nakararanas ng pagbabago ng klima sa kanilang lugar o
mga taong may sariling interes para ang mga tao ay huwag kumilos para masugpo
ang mga naninira ng ating kalikasan....
Tayong mga Pilipino, dapat ba tayong makinig sa mga taong ito na nagsasabi na ang
"Global Warming" ay walang katotohanan.....
Sa litrato sa itaas, may nakikita kayong Polar Bear na naglalakad sa lugar na walang
yelo.....kung babalikan ninyo ang inyong pag-aaral, sinasabi na ang "Polar Bear" ay
nakatira sa mga lugar na mayelo, ang kuhang larawan ay noong taong 2002 pa,
kaya siguro sa ngayon ay halos ubos na ang kanilang lahi, sa kadahilanang nauubos
na ang mga yelo sa Artantika gawa ng pag-init ng panahon o "Global Warming" na
nagiging sanhi naman ng pagpapalit ng klima o "Climate Change"!
Ano ang nangyari, isang bayan sa California, sa San Bruno ay nagkaroon ng gas leak
na pinagmulan ng sunog at ikinasawi ng apat katao at pagkasunog ng mahigit
limanpong bahay....sino ang gumanti...at sino ang nagpapaalala, ang kalikasan ba o
ang "DIYOS" natin?
Baka sabihin ninyo istorya ko lang ito at wala akong batayan, mayroon po dahil
tatlong taon akong namalagi sa California at isa ako sa miyembro ng Stop Global
Warming.Org, sayang nga lang at ang mga diyaryo kong mga dala noong umuwi ako
ay nilusaw ni Ondoy.....
Ngayon ho, ay muli kong ipo-poste ang ginawa kong artikulo noong hindi pa man
lang natin naiisip na magkakaroon tayo ng malalaking trahedya (Ondoy at
Pepeng)dulot ng "Pag-init ng panahon o Global Warming" na nagiging sanhi ng
"Pagbabago ng klima o Climate Change", nandirito din po kung paano ba
magkakatulong-tulong ang lahat ng Pilipino na naniniwalang mayroong "Global
Warming" na nagiging sanhi ng "Climate Change"!
Kahapon ako ay nakatangap ng email mula kay Ms. Laurie David, ang founder o
nagtayo ng Stop Global Warming Organization sa Amerika, at doo'y nakalathala
kung gaano na kalaki ang nagawang pinsala sa Antartica (pagkatunaw ng yelo) at
ang posible pang pinsala sa mga darating na araw gawa ng pag-init ng panahon sa
mundo!
Sa aking palagay, walang magagawa ang pera o katalinuhan kung hindi tayo
magkakaisa, tayong mga nilalang ng Diyos para masawata ang napipintong global
warming o pag-init ng mundo!
At para matapos na ang lahat ng pagdedebate tungkol dito sa ating bansa, hayaan
nyo pong ilahad ko sa ating mga kababayan kung ano ba talaga ang global warming
at kung anong pinsala ang gagawin nito kung hindi tayo magkakaisa!
Pumunta po tayo sa umpisa, ayon sa mga taong galit sa pulitiko dahil pinag-
kakaperahan lang daw ang isyung ito ay ganito ang kanilang paliwanag:
Noong taong 18,000 B.C. hangang 3,000, ang dagat ay tumaas ng mga 325 hangang
350 piye, ang katapusan ng ice age, sabi wala pa daw SUV at eroplano noong
panahong iyon, ang mga lupang tulay o ang mga nagdudugtong ng mga bansa ay
mga natangal o nawala, sabi ng siyensya dahil daw yun sa mga pagputok ng bulkan,
yun tubig na dumami ay galing sa lava ng mga bulkan.
Noong 1996, ang mga sayantista sa New York ay kumuha ng mga bato sa dagat ng
Atlantiko at napatunayan sa pamamagitan nitong mga bato na ang klima ng mundo
ay nagkakaroon talaga ng pagbabago sa bawat isang libong taon hangang tatlong
libong taon at ito ay napatunayan sa mga pag-aaral sa mga nakalipas na taon!
At ito pa ang mga sinasabi, kung babalik daw tayo sa malayong panahon, sa taong
400,000 B.C., ang pag-init ng panahon ay nagtaas ng 20 metro ng tubig sa dagat na
mas mataas pa daw sa libel ng taong 1999!
Ang klima daw ng mundo ay palagi daw nagbabago, ang mga bagay ay nababago,
may mga pagkakataon daw na ang mundo ay sobrang init at minsan daw ay
saksakan ng lamig na parang bolang yelo, bakit daw ngayong panahon ay iba
pakahulugan, dahil ba daw sabi ng mga pulitiko?
