You are on page 1of 27

1

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT MGA KALIGIRAN NITO
INTRODUKSIYON

Walang pinipiling edad ang pakikipagrelasyon. Ito rin ang pagnanais ng

isang tao na magkakaroon ng kaagapay sa ibang personal na bagay. Ang

Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong mataas na bilang ng mga kabataang

nasa edad 13-18 na pumapasok sa isang relasyon, ayon kay (Daladar at

Jimenez, walang nabanggit na taon). Ibig sabihin, maaring hindi lahat ng mga

magulang ay kayang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak. Hinggil pa

rito, ang bawat mag-aaral na nasa edad ng pagdadalaga at pagbibinata ay

mayroong napakalaking posibilidad na pumasok sa isang relasyon na kung saan

ay maging isang dahilan kung paano nila gampanan ang tungkulin nila sa pang-

araw-araw na pamumuhay: sa kanilang tahanan, sa kanilang pakikitungo, sa

kanilang mga kaibigan, at higit sa lahat, sa kanilang performans sa paaralan.

Ayon kay Palaroan (2012), isa sa bawat limang makakasalubong mong tao sa

siyudad ng San Fernando na kabataang nasa edad 13-18 ang magnobyo at

nobya.

Ayon naman kay Malik (2015), ang pakikipagrelasyon ay hindi minamadali,

hindi hinahanap at hindi biro. Ang pagkakaroon ng kasintahan ng isang

estudyante ay may nakaambang epekto. Minsan kung ang kabataan ay

masyadong nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-aral nang

mabuti o minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-aaral. Nawawalan na sila

ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol nila ang sarili sa kanilang


2

karelasyon. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nakakasama ang

pagkakaroon ng kasintahan sa larangan ng pag-aaral bagkus sila din ang

nagbibigay ng inspirasyon at determinasyon sa isang estudyante.

Sa mga may kasintahan, maging responsable at matutong ibalanse ang

edukasyon nang hindi bumagsak sa markahan. Pakatandaan na dapat ay

napapanatili ang mga marka sa pag-aaral habang may karelasyon nang sa

gayo`y hindi ito pagsisihan sa huli (Dela Cruz, 2012).

LAYUNIN

Ang pamanahong papel na ito ay isinagawa upang malaman ang epekto

ng pagkakaroon ng kasintahan sa akademikong performans ng mga piling mag-

aaral sa istrand ng Science, Technology, Engineering and Mathematics at

Accountancy, Business, and Management ng ikalabing-isang baitang ng Kolehiyo

ng San Luis sa taong panuruang 2016- 2017.

Sinasagot nito ang sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga Epekto ng Pagkakaroon ng Kasintahan sa

Akademikong Performans ng mga Piling Mag-aaral sa Strand ng Science,

Technology, Engineering and Mathematics at Accountancy, Business, and

Management ng Ikalabing Isang Baitang ng Kolehiyo ng San Luis sa taong

Panuruan 2016 - 2017?

2. Paano nakakaapekto ang Pagkakaroon ng Kasintahan sa Akademikong

Performans ng mga Piling Mag-aaral sa Strand ng Science, Technology,

Engineering and Mathematics at Accountancy, Business, and


3

Management ng Ikalabing Isang Baitang ng Kolehiyo ng San Luis sa taong

Panuruan 2016 - 2017?

3. Gaano nakakaapekto ang Pagkakaroon ng Kasintahan sa Akademikong

Performans ng mga Piling Mag-aaral sa Strand ng Science, Technology,

Engineering and Mathematics at Accountancy, Business, and

Management ng Ikalabing Isang Baitang ng Kolehiyo ng San Luis sa taong

Panuruan 2016 - 2017?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong-papel na ito ay nakakatulong sa pagtuklas sa mga

naidudulot ng pagkakaroon ng kasintahan sa akademikong performans ng mga

piling mag-aaral sa Strand ng Science, Technology, Engineering and

Mathematics at Accountancy, Business, and Management ng ikalabing isang

baitang ng Kolehiyo ng San Luis sa taong panuruan 2016 – 2017.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring mapalawak ang

kaalaman ng mambabasa tungkol sa mga epekto ng maagang

pakikipagrelasyon. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa sumusunod na

indibidwal:

Mag-aaral. Ang datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa

paglinang ng kaalaman ng mga kabataan at upang mapagtanto nila ang mga

maaaring maging problema na kanilang kakaharapin dahil sa maagang

pagkakaroon ng kasintahan.
4

Magulang. Sa pamamagitan ng pananliksik na ito, malalaman ng mga magulang

ng bawat estudyante na mahalaga ang kanilang gabay at suporta upang

magkaroon ng malawak na pag-iisip ang mga mag-aaral at upang hindi nila

pabayaan ang kanilang akademikong kasanayan.

