You are on page 1of 4

Ang Epekto ng Bullying sa Kalusugan ng Tao

Ayon kay Tantengco (2016), Ang mga batang biktima ng bullying ay maaaring makaranas ng

iba't ibang masamang epekto sa kanilang kalusugan. Mental health problems. Ang mga batang nakaranas

ng bullying ay may mataas na risk na magkaroon ng depression, anxiety, problema sa pagtulog,

mababang self-esteem at maaaring magkaroon ng tendency na kitilin ang sariling buhay (suicide).

Mababang academic performance. Maaaring ayaw nang pumasok sa paaralan at nagkakaroon na ng

mababang grades. Ang mga nakaranas ng bullying ay kadalasang nakakamiss ng klase, hindi pumapasok

o nagdrop out sa school. Substance abuse, ang mga nakaranas ng bullying ay mas madalas na umiinom ng

alak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ito ang nagiging paraan nila upang makalimutan ang

naranasang pambubully. Karahasan, may ilang mga batang nakaranas na mabully ang nagiging bayolente

at mapanakit. Ito ang kanilang nagiging outlet sa mga naranasan nilang pambubully.

Maraming mga bata matiis taunting para sa taon dahil sa takot sa sagot na paratang, naniniwala

sila doon ay isang mas masahol pa resulta maaga kung magsalita sila - karaniwang dahil ang isang tao ay

threatened sa kanila, 'Kung gagawin mo ito, kukunin ko na gawin na'. Para sa mga taong hindi matapang

sapat na upang sabihin sa isang tao, escaping ang sitwasyon ay maaaring tumagal ng mga taon, karaniwan

kapag ang isang pagbabago sa kanilang kapaligiran ay nangyayari tulad ng paglipat ng paaralan,

diborsiyo sa pamilya, o simula ng trabaho, kapaligiran ng paaralan (Marcia, 2016).

Sinasabing ang mga estudyanteng biktima ng bullying ay nakararanas ng behavioral consequence.

Sinasabing nawawalan ang biktima ng ganang pumasok na nagdudulot ng pagbaba ng marka ng

estudyante. Limitado rin ang kanyang "social contact" at ang pagkakaroon ng "mood swings", depression,

pagiging malungkutin "out burst of anger" ang pwedeng maging resulta nito. Inilahad din dito na

nawawalan ng ganang kumain ang biktima at nagkakaroon ng mga self inflected cuts, scratches at bruises

na data na rin ng depresyon; na ilalantad dito ang sikolohikal na epekto ng bullying.

Ang Epekto ng Bullying sa Pag-uugali ng Tao


Ayon kay Mate (2017), maaaring madala ng bata hanggang sa kanyang adulthood ang epekto ng

bullying. Ito ay maaaring nagkakasakit, bumababa ang academic achievement o exam, lumiliban sa klase,

nagda-drop out sa school, at nagiging bayolente.

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977,1979) na "ecological systems", isinasaad na ang

isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng kanyang grupo,

pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayanang mga tao sa

pamamagitan ng "reciprocal interaction" kung saan maaaring maging salik ito ng paguugali ng isa

indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga "social

system" na nabanggit ay kinabibilangan ng mga indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at

lugar na kung saan ang bata ay isang aktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga

kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.

Ang pahayag ni Green (2010) ay may pagkakahawig sa pag-aaral ng mananaliksik sapagkat

isinasaad sa pahayag ang pwedeng maging porma ng pambubully. Maaaring maging berbal ito na

kadalasan ay sa panglalait ang anyo. Maaaring maging halimbawa ang panglalait sa un ng balat, buhok,

gawi ng biktima o maging porma ng kanyang kasuotan. Maaari ring pagtawanan ang mga batang na iiba

ang relihiyon, nasyunalidad at patl na rin ang pagkakaroon ng mataas na I.Q. Hindi rin nakaliligtas dito

ang mga batang mahihirap, pinanganak na walang tumatayong ama at maging may kapansanan. Maaari

namang maging pisikal ang anyo ng pambubully; kalimita'y panununtok, panunutok ng patalim at ang

nakakatakot ay ang pamamaril; ipinapakita din dito ang mga epekto at lugar na pwedeng pakaganapan

ang bullying.