Ang mga salitang nabasa nyo sa itaas ay ipinoste ni William Teach sa internet, isang
researcher sa Amerika, na siguro ay isang aktibista at kasapi ng mga grupong galit
sa mga pulitiko, dahil nagkakapera daw ang mga pulitiko dahil sa pagkakalat ng
global warming na malapit na, at ito po ay nangyayari sa Amerika!
Dito na po tayo sa atin, ang pananaw naman ng GSGWFI ang inyong bigyang pansin,
ang mga sinulat ni William teach ay kahit na sa panaginip nya ay imposibling
mangyari, bakit po kanyo?
Ano ang batayan, ang lahat ay teorya lamang, ni hindi pa nga alam ng mga
sayantista sa ngayon kung saan ba talaga galing ang tao, ang naging takbo pa kaya
ng panahon noon?
At ang binabanggit nya na ang pagbabago ng panahon ay isang libo hangang tatlong
libong taon, di nya siguro nararamdaman na sa ngayon ay buwan lamang at minsan
pa nga ay araw lamang ang nagiging pagbabago ng panahon!
At ang pinakatama na hindi niya siguro alam dahil nananaginip siya noong sinusulat
niya iyon, ay wala pa halos nilalang noong mga panahong iyon na mapipinsala, di
katulad ngayong panahong ito na halos pitong bilyon na ang mga nilalang na tao
ang maapektuhun pag nagtuloy-tuloy ang pag-init ng panahon sa mundong ito, yun
ang pagka-kaiba!
Dito pa din tayo sa Pilipinas, sabi sa Amerika ginagamit ang global warming ng mga
pulitiko magkapera lang, dito iba, ayaw nilang pag-usapan ang global warming
dahil di sila magkakapera, kailangan lahat ng makakasisira ng kalikasan gagawin
nila para sila magkapera, di ho ba?
Iba ho humatol ang "DIYOS" natin, ayaw nya ng mga taong nagpapangap na
protektor ng kalikasan, pero siyang unang sumisira, alalahanin natin na ito ay
bigay nya kaya di natin ito dapat lapastanganin, mahal ng ating "DIYOS" ang lahat
ng bagay na ginawa nya kabilang ang ating kalikasan na tumutulong din sa atin,
kaya dapat din natin itong mahalin!
Ano-ano pa ho ba ang magagawa natin habang may panahon pa, intayin na lang ba
natin ang pagragasa ng mga yelo papunta dito sa bansa natin, ang mga pag-baha sa
mga lugar na di naman dating binabaha, ang sagad sa init na panahon, at ang mga
nabubuhay ngayong panahon ay magkakasakit ng mga bagong sakit, ang pagkalipol
ng mga lahi ng ating mga ibon at ng mga nilalalang na bagamat walang kaisipan na
katulad natin ay kinakailangan din ng ating kalikasan, may konti pa tayong
natitirang oras, puwede ho bang magtulong-tulong tayo, ano po?
Kung kayo ay may klinika sa eskwelahan, paiwasan ang pag-gamit ng mga bagay na
may mercury lalo na ang termometer, may mga posibilidad na ang lason nito ay
kumalat, ito ay lubos na nakapipinsa hindi lang sa kalusugan maging sa kalikasan!
Nabalitaan nyo ba ang pagsabog ng isang gawaan sa Sta. Maria, Bulacan, kung
naging maingat lang tayo sa ating mga naamoy na kemikal at ipina-intindi nyo sa
mga may-ari na hindi kayo magtratrabaho hangang may naamoy pa kayo, ay hindi
siguro mangyayari ang trahedyang ito, dalawang araw na pala nilang naamoy yun,
di nila naisip na kahit di yun sumabog, magka-kasakit naman sila!
Gaano kaya kadami ang carbon dioxide na naging greenhouse effect na sumama sa
hangin dahil sa pag-sabog na iyon, ilan pa kayang buhay ang posibling mapinsala?
May mga nakararating sa aming mga balita na dito na din sa ating mga ilog
itinatapon ang mga hospital waste at Funeral waste, huwag naman po sana,
tawagan nyo po sana kami kung hindi nyo alam ang gagawin sa mga bagay na iyan,
at matakot din kayo sa namatay kung dito nyo lang sa mga ilog itatapon ang
kanilang mga natuyong dugo at pagkaminsan pa daw ay bituka, multuhin sana
kayo!
Madali naman hong gumawa ng organikong abono, alam namin na alam nyo yan,
ang problema ayaw nyong gawin dahil bukod sa matagal gumawa ng organikong
pataba o abono ay kokonti ang ani at maliliit pa ito, pero mas mahal naman ang
organic fruits and vegetables di ho ba? At bukod sa ito'y masu-sustansya ay
masarap pa, lalo na kung bagong ani, di ho ba?
May tanong ho pala ang GSGWFI sa ating mga magsasakang gumagamit ng "Chemical
Fertilizers" at "Pesticides", bakit di nyo kinakain ang mga tanim ninyong ginamitan
ng kemikong abono, bagkus ang kinakain nyo lang ay ang mga organiko ninyong
pananim, bakit nga ho ba?
