You are on page 1of 2

Pangalan ng miyembro: Seksyon: XII (STEM) Belardo

Gerald O. Agustin Petsa: Ika- 24 ng Oktubre

Eddiesel B. Ebuenga

Trixie Lyzan P. Miralles

Guro: Mrs. Jobelle T. Cabus

Maagang Pag-ibig ng mga Mag-aaral

Ang artikulong tungkol sa “Impluwensya ng Batang Pag-ibig sa Motibasyon ng mga


Estudyante (Dela Cruz, 2018)” ang batang pag-ibig ay may malaking impluwensya sa buhay ng
mga estudyante, partikular sa kanilang motibasyon sa pag-aaral. Natuklasan ni Dela Cruz (2018)
na ang batang pag-ibig ay may positibong kahalagahan sa motibasyon ng mga estudyante. Ang
mga mag-aaral na may karanasang positibo sa batang pag-ibig ay mas nagpapakita ng mataas na
antas ng motibasyon sa kanilang pag-aaral. Ang suporta at pag-unawa mula sa kanilang mga
kasintahan ay nakakapagpalakas sa kanilang determinasyon na mag-excel sa kanilang mga pag-
aaral. Ayon naman sa pag-aaral ni Dela Cruz (2018) ay nagpapakita na ang batang pag-ibig ay
may malaking impluwensya sa motibasyon ng mga estudyante. Ang natuklasan na ito ay
maaaring magsilbing gabay sa pagbuo ng mga programa at suporta na naglalayong palakasin ang
motibasyon ng mga mag-aaral, at samakatuwid ay makamit ang kanilang mga akademikong
layunin.

Ayon naman sa artikulong “Epekto ng Batang Pag-ibig ng mga Mag-aaral sa Senior


High School (Garcia, 2019)” ang pag-ibig ay isang saloobin na hindi nakaiiwas sa mga mag-
aaral sa senior high school. Natuklasan ni Garcia (2019) na ang batang pag-ibig ay may malalim
na epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang mga estudyante na nakakaranas ng batang pag-
ibig ay maaaring maapektuhan sa kanilang oras at dedikasyon sa pag-aaral. Ito ay maaaring
magresulta sa pagkabahala, pagkawala ng focus, at pagbaba ng mga marka. Sa kabilang banda,
ang mga estudyante na may maayos na pag-handle sa batang pag-ibig ay mas malamang na
mapanatili ang kanilang mataas na antas ng akademikong pagganap.

Pinagtuunan naman ng pansin ni Chad Lester M. Hongco sa artikulong “Mga Sanhi ng


Maagang Pakikipagrelasyon” isinalin noong 2001, ang pagkakaroon ng relasyon ng isang
estudyante ay may nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay masyadong
nalululong sa pag-ibig ay nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o minsa’y nakalimutan
na talaga nila ang pag-aaral. Nawawalan na sila ng oras sa pag-aaral dahil ginugugol ang sarili sa
kanilang karelasyon. Dahil sa pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong makukuhang epekto
lalo na sa pag-aaral.

Ayon naman sa artikulong “Elemento ng Batang Pag-ibig” ni Gonzalez noong 2015,


nagbibigay ito ng pag-asa at inspirasyon para sa mga pangarap at layunin sa buhay. Sa
pamamagitan nito, nabubuo ang intimacy at pagkakasunduan sa pagitan ng mga kasapi ng
relasyon. Sa pagsusuri ni Martinez (2020), ito ay nagdudulot rin ng pangangalaga at
pagsasakripisyo, kung saan handang mag-alaga at ibigay ang sariling oras at lakas para sa
kapakanan ng kasintahan. Sa kabuuan, ang mga elemento ng batang pag-ibig ay nagpapakita ng
intensidad ng damdamin, pag-asa, intimacy, pangangalaga, at pagsasakripisyo na nagbibigay ng
kahulugan at kalidad sa romantikong relasyon ng mga kabataan.

Sa artikulong “Kagandahang-loob ng Batang Pag-ibig” ni Santos (2016), ipinakita niya


na ang kagandahang-loob sa batang pag-ibig ay nagpapakita ng pagiging maalaga, mapagmahal,
at pagkakaroon ng konsiderasyon sa kapwa. Ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagbibigay
ng suporta sa mga suliranin at mga pangangailangan ng kasintahan, at pagpapahalaga sa kanilang
kaligayahan at kapakanan. Halimbawa, ang pagiging mapagkumbaba at pagiging maunawain sa
mga pagkakamali at pagkukulang ng kasintahan ay nagpapakita ng kagandahang-loob at
pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.

You might also like