You are on page 1of 24

Ang Epekto Ng Bullying Sa

Mag-aaral
PANGKAT 7
PANIMULA
NILALAMAN:
Ang “bullying” ay isang paraan ng pananakit sa pisikal o emosyonal na
parte ng isang indibidwal o grupo ng mga tao. Kadalasan itong
nagaganap sa mga paaralan. Ayon rin sa kagawaran ng edukasyon,
matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangugutya,
pananakit ng pisikal, at pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita sa
isang indibidwal.
Ito ay isa sa pangunahing problema ng mga estudyante kung saan mabigat nila itong sinusuong at pilit na
kinakaya. Maraming negatibong epekto ang maaaring idulot nito sa isang tao. Ang pinakamalala ay ang
pagpapakamatay na dulot ng depresyon dahil sa pambubully. Kadalasan na binubully ay ang mga may ibang
pisikal na kaanyuan, kapansanan, tahimik, mahiyain, may mababang marka, may mabababang estado sa buhay, at
magulo na pamilya. Madalas silang mapansin at targetin ng mga bully dahil para sa mga bully na ito walang
kakayahan ang mga naaapi upang maipagtanggol ang kanilang mga sarili. Patuloy naman na mabubully ang isang
tao at lalaganap ang isyu na ito kung ipagpapawalang bahala lamang ito ng mga tao.
Ito ang napili naming isagawa na pananaliksik upang mas makapagbigay ng impormasyon
ukol sa mga epekto ng pambubuska o pambubully at mahiyakat na rin ang ilang mga "bully"
na tigilan na ang kanilang masamang gawain sa kanilang kapwa
KAUGNAY NA
LITERATURA
Ang pagmamaton o pangbubulas na sa ingles ay bullying, ay isang uri ng pang-aapi na isang

uri ng ugaling mapanalakay, agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o

pamumuwersa. May mga dahilan kung bakit mayroong mga nambubulas. Ito ay kagaya nalang

ng pagkainggit sa isang tao, pagpapapansin, ugaling nakasanayan sa tahanan, at ang pagka

nais na magmukhang malakas at makapangyarihan. Pagpapakamatay o suicide, Takot sa

pagharap sa maraming tao, at ang pagkawala sa tamang pagiisip, ay ang ilan sa mabibigat na

epekto na pwedeng mangyari sa mga biktima ng pambubulas.


Napag alaman sa isang pag aaral na sa 79 bansa, ang mga mag aaral sa Pilipinas ang

may pinakamataas na tsansa na makaranas ng pambu bully. Ang PISA ay isang

programa ng international organization na Organization for Economic Cooperation and

Development (OECD) na naglalayong suriin ang educational system ng isang bansa sa

pamamagitan ng pagsukat sa kakayahan ng mga batang may edad 15 sa mga paksang

Reading, Math at Science. Ayon sa PISA, 65 na porsiyento ng mga mag aaral saatin sa

high school ang nakakaranas ng ilang insedente ng pambubully sa isang buwan.

Kasalukuyan na malakas ang panawagan na iangat ang kalidad ng edukasyon ngunit,

upang magawa natin ito, kailangang masiguro nating ligtas ang mga paaralan upang

matuto nang husto ang mga mag-aaral.


Hindi lamang sa pisikal ang epekto na naidudulot ng pambu-bully. Ito rin ay may malaking
epekto sa utak ng mga kabataan na hindi masyadong alam ng karamihan. Ayon sa isang
bagong ADD
pag TITLE
aaralHERE
na natagpuan ng mga researcher, nakakaliit ng utak ang paulit ulit na
pambu-bully. At dahil sa pagliit ng utak, posibleng maging mas prone sa pagkakaroon ng
depression at anxiety ang mga biktima nito.
01 Base sa mga questionnaire na isinagawa at
pinasagot ng mga mananaliksik ng King's College London para sa mga kabataan may 14-19
na edad, Mayroong depresyon at anxiety ang mga 04
nakaranas na ng pambubully. ItoHERE
ADD TITLE ay isang
No one indebted for others,while many people don't know how to
napaka laking problema lalong lalo na sa mga kabataan.
cherishMayroon na ngang
others.No one indebted ilang
for others,while mga
many peoplekaso
don't know how to cherish others.