Guro. Sa mga guro, ito’y kapaki-pakinabang din sapagkat sila ang nagsisilbing

pangalawang magulang ng mga estudyante. Magiging gabay din ito upang

malaman nila na mahalaga ang kanilang presensya at payo upang hindi

maapektuhan ng maagang pakikipagrelasyon ang akademikong kasanayan ng

mga mag- aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagtukoy sa mga epekto ng pagkakaroon

ng kasintahan sa akademikong performans ng mga mag-aaral. Ang mga

respondente rito ay ang mga piling mag-aaral sa strand ng Science, Technology,

Engineering and Mathematics at Accountancy, Business, and Management. Isa

ring dahilan nito ay ang malaking posibilidad na karamihan sa mag-aaral sa mga

strand na ito ay may kasintahan. Tinatalakay lamang dito ang mga positibo at

negatibong epekto ng pagkakaroon ng kasintahan, kung nagiging sagabal ba ito

sa kanilang pag-aaral, kung napapamahalaan ba nilang mabuti ang kanilang oras

at nagsisilbi rin bang inspirasyon ang kanilang mga kasintahan. Ang pananaliksik

na ito ay isasagawa sa Kolehiyo ng San Luis sa taong panuruang 2016- 2017.


5

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


Pakikipagrelasyon. Pagkakaroon ng ugnayan; pagkakaroon ng

kasintahan/nobyo o nobya

Secret Relationship. Pagkakaroon ng pribadong relasyon ng mga

magkasintahan nang hindi alam ng kanilang mga magulang

Open Relationship. Pagkakaroon ng malayang relasyon ng mga

magkasintahan na alam ng kanilang magulang; pagiging legal ng isang

relasyon

Time Management. Pagbabalanse ng oras sa iba’t-ibang mga bagay

Emotional feelings. Emosyonal na damdamin na maaaring makaapekto sa

kilos ng isang tao

Performans Task. Isang gawain na ibinibigay ng mga guro sa kanilang mga

estudyante; proyekto

Tallying. Paraan ng pagkalap ng mga datos na nakuha mula sa mga

respondent

Akademikong Performans. Ito ang kinalabasan o resulta ng pag-aaral

kung saan nakamit ng isang estudyante ang kanilang layuning pang-

edukasyon

Senior High School. Programa ng Kagawaran ng Edukasyon ,kung saan

madadagdagan ng dalawang taon upang buuin ang standard na

labindalawang taon ng basic education

Accountancy, Business and Management Strand (ABM). Isang strand

sa akademik trak na nakapokus sa mga asignaturang may kinalaman sa

accounting, business at management


6

Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand (STEM).

Isang strand sa akademik trak na nakapokus sa mga asignaturang may

kinalaman sa biology, physics at calculus

Stratified Random Sampling. Ito ay ang proseso ng paghahati ng

populasyon sa magkaparehong pangalawang putulong bago pumili ng sample

Blog. Iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog; isang pook-

sapot na parang isang talaarawan;

Adolescence. Pagdadalaga o pagbibinata

Intimate Relationship. Pagkakaroon ng isang malalim na relasyon at

pagnanasa sa isa’t isa


7

KABANATA II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang pagkakaroon ng karelasyon ay isang interaksyon sa kapwa na kung

saan ipinapadama ng isang indibidwal ang kanyang saloobin na gusto nitong

ipahayag. Sa pamamagitan nito, nailalabas ang ating emosyon, may

mapagsasabihan ng mga problema, naibabahagi ang mga karanasan at

naipapahayag ang sariling opinyon sa bawat isa. Alam ng karamihan na ang

lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang

kapwa. Ito ay nakadepende sa indibidwal kung paano niya papahalagaan ito.

Ayon kay Sizer- Webb et al. (1999), lahat ng tao ay nangangailangan ng

matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Napakahalaga ang may

napagsasabihan ng damdamin, karanasan, at opinyon. Marahil na ang

pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan para sa lubusan nilang makilala

ang kanyang sarili at maipahayag ang sarili nilang damdamin.

Ayon sa ginawang pagsusuri sa Unibersidad ng Pilipinas (2002), bumababa

ng bumababa ang edad ng kabataang pumapasok sa relasyon. Karamihan dito

ay estudyante, subalit tama ba na pagsabayin ang pag-aaral at pagkakaroon ng

kasintahan? Ang pagsasabay ng pag-aaral at pagkakaroon ng kasintahan ay

mahirap. Nangangailangan ito ng matinding pagbubulay-bulay, lalo na kung ang

estudyante ay hindi marunong mamahala sa kanyang emosyon at hindi kayang

pagsabayin ang pag-aaral sa pag-ibig dahil minsan, ang pagkasira ng relasyon

ay nagkakaroon ng malaking epekto sa pagkawalang bahala sa pag-aaral. Sa


8

kabilang banda, mayroon din naman itong mabuting maidudulot. Ito ay

nagsisibling inspirasyon at kaligayahan sa pag-aaral.