6. Sa mga nakatira sa malapit sa dalampasigan at watershed (Natural na imbakan
ng inuming tubig), paano ho ba tayo makakatulong?
Ito ho ang pinaka-simpling paraan, huwag tayong magtapon ng ating mga basura sa
dagat, ireport at ipahuli ang gumagamit ng dinamita, ireport o hulihin (may
karapatan kayo dahil kayo ang unang mapeperwisyo) ang sumisira at nagdudumi sa
ating mga watershed, napakarami na hong sakit ang naimbento ng mga doktor,
ayaw lang nilang sabihin na dito galing, dahil baka wala ng magkasakit, paano
naman sila?
Sapat na ho ba ang pag-aralan natin ang mga perwishong ginagawa ng ating mga
kababayang sumisira ng ating kalikasan, pagkatapos nating pag-aralan, katulad ng
ginagawa ng Blacksmith, Greenpeace, at iba pa, ano ang gagawin natin
pagkatapos?
Ngayon ho, kung hindi nyo alam ang wastong paraan o sistema, bahagian nyo kami
ng inyong pondo (kami ho ay legal na manghingi kung kapakanan ng mamamayan at
kalikasan ang aming ipanghihingi, bibigyan pa namin kayo ng resibo, kayo ho ba
nagbibigay ng resibo sa mga pondong ipinanghihingi nyo?) at gagawin namin sa
tulong nyo ang sistema ng paglilinis ng tama at sa mabilisan paraan!
Masyadong masalimout ang tanong na ito, alam naman na natin na ang mga pabrika
ang mga numero unong sumisira ng ating kalikasan, siyempre madali humingi ng
ECC basta may pera di ho ba? At siyempre kung tutulong tayo sa kalikasan, di na
tayo magpuputol ng mga punong kahoy, di na tayo gagamit ng mga chemical
preservative, di na tayo gagawa ng mga bagay na sisira ng kalikasan, paano naman
ang hanap-buhay namin, paano naman ang modernong pamumuhay, napakarami
hong tanong ano po?
Ganito na lang po, ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay
nagsusulong ng "Back to Basics" o pagbabalik sa mga sinauang bagay o gawain, kami
po sana ay tawagan, lagi ho kaming may pamalit sa mga bagay na sumisira ng ating
kalikasan maging ng kalusugan, pagtulungan po nating resolbahin ang mga
problema nyo, makakatulong na tayo sa kalikasan, maging sa ating bayan, at ang
importante, gagaan ang mga dalahin ng inyong kunsensya!
Ano naman ho ang gagawin namin diyan sa mga ibibigay ninyong mga lumang
gamit? Amin ho itong aayusin kung sira na, at pag ito ay ayos na ay aming isasama
sa mga hindi pa sira at aming ibebenta ng mura sa mga miyembro ng ating
Foundation!
Ano naman ang aming gagawin sa mga perang nakulekta sa pagbebenta ng mga
lumang gamit? Ito ay isasama namin sa aming pondo para sa aming mga
humanitarian activities tulad ng "Feeding Program", "Medical Missions", "Re-
setlement of neglected people", at marami pang bagay na makakatulong sa ating
mga mamamayan, gayundin sa ating kalikasan!
Alam nyo po, napakarami na nating kasalanan sa ating kalikasan, bakit ba ho natin
ito sinasalaula, napakalaki ng naitutulong nito para tayo mabuhay, pero ano ang
ginaganti natin, alam ho ba natin na kapag nagputol tayo ng punong kahoy ay para
ding nagputol tayo o pumatay ng buhay ng tao, bakit ho kanyo?
Pero iba na ngayon, ayoko na dito, iba na ngayon, putol na ang mga punong-kahoy,
ang dudumi na ng mga ilog, at wala ka ng makitang ibon, at ilan na ang mga
nangamatay, bakit ho kanyo?
Simula ng magtayo dito sa tabi namin ang gawaan ng baterya at nataon pang wala
na halos punong kahoy ang nakatanim, ang masamang hangin na pinakakawalan ng
gawaan ng baterya ay nagdulot ng pagkakasakit sa kanser at leukemia sa mga taga-
rito, kasama na ang hipag at bayaw ko sa mga namatay, kumpare, at ilang
kaibigan!
Wala na dito ngayon ang gawaan ng baterya, pinitesyon sila ng mga taga-rito (kami
yun) lumipat na sa lugar na bago nilang pipinsalain, pero may ECC po ang
pabrikang iyan, ilan na kaya ang namatay sa nilipatan nila?
