You are on page 1of 28

KONSEPTONG PAPEL

Isang kahingian sa asignaturang

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO

TUNGO SA PANANALIKSIK

11-HUMSS A

FACLARIN, Ismael T.
ARANDA, Francine Alexa E.
CUSTODIO, Arabella Grace C.
LITAN, Gabrielle Venice G.
SERNAL, Princess Shane C.
VERGARA, Faith Althea H.
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

EPEKTO NG NEGATIBONG PANGHUHUSGA SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG

MGA MAG-AARAL SA IKASAMPUNG BAITANG NG THE MABINI ACADEMY

TAONG PANURUAN 2022-2023

I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng negatibong panghuhusga sa

kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang ng The Mabini

Academy taong panuruan 2022-2023. Ito ay nakatuon sa pag-aaral sa tunay na

kaugnayan ng negatibong panghuhusga sa pagganap ng mga mag-aaral kung saan,

inaalam kung positibo o negatibo ang kinahahantungan ng mga panghuhusgang kanilang

natatanggap sa loob at labas ng paaralan ukol sa kanilang akademikong pagganap.

II. RASYONAL AT LAYUNIN

Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil sa larangan ng edukasyon, hindi lamang

bilang sa daliri ang mga pagsubok na maaaring kaharapin ng isang mag-aaral na

nakikipagsapalaran upang matamo ang sapat na kaalaman tungo sa magandang

kinabukasan na kaniyang inaasam. Bukod sa mga hamon na dala ng talamak na

kahingian ng iba’t-ibang asignatura, mayroon ding mga pagkakataon na maging ang mga

taong nakasasalamuha ng isang estudyante araw-araw ay maghatid nito. Sa katunayan,

may mga pag-uugali ang isang tao na maoobserbahan bilang mayroong malaking

1
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

kaugnayan sa kaniyang akademikong pagganap kabilang ang paglalaan ng oras,

ugnayang panlipunan, pagtulog, at pakikilahok sa iba’t-ibang isports (EJP Data Science,

2018). Sa pag-aaral na ito pagtutuunan ng pokus ang ugnayang panlipunan ng isang

mag-aaral kung saan, mababatid na mayroong mga pagkakataon na yaong kanilang mga

nakakasalumpalad ay naghahatid ng tulong upang mapabuti ang kanilang kalagayan

habang mayroon din namang ilan na negatibong nakaaapekto sa kanila sa iba’t-ibang

aspeto kabilang na ang panghuhusga na nakaiimpluwensya sa kalagayang sikolohikal

ng isang tao batay sa kung paano niya ito tatanggapin.

Ayon sa pag-aaral ng Pyramid Healthcare sa ilalim ng pagsusuri ni Jodi Jaspan,

MS, LPC., ang kawalan ng kumpiyansa sa sariling kakayahan ay kadalasan at maaaring

nagmumula sa mga taong nakasasalamuha araw-araw tulad ng pamilya, kaibigan, at

mga kakilala kung saan, inaasahan ng mga ito sa kanila ang mga katangiang lehitimo o

marahil batay lamang sa kanilang paniniwala kung alin ang nararapat – ito ngayon ang

nagdudulot ng kawalan ng kapanatagan ng isang tao kung saan, kadalasang

naikukumpara at negatibo niyang napag-iisipan ang kaniyang sarili dahil sa pakiramdam

na siya ay naiiba mula sa kung ano ang iniisip ng nasa paligid bilang normal. Ito ang

kasalukuyang kinakaharap ng ilang mga kabataan ngayon sapagkat nasa estado sila ng

kanilang buhay kung saan, mas mataas ang posibilidad na mapalapit sila sa ganitong

mga pagkakataon – manghusga at mahusgahan ang kapwa kabataan sa iba’t-ibang

aspeto (hitsura, pananalita, etnisidad, estado sa buhay, personal na kakayahan, atbp.)

dahil sa kagustuhang ilangkap ang sarili sa pamantayang panlipunan.

2
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Batay sa pag-aaral ni Riddh (2021), ang akademikong pagganap ay isang sukatan

ng tagumpay ng isang mag-aaral sa anumang institusyong pang-akademiko kung kaya,

sa mga pagkakataong nakatatanggap ang isang tao ng komento ukol dito ay hindi

maipagkakaila na malaki ang nagiging epekto nito sa kaniya. Nabanggit din niya na

napakaraming salik na nakaaapekto sa pagganap ng isang mag-aaral at madalas na

nakasalalay ito sa iba’t-ibang kadahilanan kaya naman, hindi rin maiiwasan ang

pagkakaroon ng mababang antas ng pagganap ng mga mag-aaral dahil sa dami ng mga

aspetong nakaaapekto dito.

Kilala ang mga mag-aaral sa The Mabini Academy bilang mga estudyanteng

mahusay pagdating sa akademikong pagganap kung saan, karamihan sa mga ito ay

naghahangad ng mataas na marka sa kabila ng kompleksibong sistema ng pagtatala ng

grado kung kaya, kapansin-pansin ang malaking epekto nito sa mga mag-aaral sa tuwing

nakatatanggap ng mga panghuhusga ukol dito. Gayundin, angkop ang pag-aaral na ito

sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang sapagkat bilang mga magtatapos ngayong

taong panuruan 2022-2023, mababatid sa pag-aaral ang epekto ng negatibong

panghuhusga sa mga kabataan kung saan, matutuklasan kung positibo (hal. motibasyon)

o hindi kaya naman ay negatibo (hal. pagkalugmok) ang naidudulot ng mga naturang

panghuhusga partikular na sa kanilang kakayahang pang-akademiko. Gayundin,

makatutulong ito sa pagbibigay tugon sa kung gaano kabilis naaapektuhan ang mga mag-

aaral sa tuwing sila ay makatatanggap ng mga panghuhusga at kung kanino o anong

3
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

klase ng tao ang pinakamakapangyarihan upang lubos na maapektuhan yaong

pagganap ng isang mag-aaral.

