You are on page 1of 24

EULOGIO RODRIGUEZ INTEGRATED SCHOOL

Cavo F. Sanchez St., Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong City

MGA DAHILAN SA HINDI PAGPASOK SA PAARALAN NG MGA


MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL: BASEHAN SA
PAGBUO NG PANUKALANG PROYEKTO

Isang Pananaliksik

Proyekto sa Una at Ikalawang Semester ng


Taong Panuruan 2023-2024

Ipinasa kay:
G. Rey Ann C. Rancudo

Ipinasa nina:
Bajar, Ivan Jake C.
Caceres, Ashley V.

Marso, 2024
1

KABANATA 1

SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral ay

nakababahala sa panahong ito. Hindi lamang ito sa Pilipinas

pinoproblema ngunit maging sa ibang bansa rin. Ayon sa Program for

International Student Assessment o PISA (2022), ang Pilipinas ang may

pinakamataas na grado ng pangmatagalang pagliban sa mga mag-aaral

kumpara sa lahat ng mga bansa. Humigit-kumulang na 30% ng mga

mag-aaral mula sa Pilipinas ang naulat na lumiban sa paaralan nang

higit sa tatlong magkakasunod na buwan. Higit pa sa mahinang pagdalo

ng mga mag-aaral, ang matagal na pagliban ay higit na nagpapalala sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral dahil ang mga buwan na

nasayang para sa mga hindi napag-aralang mga aralin ay may

posibilidad na lumaki, sabi sa ulat ng PISA.

Ang mga guro at ang iba pang mga mag-aaral na pumapasok sa

paaralan ay ang isa sa mga napeperwisyo dahil sa pagliban nilang ito.

Ang pagliban ay hindi lamang nakakaapekto sa pag-unlad ng akademiko

ng mga mag-aaral, ngunit nakakaimpluwensya rin ito sa pagpaplano ng

mga guro sa klase at kasabay nito ay ang mga motibasyon ng ibang


2

mga mag-aaral sa klase (Thornton et al., 2013). Maaaring sinasadya na

ng mga mag-aaral ang hindi pagpasok sa paaralan at maaari ding may

mga personal o malalim silang dahilan kaya sila lumiliban sa klase.

Ngunit nang dahil sa hindi nila pagpasok sa paaralan ay maaaring

maapektuhan ang kanilang akademikong pagganap. Ayon sa pag-aaral

nina Gershenson et al. (2017), ang hindi pagpasok sa paaralan, kahit

na saglit lang sila lumiban at kahit ano pa man ang kanilang maging

dahilan ay mayroon itong negatibong epekto sa pagganap sa pagsusulit

ng mga mag-aaral. Maaaring masayang ang mga oras at araw na wala

sila sa paaralan na dapat ay ginagawa nila ang mga gawain na itinakda

ng kanilang mga guro. Ngunit, maaaring magtatag ang mga guro ng

mga pamamaraan na inaasahan na magpapabawas sa naaaksayang

oras at mga estratehiya na mas magpapalaki sa pagkakataon na matuto

(Meador, 2019).

Sa karanasan naman ng mga mananaliksik sa Eulogio Rodriguez

Integrated School, maraming mga mag-aaral ng Senior High School ang

hindi pumapasok o laging lumiliban sa paaralan dahil sa iba’t-ibang mga

dahilan. Halos mangalahati na lang ang mga mag-aaral na pumapasok

sa ikalawang markahan ng unang semester kaya ito ay nakakaalarma

pagdating sa kanilang akademikong pagganap tulad ng kanilang grado.


3

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga

dahilan sa hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral sa Senior High

School ng Eulogio Rodriguez Integrated School. Mahalagang mapag-

aralan ang pananaliksik na ito upang makatulong sa pagbuo ng

rekomendasyon at posibleng solusyon sa tulong ng mga resulta na

makukuha sa pag-aaral na ito. Maaaring maging basehan ito sa pagbuo

ng panukalang proyekto na gagawin sa hinaharap.

Rebyu ng mga Literatura at Pag-aaral

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay paglalahad ng mga kaugnay

na literatura at pag-aaral. Ang mga mahahalagang konsepto ay

inilalahad sa paraang pagbanggit at batay sa sinopsis ng mga

mananaliksik.

