You are on page 1of 13

MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Epekto ng Maagang Pagpasok sa Relasyon sa Pagkatuto


ng mga Mag-aaral sa Baitang 10 sa Malabag National
High School Taong Panuruan 2023-2024

Pananaliksik na iniharap sa
asignaturang Filipino 10
Malabag National High School
Malabag, Silang, Cavite

Bilang parsyal na kahingian para sa


asignaturang Filipino 10

nina
Juaki Luiz D. Anarna
Russel Nash P. Comon
Ayezha Ryu A. Destura
Regie S. Guy
Angelyn C. Quinones
Eduardo B. Parina Jr.

2023-2024
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGKILALA SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Epekto ng Maagang Pagpasok sa Relasyon

sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Baitang 10 sa Malabag National High School Taong

Panuruan 2023-2024 ay isinumite kay Gng. JENELYN B. ANDAL para sa Kuwarter II.

Ang papel na ito ay nakakuha ng markang _____________.

JENELYN B. ANDAL
Guro sa Filipino 10

Petsa: ________________
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA 1

Kaligirang Pangkasaysayan

Panimula

Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, ang mga kabataan ay kadalasang nagiging

mausisa at interesado sa mga bagay-bagay. Yugto ito ng kanilang buhay kung saan natututo

silang makipagkaibigan at makihalubilo. Nagiging interesado ang mga ito sa pakikipagtipanan,

sa pagnanais na makakuha ng atensyon at makaramdam ng pagmamahal. Bunga ng

pagnanais na ito ay ang pagpasok nang maaga sa isang relasyon habang nag-aaral pa. Ang

pagtuon sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ay napakahirap. Ang iba't ibang salik ay

maaaring magkaroon ng masama o mabuting epekto para sa bawat mag-aaral.

1
May kaakibat na epekto ang pagkakaroon ng maagang relasyon habang nag-aaral pa

ang isang estudyante. Kung ang estudyante ay masyadong nalululong sa pag-ibig,

nakakalimutan na nilang mag-aral nang mabuti o minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-

aaral (Chad et.,al, 2011). Dahil sa pagkahati ng atensyon ng estudyante, nawawalan sila ng

konsentrasyon sa kanilang pag-aaral. Maaaring makalimutan nila ang mga gawain at takdang

aralin na nararapat nilang gawin. Bababa rin ang kanilang mga grado dahil sa hindi

pagprayorisa sa pagrerepaso at mapapadalas din ang pagliban nila sa kani-kanilang klase.

Konektado din sa isyung ito ang maagang pagbubuntis. Dahil sa matinding kuryosidad,

nagagawa ng mga kabataan ang mga gawaing hindi akma sa kanilang edad tulad ng mga

sekswal na gawin. Humahantong ito sa maagang pagbubuntis. Maaapektuhan nito ang pag-

aaral ng dalaga sapagkat kailangan nitong huminto muna sa pag-aaral upang pagtuunan ng
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

pansin ang kaniyang dinadala. Kaya naman, nararapat na alamin ng mga kabataan ang kani-

kanilang limitasyon pagdating sa pakikipagrelasyon.

Sa isang banda, may mga mabuting dulot pa rin ito lalo na sa mga kabataang nag-aaral

Ayon kay Purplegirl, 2011, hindi naman masama ang pagkakaroon ng kasintahan sapagkat sila

ang nagiging inspirasyon sa pang araw-araw na pamumuhay lalong-lalo na sa pag-aaral.

Nakakatapos ng mga gawain ang estudyante dahil sa pagtulong at pnghihikayat ng kasintahan.


2
Napapadalas din ang pagpasok ng estudyante dahil sa gusto nitong makita o makasama ang

kasintahan. Dahil sa pagkakaroon ng ka-relasyon, mas nagiging inspirado ang ilang mga

estudyante (Glinith et.,al). Mas nagiging determinado ang ilan para lalo pang pagbutihan ang

kanilang pag-aaral. Nakatutulong din ito dahil may malalapitan at susuporta sa kanila kung

sakaling may problemang kinahaharap.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na masuri ang maaaring epekto ng maagang

pagpasok sa relasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Layunin din nitong alamin ang dahilan

kung bakit pumapasok sa maagang relasyon ang ibang mga estudyante. Malalaman din sa

pananaliksik kung ano-ano nga ba ang mga benepisyong nakukuha ng mga estudyante sa

maagang pakikipagrelasyon at kung paano nga ba maiiwasan ang masamang epekto ng

maagang pakikipagrelasyon.
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga epekto ng maagang pagpasok

sa relasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Baitang 10 sa Malabag National High School sa

taong panuruan 2023-2024.

Kaugnay nito, ang mga katanungang dapat na masagot sa gagawing pag-aaral ng mga

mananaliksik tungkol dito ay ang mga sumusunod;

1. Ano-ano ang mga dahilan ng maagang pagpasok sa relasyon ng mga piling mag-aaral

sa ika-10 Baitang ng Malabag National High School?