Ngayon ho, kung paano tayo makakatulong ay dapat magtanim ulit tayo ng mga
puno ng mangga sa mga bakante nating lote, malaki kasi ang mangga kaya malaki
din ang maitutulong nito sa ating kalikasan, balita ho namin sa DRT ay mangga na
ang pinuputol para gawing uling, dahil wala ng punong kahoy sa kagubatan, huwag
naman po sana, marami pa ho tayong ibang pagkakakitaan, dati naman kayong
nagsasaka di ho ba? Ibalik o ibaling nyo na sa ibang paraan ang inyong mga
hanapbuhay, kayo din at ang mga mahal nyo sa buhay ang magkakaproblema pag-
ganti ng ating kalikasan!
At isa pang bagay ay ang pagsasa-ayos ng inyong mga basura, huwag nyo hong
isasama sa mga basura nyo ang mga pampers ng bata at sanitary napkin,
pakikinabangan pa ho ang mga basurang iyon, kung isasama nyo ang dalawang iyan
ay di na maire-recycle ang ibang basura katulad ng mga lumang pagkain o kaning
baboy, ipunin nyo na lang at ibaon sa lupa pansamantala, tandaan lang kung saan
lugar at mayron na din naiisip ang GSGWFI kung ano ang gagawin natin diyan,
kukunin ho namin iyon sa inyo!
Huwag nyo hong sabihin na tama ang aming mga sinasabi, mali ho lahat iyon, alam
namin na ang mga pulitiko ay tao din na marunong magmahal sa kanilang kapwa at
kalikasan, hindi lang nila alam kung anong grupo ang tunay na bibigyan ng kanilang
mga tulong, napakadami kasi ang nanghihingi ngayon na di naman mga tunay na
nagtratrabaho para sa mahihirap nating kababayan, at maging sa ating kalikasan,
totoo ho ba ito o hindi?
Totoo ho ito, napakarami hong talaga, kaya nga gumawa ng isang executive order
ang ating "Pangulong Gloria Macapagal Arroyo", at ito po yung EXECUTIVE ORDER
NO. 720, signed April 11, 2008, na naglalayong ipasakop sa "Department of Social
Welfare and Development" ang mga Organisasyon at Foundation na nanghihingi ng
mga donasyon at pondo para sa kanilang mga proyekto at ito ay babantayan din ng
DSWD para maging transparent o malinaw kung saan talaga ginagamit ang mga
nahinging pondo!
At kung mayroon naman na kayong landfill, kasi di ito bawal sa batas, hindi tulad
ng dumpsite bawal na, ano ba pag-kakaiba ng landfill sa dumpsite, parang pareho
lang naman ano po, pero may pagkakaiba, ganito po:
Kung mayroon na nga at nagastusan na, isulong pa din natin ang MRF sa tabi ng
landfill at ang output o ang mga nagawa ng MRF ang siya nating ipakain sa isda na
atin namang bubuhayin sa nagawang landfill, kasi maiipon tiyak ang tubig diyan
pag-umulan, kaya gawin na lang nating alagaan ng tilapya, dalag, at hito, at pag-
nagawa natin ito ay mamahalin pa kayo ng inyong mga nasasakupan dahil tiyak sila
ang makikinabang!
Pasensya na kayo sa mga suhesyon namin ano po, masama ho talaga kasi ang
landfill sa kalusugan ng mga tao lalo na kung malapit sa watershed, at pag nasipsip
naman ng araw ang mga greenhouse effect nito ay lalo lang iinit ang panahon sa
mundo!
At tulungan nyo na din po kami sa paglilinis ng mga ilog natin, alam po namin na
may mga pondo ang mga pulitikong naka-upo ngayon para sa environment o sa
panga-ngalaga sa kalikasan, kung tutulong po kayo sa amin, natulungan nyo na din
po ang inyong mga sisibol pang lahi, sila ang makikinabang dito!
Gagamitin din po natin ang "Executive Order ng ating Pangulo" para naman mabawi
nyo din po ang inyong itutulong para sa ating kalikasan!
Sana po ay naiintindihan nyo kami, ang mga dapat nating iwasan at palitan na ng
mga organiko ay ang chemical fertilizers, pesticides, mga kemikal na sumisira ng
kalikasan at kalusugan, lagi nating babantayan ang mga punong-kahoy, at linisin na
ang mga ilog at panatilihing laging malinis, makitulong sa pag-aayos ng mga basura
natin, at tignan nyo, mapipigil pa din natin ang pag-init ng panahon sa mundo!
Marami pong salamat at sana'y maunawaan ng ating mga kababayan ang mga
nilalaman at nilalayon ng artikulong ito, mabuhay po kayo!!!!!!!!
Thank you,
GSGWFI
Klik lang po ang link sa itaas kung nais makita ang iba namin ginawang balita noong
mga nakaraang araw!
ANG GLOBAL WARMING AT EPEKTO NITO SA BANSA
Posted on September 23, 2011
Global warming? Ano nga ba ito? Bakit dapat tayong mabahala sa phenomenon na ito? Ano ba
ang epekto nito sa atin at sa ating kapaligiran? Tayo ay dapat lamang na magkaroon ng
kaalaman sa bagay na ito dahil napapanahon na ang pagkilos para matugunan ang suliraning
ito.