Lokal na Literatura

Sa pagliban ng mag-aaral sa paaralan, marami itong dahilan na

pwedeng maging basehan. Maaaring dahil sa pinansyal, pamilya,

transportasyon, at iba pa (Elis, 2016).

Ang pagliban ng mga mag-aaral sa paaralan ay isang bagay na

pinipilit ng Kagawaran ng Edukasyon na mabawasan dahil ito ay

nakakaapekto sa pagganap ng isang institusyon sa pagkamit ng mataas

na marka (Nava, 2009). Kaya sa Mindanao, pinahahalagahan nila ang

pakikialam ng mga magulang sa kanilang mga anak para sa maganda


4

at matagumpay na kinabukasan ng kanilang buhay (Cepada & Grepon,

2021).

Ayon sa pag-aaral ni Tus (2020), ang kaugalian ng mga mag-aaral

sa pag-aaral ay isa rin sa mga dahilan sa pagbaba ng kanyang

edukasyon.

Ang mga pag-uugali na ipinapakita ng isang mag-aaral ay

maaaring maging salamin sa mga dahilan kung bakit sila lumiliban sa

paaralan. Isa sa mga ito ay ang panunukso o pang-aasar na ginagawa

ng kanilang mga kamag-aral. Ayon sa pag-aaral nina Lactao at De

Guzman (2011), ang ganitong uri ng interaksyon sa mga kapwa mag-

aaral ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kanilang pagdalo

sa klase. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga na mabigyan ng sapat na

atensyon ang mga isyung ito upang maiwasan ang mga insidente ng

pagliban sa paaralan. Kaya’t mahalagang magkaroon ng mga adhikain

ang institusyon na nagbibigay ng gabay sa mga mag-aaral upang mas

lalong pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maiwasan ang pagliban sa

paaralan (Bernardo et al., 2014).

Banyagang Literatura

Ang talamak na pagliban ay lumilitaw na hinihimok ng

magkakapatong na mga kadahilanang medikal, indibidwal, pamilya, at

panlipunan. Kabilang ang malalang sakit, kondisyon ng kalusugan ng


5

isip, pananakot, pinaghihinalaang kawalan ng kaligtasan, hindi

magandang klima ng paaralan, ekonomiya, kawalan, at laging

nagkakaaberyang mga transportasyon (Allen et al., 2018).

Ang mga sanhi ng pagliban ng mga mag-aaral ay hindi nauugnay

sa paaralan. Ang pagliban ng mag-aaral ay bahagyang sanhi ng mga

sikolohikal na dahilan. Ang mga lalaking mag-aaral ay may higit na

pagliban kaysa sa mga babaeng mag-aaral dahil sa iba’t-ibang mga

dahilan tulad ng pagkakasakit, pagod, at mga personal na dahilan (Ocak

et al., 2017) ngunit, ayon sa Plan International (2023), mayroong

dalawang milyong batang babae na bumubuo sa 64% ng mga babaeng

mag-aaral ang hindi pumapasok sa paaralan nang dahil sa mga

pagbabagong pisikal tulad ng pagkakaroon ng buwanang dalaw o regla.

Sa pag-aaral nina Adıgüzel at Karadaş (2013), ang mga mag-aaral

na may pagliban ay nakakaligtaan ang mga pagkakataong matutuhan

ang materyal na nagbibigay-daan sa kanila upang magtagumpay sa

paaralan at sila rin ay nahuhuli sa kanilang mga kaklase pagdating sa

akademikong tagumpay.

Ayon kina Gottfried at Hutt (2019), ang mas maraming pagliban

sa paaralan ay maaaring maging epekto sa mas mababa na mga resulta

ng pagsusulit at mga marka, isang mas malaking tiyansa na huminto sa


6

pag-aaral at isang mas mataas na posibilidad ng kawalan ng trabaho sa

hinaharap.

Ang paggabay ng mga magulang, pagbuo ng programa para sa

mag-aaral, paghikayat sa mabuting komunikasyon sa komunidad ng

paaralan, at pagbibigay ng gantimpala sa mga mag-aaral na regular na

pumapasok sa paaralan. Ang mga estratehiyang ito ay maaaring maging

posibleng hakbang para masolusyonan ang pagliban ng mga mag-aaral

(Assefa, 2018).