Katuwang nito, aalamin at bibigyang kumpirmasyon sa pananaliksik ang tunay na

kaugnayan ng negatibong panghuhusga sa akademikong pagganap ng mga estudyante

kabilang ang mga salik na nagdadala at siyang ugat ng naturang paksa nang sa gayon

ay malaman kung direktang naiimpluwensiyahan nito ang pagganap ng isang mag-aaral.

Kung kaya, sa mga pagkakataong ang mga mag-aaral ay sensitibo sa mga

panghuhusgang may kinalaman sa kanilang mga sariling kakayahan, mahalaga ang pag-

aaral na ito upang malinawan kung ano ang naidudulot ng negatibong panghuhusga nang

sa gayon ay matukoy ang mga rekomendasyon at nakikitang solusyon upang mapabuti

at mabigyang lunas ang negatibong epekto dulot ng panghuhusga sa kanilang

kalagayang sikolohikal bilang mga nangangarap na mag-aaral.

Layunin ng papel-pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

a. Paano naaapektuhan ng negatibong panghuhusga ang mga mag-aaral?

b. Paano binibigyang pagpapahalaga ng mga mag-aaral ang kanilang akademikong

pagganap?

c. Ano ang kaugnayan ng negatibong panghuhusga sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral?

4
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

d. Ano-ano ang maaaring maging solusyon o rekomendasyon sa mga mag-aaral na

makatutulong upang harapin ang mga negatibong panghuhusga at mapanatili

ang mahusay na akademikong pagganap?

III. PAMAMARAAN

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa epekto ng negatibong panghuhusga sa mga

mag-aaral. Nagsilbing mga respondente ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang na

pinili sa malayang pamamaraan. Ito ay isinagawa sa paaralan ng The Mabini Academy

nitong taong panuruan 2022-2023. Samantala, upang mangalap ng mga datos at

impormasyon ay isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng paghahanap sa internet

ng mga lehitimong impormasyon mula sa iba’t-ibang pook sapot bilang pagmumulan ng

mga umiiral na panitikan na siyang nag-ugat para sa pag-aaral na ito. Kabilang din sa

mga metodong ginamit ay ang sarbey na isinagawa sa pisikal na pakikipag-ugnayan para

sa pangangalap ng mga datos sapagkat madali nitong nabibigyang tugon ang

pangangailangan sa mga estadistika ng naturang pag-aaral bilang konkretong patunay

sa mga puntong nais ipabatid ng pananaliksik. Gayundin, saklaw ng pag-aaral na ito ang

iba’t-ibang epekto ng negatibong panghuhusga sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral sa loob at labas ng paaralan gayundin ang mga aspetong nakaaapekto rito.

5
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

IV. PANIMULA

Ang Epekto ng Negatibong Panghuhusga sa Akademikong Pagganap ng mga

Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng The Mabini Academy Taong Panuruan 2022-2023

ay tumutukoy sa mga maaaring maging epekto ng negatibong panghuhusga sa

kakayahang pang-akademiko ng mga estudyante.

Karamihan sa mga kabataan ay nakararanas na ng negatibong panghuhusga.

Maaaring sila ay nahusgahan dahil sa ating itsura, pananalita, pananamit at estado sa

buhay o pati na rin sa kanilang personal na kakayahan. Ayon sa pag-aaral nila Sonja

Schierbaum at Mika Perälä (2020) ang negatibong panghuhusga ay isang kognitibong

pagkilos kung saan sumasangayon ang isang tao sa isang negatibong panukala. Sa

madaling salita ang negatibong panghuhusga ay isang proseso ng pagtanggap ng isang

indibidwal sa isang negatibong pagsusuri o konklusyon tungkol sa isang tao, bagay, o

sitwasyon.

Ang mga mag-aaral ay partikular na nauugnay sa paksang ito sapagkat sila ay

nasa kritikal na yugto na ng kanilang pag-aaral kung saan ang kanilang mga marka at

pagkakataon sa mas mataas na antas ay nakasalalay sa kanilang pagkakapasa sa mga

kinakailangang kurso at pagsusuri. Ayon sa River's Edge Rehabilitation and Health Care

Center (2020), ang panghuhusga ay may kaakibat na epekto sa kalusugan ng isang tao.

Isa na rito ang pagkakaroon ng stress sapagkat kapag hinahanap mo lagi ang mga

negatibong katangian sa isang tao, sinasanay mo ang iyong sarili na pagisipan o hanapan

ng masama ang isang tao na maaaring humantong sa stress. Ayon naman sa narebyung

6
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

medikal ni Charrise Antalan, MD (2022) isang General Practitioner, ang stress ay

nakakapagpahina ng immune system at nakakapagtaas ng presyon sa dugo ng isang

tao, nakakapagdulot din ito ng pagod, depresyon, anxiety, at pati narin ang stroke kaya

naman hindi dapat ginagawang biro ang mga epekto na maaari nitong maidulot sa mga

estudyante.

Sa pananaliksik na ito, matatagpuan ang mga aspetong mayroon epekto sa

negatibong panghuhusga at kung paano ito tinatanggap ng mga mag-aaral sa

ikasampung baitang bilang mga magtatapos. Isinagawa ang pananaliksik na ito upang

matukoy ang mga epekto ng negatibong panghuhusga sa mga estudyante sa kanilang

akademikong pagganap. Ang mga impormasyon na makakalap ng pananalilsik na ito ay

makatutulong sa mga mag-aaral na nakararanas ng mga negatibong panghuhusga sa

kanilang buhay sa loob at labas ng paaralan.

V. PAGTALAKAY

Ang panghuhusga ay isang proseso ng paggawa ng isang opinyon tungkol sa

isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng pagkakaiba at pagkilala sa isang indibidwal.