Ayon kay Lee (2011), sa panahon ngayon, mas nagiging curious at

insecure na ang mga kabataan sa mga bagay-bagay, sa kung ano ang mayroon

doon, kung ano ang mayroon diyan, kung paano yon, kung saan yan, kung

kailangan ba yan, kung ano yon, kung ano yan at marami pang iba. Sa

kakatanong ng kabataan, minsan naiisip nila na “Kung gawin ko kaya ito?” At

dahil hindi pa nila ito masyadong alam ay naguguluhan sila kung sino ang

uunahin: ang pamilya, ang kaibigan, ang kasintahan o ang pangarap.

Samantala, ayon kay Malik (walang nabanggit), may apat na dahilan kung

bakit pumapasok sa maagang pakikipagrelasyon ang mga kabataan. Una, dahil

ito ang nauuso ngayon at ang mga kabataan sa panahon ngayon ay nakikiuso na

mapa-social media, mapa-salita, at sa mga bagay-bagay, ay ginagaya na nila. At

isang malaking halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng kasintahan sa murang

edad. Pangalawa, marahil ay nakikita nila ito sa mga kaklase o mga kaibigan nila

kaya naiimpluwensiyahan silang magkaroon ng kasintahan. Pangatlo, ay ang

problema. Marahil ay may dinadala silang mabibigat na problema kung kaya’y

minsan akala nila ang pagkakaroon ng kasintahan ang solusyon nito. At ang huli

ay, naiinggit. Gusto nilang maranasan kung ano ang nauuso ngayon. Gusto

nilang maranasan kung paano magmahal at mahalin.

Hindi naman masama ang pagkakaroon ng kasintahan basta alam kung

ano ang uunahin - ang pag-aaral. Dapat ding isaalang-alang ang pagbabalanse

sa dalawa upang magkaroon ng mas mabuting resulta. Huwag hahayaang sirain


9

ng pagkakaroon ng kasintahan ang pag-aaral. Huwag din namang pigilan ang

sariling magmahal. Dapat ibalanse ang dalawang ito.

Upang hindi masira ang relasyon na nagdudulot ng masamang epekto sa

pag aaral, may mga bagay na dapat gawin para magkaroon ng magandang

relasyon sa kasintahan. (1) Kung walang magandang sasabihin sa kasintahan,

mabuting huwag nalang magsalita; (2) tuparin ang mga pangako; (3) purihin ang

kasintahan; (4) magkaroon ng interes sa kasintahan; (5) maging masayahin; (6)

maging bukas sa mga posibilidad; (7) hayaan ang sarili na sabihin ang tunay na

nararamdaman; (8) huwag saktan kailanman ang iyong kasintahan ; (9)

panatilihin ang pagiging malambing; (10) maging palatawa. Sa kabuuan, ang

mga pag-aaral na nailahad ay nagsisilbing motibasyon sa pagsusumikap na

mapabuti pa ang aming sariling pag-aaral (Avelino et al.,1996).

Ayon din kay Dela Cruz III (walang nabanggit), may sampung batas sa

pagkakaroon ng kasintahan ng kabataan. (1) Siguraduhin sa sarili ang pakikipag-

relasyon. Tiyakin kung nararapat ba o hindi ang pagpasok sa relasyon at tiyaking

maging responsable sa naging desisyon dito. (2) Kung may kasintahan, maging

responsable at matutong balansehin ito at ang pag aaral upang hindi bumaba

ang marka sa paaralan. (3) Bilang isang kabataan, dapat magkaroon ng

limitasyon katulad ng paghalik sa labi. (4) Kapag nakikipag-usap sa kasintahan,

dapat iwasang pag-usapan ang pagtatalik upang maiwasan din ang maagang

pagbubuntis. (5) Matutong mamahala ng oras sa pag aaral at sa kasintahan

upang maging makabuluhan ang panahon na gagamitin. (6) Iwasang magmahal

nang labis na nagdudulot ng labis na pagkaisip sa kasintahan sapagka't maaari


10

itong maging sanhi ng pagkatulala at pagkawala ng konsetrasyon sa klase, mas

mainam kung gawin lamang siyang inspirasyon sa pag-aaral. (7) Makipag-usap

ng tapat at matutong sumangguni sa mga magulang tungkol sa iyong relasyon,

pumayag man sila o hindi. Kung hindi man sila pumayag, tanggapin na lamang

ito sapagkat sila ang mas nakakaalam at gumagabay sa kabataang wala pa sa

tamang edad. (8) Kapag ang iyong mga magulang ay hindi pumayag sa iyong

pakikipagrelasyon dahil dapat mong unahin ang pag-aaral, ito`y iyong tanggapin

sapagkat sila ang nakakaalam ng tama; at kung mahal ka talaga ng iyong

kasintahan, ito`y kaya rin niyang tanggapin at kaya ka niyang hintayin gaano man

katagal. (9) Kung sa tingin mo, ang desisyon ng pagkakaroon ng relasyon sa

kapwa ay may masamang epekto at nakasasagabal sa iyong pag-aaral, mas

mabuting kausapin ang kasintahan na itigil na ito at pagtuunang-pansin ang pag-

aaral nang sa gayo`y magtagumpay balang-araw. (10) Pakatandaan lamang na

dapat ay napapanatili mo ang mga marka sa pag-aaral habang may kasintahan

nang sa gayo`y hindi ito pagsisihan sa huli.