Lokal na Pag-aaral

Ang isyu sa pagliban ng mga mag-aaral ay nagiging sanhi ng

pangamba sa buong komunidad ng paaralan. Bukod pa rito, napagtanto

ng maraming tao na ang pagliban ay isang pangmatagalang problema

na nangyayari sa lahat ng antas sa sektor ng edukasyon. Ito ay

sumasaklaw sa kindergarten, elementarya, high school, kolehiyo, at

maging sa post-graduate na pag-aaral (Jalagat & Bagas, 2017). Sa

karamihan ng mga pagkakataon, ang mga mag-aaral ay wala o kulang

sa tunay na dahilan para sa kanilang pagliban (Abdullah, 2020).

Sa karagdagang pag-aaral na isinagawa ni Collantes (2021),

lumalabas na ang mga mag-aaral ay nahaharap sa mga hamon tulad ng

hindi maayos o hindi masusing pagbabantay ng mga guro sa kanilang


7

mga mag-aaral. Dagdag pa rito, ang kakulangan sa oras at ang hindi

sapat na paghahanda ng mga materyales na panturo na nagiging sanhi

ng karagdagang tensyon at pagkalito para sa mga mag-aaral.

Ayon naman sa pag-aaral ni Lindell (2013), ang pagkakamit ng

mataas na marka sa mga pagsusulit ay bumaba dahil sa hindi pagpasok

ng mga mag-aaral sa paaralan. Ang sitwasyong ito ay lalo pang pinalala

ng pandemya na nagdulot ng karagdagang pasanin sa mga mag-aaral

na pumasok sa paaralan (Omadto, 2023).

Banyagang Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik nina Balki et al. (2016), sinabi nila na ang

mga mag-aaral na mababa ang tingin sa kanilang sarili pagdating sa

kanilang pag-aaral, mga mag-aaral na hindi maganda ang pakikitungo

sa mga guro at sa mismong paaralan, mga mag-aaral na walang layunin

sa buhay, at ang mga mag-aaral na walang motibasyon sa pag-aaral ay

may malaking tiyansa na lumiban o hindi pumasok sa paaralan. Dagdag

pa nila, ang mga mag-aaral na may magulang na mababang antas

lamang ng edukasyon ang natapos at ang mga magulang na may

mababang kita o hindi nagtatrabaho ay may mas malaking tiyansa na

sila ay hindi pumasok sa paaralan. Mahigit sa kalahati ng mga mag-

aaral ay lumiliban dahil sa sakit na sanhi ng sikolohikal o pisikal na mga


8

sintomas na kadalasang sinasamahan ng mga problema sa tahanan o

sa paaralan (Zandvoort, 2021).

Sa pag-aaral nina Demir at Akman Karabeyoglu (2016), ang

pagliban sa paaralan ng mga mag-aaral ay nakakaapekto sa karanasan

na matuto at ang kanilang tagumpay sa akademiko. Nababawasan ng

pagliban ang tagumpay dahil ang mga mag-aaral ay nawawalan ng oras

sa pag-aaral. Ang problema sa pagliban ng mga mag-aaral ay

nakakaistorbo rin sa pagtuturo ng mga guro dahil maaaring hindi

makasabay o maturuan ng maayos ang mga lumiban. Kapag ang mga

mag-aaral ay lumiban sa paaralan, dumarating nang huli, o sinasadya

na nila mismo ang hindi pagpasok sa kanilang klase ay binabawasan nila

ang kanilang mga pagkakataon na matuto sa mga aralin (Masogo,

2015).

Upang mabawasan ang pagliban ng mga mag-aaral,

napakahalaga na magtulungan ang paaralan at pamilya, ipaalam sa mga

pamilya ang mga ganap sa paaralan pagdating sa kanilang mga anak,

at dagdagan ang kanilang kamalayan pagdating sa mga diskusyon

tungkol sa pagliban (Akkuş & Çinkir, 2022).

Sa pangkalahatan, ang lokal na literatura at pag-aaral ay

nagpapakita na ang pagliban ng mga mag-aaral sa paaralan ay isang

komplikadong isyu na may iba’t ibang sanhi at epekto. Ito ay maaaring


9

dulot ng mga personal na problema, kawalan ng sapat na gabay mula

sa mga guro, at mga negatibong interaksyon sa mga kapwa estudyante.