kung saan nagtangkang magpakamatay ang mga batang biktima ng bullying at ito ay
lubhang delikado
Ayon kay Lanie B. Mate, ang mga kabataang nakararanas o nakaranas na ng bullying ay
maaaring magkaroon ng mental health issue, at mababang performance sa paaralan. Ang
ADD TITLE HERE
mga epekto nito ay maaaring madala ng bata hanggang sa kanyang pagtanda. maaari itong
magkasakit, bumaba ang academic achievement o iskor sa mga pagsusulit, lumiban sa klase,
01
mag pa drop-out sa school, o kaya naman ay maging bayolente. Mahalagang alerto dito ang
mga magulang lalo na't sila ang kasama nila sa loob
04 ng tahanan. Kung maaari ay bantayan ADD TITLE HERE
ang kinikilos ng anak lalo na't kapag may kakaiba Nosaonekilos,
indebted at tanungin
for others,while manykung ano
people don't ang
know how to
cherish others.No one indebted for others,while many people
nararamdaman at kamusta ang araw nito upang maagapan ang paglala ng how
don't know pinagdaraanan
to cherish others. ng
batang nakararanas nito.
Ayon sa children's home society of california, madaming apekto ang pambu-bully sa sa
pisikal at kaisipan ng mga kabataan. Binubully man o na bu bully ay pangmatagal ang
pinsala sa kumpyansa sa sarili, mga relasyon at tagumpay sa akademya. Ang mga batang
nasangkot sa pambu-bully, maging siya ay biktima, saksi, o kalahok, lahat-lahat ay pawang
nagdudusa sa mga negatibong kinahihinatnan ng karanasang ito. Makaka-impluwensiya
ang negatibong epekto ng pambu-bully sa kinikilos, pisikal na kalusugan, at kabutihan ng
emosyon ng bata. Kung minsan nahihiyang humingi ng tulong ang mga batang binu-bully,
o natatakot sila na lalong lalala ang sitwasyon, kaya nananahimik na lang sila. Ang mga
biktima ng pam bu bully ay maaring maying labis na malungkot, nababahala, umaatras
mula sa mga aktibidad na nae-enjoy noon at mahina ang performance sa paaralan.
Dahil sa suliraning ito, Nilagdaan ni pangulong Benigno Aquino ang Republic Act 10627 o ang

Anti Bullying Act of 2013 noong Setyembre 12, 2013. Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat

ng paaralan sa elementarya at sekondarya ay kinakailangang gumawa ng mga polisya laban sa

bullying. Ang kopya ng mga polisya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila.

Inatasan ng RA 10627 ang mga paaralan na magpataw ng parusa sa mga mahuhuling nambu-

bully. Kailangan din silang sumailalim sa rehabilitation program na pangangasiwaan ng

paaralan.
Suliranin ng
pag-aaral
Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambu- bully sa pananaw ng mga biktima nito,
pag-alam sauri ng pambu-bully na kanilang naranasan, at pati na rin ang pagtukoy sa mga paraang
isinagawang mga biktima sa paglaban dito. Nilalayon ng pagaaral na ito na masagot ang mga sumusunod na
katanungan

1. Ano ang epektong naidulot ng pambu-bully sa aspetong:


1.1. pisikal
1.2 mental
1.3. sosyal
1.4 moral ng mga mag-aaral
2. Anong uri ng pambu-bully ang kanilang naranasan o nararanasan
3. Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying
4. Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang bullying
Kahalagahan ng
pag-aaral
Para sa mga mag-aaral ng HAU Basic Ed:

Para sa kaalaman ng mga mag aaral ng HAU Basic Ed upang masugpo ang pang-aapi, mahalagang
maunawaan at malaman ang dahilan o pinagmulan ng mga pananakit at pananakot na nangyayari.
Para na rin maiwasan ito ng maaga.