Ayon kay James Heskett (2013), ang panghuhusga ay gumaganap ng isang malaking

papel sa paggawa ng desisyon sa kadahilanang ito ay isang elemento sa lahat ng mga

desisyon. Sa katunayan, pinagsasama nito ang mga pananaw at kagustuhan upang

makabuo ng isang desisyon kung paano makikita ng isang tao ang mga bagay. Gayundin,

7
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

ang Social Judgment Theory (Sherif C., Sherif M., Nebergall R., at Hovland C. 1961) ay

nagsasaad na ang isang tao ay mayroong sariling pahayag o mensahe at pinili niya itong

tanggapin o tanggihan batay sa kaniyang cognitive map - biswal na representasyon ng

mga mental model o yaong proseso kung paano gumagana ang pag-iisip ng isang tao sa

tunay na buhay. Ito ay binubuo ng ilang impormasyon na natatangi sa isang indibidwal

habang ang ilan naman ay umiiral batay sa cognitive map ng ibang tao. Walang mga

biswal na pamantayan na dapat sundin dito, wala ring paghihigpit sa kung paanong

biswal na kinakatawan ang mga konsepto at ang pakikipag-unayan ng pag-iisip sa iba.

Kung kaya, ang paghuhusga ng isang tao ay kadalasang nakadepende sa kaniyang

sariling paniniwala kung ito ba ay katanggap-tanggap o hindi.

Samantala, ang crab mentality o utak talangka ay isang halimbawa at uri ng

pagsira ng loob at pagsasabotahe na nauukol sa isang paraan ng pag-iisip “Kung hindi

ko kaya, ikaw din.” Ang crab mentality ay karaniwan sa Pilipinas kung kaya, ayon kay

Kevhyn Gohu (2023) ang pagsasama-sama ay itinuturing na isang birtud sa Pilipinas

kung saan, pantay-pantay ang tingin ng mga Pilipino sa isa’t isa na humahantong sa

nabanggit na mentalidad. Gayunpaman, maraming mga Pilipino ang maaaring

nahihirapang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng hilig at birtud. Sa kadahilanan na

sanay na ang mga Pilipino sa crab mentality, maaasahan na ang ganitong uri ng kaisipan

ay nangyayari rin sa mga pamilyang Pilipino. Halimbawa, kapag inihambing ng isang

partikular na miyembro ng pamilya ang akademikong pagganap ng kanilang sariling anak

sa iba. Ayon sa artikulong pinamagatang “The Effects of Comparing Your Children”

8
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

sinisira nito ang pagpapahalaga sa sarili ng bata dahil nahahadlangan ang pag-unlad ng

mga ito kapag nagsimula silang maniwala na hindi nila kayang gumanap nang mabisa.

Nagreresulta ito sa paglayo ng loob ng mga ito dahil ayaw nilang magdulot ng

karagdagang pagkabigo at saktan ang kanilang mga magulang na siyang nagreresulta

sa pagkakaroon ng emotional baggage. Ang emotional baggage ay mga emosyonal na

isyu, mga stress, sakit, at paghihirap na naranasan ng isang indibidwal na patuloy na

umookupa sa isipan ng isang tao at nakakaapekto sa kaniyang kalagayan. Sa kabuoan,

ang resulta ng crab mentality sa mga mag-aaral dulot ng kanilang mga magulang,

pamilya, o sinumang nasa paligid niya ay nagpapalaki sa kawalang katiyakan ng mga

mag-aaral na humahantong sa kanilang pagpapakita ng katulad na negatibong akto sa

mga taong nasa paligid nila.

Kaugnay nito, sa Pilipinas, maraming estudyante ang nakararanas ng Smart

Shaming o Anti-Intellectualism. Ito ay binibigyang kahulugan bilang ang pagkilos ng

pagpapahiya sa iba para sa tanging layunin ng pagiging matalino, o sa ilang mga

sitwasyon ay panipintasan at ito ay tinukoy din bilang poot at masamang paghihinala sa

mga gawaing intelektuwal. Ayon kay Shakira Sison (2015), dumarami na ang

pagpapahiya sa mga naglalaan ng oras upang matuto nang higit pa at ibahagi ang

kanilang kaalaman sa iba. Nagkaroon na rin ng patuloy na pagtaas ng pang-aalipusta sa

mga taong nag-aaral at nagbabahagi ng kanilang kaalaman sa iba. Parang biglaan na

ang katalinuhan ay naging kahinaan at ang hindi pagtuklas ng ibang ideya ay mas popular

kaysa sa pananatiling kuryoso upang tingnan ang mas malalim na aspeto ng mga bagay.

9
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Kinokondena nito ang mga taong nag-iisip nang higit sa normal na kakayahan nila at

nagpapahayag ng "Ikaw na ang magaling!" Ayon sa isang artikulong may pamagat na

"Ikaw Na: The Reality Of Smart Shaming In The Philippines,” ang mga matalinong mag-

aaral ay madalas na nakatatanggap ng mga walang galang at panlilibak na komento mula

sa kanilang mga kaklase kaysa sa pagbati tulad ng "Edi Wow!", "Ikaw na ang magaling,"

at "Pabibo!". Bilang resulta, kadalasang nararamdaman ng mga mag-aaral ang takot,

kawalan ng kapanatagan, kawalan ng karapatang magpahayag ng mga naiisip at ideya,

kalungkutan, pagkaapi at kahirapan sa pagpapahalaga sa sarili.

Samantala, tinugunan naman ng PISA (2018) ang isang pananaliksik ukol sa

akademikong pagganap ng mga estudyante sa Pilipinas sang-ayon sa iba’t-ibang

asignatura. Napag-alaman na ang porsyento ng mababang pagganap ng mga

estudyante sa lahat ng mga asignatura tulad ng Matematika, Pagbasa, at Agham ay

umabot ng 71.8% na siyang pangalawa sa pitumpu’t anim na mga bansa sa mundo.