Ayon kay Steinberg (2002), mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa

pagitan ng sexuality at intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng

adolescence – kapag ginagamit sa sekswal at pisikal na aspeto. Sa ibang salita,

ang intimate na pagkakaroon ng relasyon ay isang emosyonal na paglapit ng

dalawang taong may pakialam sa isa't isa at ang pagkakaroon ng parehong

interes at mga paborito.

Ayon kay Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyon ay may nakaakibat

na epekto sa isang estudyante. Minsan, dahil sa pagkalulong sa pag-ibig,


11

nakakalimutan na nilang mag-aral nang mabuti o hindi na talaga sila nag-aaral.

Hindi na nila naaayos ang kanilang oras dahil ginugugol na lang nila ito sa

karelasyon.

Maliban sa mga negatibong epekto na nasabi, mayroon din namang

mabuting maidudulot ang pagkakaroon ng kasintahan. Ito ay minsang nagiging

inspirasyon sa pag-aaral, nang dahil dito mas nagagawa ng maigi ang gawain sa

paaralan. Kung ang kasintahan ay masipag mag-aral, tiyak na ikaw ay sisipag

din sa pag-aaral. Bagama’t hindi natin kasama ang mga kasintahan natin sa

lahat ng oras, maaari silang mag- silbing inspirasyon upang maging determinado

sa pag-aaral. Kaya't nakakapagbigay ng magandang motibo ang pagkakaroon

ng kasintahan sa pag-aaral.

Ayon kay Carlos (2008), nakakaapekto lamang ang pagkakaroon ng

relasyon sa mga gawain na araw-araw na ginagawa ng tao. Ang isang tinutukoy

niya rito ay ang mga negatibong epekto ng pagkakaroon ng karelasyon sa buhay

ng isang kabataan. Una sa lahat, ang kaniyang pag-aaral ay maaapektuhan ng

sobra. Gaya ng nasabi kanina, imbes na nakatuon sa pag-aaral ng buo, nahahati

ang inilalaan na atensyon sa mga kasintahan. Nang dahil dito, maguguluhan

tayo kung ano ba ang uunahin sa dalawa. Malaki rin ang posibilidad na dahil

dito, mawawalan ng pokus sa pag-aaral at maging sanhi ng pagkababa ng mga

marka. Pangalawa, makakaapekto rin ito sa bulsa. Ang ating allowance ay para

sa pansariling pangangailangan sa ekswelahan. Ang perang ibinibigay na

pinaghirapan ng ating magulang ay para sa ating mga gastusin sa proyekto sa

eskwelahan at pangkain natin upang mabigyan tayo ng lakas sa pag-aaral. Kung


12

may kasintahan, malaki ang posibilidad na mabubutas ang ating mga bulsa

lalong-lalo na para sa mga lalake. Mas maapektuhan ang bulsa ng lalaki o mas

mapapagastos ito dahil alam naman ng karamihan na ang karaniwang paraan

upang maipakita ng isang lalake ang kanyang pagmamahal para sa isang babae

ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga materyal na bagay gaya ng tsokolate,

bulaklak, at iba pa. Kaya nga hindi biro ang pagpasok sa isang relasyon lalo na

kung hindi pa handa ang bulsa.

Hindi naman gaanong nakakaapekto ang pagkakaroon ng relasyon sa pag

aaral, nakadepende lang ito kung pagbubutihin ng estudyante ang kaniyang pag-

aaral. Ang importante ay mapagbalanse ng estudyante ang oras sa kaniyang

kasintahan at gawain sa paaralan. Basta determinado sa pag-aaral, tiyak na

makakapag-aral ito nang mabuti may karelasyon man o wala.


13

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
DISENYO NG PANANALIKSK
Sa isinagawang pag-aaral tungkol sa Epekto ng Pagkakaroon ng

Kasintahan sa Akademikong Performans ng mga Piling Mag-aaral sa Strand

ng Science, Technology, Engineering and Mathematics at Accountancy,

Business, and Management ng Ikalabing Isang Baitang ng Kolehiyo ng San

Luis sa Taong Panuruang 2016-2017, ang mga mananaliksik ay gumamit ng

disenyong diskriptiv-analitik. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga aklat na

may kaugnay sa paksa ng pag-aaral at talatanungan na sinagutan ng mga

respondente kung saan nakakuha ng ideya ang mga mananaliksik tungkol sa

isinasagawang pag-aaral.