Ang natuklasan na pag-aaral naman ni Sinco (87) Needs, Adjustment Problems, Causes and

Solutions as seen by the Pupils Themselves ay may malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito sapagkat

sinasabi dito na kinakailangan magkaroon ng pagkakaisa ang mga magulang at mga guro upang

magabayan at maituwid ang mating pag-uugali ng bata, kinakailangan magkaroon ng Parents-Teachers


association ang isang paaralan nang sa gayon ay mas lalong maintindihan ang mga dahilan ng pag-uugali

ng bata.

Ayon kay Cristina L. Dela Cruz (2014) ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga

kaugalian ng mas nakakatanda sakanila, mga nagaganap sa kanyang sarili o kanyang kapaligiran. Ang

pambubully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugali na nagdudulot ng negatibong

epekto sa taong dumaranas nito. Ito'y maaaring humantong sa depresyon na maging sanhi ng pakawalang-

tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. Nakakagambala ito sa kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad

ng batang may ganitong asal at maging si batang naaapi. Ang pangungutya ay isang uri ng karahasan

laban sa mga bata.

Sanhi ng Bullying

Ayon kay Reid (2005), ang isang pamilya o komunidad na hindi nagbibigay suporta sa mga mag-

aaral ay maaring maging dahilan ng kanilang pagliban sa klase. Kagaya na tamang ng mga magulang na

kinokonsente ang anak na lumiban sa klase, di pinapahalagahan ang edukasyon, may problema sa

pamilya, hindi maayos na pagpapalaki sa anak at estado sa buhay ang mga ito ay may malaking

kinalaman sa pagliban sa klase ng isang mag-aaral.

Ayon kay Shiania (2016), ilan sa mga sanhi ng bullying sa mga nangaapi ay ang pagkakulang sa

pansin at gabay sa magulang ang nangaapi kaya ganoon na lamang kung sila ay mangapi. Nasa isip nila

na mas madali nilang makukuha ang atensyon ng mga tao lalo na ng kanilang mga magulang sa ganoong

paraan. Sila nga ay madaling mapapansin ngunit sa hindi naman magandang pamamaraan. "Madalas,

tinatrato ng mga kabataang bully ang ibang tao. Kung paano tinatrato ng mga magulang nila,

nakatatandang kapatid, o iba pang kapamilya ang ibang tao," ang sabi ni Jay McGraw sa kaniyang aklat

na Life Strategies for Dealing With Bullies.

Ang impluwensya ng mga kaibigan ay mas malaki pa kesa sa mga magulang."Ang mga kabataan

ay nilalagay ang kanilang sarili sa mga kaibigan na mayroong pagkakapareho sa kanilang ugali tungo sa
kanilang gusting makamtan, maari din silang makakita ng mga kaibigan na hindi pinapahalagahan ang

pag-aaral sa kanilang paligid". Ang mga katagang ito ay nag papatunay na ang impluwensiya ng kaibigan

ay may malaking epekto sa achievement ng isang mag-aaral (Harris, 2016).

Ang impluwensiya ng kaibigan ay tumutukoy sa "pressure" na binibigay ng ibang tao sa isang tao

upang magkasalamuha sita ng maayos kagaya na tamang ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral maaring

ma-impluwensiyahan ng kanyang kaibigan ang isaang mag-aaral na lumiban sa klase (Santor, Messervey,

& Kusumakar, 2000).

Peer presyon ay presyon mula sa iba upang sumunod sa mga pag-uugali, attitudes at personal na

mga gawi ng isang grupo o pangkatin. Minsan kids sa loob ng isang pangkatin ay presyon iba pang mga

bata upang lumahok sa pang-aapi. Bullying ito ay maaaring isama ang lahat mula sa aalis at pangalan-

pagtawag sa sabotaging relasyon ng ibang tao na may tsismis, kasinungalingan at alingawngaw. Iba pang

mga beses tweens at mga tinedyer ay pakiramdam ng isang panloob na presyon upang gawin ang mga

bagay sa tingin nita ang kanilang mga kapantay ginagawa.

You might also like