Habang ang mga mag-aaral naman na mahina sa isang asignatura ay umabot ng 89.9%

na siya namang ikatlo mula sa pitumpu’t anim na mga bansa. Kaugnay nito, may ilang

bahagi rin sa mga mag-aaral na umaabot sa 31.3% ang nagsasabing ang katalinuhan ay

isang bagay tungkol sa isang tao na hindi gaanong kayang baguhin. Ito ay marahil may

mga bagay sa paligid na siyang nakapagdidikta sa kung ano ang magiging pamantayan

upang ang isang indibidwal ay mahusgahan at masabing matalino batay sa kaniyang

akademikong pagganap.

10
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

VI. PRESENTASYON NG DATOS

Talahanayan 1: Mga Mag-aaral na Nakaranas ng Panghuhusga sa Kanilang


Akademikong Pagganap

16%

42%

32%

10%

Kababaihang Nakaranas na Kababaihang Hindi pa Nakararanas


Kalalakihang Nakaranas na Kalalakihang Hindi pa Nakararanas

Sa pigurang ito matutuklasan ang bilang ng mga mag-aaral na nakararanas ng

panghuhusga sa kanilang akademikong pagganap. Lumalabas na batay sa sarbey na

isinagawa sa kabuoang bilang na pitumpung (70) mga respondanteng mag-aaral kung

saan, tatlumpu’t-anim (36) dito ay babae habang tatlumpu’t-apat (34) naman ang lalaki,

karamihan sa mga kababaihan ay nakararanas ng panghuhusga sa kanilang

akademikong pagganap at ito ay umaabot sa 29% na katumbas ng dalawampu’t siyam

(29) na mag-aaral. Habang ang mga kababaihang hindi pa nakararanas nito ay umaabot

lamang sa 10% porsiyento (katumbas ng pitong mag-aaral). Para naman sa kalalakihan,

32% (panghuhusga katumbas ng dalawampu’t dalawang mag-aaral) sa mga ito ang

nakararanas ng panghuhusga at ang natitirang porsiyento naman ay yaong mga

kalalakihang hindi pa nakararanas ng panghuhusga kung saan, umaabot ito ng 16%

(katumbas ng labing isang mag-aaral).

11
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Talahanayan 2: Mga Aspetong Pinagmumulan ng Negatibong Panghuhusga

10%

18% 36%

5%
31%

Pamilya Guro Kaklase Kaibigan Iba pa

Sa pigurang ito matatagpuan ang mga aspetong nakaaapekto sa mga mag-aaral sa mga

panahong magsasabi ang mga ito ng negatibong panghuhusga ukol sa kanilang

akademikong pagganap. Nakatanggap ang pamilya ng pinakamataas na boto kung saan,

umabot ito sa 36% (katumbas ng tatlumpu’t limang boto). Pumapangalawa naman ang

mga kaklase na umokupa ng 31% (katumbas ng tatlumpung boto). Pangatlo naman sa

pinakamataas ang mga kaibigan na mayroong 18% (katumbas ng labimpitong boto).

Habang sumunod naman dito ang iba pang mga aspeto na hindi nabanggit mula sa

sarbey na umaabot ng 10% (katumbas ng sampung boto) na nagsasabing ang mga

panghuhusgang kanilang natatanggap ay mula sa mga taong hindi nila kakilala.

Samantala, panghuli at nakatanggap ng pinakamababang boto ang mga guro na

mayroon lamang 5% (katumbas ng limang boto).

12
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Talahayanan 3: Mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-


Aaral

Mga Salik Na Nakaapekto Sa Akademikong Pagganap Ng Mga Mag-Aaral


Pahayag 4 3 2 1 Kabuoan WM Resulta

Bilang isang mag-aaral,


nababatid ko na malaki ang
aking pananagutan sa 140 69 14 5 228 3.26 Lubos na Sumasang-
aking akademikong ayon
pagganap.
Mataas ang aking
kumpiyansa sa sarili sa 40 102 46 3 191 2.73 Sumasang-ayon
aking kakayahang pang-
akademiko.
Mabilis na naaapektuhaan
ang aking akademikong
kakayahan sa mga
negatibong panghuhusga 36 96 36 11 179 2.56 Hindi Sumasang-ayon
na inihahayag sa akin ng
aking PAMILYA.
Mabilis na naaapektuhan
ang aking akademikong
kakayahan sa mga
negatibong panghuhusga 16 84 52 12 164 2.34 Hindi Sumasang-ayon
ng inihahayag sa akin ng
aking
KAKLASE/KAIBIGAN.
Mabilis na naaapektuhan
ang aking akademikong
kakayahan sa mga
negatibong panghuhusga
ng inihahayag sa akin ng 36 84 44 11 175 2.50 Hindi Sumasang-ayon
aking GURO/MGA
PROPESYUNAL na
matatagpuan sa industriya
ng edukasyon.
Ginagawa kong motibasyon
sa pag-aaral ang
negatibong panghuhusga 92 63 34 9 198 2.83 Sumasang-ayon
na inihahayag sa akin.

Bilang isang mag-aaral at


kapwa estudyante, hindi ko
maiwasang husgahan ang
abilididad sa akademikong 16 69 56 15 156 2.23 Hindi Sumasang-ayon
pagganap ng aking mga
kasamahan.