RESPONDENTE NG SARBEY
Sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay pumili ng limampu’t tatlong mga

mag-aaral na nasa ikalabing isang baitang mula sa istrand na ABM

(Accountancy, Business and Mangament) at STEM (Science, Technology,

Engineering and Mathematics) na nag-aaral sa Kolehiyo ng San Luis. Ang mga

mag-aaral na napili ay mayroong mga nobyo o nobya, sa madaling salita

mayroong karelasyon. Sila ang napili upang malaman ang saloobin,

nararamdaman at kung ano ang epekto ng pagkakaroon ng karelasyon sa

murang edad.
14

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay sarbey kwestyoneyr

dahil ito ang pinakamadali at pinakasimpleng paggawa ng sarbey, masusi rin

nitong nai-uulat ang mga resulta dahil ito ang tumutulong upang mai-grupo namin

ng maayos ang mga may kaugnayan at akma na tanong para sa kategorya ng

sarbey. Sa tulong ng sarbey, mas lalong napag-alaman kung ano ang mga bagay

na karaniwang nakakaapekto sa buhay ng mga estudyanteng may kasintahan.

TRITMENT NG MGA DATOS


Matapos makuha ang mga datos mula sa mga piling mag-aaral sa istrand

ng Science, Technology, Engineering and Mathematics at Accountancy, Business

and Management, napagdesisyunan ng mga mananaliksik na gamitin ang

paraang pagtatally, pagkuha ng bahagdan, at pagraranggo dahil ito ay naaayon

sa disenyo ng pag-aaral na deskriptiv-analitik. Ginamit ito upang hindi na

mahirapan ang mga mananaliksik at mas mapadaling malaman at maikumpara

ang sagot ng mga piling estudyante.


15

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Graf 1
Distribusyon ng mga datos ayon sa edad ng pagkakaroon ng kasintahan

8%

Legenda:
30%
Edad 15-18
62%
Edad 12-14
Edad 9-11

Ayon sa mga respondente, ang may pinakamataas na bahagdan ay ang

edad 15-18 na may 62 porsyento o 33 na mag-aaral sa kadahilanang sa edad na

ito mas nakakapag-isip na nang wasto ang isang tao, alam na niya ang kanyang

ginagawa maging ang kanyang mga limitasyon at kahihinatnan ng kanyang mga

desisyon.

Batay sa mga nakalap na mga kasagutan, ang edad 9-11 ay ang may

pinakamababang bahagdan na mayroon lamang 8% o 4 na mag-aaral dahil sa

edad na ito hindi pa naman ganon katanda ang pag-iisip ng isang tao. Hindi pa

niya alam kung ano ang magiging kinalabasan ng kanyang mga ginagawa at

desisyon. Ang pagkakaroon ng kasintahan sa edad na ito ay para lamang

masagot ang mga katanungan na tumatakbo sa isip ng isang tao o para lang

matugunan ang kanyang “curiosity”.


16

Graf 2

Distribusyon ng mga datos ayon sa pagkakaroon ng kaalaman ng mga


magulang sa pagkakaroon ng kasintahan ng kanilang mga anak

2
1
%
Legenda:

alam ng magulang

7 di-alam ng magulang
9
%

Base sa nakalap na resulta, 79 porsyento ng mga estudyante ang alam ng

kanilang mga magulang na sila ay may kasintahan dahil gusto ng mga kabataan

ang may malayang relasyon sa kanilang kasintahan at walang ano mang lihim sa

pagitan ng kanilang pagmamahalan.

Dalawampu’t isang porsyento naman ng mga estudyante ay hindi alam ng

kanilang mga magulang na sila ay may kasintahan dahil natatakot silang ipaalam

ito dahil ang kanilang mga magulang ay istrikto. Natatakot din silang paghiwalayin

sila ng kanilang mga magulang dahil sila ay wala pa sa tamang edad at sila’y

iresponsable at maraming hindi magandang pwedeng mangyari sa mga ito tulad

ng maagang pagkabuntis.
17

Graf 3
Distribusyon ng mga datos ayon sa mga mabuting naidudulot ng
pagkakaroon ng kasintahan

2 15%
% Legenda:

nagbibigay ng inspirasyon
sa pag-aaral
8 mas naipapakita ang iyong
tunay na personalidad
3
% napagsasabihan ng personal
na problema

Base sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, ang may

pinakamaraming kasagutan sa tanong kung ano ang mabuting naidudulot ng

pagkakaroon ng kasintahan ay ito ang nagbibigay ng inspirasyon sa pag-aaral.