2. Ano-ano ang mga epekto ng maagang pagpasok sa relasyon sa pag-aaral ng

estudyante?

3. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa maagang pakikipagrelasyon?

4. Ano-ano ang mga paraan upang maiwasan ang maagang pakikipagrelasyon?

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang maaaring epekto ng maagang

pagpasok sa relasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang mga piling respondente sa pag-

aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa ika-10 na baitang. Ang mga respondente ay mula

Malabag National High School. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay pitumpu (70),

sampu (10) sa bawat seksyon.


MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang pag-aaral ng mga epekto ng maagang pagpasok sa relasyon ng mga kabataan ay

maaaring saklawin ang iba't ibang aspeto at dimensyon nito. Narito ang ilang mga posibleng

saklaw ng pag-aaral na ito:

a. Aspeto sa pag-aaral:

1. Epekto sa akademikong pagganap: Maaaring suriin ang implikasyon ng

maagang pagpasok sa relasyon sa pag-aaral ng mga kabataan. Ito ay maaaring

tumukoy sa mga pagbabago sa mga marka, pagkawala ng interes sa pag-aaral,

o hindi pagkakaroon ng sapat na oras at kahandaan para sa pag-aaral.

2. Emosyonal na epekto: Maaaring suriin ang epekto ng maagang pagpasok sa

relasyon sa kalusugan ng emosyon ng mga kabataan. Ito ay maaaring tumukoy

sa mga isyung tulad ng depresyon, pagkabalisa, kawalan ng tiwala sa sarili, at

kahirapan sa pagharap sa mga emosyonal na hamon ng isang relasyon.

b. Aspeto ng kalusugan:

1. Pangkalusugang epekto: Maaaring pag-aralan ang mga epekto ng maagang

pagpasok sa relasyon sa kalusugan ng mga kabataan. Ito ay maaaring tumukoy

sa mga isyu tulad ng paglaganap ng sekswal na sakit, pagkabuntis sa murang

edad, at iba pang mga pangkalusugang panganib na kaugnay sa mga seksuwal

na aktibidad.

c. Aspeto ng pamilya at sosyal:

1. Pamilyang implikasyon: Maaaring suriin ang epekto ng maagang pagpasok sa

relasyon sa pamilya ng mga kabataan. Ito ay maaaring tumukoy sa mga isyu

tulad ng mga pagtatalo sa magulang, pagsasalungatan ng mga kaugalian, at

mga problema sa komunikasyon sa loob ng pamilya.


MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL
2. Sosyal na

implikasyon: Maaaring pag-aralan ang mga epekto ng maagang pagpasok sa

relasyon sa mga kaibigan at iba pang sosyal na ugnayan ng mga kabataan. Ito

ay maaaring tumukoy sa mga pagbabago sa mga kaugalian, mga pangkat ng

mga kaibigan, at mga hamon sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga tao.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Inaasahang makakatulong at magiging kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga

sumusunod;

Sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay inaasahang makatutulong sa kanila

upang mas maunaawaan nila kung ano ang kauganay na kondisyon ng maagang pagpasok sa

relasyon. Mahalaga rin ang pag-aaral na ito sapagkat sa pamamagitan nito ay malalaman ng

mga mag-aaral kung anu-ano ang mga problema o anu-ano ang posibleng maidulot nito sa

pag-aaral nila.

Sa mga magulang, ang pananaliksik na ito ay inaasahang makatutulong sa sa kanila

upang mabigyan sila ng kaalaman tungkol sa akademikong pagganap ng mga anak na nasa

isang relasyon sa kasalukuyan. Makakatulong din ito upang mas maintindihan nila kung ano

ang dahilan kung bakit pumapasok sa relasyon ang mga ito at kung ano ang maaaring epekto

nito sa kanila.

Sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay inaasahang makakatulong sa kanila upang

magkaroon ng malinaw na ugnayan sa kanilang mga estudyante na maagang pumasok sa

isang relasyon. Ang pag-aaral din na ito ay nagnanais na ipaalam sa mga guro ang mga epekto
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

ng maagang pagpasok sa relasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ito ay ang

magsisilbing patnubay ng mga guro sa paggabay sa pag-aaral ng kanilang mga mga mag-aaral.

Sa mga mananaliksik at mambabasa, magsisilbi itong gabay upang makagawa pa ng

mga pag-aaral tungkol sa maagang pakikipagrelasyon. Maaaring makatulong ito upang

makakuha pa ng kaugnay na literatura at karagdagang kaalaman ang iba pang mananaliksik.