Ang mga ito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa kalidad ng

edukasyon at sa pagkakamit ng mataas na marka ng mga estudyante.

Sa kabila ng mga hamon na ito, mahalaga ang papel ng mga institusyon

at mga magulang sa pagbibigay ng suporta at gabay sa mga estudyante

para sa kanilang matagumpay na kinabukasan.

Ang banyagang literatura at pag-aaral naman ay nagbibigay-diin

sa kahalagahan ng pagtugon sa isyu ng pagliban ng mga mag-aaral. Ito

ay nagpapakita na ang pagliban ay hindi lamang isang simpleng

problema ng disiplina, kundi isang komplikadong isyu na may iba’t ibang

sanhi at epekto. Ang mga ito ay nagbibigay ng malalim na pang-unawa

sa isyu at nagmumungkahi ng mga posibleng solusyon upang

malunasan ito. Sa kabuuan, ang mga ito ay nagpapakita na ang pagliban

ay isang seryosong isyu na nangangailangan ng malawak na pagtugon

mula sa mga mag-aaral, mga guro, mga magulang, at mga pamayanan.

Teoretikal na Balangkas

Sa pananaliksik na ito ay binigyang pokus ang teoryang Faucet

nina Entwisle, Alexander, at Olson noong 2000 na tungkol sa pagliban

ng mga mag-aaral na nagsasaad na ang mga dahilan ng hindi pagpasok

ng mga mag-aaral ay tulad ng pagbubukas at pagsasara ng isang gripo


10

na nagpapakita ng mga sanhi na nakakaapekto sa presensya o kawalan

ng mga mag-aaral sa paaralan. Ayon kina Klein et al. (2022), mas

pinagbubutihan ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan kung sila ay

madalas na nasa paaralan, at humihinto sila paggawa ng mga gawain

kung wala sila sa paaralan (ibig sabihin, nakapatay ang gripo).

Paradym ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan sa

hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral sa Senior High School.

Kaugnay nito, binuo ng mga mananaliksik ang paradaym ng pag-

aaral na magsisilbing balangkas ng mga plano para sa pananaliksik na

ito.

INPUT PROSESO AWTPUT

- Mga Dahilan kung 1. Paghahanda ng mga


Bakit Hindi Pumapasok katanungan para sa interbyu.
sa Paaralan ang mga
Mag-aaral sa Senior 2. Pagpapatunay ng mga
High School katanungan.

- Mga Epekto nito sa 3. Pagkalap ng mga kasagutan Pagbuo ng Panukalang


kanilang Akademikong sa interbyu. Proyekto
Pagganap
4. Pagsusuri at interpretasyon
- Mga Solusyon sa Hindi ng mga datos.
Pagpasok sa Paaralan
ng mga Mag-aaral sa 5. Buod at konklusyon batay sa
Senior High School nakalap na datos.

FEEDBACK

Pigura 1: Paradaym ng Pag-aaral


11

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may hangaring mahanap ang mga

dahilan sa hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral sa Senior High

School.

Sa makatuwid, ang pananaliksik na ito ay naghahanap ng mga

kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong impormasyon ng mga tutugon ayon sa

kanilang:

1.1. Kasarian

2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit hindi pumapasok sa

paaralan ang mga mag-aaral sa Senior High School?

3. Paano ito nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral?

4. Paano masosolusyunan ang mga dahilan ng hindi pagpasok ng

mga mag-aaral sa Senior High School?

5. Paano magagamit ang pag-aaral sa pagbuo ng panukalang

proyekto?

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan

sa hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral sa Senior High School

upang maging basehan ito sa pagbuo ng panukalang proyekto.


12

Lilimitahan lamang ang pag-aaral sa mga nasa larang ng General

Academic Strand (GAS) ng baitang 11 at 12 sa Eulogio Rodriguez

Integrated School sa Taong Panuruan 2023-2024.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik ay para sa mga sumusunod:

Para sa mga tagapamahala ng paaralan, Ang pananaliksik na ito ay

makatutulong sa tagapamahala ng paaralan dahil nagbibigay ito ng

kaalaman tungkol sa mga sanhi ng pagliban ng mga mag-aaral. Ang

kaalaman na ito ay magagamit sa pagbuo ng mga polisiya at programa

na makatutulong sa pagpapababa ng antas ng pagliban. Bukod dito, ito

rin ay magagamit sa pagbuo ng mga epektibong hakbangin at

interbensyon na maglalayong mapanatili ang mataas na antas ng

partisipasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.