13
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Ang talahayanan na ito ay katatagpuan ng pagsusuri sa iba’t-ibang mga aspetong

kaugnay ng negatibong panghuhusga na nakaaapekto sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral. Ginamit dito ang Likert Scale na isang uri ng iskala na sumusukat sa

saloobin ng mga respondente sa isang partikular na paksa tulad ng nasa itaas. Ang

weighted mean (average na nakalkula) ang nagsilbing batayan upang matukoy ang

katumbas na resulta ng mga kasagutan batay sa nakatakdang interval range. Para sa

unang katanungan kung saan nilayong malaman ang antas ng pagbatid sa pananagutan

ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong pagganap, umabot sa 3.26 ang weighted

mean nito na may katumbas na resultang lubos na sumasang-ayon. Sa ikalawang

pahayag, kung saan inalam kung may kumpiyansa sa sariling akademikong pagganap

ang mga mag-aaral ay umabot ang weighted mean sa 2.73 na katumbas ng kanilang

pagsang-ayon. Habang para naman sa ikatlo hanggang ikalimang bahagi ng sarbey

kwestyuner kung saan kinumpirma ang mga aspetong mabilis na nakaaapekto ang

panghuhusga sa mga mag-aaral kabilang ang pamilya, kaklase/kaibigan, at guro,

nakatanggap naman ito ng hindi pagsang-ayon ng mga mag-aaral na mayroong weighted

mean na 2.56, 2.34, at 2.50 sa paraang magkakasunod. Samantala, para sa ika-anim na

katanungan na inaalam kung ginagamit na motibasyon ang mga negatibong

panghuhusga ay nagkaroon naman ito ng weighted mean na 2.83 katumbas ng kanilang

pagsang-ayon dito. Para naman sa huling katanungan na ninais siyasatin kung hindi nga

ba naiiwasan ng mga mag-aaral na husgahan ang kanilang mga kasamahan ay

nakatanggap ng weighted mean na 2.23 na naghatid sa resulta na hindi sumasang-ayon.

14
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Talahayanan 4: Epekto ng Negatibong Panghuhusga sa mga Mag-aaral


Epekto ng Negatibong Panghuhusga sa mga Mag-aaral
Pahayag 4 3 2 1 Kabuoan WM Resulta
Ginagawa kong motibasyon
sa pag-aaral ang mga
negatibong panghuhusga 64 57 22 2 145 3.82 Lubos na Sumasang-
sa aking akademikong ayon
pagganap.
Ginagamit kong gabay sa
pag-aaral ang mga
negatibong panghuhusga 20 60 24 1 85 2.24 Hindi Sumasang-ayon
sa aking akademikong
pagganap upang mahasa
ito.
Wala akong pakialam sa
mga negatibong
panghuhusga na 28 48 26 2 104 2.74 Sumasang-ayon
inihahayag tungkol sa aking
akademikong pagganap.
Pinanghihinaan ako ng loob
sa tuwing nakatatanggap
ako ng negatibong 28 24 36 5 93 2.45 Hindi Sumasang-ayon
panghuhusga sa aking
akademikong pagganap.
Nawawalan ako ng gana sa
pag-aaral tuwing 16 12 44 8 80 2.11 Hindi Sumasang-ayon
nakatatanggap ako ng
negatibong panghuhusga.

Sa talahayanang ito ay matatagpuan ang resulta ng sarbey mula sa tatlumpu’t

walong mga mag-aaral ukol sa epekto ng negatibong panghuhusga sa kanila. Muli itong

ginamitan ng Likert Scale at ang weighted mean nito ang nagsilbing basehan ng resulta

sang-ayon sa interval range na nakuha. Para sa unang katanungan kung ginagamit na

motibasyon ng mga mag-aaral ang mga negatibong panghuhusga, nakatanggap ito ng

mataas na weighted mean na 3.82 na katumbas ng lubos na pagsang-ayon ng mga

respondente. Para naman sa ikalawang pahayag na inaalam kung ginagamit ito ng mga

mag-aaral bilang gabay sa pag-aaral ay nakatanggap naman ito ng weighted mean na

15
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

2.24 na katumbas ng hindi nila pagsang-ayon. Habang sa ikatlong katanungan, na

nagsasabing wala silang pakialam sa nagiging panghuhusga sa kanila ay nagtamo ito ng

weighted mean na 2.74 na ibig-sabihin ay sumasang-ayon ang mga respondente dito.

Para sa ikaapat na katanungan kung pinanghihinaan ng loob ang mga mag-aaral sa

tuwing nakatatanggap ng negatibong panghuhusga ay nagresulta naman ito sa weighted

mean na 2.45 na katumbas ng hindi nila pagsang-ayon. Samantala, ang ikalimang

katanunangan kung nawawalan ng gana sa pag-aaral ang mga estudyante tuwing

nakatatanggap ng negatibong panghuhusga ay nagresulta naman sa weighted mean na

2.11 na ang katumbas ay ang hindi rin pagsang-ayon ng mga ito.

VII. LAGOM

Bilang pagbubuod, ang panghuhusga sa akademikong pagganap ay isang isyung

kinakaharap ng maraming mag-aaral. Sa unang talahanayan, lumalabas na higit na mas

maraming bilang ng kababaihan ang nakararanas ng panghuhusga kumpara sa bilang

ng kalalakihan. Ito ay isang katibayan na ang kasarian ay isa sa mga salik na maaaring

nakaaapekto sa pagbabago ng karanasan ng mga mag-aaral lalo’t higit sa kanilang

akademikong pagganap.

Sa ikalawang talahanayan, napag-alaman na ang pamilya ang pinakamadalas na

pinagmumulan ng negatibong panghuhusga. Nakumpirma ring mula sa mga malalapit na

tao sa buhay ng mga mag-aaral ang maaaring magkarooon ng malaking epekto sa

16
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

kanilang akademikong pagganap gayong ang mga ibinabatong salita ng mga ito ay may

malaking epekto sa kanilang kalagayan. Upang matugunan ang epekto ng negatibong

panghuhusga na ito sa mga mag-aaral, mahalagang magkaroon ng malasakit, suporta,

at positibong saloobin mula sa mga taong nakapaligid sa mga mag-aaral. Gayundin,

nararapat rin na bigyang diin ang kahalagahan ng konstruktibong kritisismo, pagtanggap

sa pagkakamali bilang bahagi ng pag-aaral, at pagpapahalaga sa tagumpay ng mga mag-

aaral na sangkot dito.