Ang Global Warming ay ang pagtukoy sa pagbabago ng panahon kabilang na ang pagtaas ng
temperature ng Atmospera ng mundo at ng mga karagatan. Ito ay matagal ng nangyayari sa
ating mundo at hanggang ngayon patuloy pa rin ito sa paglala. Ayon sa mga Internasyonal na
pagsasaliksik hinggil sa panahon, na ang temperatura ay patuloy na tataas mula 1.1 hanggang
6.4 sentigrado sa pagitan ng taong 1990 hanggang 2100. Maraming bagay ang dahilan ng
pagtaas na ito. Nariyan ang “greenhouse effect” na may pinakamalaking epekto sa pagbabago
ng temperature ng mundo. Ito ay ang pagtaas ng “greenhouse gas” na nakapagdudulot ng
patuloy na pag-init ng bumabalot sa mundo at ng ibabang atmospera nito. Ito ay kinabibilangan
ng mga gas na nangagaling sa mga pabrika, tambutso ng sasakyan, pagsusunog ng mga plastic
at pagkakaingin. Nariyan rin ang ibang aspeto tulad ng pagiging sensitibo ng ating atmospera at
ganon din ang pagiging aktibo ng mga bulkan.
Kapag nagpatuloy ang paglala ng “global warming”, maaari itong humantong sa pagkakaroon ng
epekto sa ating klima, sa pagdalang ng pag-ulan, at mahahabang araw ng tag-init. Nariyan rin na
magiging madalas na ang mga pagbabago sa panahon tulad ng baha, heat wave, el niño o
tagtuyot, buhawi o maging ipo-ipo. Maaari rin itong makaapekto sa ating agrikultura na tila
makakapagpahirap hindi lamang sa mga kapatid nating magsasaka kundi pati na rin sa atin na
mga nakikinabang sa produktong pang-agrikultura. Gayon din ang pagiging “extinct” ng ilang
mga piling hayop dahil na rin sa magiging pagbabago sa panahon. Maaari ring dumami at
kumalat ang mga epidemya sa mundo. Malaki rin ang nagiging epekto nito sa ating karagatan
dahil sa ang “Carbon Dioxide“ ay acid na nahihigop ng ating karagatan, sa paraang ito
nagkakaroon ng reaksyon sa tubig ang asido na malaki ang nagiging epekto sa ating sa
karagatan. Ayon na rin sa ilang pagsasaliksik ng mga dalubhasa sa panahon maraming mga
bansa ang mabubura sa mapa kapag ito ay nagtuloy-tuloy. Dahil na rin sa mainit na panahon
mabilis na matutunaw ang mga yelo sa mga karatig kontinente at tataas ang level ng mga
yamang-tubig na maaaring bumura sa ilang mga bansa sa ating mundo. Dahil dito hindi
malayong mapabilang ang ating bansang Pilipinas sa mga babahain dahil tayo ay napapaligiran
ng mga yamang-tubig.
Maaari nating sugpuin ang bagay na ito kung tayo ay magkakaroon ng pagtutulungan sa ibat-
ibang nasyon sa ating mundo. Sa mga simpleng paraan, tayong mga Pilipino ay maaari ding
tumugon sa mga programang isinusulong para sugpuin ang “global warming”.Sa mga
kababayan nating may mga sasakyan,
sana
ay ipalinis na nila ang mga tambutso ng sasakyan nila o dili kaya’y gumamit ng ibang
alternatibong paraan para mabawasan ang “smoke belchers”. Kailangan din tayong
magtanim ng maraming puno lalo na sa mga lungsod na hindi puro gusali na lamang
ang nakikita sa mga lugar na ito. Dapat din na hindi tayo magsunog ng mga plastic sa
ating mga bakuran, hanggat maaari ay magrecycle tayo para maiwasan ang
pagsusunog.
Sana
rin ang mga kababayan nating nagmamay-ari ng mga pabrika ay panatilihin nilang
malinis at huwag magbuga ng maiiitim na usok sa ating kalangitan.
Sana
rin ay mas lalong paigtingin at dagdagan ng ating pamahalaan ang mga programa para
sugpuin ang suliraning ito. Maghigpit sa pagbabawal sa mga “smoke belchers” sa
kalsada, paglulunsad ng maraming programa sa pagtatanim ng mga puno, at lalong
palawigin ang mga programa sa pagre-recycle. Tayong mga simpleng mamamayan ay
kaya itong pagtulong-tulungan para na rin ito sa atin at sa ating kapaligiran. Nais ba
nating mawala ang mga likas na yaman hindi lang ng ating bansa kundi ng buong
mundo. Paano na lang ang mga naggagandahang karagatan, kabundukan, kagubatan,
mga hayop at halaman kung ito man ay magpapatuloy? Kakayanin ba natin na imbes
sa magkulay berde ang kapaligiran ay maging mistulang itim na ito? Ang ibinigay sa
atin ng Diyos na kagandahan ng ating mundo ay siya naman nating unti-unting
sinisira. Hahayaan ba natin na dumating ang araw na pati ang bansa natin ay
humantong sa malagim na epekto ng “global warming” na ito. Huwag naman
sana
!
