You are on page 1of 2

Posisyong Papel

Ang paksang paguusapan sa papel na ito ay ang sigalot na nangyayari ngayon sa Europa.
Ang digmaan na ito ay nagaganap sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia. Ang nag-utos ng
operasyon o pag lusob na ito ay ang lider ng Russia na si G. Vladimir Putin. Sinabi nya sa
kanyang pahayag na ang digmaan na ito ay para pigilan ang NATO o North Atlantic Treaty
Organization na palaguin pa ang mga teritoryo nito pasilangan. Nag bigay din naman si Putin ng
mga ilang babala sa Ukraine at Nato na kung hindi sila titigil sa mga operasyon na ito ay hindi
mag aatubili si Putin na gamitin ang mga puwersang militar. Nito nga lang ika-dalawampu’t apat
ng pebrero, nagsimula na ang pag galaw ng hukbong military ng Russia upang sakupin ang
bansang Ukraine. Kumalat sa iba’t ibang bansa ang balita at madami din ang nagbigay ng kani-
kaniyang pahayag. Para sa akin ang digmaan na ito ay puwede naman itigil at pagusapan. Hindi
kinakailangang magkaroon ng sigalot na mag dudulot ng kamatayan. Nararapat di natin na
tingnan ang nararamdaman ng magkabilang panig dahil wala naming nananalo sa giyera dahil
alam naman ng mga lider na ito na magbubuwis sila ng buhay kapalit ng ikakabuti ng
nakakarami. Ayon nga sa pahayag ni putin na hindi naman nila gagalawin ang Ukraine kung
hindi patuloy na nag dedeploy ng “missile systems” ang Nato na kinabibilangan ng bansang
Amerika na kaaway ng Russia. Gusto lamang ni Putin na siguraduhing mananatiling ligtas ang
nasasakupan niya. Ayon din sa kaniya “bakit kinekailangan maglagay ng missile systems ng
NATO malapit sa borders ng Russia at hindi naman naglalagay ng missile systems o anumang
makakapang sira ng seguridad ng mamayan ang Russia malapit sa borders ng Estados Unidos”.
Isa nanga sa huling pagpipilian ng Ukraine ang pagsuko na lamang sa Russia o “demilitarization”
upang hindi na lumala ang giyera at marami pang mamatay at masirang mga imprastraktura.
Maraming tao ang nagbibigay ng pahayag na para bang ipinapalabas na ang Russia ay
isang masamang bansa at ang lider ay isang diktador na gusting maging Hitler ng kasalukuyan.
Ito ay nasasabi dahil nga sa biglaang paglusob ng Russia sa Ukraine kahit na sa kabila ng iba’t
ibang pakikipagusap pangkapayapaan. Sinabe rin ng Amerika na ang Russia ang Nagsimula ng
lahat at gusting makakuha ng malaking kapangyarihan. Marami din ang nagsasabing pansariling
kagustuhan lamang ni Putin ang pag sakop sa Ukraine at hindi ito ginagawa para sa isang
makabuluhang rason. Ang mga pahayag na ito ay hindi nararapat dahil ginagawa lamang nitong
mas Malala ang sitwasyon na nangyayari. Mas pinupukaw lang nila ang Magkabilang panig
upang palalaain ang giyerang nagaganap. Isa na sa mga gumagawa nito ay ang NATO. Bakit?
Ang dami nilang sinabi ngunit bakit hindi nalang sila makipag ayos sa Russia at huwag ng naisin
ang pag papalawak ng kanilang nasasakupan dahil nakikita itong banta para sa seguridad ng
Russia. Ayon din kay Putin bago paman ang paglusob na nangyari ay hindi nila lulusubin ang
Ukraine ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay biglang nagbago ang lahat. Maraming
puwedeng dahilan ngunit huwag tayong puymanig sa iisang banda lamang kundi pumanig tayo
sa kapayapaan.
Isa lamang ang pinupunto ko sa papel na ito. Ang nararapat na gawin ng mga taong may
kapangyarihan ay maglatag ng isang planong pangkapayapaan at hindi magbigay ng ibat- ibang
propaganda ukol sa digmaan na ito. Marami ang nalligaw kung saan sila maniniwala kaya nag
kakaroon ng mga Pro at Anti. Kailanman ang digmaan siguro naman ay hindi nakikita ng mga
lider na nagwawagi sila dahil ito ay ginagawa lamang para sa kabutihan ng nakararami kapalit
ng buhay ng mga sundalong kasali. At para naman sa mga pilipinong nakikibalita na wala daw
dapat ikatakot dahil malayo ang Russia, Maapektuhan din ng digmaan na ito hindi ang mga
buhay natin kundi ang pinansiyal na estado ng Pilipinas. Dahil sa mga “sanction” na ginawa ng
ibat-ibang bansa sa Europa maaaring tumaas ang mga presyo at tumaas ang inflation. Kaya
naman ang bawat isa ay dapat na magkaisa at hindi magaway ukol sa paksang ito dahil ang
magkabilang panig ay namamatayan din at hindi lang naman ang Ukraine ang nagbubuwis ng
buhay.
Ang digmaan na ito ay walang idudulot na maganda at ang magkabilang panig ay
parehong may tama at mga mali. At nararapat na ipatigil ang mga maling balita ukol sa giyera
na ito dahil kahet na sinong maging bayani ay wala din naming magwawagi sa isang giyera. Ang
kailanfgang gawin ng magkabilang panig sa pinaka mababang posisyon dahil nga nagsimula na
ang paglusob ay magkaroon nalamang ng isang peace treaty kung saan ang parehong bansa ay
magakakaroon ng mga benepsiyo at hindi na makikita ng bawat isa na may banta sa kanilang
seguridad.

You might also like