Ito ang naging kasagutan ng walumpu’t tatlong porsyento ng mga estudyante.

Dalawang porsyento ng mga estudyante ang nagsasabing mas naipapakita nila

ang kanilang tunay na personalidad kapag sila ay nagkaroon ng kasintahan.


18

Graf 4
Distribusyon ng mga datos ayon sa mga pangunahing epekto ng
pagkakaroon ng kasintahan

Legenda:

may kinalaman sa pagtaas o


21 pagbaba ng grado
% nakakaapekto sa pagrerebyu
para sa pagsusulit

17 62 pagkukulong sa kwarto habang


kausap o katawag ang kasinta-
% % han

Base sa mga nakalap na datos, ang may pinakamaraming porsyento ay

ang kasagutang may kinalaman sa pagtaas o pagbaba ng grado o marka sa

paaralan. Ito ang kanilang kasagutan dahil kung sa realidad ito ay nangyayari na,

mas nakapokus ang mga may kasintahan sa kanilang karelasyon na minsan o

kadalasan napapabayaan na ang kanilang pag-aaral. Mayroong 62% ang pumili

o umapruba sa kasagutan na iyon. At ang may pinakamababang kasagutan sa

parehas na tanong ay ang nakakaapekto sa pagrerebyu para sa pagsusulit na

may 17% dahil kung sa pagrerebyu para sa pagsusulit, maaari namang itigil

muna ang pagtetext o kaya pamamasyal para magreview.


19

Graf 5
Distribusyon ng mga datos ayon sa mga kadalasang epekto ng
pagkakaroon ng kasintahan sa tuwing kasama nila ang kanilang pamilya

24
Legenda:
%
hindi pagkakaroon ng sapat
na oras sa bonding niyo ng
iyong pamilya
6% 70
hindi nakakasabay sa
% hapag-kainan dahil abala
ka sa iyong nobyo/nobya

lumalabas upang
makipagdate tuwing
weekends

Base sa nakalap na datos, nakakuha ng pinakamataas na bahagdan na

may 70% na kung saan ang mga mag-aaral ay hindi nagkakaroon ng sapat na

oras sa bonding sa pamilya dahil nahahati ang kanilang oras para sa kanilang

mga nobyo/nobya. Ito ay dahil sa pakikipagkita, pakikipagtext o

pakikipagtawagan na nagiging dahilan ng pagkapagod at pagkapuyat kung kaya’t

nawawalan sila ng oras sa pamilya. Ang may pinakamababang bahagdan naman

ay ang hindi pakikipagsabay sa hapag-kainan dahil sa abala sa sila sa kanilang

kasintahan na may anim na porsyento lamang.


20

Graf 6

Distribusyon ng mga datos ayon sa mga posibleng naidudulot ng


pagkakaroon ng kasintahan

179% Legenda:
% nawawalan ng oras sa ibang bagay

53 hindi pinagtutuunan ng pansin


ang sarili
21 %
% dumidepende sa kasintahan
umuuwi ng dis-oras ng gabi

Base sa nakalap na impormasyon tungkol sa posibleng naidudulot ng

pagkaakroon ng kasintahan, nakakuha ng pinakamataas na porsyento ang sagot

na nawawalan ng oras para sa pamilya, kaibigan at pag-aaral na mayroong 53%.

Ang nakakuha ng pinakakaunting porsyento ay ang sagot na umuuuwi ng dis-

oras ng gabi na mayroong 9%. Nakakuha ng mataas na porsyento ang unang

kasagutan dahil mahirap talagang balansehin ang oras sa lahat ng bagay.

Nakakuha ng pinakamaliit na porsyento ang ikalawang kasagutan dahil mayroon

pa ring mga kabataan na alam ang mga limitasyon lalo na sa pag-uwi ng maaga

sa bahay.
21

Graf 7
Distribusyon ng mga datos ayon sa mga epekto ng pagkakaroon ng
kasintahan sa kanilang pag-aaral

Legenda:
9 6%
% 2%
nagbibigay ng inspirasyon

pagkawala ng oras sa pagrerebyu

pagsasawalang bahala sa mga


8 pagsusulit, takdang-aralin o mga
proyekto
3
% pagkawala ng konsentrasyon sa pag-
aaral

Base sa nakalap na datos, ang may pinakamalaking porsyento kung

paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng kasintahan sa pag-aaral ng mga

estudyante ay sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng inspirasyon dahil ang

pagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral ay may malaking naidudulot na

kabutihan, nagagawa ng isang tao ang makinig nang mabuti sa diskusyon ng

guro, mas pursigido at nagiging determinado rin siya sa kanyang pag-aaral,

nakakatulong din ito upang maibigay niya ang kanyang sariling motibo na

mapabuti ang pag-aaral at kanyang mapapasaya ang kanyang mga magulang.