Sanggunian

Mga Hanguang Elektroniko:

1. https://www.coursehero.com/file/43417924/fil-thesisdocx/

2. https://www.coursehero.com/file/43417924/fil-thesisdocx/
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Impluwensiya ng Kakulangang Pinansyal sa


Akademikong Pagganap ng mga Piling
Mag-aaral sa Malabag National
High School Taong Panuruan
2023-2024

Pananaliksik na iniharap sa
asignaturang Filipino 10
Malabag National High School
Malabag, Silang, Cavite

Bilang parsyal na kahingian para sa


asignaturang Filipino 10

nina
Charisse Avila
Asriel Genavia
Eurika Jean Legaspi
Mika Joy Tolentino
Duke Kyle Maloloy-on

2023-2024
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGKILALA SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Epekto ng Maagang Pagpasok sa Relasyon

sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Baitang 10 sa Malabag National High School Taong

Panuruan 2023-2024 ay isinumite kay Gng. JENELYN B. ANDAL para sa Kuwarter II.

Ang papel na ito ay nakakuha ng markang _____________.

JENELYN B. ANDAL
Guro sa Filipino 10

Petsa: ________________
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA 1

Kaligirang Pangkasaysayan

Panimula

Ang edukasyon ay susi tungo sa tagumpay na nais makamit ng bawat indibidwal, sa

pamamagitan nito nabibigyan ng kakayahang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga

kabataan. Ang bawat aralin na ating natututunan sa paaralan ang nagpapamulat sa atin

patungkol sa mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran. Ang edukasyon ay isa sa

mahalagang bahagi ng paglaki ng mga kabataan sapagkat dito matututunan kung paano

makibahagi sa lipunang kanilang ginagalawan. Dahil sa edukasyon ang mga tao ay mas naging

mahusay na mamamayan, nakakapasok sa magagandang trabaho at natututunan kung ano

ang tama at mali. Ang mas mataas na edukasyon ang daan sa magandang kinabukasan.

Sa pagkakaroon ng problemang pinansyal maraming kabataan ang maagang

nagtatrabaho upang matustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ayon sa

National Statistics Office (NSO) nasa 5.49 milyon ang mga manggagawang kabataan sa bansa.

Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa bukid, minahan, asinan, pabrika at construction.

Karamihan sa mga kabataang nagtatrabaho ay dating mga mag-aaral subalit dahil sa kahirapan

ng buhay ay napilitan silang magtrabaho upang makatulong sa kanilang mga magulang.

Sa pagtatrabaho ng mga kabataan, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay

nang normal bilang bata. Bumabagsak sila sa pagiging alipin, maagang nawawalay sa kanilang

mga magulang at nalalantad sila sa panganib ng pagkakasakit. Kahirapan ng buhay ang ugat

kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa.


MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Maraming Kabataan ang nagtatrabaho upang makatulong sa kanilang pamilya at

matustusan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Sa Malabag National High School ay

mayroon ding mga kabataan ang ipinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Masasabing

pinakamahirap na problema na hinaharap ng mga mag-aaral ay ang kakulangang

pampinansyal lalo na kung ito ay kailangan nila sa akademikong gawain.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mahalagang papel na

ginagampanan ng pinansyal sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Nais din nitong

matukoy ang maaaring maging suliranin at hamong haharapin ng mga mag-aaral dulot ng

kakulangang pinansyal at ang kaugnayan sa pagitan ng kakulangang pinansyal at ng

akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa Malabag National High School Taong

Panuruan 2023-2034

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mahalagang papel ng pinansyal sa

akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral.

1. Ano ang epekto ng kakulangang pinansyal sa mga mag-aaral?

2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pinansyal sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral?

3. Bakit nararanasan ng mga mag-aaral ang kakulangang pinansyal?

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang magbigay impormasyon sa mga

mambabasa kung ano ang maaaring maging epekto ng kakulangang pinansyal sa pag-aaral ng
MALABAG NATIONAL HIGH SCHOOL

mga mag-aaral. Mga piling mag-aaral mula ika-10 baitang ng Malabag National High School

ang naging respondente ng pag-aaral na ito, kung saan mayroong tig-limang respondente ang

lalaki at babae. Ang mga manananaliksik ay gumamit ng sarbey-kwestyonyer upang hingin ang

opinyon at kaalaman ng mga respondante patungkol sa epekto at sanhi ng kakulangang

pinansyal sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Saklaw lamang sa pag-aaral na ito

kung ano ang dahilan at epekto ng kakulangang pinansyal na nararanasan ng mga mag-aaral

at kung gaano nga ba kahalaga ang pinansyal na suporta sa kanilang pag-aaral upang maabot

ang kanilang mga pangarap.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makatulong sa pagbibigay impormasyon sa mga

mambabasa.

Sa mga mag-aaral, ng pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang

mga mag-aaral kung bakit nga ba may kakulangang pinansyal at ano ang kahalagahan nito sa

kanilang akademikong pagganap.

Sa mga magulang, ang pananaliksik na ito ay nakatutulong magbigay impormasyon sa

mga magulang kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng kanilang mga anak sa eskwelahan

dahil sa kakulangang pinansyal at upang malaman kung ano ang epekto nito sa pag-aaral ng

mga kabataan.

Sa gobyerno, ang pananaliksik na ito ay maaaring maging instrumento ng gobyerno o

opisyales upang malaman ang hinaing ng bawat isa upang agarang makatulong.

You might also like