Kyla Elmira Grace Oamil 11-16-2018
ABM 172 SHFilAk
Paglalahad ng posisyong papel sa isyung:
“‘Conservative’ Villar rejects Divorce Bill”
Ang Diborsiyo ay isang proseso kung saan napapawalang-bisa nito ang pag-iisang dibdib ng
dalawang tao at ito rin ay maaaring magsilbi bilang daan upang magkaroon ng karapatan ang isang
babae o lalaking kasal na upang makapag-asawa ulit o maikasal muli sa ibang taong kanilang ginugusto.
Ang diborsyo rin ay isang legal na batas sa mga iba’t ibang bansa ngunit ito ay isa sa mga batas na hindi
maipatupad sa ating bansang Pilipinas dahil ayon sa isang artikulo, mahigit 80% katao sa Pilipinas ang
nagsaad ng kanilang mga sarili bilang mga Katoliko at malakas ang impluwensiya ng Simbahang Katoliko
sa ating bansa. Ngunit kahit na ganoon pa man ang kalagayan ng ating bansa, marami pa ring nagpapasa
sa Korte ng mga papeles tungkol sa batas na ito at umaasang maipatutupad ito ng ating gobyerno.
Bagamat kahit na ganoong umaasa sila sa ating gobyerno, mas maraming tao parin sa gobyerno lalo na
sa ating mga tatakbong senador sa taong ito ang hindi sumasang-ayon sa pagpapatupad ng batas
diborsyo sa ating bansa.
Isa na si Cynthia Villar sa mga senador na hindi sumasang-ayon sa isyung ito. Siya ay tumututol
sa pagpapatupad ng batas na diborsyo sa Pilipinas dahil para sa kanya, kung walang konsepto ng
diborsyo, walang mag-asawa ang maghihiwalay kapag sila ay nagkaroon ng problema bagkus ay
sisikaping intindihin ang bawat isa upang maibalik ang dating saya na mayroon sakanilang pamilya. Para
sa akin, ang konsepto na mayroon si Cynthia Villar ay tama dahil una sa lahat, hindi naman ibig sabihin
na kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa ay paghihiwalay na agad ang pinaka-
epektibong solusyon para rito. Pangalawa, ang pagpasok sa kontrata ng kasal ay may mga karampatang
obligasyon na kailangang panindigan at gampanan sa isa’t-isa. Ang kasal din ay isang proseso ng pag-
iisang dibdib ng dalawang tao na ang ibig sabihin ay pagkatapos ng dalawang magkabiyak na humarap sa
simbahan at mangako sa isa’t-isa, hindi na sila maituturing bilang isang normal na tao na kung saan ay
maaari nilang gawin ang kanilang mga ninanais na gawin nang walang pahintulot mula sa kanilang
kasintahan.
Ako ay sumasang-ayon sa kanyang panig hindi dahil ako ay isang Katoliko, ngunit para sa akin,
mahalaga ang bawat salita at desisyong ating ginagawa. Maaaring sa pagpapatupad ng ganitong ideya o
konsepto, hindi lamang ang mga relasyon ang ating maisasaayos ngunit pati na rin ang pagkakaroon
nang matinong kaisipan sa pagdedesisyon at sa ganitong pamamaraan, mas maraming pamilya ang ating
maisasalba at walang kabataan ang mahihirapan sa kinakaharap ng kanilang pamilya.