You are on page 1of 7

Ang pag-ibig, isang malawakang tinalakay na paksa sa panitikan at sining sa loob ng

maraming siglo, ay naging isang kawili-wiling tema sa sikolohiya, dahil ito ay itinuturing na

isang mahalagang damdamin sa buhay ng isang tao. Pinasisigla nito ang mga tao, maging sa mga

kultura sa kabila ng Kanluraning mundo, na mangako sa pangmatagalang relasyon, tulad ng pag-

aasawa o pagsasama, at ito ay may kaugnay na epekto sa buhay at ebolusyon ng mga lalaki at

babae (S.M. Hoesni, N. Subhi, K. Alavi and W.J. Wan Azreena (2013). Ayon sa

pagpapakahulugan ni Bautista (2017), ang pag-ibig ay nangangahulugan ng lakas, tapang, at

kawalan ng takot at pangamba. Sa isang babae o lalaki, kapag sila ay umiibig o nagmamahal,

nararamdaman ang pagmamahal ngunit hindi maipaliwanag. Ang pag-ibig ay mapagpaumanhin

at magandang-loob. hindi mananaghili, nagmamapuri, at mapagpalalo. Ang pag-ibig ay

kabutihan at mapagtiis. Hindi ito panibugho, pandaraya, at pagmamalaki. Sinasabi sa pag-aaral

ni Gasting (2013) na ay pinaniniwalaang masyadong makapangyarihan ang pagmamahal, at

kapag nagmahal ang isang tao ay ibibigay nila ang lahat para sa taong mahal niya. Gusto nila

itong iparamdam ng buong-buo sa tao at dahil dito ay napapabayaan na nila ang pag-aaral at

naglalaan na lamang ng kaunting oras sa edukasyon at lumabas sa pag-aaral na epektong ito

nagiging dahilan ang pakikipagrelasyon sa pagkasira ng pag-aaral at pati na rin ang kinabukasan

ng mag-aaral.

Mahalagang mapag-aralan at matuunan ng pansin ang pag-aaral sa pag-ibig upang

malaman kung paano nakaapekto ang pag-ibig sa bawat indibidwal sa aspeto ng emosyonal na

kalusugan at akademikong kagalingan. Ito ang nakikitang dahilan ng pangkat ng mga

mananaliksik na labis na nakaaapekto sa bawat mag-aaral ng Amparo High School Senior High

School Students ng strand na Humanities and Social Sciences pangkat D.


Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga estudyante ng GRADE 11 HUMSS-

D at guro ng mga mag-aaral na ito upang malaman kung bakit ang pag-ibig ay isa sa mga

nakakaapekto sa akademikong pagganap ng isang estudyante ng Grade 11 HUMSS-D. Sa mga

estudyante, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sakanila upang malaman na kung sa paanong

paraan ba makakaapekto ang pag-ibig sa kanilang akademikong pagganap sa oras na sila ay nasa

isang relasyon habang nag-aaral. Sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila

upang maintindihan pa ng mas malalim kung sa paanong paraan ba nakakaapekto ang pag-ibig sa

akademikong pagganap ng Grade 11 HUMSS-D. Bukod dito, maaaring matulungan ng mga guro

ang bawat mag-aaral ng Grade 11 HUMSS-D upang hindi masyado ibuhos ang kani-kanilang

oras sa pakikipag-relasyon.

Base sa pag-aaral nina Raffagnino, R. at Puddu, L. (2018) Love Styles in Couple

Relationship, ipinaliwanag dito ang iba't ibang uri ng pag-ibig na kung saan ang mga ito ay

nakatutulong sa kung paano tumatagal ang isang relasyon. Ang mga uri ng istilo ng pag-ibig na

ito ay ang: Eros, Agape, Ludus, Storge, Pragma, at Mania, na kung saan ang mga ito ay maaaring

maiugnay sa pag-aaral na ito.

Ang Eros ay ang istilong nagpalahayag ng romantikong pag-ibig na kung saan maaari

itong magdulot ng masama at mabuti sa akademikong pagganap ng mga estudyante. Hinggil sa

kaalaman ng lahat na sa tuwing ang kabataan ay nakakatamasa ng romantikong pag-ibig ay

nakakalimutan nitong gawin ang gawain ng bawat isa, na kung saan ito ay maaaring makaapekto

sa kani-kanilang akademikong pagganap. Sa kabilang banda, ang romantikong pag-ibig ay may

mabuti ring maidudulot sa isang estudyante dahil ito ay maaaring mag resulta ng malusog na

pagsasamahan na kung saan maaaring pag usapan ang mga bagay-bagay na kung ang dapat

unahin at hindi pagdating sa usapan na pag-aaral at pag-ibig.