Ang may pinakamababang porsyento naman ay ang pagkawala ng

konsentrasyon sa pag-aaral katulad na lamang ng habang nagklaklase dahil

karamihan sa mga mag-aaral ay nawawalan na ng konsentrasyon sa pag-aaral

dulot ng pagiging madaldal niya lalo na’t kung madaldal din ang kanyang katabi

sa loob ng klase.
22

Graf 8
Distribusyon ng mga datos ayon sa mga salik kung paano nakapagbibigay
inspirasyon ang pagkakaroon ng kasintahan sa pag-aaral

86%
%
Legenda:

mas nagiging determinado sa pag-


aaral
8 nakakarebyu ng mabuti
6
mas nakikinig sa guro
%

Ayon sa nakalap na impormasyon, ang may pinakamalaking porsyento

kung paano nakapagbibigay ng inspirasyon ang pagkakaroon ng kasintahan sa

pag-aaral ng mga estudyante ay mas nagiging determinado sila sa kanilang pag-

aaral dahil gusto nilang ipakita na kaya nilang pagsabayin ang pagkakaroon ng

kasintahan at pag-aaral at kaya nilang makakuha ng mataas na marka habang

sila ay may karelasyon. Ang may pinakamababang porsyento naman ay ang mas

nakikinig na sila sa kanilang guro, ito ay may pinakamababa dahil hindi naman

naaapektuhan ng pagkakaroon ng kasintahan ang pakikinig sa guro. May mga

taong sadyang hindi mahilig makinig at pinipiling makipagdaldalan lalo na’t kung

ito’y tungkol sa kanilang mga karelasyon.


23

Graf 9
Distribusyon ng mga datos ayon sa mga paraan kung paano napagsasabay
ang pagkakaroon ng kasintahan at pag-aaral

8%
11% Legenda:

nabibigyan ng limitasyon ang ini-


lalaang oras sa kasintahan
8 palaging kasama sa lahat ng mga
1 takda at proyekto sa paaralan
% napagsasabay ang pag-aaral at ang
kasintahan

Ayon sa nakalap na datos, walumpu’t isang porsyento sa mga estudyante

ang nagsabing nabibigyan nila ng limitasyon ang inilalaan nilang oras sa kanilang

mga kasintahan kasabay ng kanilang pag-aaral dahil sila rin ay nasa wastong

edad na at kaya na nilang balansehin ang kanilang oras upang hindi nila

makaligtaan ang kanilang obligasyon at responsibilidad sa kanilang mga

kasintahan at sa kanilang pag-aaral. Ang walong porsyento sa mga estudyante

ang nagsasabing napagsasabay nila ang pakikipagkasintahan sa pag-aaral sa

pamamagitan ng pakikipag-usap dito habang sila ay nasa kalagitnaan ng klase

dahil hindi lahat ng mag-aaral na mayroong kasintahan ay nasa iisang silid-aralan

at dahil na rin sa kadahilanang sila ay mas responsable at alam na nila ang

kanilang mga dapat na gawin sa loob ng silid-aralan, ang makinig sa diskusyon at

huwag munang bigyan ng buong atensyon ang kanilang mga kasintahan.


24

Graf 10
Distribusyon ng mga datos ayon sa mga epekto ng pagkakaroon ng
kasintahan sa iba’t ibang sitwasyon na nakakaapekto sa kanilang
akademikong performans

25%
38%
Legenda:

hindi nakakaapekto sa pag-aaral


medyo nakakaapekto sa pag-aaral

37% labis na nakakaapekto sa pag-aaral

Base sa mga nakalap na datos, tatlumpu’t-walong porsyento sa aming

mga respondente ang nagsabing hindi nakakaapekto ang kanilang

pakikipagrelasyon sa kanilang iba’t ibang performans sa paaralan gaya ng

pakikinig sa diskusyon sa klase, pagrerebyu sa pagsusulit, pagtaas at pagbaba

ng mga grado at iba pa. Dahil sila ay nasa wastong edad na at alam na nila ang

kanilang limitasyon, kaya na nilang balansehin ang pag-aaral sa

pakikipagrelasyon at batid na nila ang kanilang priyoridad lalo na sa kanilang

pag-aaral. Ang dalawampu’t limang porsyento ang nagtala na ito ay labis na

nakakaapeto sa kanilang pag-aaral dahil na rin sa mga iba’t ibang salik o bagay

na nakaka-impluwensiya sa kanila upang hindi mapagbalanse o mapagsabay

ang kanilang pag-aaral at pagkakaroon ng kasintahan dahil ang ilan sa mga

respondente naming ay mayroong pang peer pressure at natutuksong mas

bigyan ng atensyon ang kanilang mga kasintahan.


25

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM

Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptiv-analitik.