Sana
minsan ay maitanong natin sa ating sarili kung ano ang naisukli natin sa ating
kapaligiran. Ano ang iginanti natin sa kanya kapalit ng ibinibigay nitong mga benepisyo
sa atin.? Dahil tiyak ang pag-ani natin nito sa pagdating ng araw. Ano ba ang kaya
nating gawin kahit na ito ay simpleng pagtugon lamang? Diba’t napakasarap mabuhay
sa napakagandang mundo kaya’t
sana
ay magtulung-tulungan tayo. Aminin natin na ayaw nating maglaho ang mga yamang ito
ng ating bansa, ng ating mundo.. kaya kumilos tayo.. sagipin natin ang nagsusumamo
nating mundo. Kailangan tayo ng ating kapaligiran…. Ng ating mundo.
Ang green house effect ay isang pangyayari kung saan, nadagdagan talaga ng init ang
mundo dahil ito sa pagkabagal sa paglabas ng init dahil sinisipsip ng mga greenhouse
gases ang radiation at ilalabas naman kahit saan, tapos , isinipsip naman muli na
siyang rason kung bakit hindi agad nakakalalabas ang init palabas sa mundo.
ang mga pangunahing sanhi ng global warming sa bansa ay ang paglabas ng mga usok
mula sa mga pabrika at mga sasakyan, paglalabas ng methane mula sa mga hayop,
pagputol ng mga puno sa kagubatan, paggamit ng mga kemikal sa mga alaman,
Ang mga epekto nito ay pagtaas ng sea level sa mga karagatan, nagbubunga din ng
mga mas malalakas na mga bagyo, tagtuyot sa mga halaman, pagkaubos ng mga lahi
ng hayop.
El Niño
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Isang kuhang larawan ng El Niño magmula sa kalawakan.
Ang Oskilasyong Pantimog ng El Niño/La Niña (Ingles: El Niño/La Niña-Southern
Oscillation o ENSO kapag pinaiksi) ay isang katawagang naglalarawan sa isang likas
na kaganapang nangyayari sa Karagatang Pasipiko. Tinatawag din itong El Niño at La
Niña. Ang El Nino at La Nina ang mga salitang minsang matatagpuan kapag binaybay
sa wikang Ingles para sa mga pangwikang Kastilang El Niño and La Niña. Sa Kastila,
nangangahulugan ang El Niño na "batang lalaking maliit" at ang El Niña ay "batang
babaeng maliit". Ginagamit ang El Niño sa Kastila para ilarawan ang sanggol
na Hesukristo (katulad ng Santo Niño).
Ang El Niño na pinagmasdan noong 1997 ng TOPEX/Poseidon. Ang mga puting lugar
sa mga tropikal na dalampasigan ng Timog at hilagang Amerika ay nagpapakita ng mga
lugar kung saan mainit ang tubig.[1]
Ang El Niño (literal na "ang batang lalaki") ay isang gawi ng klima na nangyayari sa
kahabaan ng tropikal na Karagatang Pasipiko na karaniwang nangyayari sa pagitan ng
limang taon ngunit minsan ay nangyayari sa pagitan ng tatlo o hanggang pitong taon at
samakatuwid, malawak at makabuluhan, kilala bilang kuwasi peryodiko. Ang El Niño ay
pinakakilala sa pagsasama nito ng mga baha, tagtuyot at ibang pag-iiba ng kalagayan
ng kalangitan sa maraming mga rehiyon ng mundo na nag-iiba-iba ang bawat
pangyayari. Ang mga hindi pa mauunlad na bansa na nakasalalay sa agrikultura o
pagtatanim at pangingisda. Ang mga malapit sa Karagatang Pasipiko ay ang mga
pinaka-apektado.
Ang El Niño ay ang katayuang nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa dagat ay
tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig ng tropikal na Karagatang Pasipiko. Bawat
dalawa hanggang limang mga tao, ang Karagatang Pasipiko ay may kaganapang
tinatawag na Oskilasyong Pantimog ng El Niño. Isa itong mahina at mainit-init na daloy
na nagsisimula bawat taon sa bandang panahon ng Pasko sa kahabaan ng
dalampasigan ng Ekuwador at ng Peru. Nagtatagal ito ng ilang mga linggo lamang
hanggang sa isang buwan o mahigit pa. Bawat tatlo hanggang pitong mga tao, ang
pangyayaring El Niño ay maaaring tumagal nang maraming mga buwan. Maaari nitong
baguhin ang timpla ng panahon at magkaroon ng mahahalagang mga epekto sa mga
ekonomiya o kabuhayan sa buong mundo. Ang Australya at Timog-Silangang Asya ay
maaaring magkaroon ng tagtuyot subalit ang mga disyerto ng Peru ay magkakaroon ng
napakalakas na pag-ulan. Sa Silangang Aprika, maaaring kapwa mayroon ng mga ito.