Ang agape ay nangangahulugang pagbibigay ng suporta, pagka-interesado, pangangalaga,

at paggalang sa isa't isa, ang istilong ito ay posibleng mag dulot ng maganda sa isang estudyante

na sa kasalukuyang nasa pakikipag-relasyon sa pamamagitan ng pag-iintindihan upang mas

mabigyan ng oras ang kani-kanilang pag-aaral.

Ang Ludus ay nangangahulugang panganib dahil sa katatagan ng romantikong relasyon.

Ito ay maaring makaapekto ng hindi mabuti sa isang estudyante habang nasa pakikipag-relasyon.

Ito ay maaaring magdulot ng masama sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng hindi pag

pokus sa pag-aaralng isang estudyante sa dulot ng dami ng iniisip sa usaping pag-ibig.

Ang storge ay itinuturing na isang mahusay na tagahula ng kalidad sa sapat na taong gulang.

Maaari itong maiugnay sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng masamang epekto ng pakikipag-

relasyon sa hindi wastong taong gulang. Ito ay magdudulot ng masamang epekto sa isang

estudyante kung wala pa ito sa tamang edad dahil wala pa itong malalim na kaalaman sa

pakikipag-relasyon, at ito lang ay magdudulot ng hindi hindi magandang ugnayan na maaaring

makaapekto sa akademikong pagganap ng bawat estudyante.

Ang Pragma ay nangangahulugang ang mga tao ay may posibilidad pumili ng magiging

karelasyon nila batay sa kani-kanilang paniniwala. Ang pragma ay maiiugnay sa pag-aaral na ito

sa paraan ng malayang pag pili ng mga estudyante sa kung sino ang kanilang magiging

karelasyon at sa pamamagitan nito maaari silang makapili ng isang estudyanteng magaling mag

balanse ng oras sa pag-aaral at sa mga bagay na dapat nitong gawin, at nang sa gayon,

maiimpluwensyahan ang mga estudyante na gawin din ang bagay na iyon.

Ang Mania ay ang kahibangan na kung saan nagpapahayag ng isang saloobin patungo sa

pag-ibig, na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng nakakahumaling na pag-uugali. Ang Mania ay


maaaring maiugnay sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng sobrang pagkahumaling sa

karelasyon. Ito ay may dudulot ng obsession sa isang estudyante na kung saan maaari na itong

makagawa ng masama sa kaniyang karelasyon dahil sa ayaw na niya itong mawala. Ang

obsession ay nakakapagdulot ng masama sa isang relasyon, sa pamamagitan ng takot maiwan at

mawalan, nang dahil sa takot, ito ay maaaring magdulot sa pag-iisip ng isang estudyante at

maguluhan sa mga gumagambala sa mga tumatakbo sa isipan nito at mapabayaan ang pag-aaral.

Bilang isang mag-aaral sa Amparo High School Grade 11 Humanities and Social Sciences

seksyon D, hindi lingid sa kaalaman ng mga mananaliksik na talaga namang napakalaking

epekto ng pag-ibig sa akademikong kagalingan at emosyonal na kalusugan ng bawat mag-aaral

na nakararamdam ng pag-ibig o pagmamahal alinman sa mga sumusunod: pamilya, karelasyon,

at kaibigan. Napakaraming mga salik na nagiging sanhi ng pagmamahal. Mayroong negatibo

tulad na lamang ng kawalan ng oras sa pag-aaral, kawalan ng pokus at kawalan ng interes na

nagiging dahilan ng pagbaba ng mga estudyante at pagpigil sa akademikong pag-unlad ng

eskuwelahan. Gayunpaman, tinitingnan din ang mga positibong nagagawa ng pag-ibig sa mga

estudyante tulad na lamang ng pagiging "motivated" sa kanilang pag-aaral na nagreresulta sa

pagiging maagap ng mag-aaral, daan sa pagpapaunlad ng personal na identidad at pagkatuto sa

pag-unawa sa emosyon at empatiya.

Bukod sa kaunti pa lamang ang lumalabas na artikulo at pag-aaral tungkol sa paksa ng

pag-ibig at sa kung paano ito nakaaapekto sa mga mag-aaral, nais ng mga mananaliksik na

lubusan at malalimang maunawaan kung paano nga ba nito naaapektuhan ng mga estudyante ng

HUMSS 11 D at makagawa ng mga rekomendayon at sulusyon upang maiwasan ang mga

negatibong epekto nito. Magbibigay ito ng kontribusyon hindi lamang sa paaralan ng Amparo

High School, kundi na rin sa mga mananaliksik sa hinaharap.