Para sa mga guro, Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro

upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga salik na

maaaring makaapekto sa pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral. Ang

kaalaman na ito ay magagamit nila upang maging mas sensitibo at

mapanagot sa mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.

Makatutulong din ito sa pagbuo ng mga estratehiya sa pagtuturo na

magpapalakas sa partisipasyon ng mga mag-aaral sa klase.


13

Para sa mga magulang, Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay

makatutulong sa mga magulang upang mas maunawaan ang mga

suliranin ng kanilang mga anak sa paaralan. Ang kaalaman na ito ay

magagamit nila bilang gabay upang mas mapanagot na suportahan ang

edukasyon ng kanilang mga anak. Makatutulong din ito sa pagbuo ng

masusing komunikasyon sa paaralan at sa pagbibigay ng suporta sa

mga inisyatibang naglalayong mabawasan ang pagliban ng mga

estudyante.

Para sa mag-aaral, Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapabuti

ang karanasan ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng

pag-unawa sa mga isyu ng pagliban, maaaring maging mas mapanagot

ang mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa paaralan. Ang mga

rekomendasyon ng pag-aaral ay maaaring maging gabay para sa mga

mag-aaral upang masiguro ang kanilang masiglang pagtutok sa

kanilang pag-aaral at mas mabuting pangangasiwa ng kanilang mga

personal na hamon.

Para sa susunod na mananaliksik, Ang pananaliksik na ito ay

maaaring magsilbing batayan o punto para sa mga susunod na

mananaliksik na nagnanais magkaroon ng mas malalim na pagsusuri sa

isyu ng pagliban ng mga mag-aaral. Ang mga metodolohiya at

balangkas na ginamit sa pag-aaral ay maaaring magsilbing inspirasyon


14

o modelo para sa mga susunod na pag-aaral na may kinalaman sa

edukasyon at pag-aaral ng mga mag-aaral.

Depinisyong ng Termino

Ang mga sumusunod na termino ay binigyan ng operasyonal na

depinisyon upang makatulong at mas higit na mapadali ang pag-unawa

sa kapakanan ng mambabasa.

Akademikong Pagganap, Ito ay tumutukoy sa pagsukat ng tagumpay

ng mga mag-aaral sa bawat asignatura ngunit naaapektuhan ito kung

madalas ang hindi pagpasok o pagliban sa paaralan ng mag-aaral.

Estratehiya, Tumutukoy ito sa maaaring maging solusyon upang

mabawasan ang pagliban o ang hindi pagpasok sa paaralan ng mga

mag-aaral.

Eulogio Rodriguez Integrated School, Ito ay tumutukoy sa paaralan

kung saan magmumula ang mga tagatugon sa interbyu ng mga

mananaliksik.

General Academic Strand (GAS), Tumutukoy sa larang ng mga nasa

baitang 11 at 12 na sasagot o tutugon sa interbyu o panayam ng mga

mananaliksik.
15

Google Form, Ito ay tumutukoy sa gagamiting aplikasyon ng mga

mananaliksik upang mas mapadali ang pagsagot ng mga mag-aaral sa

mga katanungan.

Interbyu, Tumutukoy sa ginamit na instrumento ng mga mananaliksik

upang makakalap ng mga impormasyon mula sa mga tutugon na mag-

aaral.

Pagliban, Ito ay tumutukoy sa isyu o problema na paaralan na hindi

lang sa Pilipinas prinoproblema ngunit maging sa ibang bansa rin.

Panukalang Proyekto, Tumutukoy sa balangkas ng proyekto na

gagawin ng mga mananaliksik na maaaring makatulong upang

masolusyunan ang hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral.

Program for International Student Assessment (PISA), Ito ay

tumutukoy sa gumawa ng pag-aaral na naglayong malaman ang mga

bansang may mataas na bilang ng mag-aaral na lumiban.

Senior High School, Tumutukoy sa lebel ng mga mag-aaral na tutugon

sa panayam.

Sikolohikal, Ito ay tumutukoy sa isa sa mga dahilan kung bakit hindi

pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan.