Sa kaganapang La Niña, ang mga timpla ng panahon ay bumabaligtad.
Ang Pangkatimugan Oskilasyon ay natuklasan ni Sir Gilbert Walker noong 1923.[2] Isa
itong "seesaw" (larong lawin-lawinan) ng presyong atmosperiko sa pagitan ng mga
Karagatang Pasipiko at Karagatang Indiyano. Mayroong ugnayang inberso (taliwasan o
baligtaran) sa pagitan ng presyon ng hanging sinusukat sa dalawang mga lugar:
sa Darwin, Australia, sa Karagatang Indiyano at sa pulo ng Tahiti sa Timog Pasipiko.
Ang Talatuntunan ng Oskilasyong Pantimog o Southern Oscillation Index (SOI) ay ang
diperensiya o kaiban sa presyon na nasa antas ng dagat doon sa Darwin at Tahiti. Ang
Talatuntunan ng Malamig na Dila o Cold Tongue Index (CT) ang sumusukat kung
gaano karami ang pangkaraniwang temperatura ng ibabaw ng dagat sa panggitna at
pansilangang Pasipiko na malapit sa ekwador (equator, hindi ang bansang Ekuwador)
na nagpapabagu-bago mula sa mga paikot na panahunan taun-taon. Ang dalawang
mga sukat ay may antikorelasyon o nagtataliwasan ang pagiging magkaugnay, kaya't
ang negatibo SOI ay pangkaraniwang may kasamang mainit-init na hanging pangdagat
na kilala bilang El Niño.
Sa pagsapit ng kaagahan ng dekada 1980, malinaw na ang El Niño at ang Oskilasyong
Pangtimog ay magkaugnay, at ang akronimang ENSO ay ginamit upang ilarawan ang
malakihang kaganapang ito.
Ang mga Pagbaha sa Queensland noon 2010-2011 ay sanhi ng kaganapang La Niña
na nagdala ng napakabigat na pag-ulan sa silangang dalampasigan ng Australya.
Nangyari rin ang iba pang malalaking mga pagbaha sa Australya noong La Niña ng
1916, 1917, 1950, 1954-1956, at 1973-1975.[3] Ang halaga ng mga pagbaha sa
Queensland noong 2010-2011 ay tinatayang nasa A$30 bilyon.[4]
El Niño sa Gitnang Pasipiko[baguhin | baguhin ang batayan]
Hindi lahat ng mga budoy ay nagaganap sa Silangang Pasipiko. Sa loob ng
kamakailang mga dekada, natuklasan ang mga Panggitnang Pasipikong mga El Niño.
Kapag nagaganap ito, ang mga epekto mula sa El Niño ng Gitnang Pasipiko ay napaka
kaiba mula sa tradisyunal na mga El Niño. Nangyari ang mga Panggitnang Pasipikong
El Niño noong 1986-1988, 1991-1992, 1994-1995, 2002-2003, 2004-2005, 2006-2007
at 2009-2010
Sunod-sunod na lumitaw sa mga pahayagan, telebisyon at internet ang babala ng
NOAA o National Oceanic and Atmospheric Administration isang grupong nananaliksik
sa Estados Unidos kaugnay sa kanilang pag-aaral sa El Niño watch 2014.
Ano nga ba ang el niño?
Ang spanish word na El Niño o sa ingles ay “the little one”, ay tumutukoy sa batang si
Hesus. Ito ang naging bansag ng Peruvian Fisherman na taga Northern Peru nuon.
Matapos nilang mapansin ang pag-init ng tubig dagat tuwing nalalapit ang pasko.
Ang El niño ay ang pag-init ng tubig nang karagatang pasipiko, partikular sa gitna at
silangang bahagi nito na kadalasang nagaganap tuwing isang beses sa bawat tatlo
hanggang pitong taon.
Sa Pilipinas, taong 1997 hanggang 1998 nakatikim ang bansa ng matinding tagtuyot
dahil sa El Niño. Sa tala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and
Management Council, umabot sa P8.46 bilyon ang naging pinsala nito.
Ngayon taon, tumaas ang posibilidad na makaranas ng El Niño sa bansa. Aabot na sa
halos 80% na magkatotoo ito, ayon sa International Research Institute for Climate and
Society.