Ang pangkalahatang gap ng pinag-aaralan base sa mga suliraning ibinigay ay ang

kakulangan o limitasyon ng malalim at eksaktong pag-aaral sa mga epekto ng pag-ibig sa mga

aspeto ng emosyonal na kalusugan, akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng Grade 11

Humss D, at mga ugnayan sa pamilya at iba pang uri ng relasyon.

Kahit na ang pag-ibig ay isang malaking bahagi ng buhay ng mga tao at nagdudulot ng

malalim na impluwensya, ang mga epekto nito ay malawak at komplikado. Maraming mga salik

at konteksto na maaaring makaapekto sa mga ito, kabilang ang mga indibidwal na karanasan,

kultura, lipunan, at iba pa. Ang mga suliraning ito ay maaaring nangangailangan ng mas malalim

na pananaliksik at pag-aaral upang matiyak ang mga epektong ito sa mas malawak na saklaw.

Sa kaso ng mga mag-aaral ng Grade 11 Humss D, ang pag-ibig ay maaaring magkaroon ng

epekto sa kanilang akademikong pagganap. Gayunpaman, ang epekto nito ay iba-iba sa bawat

indibidwal at maaaring hindi lamang nakaapekto sa mga mag-aaral ng Grade 11 Humss D. Ang

mga epekto ng pag-ibig sa akademikong pagganap ay maaaring maging positibo o negatibo

depende sa mga pangyayari at pagkakataon na nararanasan ng mga mag-aaral.

Tulad nito, ang epekto ng pag-ibig sa mga ugnayan sa pamilya at iba pang uri ng relasyon

ay malawak at nag-iiba-iba din. Ang mga ugnayan sa pamilya at iba pang relasyon ay malalim at

komplikado, at ang pag-ibig ay isa lamang sa maraming mga salik na maaaring makaapekto sa

mga ito. Ang epekto ng pag-ibig sa mga ugnayan ay maaaring magkaroon ng mga positibong

aspekto tulad ng pagkakaroon ng malasakit, suporta, at pagkakaisa, ngunit maaari rin itong

magdulot ng mga hamon at problema, tulad ng hindi pagkakaunawaan, selos, at mga pagtatalo.

Sa pangkalahatan, ang mga suliraning nabanggit ay nangangailangan ng mas malalim na

pag-aaral at pagsasaliksik upang masuri at maunawaan nang eksaktong detalye ang mga epekto
ng pag-ibig sa mga aspeto ng emosyonal na kalusugan, akademikong pagganap ng mga mag-

aaral, at mga ugnayan sa pamilya at iba pang relasyon.

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin at tignan ang kaugnayan ng pag-ibig sa akademikong

kahusayan at emosyonal na kalagayan ng mga mag-aaral sa Amparo High School Grade 11

HUMSS-D. Para matupad ito, narito ang mga sumusunod na detalyadong layunin:

1. Maglahad ng mga epekto ng mga pag-ibig sa emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral ng

Amparo High School Grade 11 HUMSS-D.

A. Gagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey gamit ang instrumenting Relationship

Assessment Scale upang matukoy at matasa ang kalidad ng isang relasyon na maaaring

magkaroon ng malaking epekto sa emosyonal na kalusugan ng mga indibidwal.

B. Ipamahagi ang sarbey na ginawa para sa mga mag-aaral sa Amparo High School Grade

11 HUMSS-D.

C. Suriin at pag-aralan ang nakalap na datos tungkol sa pag-aaral.

2. Suriin ang epekto ng pag-ibig sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng Grade 11

HUMSS-D.

A. Suriin ang mga epekto ng pag-ibig sa akademikong pagganap, may mga positibo at

negatibong epekto ng pag-ibig tulad ng (motivation, pagbabago ng priyoridad, pagkaabala, at

pag-iwas sa pag-aaral.

B. Balangkasin ang mga posibleng epekto upang makabuo ng tema.

3. Masuri ang mga nakakaapekto sap ag-ibig sa mga ugnayan sa pamilya at kaibigan ng Grade 11

HUMSS-D.
A. Gagawa ng sarbey upang malaman ang mga nakakaapekto sap ag-ibig sa pamilya at

kaibigan ng Grade 11 HUMSS-D.

B. Alamin kung anu-ano ang mga nakakaapekto sap ag-ibig sa ugnayan sa pamilya at

kaibigan ng Grade 11 HUMSS-D.

GROUP 1

MIYEMBRO:

Servan, Ayesha

Palmiano, Julie Ann

Remorosa, Justine

Tanora, Andrei

Ipinasa kay:

Ma’am Danie Riego

You might also like