Sa talahanayan ng mga salik na nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral, may iba’t ibang opinyon ang mga estudyante hinggil sa mga salik na naka-

aapekto sa kanilang akademikong pagganap. Maraming sa kanila ang sumasang-ayon

na malaki ang kanilang pananagutan sa kanilang pang akademikong pagganap at may

mataas na kumpiyansa sa kanilang kakayahan na isang patunay na halos lahat sa kanila

ay alam ang malawakang responsibilidad dito.

Sa talahanayan ng epekto ng negatibong panghuhusga sa mga mag-aaral, may

iba't ibang mga epekto ang negatibong panghuhusga sa mga kanila. Ang ilan ay ginamit

ang mga ito bilang motibasyon sa pag-aaral samantalang may ibang hindi pinapansin

ang mga negatibong panghuhusga. Mayroon ding mga mag-aaral na pinanghihinaan ng

loob o nawawalan ng gana sa pag-aaral dahil sa mga negatibong panghuhusga na

kanilang nararanasan. Ito ay nagpapahiwatig na ang negatibong panghuhusga ay

maaaring magkaroon ng iba't ibang epekto sa mga mag-aaral, ngunit hindi ito lubusang

17
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

nakakaapekto sa kanilang pagkamotibado at pagpapahalaga sa kanilang akademikong

pagganap.

Sa pangkalahatan, ang panghuhusga ay may malaking epekto sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral. Ito ay maaaring magdulot ng positibong motibasyon ngunit,

maaari rin itong magdulot ng negatibong epekto tulad ng pagkawala ng gana sa pag-

aaral at pagkabahala sa sariling kakayahan. Upang masiguro ang maayos na pag-unlad

ng mga mag-aaral, mahalagang maunawaan at tugunan ang mga isyung panghuhusga

sa loob at labas ng paaralan. Kinakailangan ng mga hakbang upang palakasin ang

pagtanggap at pag-respeto sa bawat mag-aaral pati na rin ang paghubog ng positibong

kultura ng pag-aaral at suporta mula sa mga pamilya, mga kaklase, at mga guro.

VIII. KONKLUSYON

Natuklasan sa papel-pananaliksik ang mga sumusunod:

a.) Karamihan sa mga kabataan ngayon, babae man o lalaki ay nakatatanggap ng

panghuhusga sa kanilang akademikong pagganap kung saan, halos iilan lamang sa

mga ito ang hindi pa nakararanas at nananatiling malaya mula sa mga negatibong

panghuhusga. Buhat dito, napag-alaman sa pag-aaral na sa mga pagkakataong

nakatatanggap ang mga mag-aaral ng negatibong panghuhusga ay hindi nila ito

gaanong dinaramdam bagkus, ang karamihan dito ay ginagawa itong motibasyon

upang mapabuti ang pag-aaral at magsilbing gabay upang mahasa pa ang kanilang

18
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

kasanayan. Gayundin masasabing ang pagtanggap ng mga kabataan sa negatibong

paghuhusga ay tila imparsiyal kung saan ang ilan sa mga ito ay walang malinaw na

pinapanigan sa nagiging epekto sa kanila ng negatibong panghuhusga kung kaya

may ilan sa mga ito na hindi binibigyang pansin ang ganitong mga bagay at mas

nagpopokus na lamang sa kanilang layuning patunguhan (goal).

b.) Bilang mga magsisitapos na mag-aaral sa hayskul, marahil na doble ang pagsisikap

ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang kung kaya labis din ang naging

pagpapahalaga nila sa kanilang akademikong pagganap. Ang kanilang labis na

pagpupursigi ay maoobserbahan sa kanilang naging pagtanggap sa pag-aaral na ito

kung saan, iba’t-iba ang kanilang naging paraan upang ipakita ang pagbibigay halaga

dito sa kabila ng kanilang naririnig na mga negatibong panghuhusga. Ilan sa mga

kabataan ay tila pinakikinggan at binibigyang pansin ang mga negatibong

panghuhusga sa paraang kanila itong malumanay na tinatanggap at kalaunan ay

ginagamit bilang motibasyon upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Hindi nila ito

nakikita bilang isang balakid sa kanilang pag-aaral dulot ng positibong pag-iisip na

mayroon sila. Para sa mga mag-aaral na ito, ito ang nagsisilbing isa sa mga

puwersang nagtutulak sa kanila upang mas lalong paghusayin pa yaong kanilang

akademikong pagganap. Gayundin, matapos na mapag-alaman sa pag-aaral na ito

na kadalasan at ang malaking porsiyento ng negatibong panghuhusga ay nagmumula

sa pamilya, marahil ito na rin ang nagmulat sa mga mag-aaral upang lalo pang

19
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang tuluyang makaiwas dito at mapatunayan na

walang katotohanan ang anumang negatibong naririnig mula sa kanila. Gayunpaman,

marami rin sa mga mag-aaral ang tila hindi binibigyang pansin ang mga

panghuhusgang ito at nagsasabing ipinagpapatuloy lamang nila ang kanilang

ginagawa. Ito ngayon ang nagpapatunay na mayroon pa ring mga mag-aaral na hindi

sensitibo at apektado sa anumang negatibong nababanggit ukol sa kanilang

pagganap at ito ay upang direktang ilagay ang kanilang pokus sa mga bagay na alam

nilang mas mahalaga tulad ng pag-aaral.

c.) Napag-alaman ng pananaliksik na ito na nakaaapekto ang negatibong panghuhusga

sa sikolohikal na kalagayan ng mga estudyante na nakaaapekto naman pagdating sa

kanilang akademikong pagganap. Batay sa resulta ng isinagawang pananaliksik,

apatnapu’t siyam na porsyento ng mga estudyante na nakararanas ng negatibong

panghuhusga ay mga kababaihan samantalang tatlumpu’t pitong porsyento naman

sa mga kalalakihan ang nakararanas nito. Gayundin bagaman hindi gaanong

naaapektuhan nito ang damdamin ng mga mag-aaral ay may ilan pa rin sa kanila ang

nawawalan ng gana at pinanghihinaan ng loob sa mga pagkakataong nakatatanggap

sila ng negatibong panghuhusga at lumalamang sa bilang na ito ang mga kababaihan.