Thematic Analysis, Tumutukoy sa paraan ng pagsusuri na gagamitin

ng mga mananaliksik.
16

KABANATA 2

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ilalahad sa bahaging ito ang isasagawang paraan ng pananaliksik

mula sa pagpili ng tagatugon. Pagtiyak sa instrumentong gagamitin at

balidasyon nito, at hanggang sa pagpapakilala sa estadistikang

gagamitin.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng paraan na kuwalitibo. Ayon

kina Tenny et al. (2022), ang hangarin ng kuwalitatibong pananaliksik

ay mangalap ng mga karanasan, pananaw, at pag-uugali ng mga

kalahok. Sinasagot nito ang paano at bakit sa halip na ilan o gaano.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng disenyong deskriptib. Ayon

kay McCombes (2019), ang layunin ng disenyong deskriptib ay ilarawan,

tukuyin, ipahayag, at ipaliwanag ang isang populasyon, sitwasyon, o

pangyayari. Maaaring masagot nito ang mga tanong na ano, saan,

kailan, at paano.

Makatutulong ang disenyong ito upang malaman ang mga dahilan

sa hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral sa Senior High School

sa Eulogio Rodriguez Integrated School sa Taong Panuruan 2023-2024.


17

Paraan sa Pagpili ng Tagatugon

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling. Ayon

kay Alchemer (2021), ang purposive sampling ay isang paraan kung

saan ang batayan ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga kalahok sa

kanilang sarbey o panayam ay ang kanilang sariling husga batay sa

kanilang obserbasyon. Dagdag pa rito, pinili ang mga kalahok ayon sa

mga katangian na hinahanap ng mga mananaliksik para sa kanilang

pag-aaral (Vijayamohan, 2023).

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga nasa baitang

11 at 12 ng Eulogio Rodriguez Integrated School sa Taong Panuruan

2023-2024. Ang bilang ng sampol sa baitang 11 at 12 na tumugon sa

panayam ay 100. Naging basehan ng mga mananaliksik sa pagpili ng

mga tagatugon ang mga rekord sa pagliban at pagpasok ng mga mag-

aaral na magmumula sa kanilang mga guro.

Instrumento ng Pananaliksik

Upang makakalap ng datos, nagsagawa ng interbyu o panayam

ang mga mananaliksik upang makakolekta ng impormasyon sa mga

target na baryabol. Gumamit ng Google Form ang mga mananaliksik sa

pagkuha ng mga datos para sa mas madaling paraan.

Ang panayam ay binubuo ng tatlong seksyon. Ang unang seksyon

ay naglalaman ng tatlong tanong na nauukol sa kanilang demograpikong


18

impormasyon: pangalan (opsyonal), baitang at pangkat, at kasarian.

Ang pangalawang seksyon ay naglalaman ng katanungan para sa mga

dahilan sa hindi pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral at ang

panghuling seksyon naman ay naglalaman ng katanungan tungkol sa

mga epekto nito sa kanilang akademikong pagganap,.

Pagpapatibay ng Instrumento

Bago gamitin ang instrumento ay ipinasuri muna ito kina G. Arvin

R. Cruz at Gng. Marimel T. Esparagoza, mga guro sa Senior High School.

Pagkatapos ng ebalwayson ay isinaayos ito batay sa mga komentong

natanggap.

Pangangalap ng Datos

Una, ang mga mananaliksik ay sumulat ng isang liham na

humihingi ng pahintulot sa mga nasa kagawaran ng paaralan na kung

maaaring magsagawa ng interbyu sa paaralan.

Pagkatapos ay nilagdaan ito ng Senior High School Focal Person

na si G. Gary T. Reyes; at ang Punongguro ng Eulogio Rodriguez

Integrated School na si Gng. Olivia L. Pagurayan.

Humingi rin ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga guro at

tagapayo ng ikalabing-isa at ikalabindalawang baitang ng General

Academic Strand na hingin ang rekord sa pagliban ng mga mag-aaral.

Ipinaalam din ang mga mag-aaral tungkol sa gagawing interbyu sa mga


19

mananaliksik. Ipinaliwanag ng mga mananaliksik sa mga guro kung ano

ang impormasyong kailangan nila mula sa mga mag-aaral.