Bagaman nakaranas na ng matinding init ang Pilipinas, sinasabi ng mga eksperto na
mararamdaman ang matinding epekto ng El Niño sa huling bahagi pa ng taon.
Ang pinaka maaapektuhan ng El Niño, ay ang agrikultura. Kung saan, natutuyo ang
mga bukirin, kulang ang patubig para sa panahon ng taniman. Dahil dito magkakaroon
ng kaunting produksyon at maaaring maging dahilan ito ng pagtaas ng presyo dahil sa
kakulangan sa suplay.
Unang makakaranas ang epekto nito sa bahagi ng Visayas at Mindanao o ang mga
lugar na apektado ng hanging amihan.
Tinukoy ng D.A. o Department of Agriculture ang apat na pung apat at dalawang
syudad na posibleng tamaan ng El Niño. Kabilang dito ang limang lugar sa Cordillera
Administrative Region, ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Mountain Province.
Sa Ilocos Region, ang mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Sa Cagayan Valley, kabilang ang Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya at Quirino. Sa
Central Luzon, ang mga lugar ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga,
Tarlac at Zambales. Sa CALABARZON, ang Cavite, Batangas, Laguna, Quezon at Rizal.
Sa Mimaropa, ang Occidental Mindoro, Palawan at Romblon. Kasama din ang Sorsogon
sa Bicol Region. Sa Western Visayas, Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz,
Guimaras at Iloilo. Ang Bohol sa Central Visayas. Samar sa Eastern Visayas. Sa
Zamboanga Peninsula, ang Zamboanga City, Del Norte, Del Sur at Sibugay. Misamis
Oriental at Bukidnon, sa Northern Mindanao. Sa Davao Region, ang Davao City at
Oriental. At ang tatlong probinsiya sa Soccsksargen, ang Misamis Oriental, Sarangani at
South Cotabato.
Sa nakaambang pananalasa na hatid ng El Niño, handa ba ang ating pamahalaang
nasyunal sa hindi mapigilang pag atake nito sa ating bansa? Sapat ba ang patubig sa
mga irigasyon para sa ating mga magsasaka? Ano nga ba ang dapat natin gawin upang
hindi tuluyang matuyo ang supply ng tubig sa ating mga bahayan?
Yan at ang iba pang mga katanungan ay ating sasagutin sa pagpapatuloy ng El Niño
phenomen, dito sa Balitang Unang Sigaw!
Buwan ng Mayo, binuo ng D.A. o Department of Agriculture ang task force El Niño,
bilang paghahanda sa nalalapit na matinding tag tuyot. Ang naturang grupo ay
pinangungunahan ng pangulo ng PAFSAM o Presidential Assistant for Food Security and
Agricultural Modernization Secretary Francis “kiko” Pangilinan at binubuo ito ng ilang
tauhan ng PAGASA, DOST, PHILRICE at iba pang ahensya ng pamahalaan. Kabilang sa
mga ginagawa nito ay ang paglatag ng Contingency Plan, upang maibsan ang epekto
ng El Niño sa ibat ibang sektor, kabilang na ang sektor ng agrikultura.
Bilang tinaguriang “Rice Capital of the Philippines, nabahala ang lalawigan ng Nueva
Ecija sa nakaambang peligro nito sa ating agrikultura.
Nitong buwan ng Hunyo,ay agarang nagsagawa ng isang pagpupulong ang Lokal na
Pamahalaang Panlalawigan, NIA-UPRIIS o National Irrigation Administration – Upper
Pampanga River Integrated Irrigation System at First Gen.
Ayon kay Gov. Aurelio Umali, dapat seryosin ang nakaambang kalamidad dahil hindi
magiging biro ang epekto nito sa produksyon ng palay, hindi lamang sa lalawigan kundi
sa buong bansa.
Ang NIA-UPRIIS ang namamahala sa Pantabangan Dam, na nagsusuplay sa mahigit
Isang Daang Libong ektarya ng Palayan sa Nueva Ecija at karatig probinsiya. Target
nito, na mapataas ang kasalukuyang water level na 185.24 meters sa 212.225 meters
ng Pantabangan Dam, hanggang sa huling bahagi ng taon. Upang masiguro na
makakapagtanim ulit ang walumpung libong magsasaka sa probinsiya ngayong wet
season.
Tinukoy ng NIA-UPRIIS, ang sampung bayan at siyudad na pinaka maaapektuhan sa
lalawigan, ang San Jose, Munoz, Licab, Jaen, San Antonio, Aliaga, Zaragoza, Gapan,
San Isidro at Cabiao.
Bunsod nito, lumikha na sila ng tatlong paraan sa pamumuno ng NIA UPRIIS, upang
maisalba ang humigit kumulang na Isang Daang Libong ektaryang taniman sa
lalawigan. Ang Cloudseeding Operation, pagtatanim ng seedlings para sa Water Shed
Area at pagbibigay ng Water Pumps o bomba sa mga magsasaka.