Samakatuwid, lumalabas na mas apektado ang mga kababaihan sa epekto ng

negatibong panghuhusga kumpara sa mga kalalakihan na nasa ikasampung baitang

ng The Mabini Academy. Ito ay sapagkat mas madalas na nagpapakita ng emosyon

20
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

ang mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan ngunit hindi ibig-sabihin nito na

hindi nakararamdam ng emosyon ang mga kalalakihan (Plant et al., 2000).

Gayunpaman, anuman ang kasarian ng mga nasabing mag-aaaral, hindi maiiwasan

na maiugnay ang mga panghuhusgang ito sa kanilang akademikong pagganap

sapagkat kapansin-pansin kung paanong ang mga ito ay nagagawang maapektuhan

ang kanilang pag-iisip. Bagaman sabihin nilang hindi nila gaano binibigyang pakialam,

mababatid sa pananaliksik na ito na naghahanap ang mga mag-aaral ng alternatibo

upang mapagtagumpayan ang paglilihis ng kanilang atensiyon sa mga panghuhusga

tulad na lamang ng paglilibang at pag-iisip na ito ay repleksiyon lamang ng mga taong

nagsabi sa kanila.

d.) Sa mga pagkakataong nakatatanggap ang mga mag-aaral ng negatibong

panghuhusga, iba’t-iba ang kanilang naging estratehiya upang harapin ang mga ito at

masasabing ang mga ito ay nakabatay sa kung paano nila ito tinatanggap kabilang

ang sumusunod:

 Hindi pagpansin sa mga negatibong panghuhusga at pagpokus sa layunin

 Mahusay na pamamahala sa oras upang mahasa ang sariling kakayahan

 Ginagawang motibasyon ang mga panghuhusga

 Ginagawang biro ang panghuhusga

 Pagpapatatag ng sarili

 Paglilibang sa sarili

21
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Samantala, sang-ayon sa pananaliksik na ito at sa pangangailangan ng mga mag-

aaral, ang mga mananaliksik ay nakahanap ng ilan pang mga paraan upang

matulungan ang mga mag-aaral na harapin ang mga negatibong panghuhusga at

mapanatili ang kanilang mahusay na akademikong pagganap (Rebecca, 2022) tulad

ng:

 Pagkakaroon ng mga programa at aktibidad na naglalayong magbigay ng

kamalayan sa mga mag-aaral tungkol sa mga epekto ng negatibong

panghuhusga at diskriminasyon.

 Pagpapalakas ng kanilang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem) at tiwala sa

sarili (self-confidence)

 Pagtatag ng mga support system tulad ng guidance counselors, peer support

groups, at mentorship programs para sa mga mag-aaral

 Pagkakaroon ng positibong kapaligiran para sa mga mag-aaral upang

matulungan silang harapin ang mga negatibong panghuhusga at mapanatili

ang mahusay na akademikong pagganap.

IX. REKOMENDASYON

Iminumungkahi sa pag-aaral na ito:

22
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik na

kailangang maging malawak ang kanilang pag-unawa at kamalayan sa mararanasang

panghuhusga sa akademikong pagganap. Mabuting alamin kung ano ang ginagawa nila

lalo na sa uri ng pagganap na kanilang ipinapakita sa paaralan. Gayundin, kinakailangang

magkaroon ang mga ito ng kamalayan sa anumang problemang idudulot ng bawat

pagkilos nila at siyasating mabuti kung paano ito matagumpay na matutugunan. Ito ay

makakamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng motibasyon, pagmamalaki sa maliliit na

tagumpay, at maging paghingi ng payo, at disiplina sa sarili.

Para sa mga guro, labis na inirerekomenda ng mga mananaliksik na ipagpatuloy

ang pagtuturo at ang pagiging pangalawang magulang sa mga mag-aaral sa paaralan.

Maging bukas sa pag-intindi at pakikinig sa mga estudyanteng matindi ang

pinagdaraanan. Ipagpatuloy ang pagbigay ng pagkakataong magbago ang mga

estudyanteng naligaw ng landas at yaong mga nangangailan pa ng taimtim na gabay sa

pag-aaral.

Para sa kmag-aaral, ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang bigyan ng

kamalayan tungkol sa epekto ng panghuhusga sa akademikong pagganap. Bilang resulta

ng kanilang akademikong pagganap, ang kabataan ay nagtitiis ng panghuhusga sa

paaralan at sa tahanan kung kaya, aalisin nito ang hinala at antagonismo sa mga

aktibidad na intelektwal at hihikayat sa halip na pigilan ang pagkamausisa ng kabataan.

Sa gayon, inaasahan ang mahusay na pag-unawa ng mga ito sa pananaliksik at pagiging

mulat sa katotohanan na may mga pagkakataon na makatatanggap sila ng panghuhusga

23
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

at ang tanging paraan upang malagpasan ito ay nakabatay sa kung paano nila ito

kahaharapin at ang mga rekomendasyong nakasaad sa pag-aaral na ito ay yaong

magsisilbing gabay upang matulungan ang kanilang sarili.