Pumili ang mga mananaliksik ng limapu’t tatlong mag-aaral na nasa ikalabing-

isang baitang mula sa istrand ng Accountancy, Business and Management at

Science, Technology, Engineering and Mathematics. Sa pamamagitan ng sarbey

kwestyoneyr, ang mga mananaliksik ay nakakuha ng mga datos na inirepresenta

gamit ang pie graf na mayroong nakalahad na interpretasyon.

KONKLUSYON

1. Napag-alaman na ang pangunahing epekto ng pagkakaroon ng kasintahan

ay may kinalaman sa kanilang pag-aaral. Ang mga estudyante ay

nagkakaroon ng inspirasyon at mas ginaganahang makinig sa mga diskusyon

sa klase. Nakakaapekto rin ang pagkakaroon ng nobyo/nobya sa pakikitungo

nila sa kanilang pamilya. Ang mga kabataang ito ay naglalaan ng oras at

araw upang makasama nila ang kanilang mga kasintahan lalo na tuwing

Sabado at Linggo na maaaring makabawas ng oras na dapat kasama nila

ang kanilang pamilya. Sa kabilang banda, mayroong ding hindi magandang

epekto ang pagkakaroon sa kasintahan sa larangan ng pag-aaral. Ang mga

kabataang ito ay nahihirapang pagsabayin ang pag-aaral at paglaan ng oras

sa kanilang pamilya dahil sa pagkakaroon nila ng kasintahan.

2. Natuklasan na ang pagkakaroon ng kasintahan ang isa sa mga dahilan kung

bakit ang mga estudyante ay mas nagiging determinadong makinig sa klase


26

upang maipakita nila sa kanilang mga magulang na kaya nilang balansehin

ang kanilang oras. Napagsasabay nila ang mga ito sa pamamagitan ng time

management dahil naglalaan sila ng tamang oras at araw upang hindi

makaligtaan ang kanilang obligasyon bilang mag-aaral at ang kanilang

pagiging partner ng kanilang nobyo o naobya. Napag-alaman namin na alam

nila ang dapat gawin sa loob ng silis-aralan at huwag munang bigyan ng

buong atensyon ang kanilang mga kasintahan.

3. Base sa mga datos na nakalap, natuklasan na hindi gaanong nakakaapekto

ang pagkakaroon ng kasintahan sa pag-aaral. Sa kabilang banda, mangilan-

ngilang estudyante pa rin ang natutuksong mas bigyan ng atensyon ang mga

kasintahan at maapektuhan ng peer pressure sa kadahilanang

naiimpluwanesiyahan ng mga salik na gaya nito.

REKOMENDASYON

Mula sa mga resultang aming nakalap at sa nagawang mga konklusyon,

narito ang mga rekomendasyon na maaaring ipayo ng mga mananaliksik:

1. Para sa mga estudyante at magkasintahan- nararapat lamang na alamin nila

ang kanilang mga limitasyon upang hindi mabalewala ang mga tungkulin nila

bilang mag-aaral. Bukod sa pagtugon nila sa kanilang responsibilidad sa

kanilang mga partner, kailangan nilang isaisip na unahin sa kanilang mga

priyoridad ang makapagtapos ng pag-aaral. Para sa mga magulang; dapat

nilang gabayan ang kanilang mga anak na maging responsable sa mga


27

desisyon na kanilang ginagawa upang hindi maapektuhan ang kanilang

kinabukasan.

2. Para sa mga estudyanteng nasa isang relasyon- ipagpatuloy ang pagiging

determinado sa klase at patunayan hindi lamang sa kanilang mga magulang

at kasintahan kundi maging sa kanilang sarili na sila ay tunay na

responsable. Kailangan nilang ipagpatuloy ang pagiging inspirado,

determinado at ang tamang paglalaan ng orasupang hindi makaligtaan ang

bawat tungkulin na nakapatong sa kanila.

3. Para sa mga mag-aaral na mayroong kasintahan at may balak pumasok sa

isang relasyon- nararapat lamang na isipin ang mga obligasyon at tungkulin

nila upang hindi maapektuhan ang kanilang pakikinig sa diskusyon sa klase,

pagrerebyu para sa pagsusulit, paghahanda sa mga performans task,

pagbalanse sa oras at ang iba pang mga salik na maaaring makaapekto sa

pagtaas o pagbaba ng kanilang marka at ang kanilang partisipasyon sa mga

patimpalak sa paaralan. Sa mga hindi masyadong nakakabalanse sa

kanilang mga oras, nangangailangan silang gabayan ng kanilang mga

magulang at kanilang mga guro o kaibigan upang sa gayon ay hindi

maapektuhan ang kanilang mga priyoridad at performans sa loob ng silid-

aralan. Ang kanilang mga magulang din ay dapat bigyan sila ng pansin at

payo upang mas lalong mapadali ang pagsabay nila ng kanilang pag-aaral at

pagkakaroon ng kasintahan.

You might also like