Sumunod, gamit ang Google Form ay ibinahagi ang mga

katanungan sa 100 na mga mag-aaral para sa panayam sa nasabing

paaralan. Ang mga mag-aaral ay mayroong ilang minuto upang mapag-

isipan nila ng maayos ang kanilang mga kasagutan.

Nang makumpleto, inisa-isa ng mga mananaliksik ang mga

resultang nakalap. Sinundan ito ng pagtukoy, pagsusuri, at pagbibigay-

kahulugan sa mga datos sa paraang kuwalitatibo.

Pag-aanalisa ng Datos

Susuriin ang mga datos gamit ang thematic analysis. Sinabi ni

Dawadi (2020) na ang thematic analysis ay isang pangunahing metodo

sa pagsusuri na tinutukoy at inilalarawan upang patatagin ang mga

datos sa isang kuwalitatibong pag-aaral. Ito ay isang paraan para sa

pagtukoy, pagsusuri, pagsasaayos, paglalarawan, at pag-uulat mga

tema (Braun & Clarke, 2006 sa Nowell et al., 2017).

Ang mga sagot sa bawat tanong ay susuriin at pasisimplehin sa

paraang kategorya. Pagkatapos, ang mga mananaliksik ay bubuo ng

isang tema na kumakatawan sa mga sagot na nanaig sa mga

katanungan ng pag-aaral na ito.


20

Talasanggunian

Abdullah, S. N. (2020, March 30). Causes of Absenteeism and Academic


Performance of Low Performing Students of Esperanza National
High School. ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/342216688_
Adıgüzel, A., & Karadaş, H. (2013). The Relationship Between Secondary
School Students' Attitudes towards School, Absenteeism and
School Success. Journal of Yüzüncü Yıl University, Faculty of
Education.
Akkuş, M., Çinkir, S. (2022). The Problem of Student Absenteeism, Its
Impact on Educational Environments, and the Evaluation of
Current Policies. https://eric.ed.gov/?id=EJ1355069
Alchemer, M. (2021). Purposive Sampling.
https://www.alchemer.com/resources/blog/purposive-sampling-
101/
Allen, C. W., Diamond-Myrsten, S., & Rollins, L. K. (2018, December 15).
School Absenteeism in Children and Adolescents. AAFP.
https://www.aafp.org/pubs/afp/issues/2018/1215/p738.html
Aseffa, M. (2018). Cause and Possible Solution to the Problem of
Absenteeism on Students’ Academic Achievement: The Case of
Secondary Schools Addis Ababa, Ethiopia. International Journel of
Advanced Multidisciplinary Research.
Balkis, M., Arslan, G., & Duru, E. (2016). The School Absenteeism
among High School Students: Contributing Factors.
ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/306959657_The_Scho
ol_Absenteeism_among_High_School_Students_Contributing_Fa
ctors.
Bernardo, A. B. I., Ganotice, F. A., & King, R. B. (2014, September 28).
Motivation Gap and Achievement Gap Between Public and Private
High Schools in the Philippines. The Asia-Pacific Education
Researcher. https://doi.org/10.1007/s40299-014-0213-2
21

Cepada, C. M. P., & Grepon, B. G. (2021, January 24). Absenteeismand


Parental Involvement in Home And School Among Middle School
Students of Public School in Northern Mindanao, Philippines: Basis
for Intervention. Zenodo (CERN European Organization for
Nuclear Research). https://doi.org/10.5281/zenodo.4459797
Chi, C. (2023. December 11). Behind Philippines' Poor PISA
Performance: Worst Long-term Absenteeism in the World.
Philstar.com.
https://www.philstar.com/headlines/2023/12/11/2318080/behin
d-philippines-poor-pisa-performance-worst-long-term-
absenteeism-world
Collantes, L. M. (2021, April 4). Unveiling the Problems of Student
Teachers during Practice Teaching in Nueva Ecija, Region III,
Philippines. IRJE (Indonesian Research Journal in Education).
https://doi.org/10.22437/irje.v5i1.11849
Dawadi, S. D. (2020, December). Thematic Analysis Approach: A Step
by Step Guide for ELT Research Practitioners. NELTA Journal.
https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED612353.pdf
Demir, K., & Akman Karabeyouglu, Y. (2016). Factors Associated with
Absenteeism in High Schools.
https://dergipark.org.tr/en/pub/ejer/issue/24400/258669
Elis, J. C. (2016, July 20). Effects of Absenteeism to the Learning
Performance of Fourth Year Students of one National High School
in Batangas City, Philippines. Asia Pacific Journal of Education,
Arts and Sciences.
Gershenson, S., Jacknowitz, A., & Brannegan, A. (2017). Are Student
Absences Worth the Worry in US Primary Schools?. Education
Finance and Policy.
https://www.econstor.eu/bitstream/10419/126647/1/dp9558.pdf
Gottfried, M. A., & Hutt, E. L. (2019). Absent from School:
Understanding and Addressing Student Absenteeism. Google
Books.
https://books.google.com.ph/books/about/Absent_from_School.
html?id=CdM0vQEACAAJ&redir_esc=y
How Many Girls Miss School Due to Periods? (2023, September 11).
Asan UK. Https://Asancup.com/blogs/blogs/how-many-girls-
miss-school-due-to-periods
Jalagat, R., & Bagas, C. (2017, October 25). Relationship Assessment
Between Absenteeism and their Academic Performance: The Case
22