Para sa Kagawaran ng Edukasyon, lubos na hinihiling ang masusing paghahasa

sa kakayahan ng mga kabataan sa paraang madali nila itong matututunan. Bigyang

pansin ang mga bagay na hindi lamang umiikot sa akademikong gawain bagkus pati

yaong mga ekstrakurikular. Sa panahong maisagawa ito, gamitin din itong basehan

upang masukat ang tunay na kakayahan ng mag-aaral upang balanseng mapaghusay

ang abilidad ng mga ito sa aspetong intelektuwal at aktuwal na kasanayan.

Para sa Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan, mangyaring patuloy na

bigyang gabay ang mga mag-aaral sa parehas na sikolohikal at pisikal na kalagayan nila.

Ang mga mag-aaral na nagiging sensitibo at malapit sa mga negatibong panghuhusga

ay nangangailangan ng agarang solusyon at pagkumpronta upang maikondisyon ang

kanilang mga sarili. Nawa, sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga programa na abot-kayang

isagawa ng organisasyon ay makagawa ng paraan upang agarang matulungan yaong

mga estudyanteng nangangailangan ng pagtugon upang mapabuti ang kanilang mga

sarili bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan.

Para sa mga susunod na mananaliksik, ito ay magiging kapaki-pakinabang sa

kanila sa hinaharap lalo na sa mga pagkakataong mangangailangan sila ng matibay na

rekomendasyon. Sa katotohanan na makapagbibigay din ito sa amin, mga kasalukuyang

mananaliksik, ng mahusay na mga kredensyal at mapapansin ng mga tao ang aming

24
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

mga pagsisikap, yaong mga susunod naman ay magkakaroon ng konkretong basehan

ng pag-aaral sa katiyakang ang bawat datos ay may tiyak na katotohanan. Kung kaya,

mangyaring unawaing mabuti ang pag-aaral na ito at tugunan sa susunod na pag-aaral

ang nagiging epekto ng negatibong panghuhusga sa pisikal na kalusugan ng mga mag-

aaral na siya ring marapat na malaman ng bawat isa.

X. SANGGUNIAN

A. Aklat, Dyornal at Magasin

25
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Honicke, T. & Broadbent, J. (2016). The influence of academic self-efficacy on


academic performance: A systematic review. ScienceDirect.
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1747938X15000639?via%3Dihu
b&fbclid=IwAR0hjBpLibkQCgIBFsF_h2Qj0xOfDIBgA5CuPKih9PvwsKlempGM1UMcXw
U
B. Nailathala at Hindi Nailathalang Tesis

Aguiton, L., Calipayan, K., Cogtas, S., Delo Santos J., Gaitano, C., Ignacio, J.,
Laguidao, M., Napoles, W., Sarino, A., Uy, A., Villalon, R. (2020). Smart Shaming: The
Struggles of Smart Shamed Students in Academe. Scribd.
https://www.scribd.com/document/521287031/Smart-shaming-the-Living-Experiences-
of-Smart-Shamed-Students-in-Academe
Janya, E., Ledesma K., Menor, A., Pacheco J. (2014). Salik na Nakaaapekto sa
Akademikong Pagganap ng mga Mag-Aaral na Nagmamayorya sa Filipino. Scribd.
https://www.scribd.com/document/457054080/SALIK-NA-NAKAAAPEKTO-SA-
AKADEMIKONG-PAGG-docx
Milosheff, E. (1991). The influence of high school teachers' attitudes and behaviors on
students' mathematics achievement. Proquest.
https://www.proquest.com/openview/af75bebd64ce7644bd5e11600fc8e868/1?pq-
https://www.jstor.org/stable/30220336?searchText=The%20effects%20of%20positive%
20and%20negative%20teacher%20comments%20on%20students%27%20self-
%20evaluations%20and%20performance&searchUri=%2Faction%2FdoBasicSearch%3
FQuery%3DThe%2Beffects%2Bof%2Bpositive%2Band%2Bnegative%2Bteacher%2Bc
omments%2Bon%2Bstudents%2527%2Bself-
%20evaluations%2Band%2Bperformance&ab_segments=0%2Fbasic_search_gsv2%2
Fcontrol&refreqid=fa%20stly-
default%3Acb5cbbe174ba00d084538ea4d62de60f&fbclid=IwAR3LtO37nLKPKL7-
%20By8jhusKhPmOOR8aqvmlrn-iCQjviu8WGuS9aQlpiaY
Mitra, E. (2022). Effects of Smart Shaming to Self-Esteem as Perceived by Senior High
School Students of AMA Computer College A.Y. 2021-2022. Studocu.
https://www.studocu.com/ph/document/ama-computer-university/practical-research-
2/chapter-1-the-problem-and-its-background/39090489

C. Hanguang Elektroniko o Internet

26
The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
Senior High School Department

Sision, S. (2015). What’s up with the smart-shaming? Rappler.


https://www.rappler.com/voices/imho/smart-shaming/?fbclid=IwAR25Pjapiwai-
%20g_5SqEqUcG9y0yW6_mTXk__N_rgGPKAUXBwr3Nb2fY2L2k
N/A. (2023, February 9). Ikaw Na: The Reality of Smart Shaming in the Philippines.
Onedown. https://onedown.media/read/smart-shaming-in-the-
%20philippines?fbclid=IwAR3vY9x52teG4EsmPhoT03R2TVPdav1ctJ2rlkwf_tGg_yr5zB
2GsyPtmz4
N/A. (2018, August 27). Teacher Bias: The Elephant in the Classroom. Marcolearning.
https://marcolearning.com/teacher-bias-the-elephant-in-the-classroom/
Gohu, K. (2023). Utak Talangka or Talangkang Pag-iisip: What is Crab Mentality?
ModernParenting. https://modernparenting.onemega.com/crab-mentality-what-it-is-and-
how-it-destroys-filipinofamilies/

27

You might also like