Para sa mga mag-aaral ng ikasampung baitang:

Mas magiging alerto ang mga mag-aaral ng ikasampung baitang sa mga sanhi, at epekto ng
pambubully. Ito ay makakatulong upang kanilang seryosohin ang bullying dahil ito ay hindi biro.
Ang bullying ay may malaking epekto sa buhay at pag aaral ng mga nabibiktima nito.
Ang magiging respondente sa pag-aaral na “Epekto ng bullying sa mga mag-aaral” ay ang mga
mag-aaral ng Holy Angel University sa ika-sampung baitang (Grade 10). Ito ay nakatuon sa opinyon
ng mga mag aaral na ito patungkol sa aming pag aaral. Magsasarbey ang mga mananaliksik ng
apatnapu (40) na estudyante mula sa ika-sampung baitang ng Holy Angel University
Saklaw at limitasyon
Ang magiging respondente sa pag-aaral na “Epekto ng bullying sa mga mag-aaral” ay ang mga mag-aaral ng Holy
Angel University sa ika-sampung baitang (Grade 10). Ito ay nakatuon sa opinyon ng mga mag aaral na ito patungkol
sa aming pag aaral. Magsasarbey ang mga mananaliksik ng apatnapu (40) na estudyante mula sa ika-sampung baitang
ng Holy Angel University.

Napili ng mga mananaliksik ang mga kapwa nila mag-aaral ng HAU mula sa ika-sampung baitang, sapagkat sila ang
akmang makasasagot sa mga katanungan dahil karamihan sa kanila ay nakasasaksi, nararanasan o minsan nang
nakaranas ng pambubully. Nais naming mga mananaliksik na hingin ang kanilang mga opinyon patungkol sa aming
pag aaral. Naniniwala ang mga mananaliksik na sila ang lubos na makakatulong at makatutugon sa mga suliranin ng
pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga respondenteng ito, sila ay magiging instrumento sa katagumpayan ng
pananaliksik.
METODOLOHIYA
Ang mga kasalukuyang mag-aaral ng Holy Angel University na nasa ikasampung baitang (Grade 10), ay

hihingin ng opinyon patungkol sa aming pananaliksik na “Epekto ng bullying sa mga mag-aaral” sa

pamamagitan ng pagbibigay ng sarbey o talatanungan. Bago ito isagawa ay kailangan munang isaayos

ang mga katanungan na ipapasagot bago pa man ito maipamigay sa mga respondente. Ang kabuuan ng

mga estudyante na dapat makuha at mapasagot ng sarbey ay apatnapung (40) estudyante lamang na

magmumula sa kahit ano mang seksyon bastat ito ay nabibilang sa ikasampung baitang ng HAU bilang

respondents sa aming pag-aaral. Pagkatapos nito ay aming pagsasamahin ang mga datos mula sa aming

mga napa sarbey. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay maghahanda ng isang online survey gamit ang Google Forms.


pamamaraan
Ang mga mag-aaral ng ika-sampung baitang (Grade 10) sa paaralan ng

Holy Angel University sa Sto.Rosario Angeles City Pampanga ang napili ng

mga mananaliksik na maging taga-sagot sa pagsusuring ito. Mayroong

labing-walong seksiyon ang ika-sampung baitang na may mga mag

aaral na binubuo ng walong daan at apat na pu na mga estudyante.


Kalahok at sampol
Ang piniling mga respondente sa pananaliksik ay ang mga estudyante sa

kasalukuyan sa ika-sampung baitang (Grade 10). Ang mga respondenteng

ito ay manggagaling lamang sa paaralan ng Holy Angel University. Ang

mga mananaliksik ay magsasagawa ng survey na ipamimigay sa

apatnapung (40) kabuuan ng estudyante na mangagaling sa Iba’t -ibang

seksyon ng ika-sampung baitang.


SANGGUNIAN

https://blogvonallennnn.wordpress.com/2017/11/09/pambubulas/

https://www.bulgaronline.com/single-post/2020/01/02/Pambu-bully-malaki-ang-epekto-sa-pag-aaral-ng-mga-bata

https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-bullying-sa-utak

https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pang-masa/para malibang/2017/12/01/1764511/
epekto-ng-bullying/amp/

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.chs-ca.org/_docs/FEP_Bullying_Tagalog_
web.pdf&ved=2ahUKEwjT3MOn4r_tAhUGE6YKHZ24Cu8QFjAUegQIBRAB&usg=
AOvVaw1MXnXbrXMnqj3gEN1F8KUP

https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/327044/batas-laban-sa-bullying-pinirmahan-
na-ni-aquino/story/

You might also like