of Selected Pupils in Laguindingan Central School. ResearchGate.


https://www.researchgate.net/publication/320613874_
Klein, M., Sosu, E., & Dare, S. (2022, January 1). School Absenteeism
and Academic Achievement: Does the Reason for Absence
Matter?. https://doi.org/10.1177/23328584211071115
Lactao, J., & De Guzman, L. S. (2011). Academic Performance, Self-
Esteem and Behavior Problems of Male Adolescents With Migrant-
Working Fathers. https://library.iated.org/view/LACTAO2011ACA
Lindell, K. (2013, May). Improvements in numeracy on a micro level: A
field study in the Philippines. Lund University, Department of
Economics.
Masogo, G. D. (2016, July 15). Causes of Student Absenteeism: A
Survey of Four Lobatse Junior Secondary Schools in Botswana.
https://ubrisa.ub.bw/handle/10311/1460
McCombes, S. (2019, May 15). Descriptive Research | Definition, Types,
Methods & Examples. Scribbr.
https://www.scribbr.com/methodology/descriptive-research/
Meador, D. (2019, June 24). Strategies for Teachers to Maximize
Student Learning Time. ThoughtCo.
https://www.thoughtco.com/strategies-for-teachers-to
maximize-student-learning-time-4065667
Nava, F. J. (2009, December 1). Factors in School Leaving: Variations
Across Gender Groups, School Levels and Locations.
ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/228866100_Factors_i
n_School_Leaving_Variations_Across_Gender_Groups_School_Le
vels_and_Locations1
Nowell, L. S., Norris, J. M., White, D. E., & Moules, N. J. (2017). Thematic
Analysis: Striving to Meet the Trustworthiness Criteria.
International Journal of Qualitative Methods.
https://doi.org/10.1177/1609406917733847
Ocak, G., Ocak, J., & Baysal, E. A. (2017, March 14). The Causes of
Absenteeism of High School Students. European Journal of
Education Studies. https://doi.org/10.46827/ejes.v0i0.584.
Omadto, F. (2023, May 16). Development of Corrective and Progresive
Mechanics for Non-Performing Engineering Students: Input for
Collaborative Action Research. ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/372648266_
23

Tenny, S., Brannan, J. M., & Brannan, G. D. (2022, September 18).


Qualitative Study. StatPearls - NCBI Bookshelf.
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470395/#:~:text=Qual
itative%20research%20is%20a%20type,well%20as%20further
%20investigate%20and
Thornton, M., Darmody, M., & McCoy, S. (2013, March 11). Persistent
Absenteeism among Irish Primary School Pupils. tandfonline.com.
https://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/00131911.2013.7
68599?
Tus, J. (2020). The Influence Of Study Attitudes And Study Habits On
The Academic Performance Of The Students.
Https://Papers.Ssrn.Com/Sol3/Papers.Cfm?Abstract_Id=371727
Vijayamohan, P. (2023, January 23). Purposive Sampling 101:
Definition, Types, and Examples. SurveySparrow.
https://surveysparrow.com/blog/purposive-sampling/
Zandvoort, Y. V. V. (2021, August 23). Reported Sick From School.
https://Doi.Org/10.26481/Dis.20151105yv

You might also like