You are on page 1of 2

Israel N.

Nepomuceno
2014-20607

Fil40 WFU4
Mr. Mykel Andrada

Isa ang PIlipinas sa may pinakamaraming mga dayalektong ginagamit ng ibatibang mga grupong etnolingguwistiko. Ito ay maaaring maiugat sa pagiging tribo ng
mga Pilipino bago dumating ang mga mananakop o marahil sa pagkakapulu-pulo ng
ating bansa. May mga magandang naidulot ang pagkakaroon ng maraming wika. Ayon
sa artikulo ng GMA tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino, sabi ng kritikong si
Isagani R. Cruz na isa ang Filipino sa may pinakamayang literatura. Ang maaaring
bunga nito ay ang pagkakaroon ng sariling uri ng pamumuhay sa bawat panahan ng
isang etnolinguwistikong grupo. Halimbawa nito ang mga kanta tungkol sa karagatan ng
mga Badjao at kanta tungkol sa Kabundukan ng mga Igorot. Ang ating wika na dati
nang maunlad ay nagkaroon pa ng lubos na pagbabago dahil sa pagdating ng mga
mananakop na Espanyol. Napalitan ang Baybayin ng Aplabetikong Romano bilang
paraan ng pagsusulat at nagkaroon ng ibang masamang mga kahulugan ang mga
salitang Filipino na dati ay normal na ginagamit sa usapan. Ang ebolusyon ng wika ay
nagpalago ng ating wika, ngunit lalo itong nagbigay ng hadlang upang msgkaroon ng
iisang midyum sa pakikipagtalasatasan ang mga Pilipino. Kaya noong 1937, sa
pangunguna ni Pang. Manuel L. Quezon na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinaayos
ang pagkakaroon ng pambansang wika. Alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134, ginamit ang Tagalog bilang batayan sa pagbubuo ng pambansang wika.
Base sa mga pangyayari, ang Pilipinas lamang ang nagdiriwang ng Buwan ng
Wika dahil sa maraming mga dahilan na dulot ng ibat-ibang mga pangyayari at
pagbabago na kapag pinagsama-sama ay bubuo ng iisang kahahantungan. Ating
ipinagdiriwang ang ating wika dahil ito ay simbolo ng kayamanan ng Pilipinas.
Ipinapakita nito na ang ating bayan ay di lamang sa mga likas na yaman at sa mga uri
ng hayop at halaman hitik, kundi pati na rin sa wika at sining na kasama nito. Ang
Buwan ng Wika rin ay palatandaan na hindi hadlang ang maraming dayalekto dahil
mayroon na tayong ginagamit na iisa upang higit na magkaintindihan. Masasabing
rason rin ang patuloy na pagunlad at pagbabago ng wika bilang dahilan kaya natin ito
ipinagdiriwang, sapagkat kahit na patuloy itong nagbabago ay hindi pa rin ito naiiba at
nawawala. Sa halip, ito ay mas lalong yumayaman. Higit sa lahat, ang wikang Filipino

Israel N. Nepomuceno
2014-20607

Fil40 WFU4
Mr. Mykel Andrada

ay pagkakakilanlan ng ating lahi. Ang ating wika ang nagiging daan para magbuklod
ang bayan sa harap ng mga krisis at mula sa lungkot sa ibang bansa. Ito ang
nagsisilbing paraan upang maging isa ang bawat Pilipino.
Samakatuwid, ang pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika ay hindi para alalahanin
lamang ang pagkakaroon ng wika. Ang pagdiriwang nito ay pag-alala sa kasaysayan na
kaakibat ng wika. Dahil sa sa ating wika, naisasalamin ang makulay na karanasan ng
ating bansa.

Teodoro, J. (2009, August 31). Kasaysayan ng Wikang Filipino. Retrieved August 25, 2015, from
http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-filipino

You might also like