You are on page 1of 9

Sulatin sa

Bernadeth F. Bayabay

PAGTAAS NG POPULASYON
(POPULATION GROWTH)

Elective 2
Ang populayon ay ang bilang o dami ng mga tao sa isang lugar o bansa. Isa ito sa mga patuloy na isyu
na kinakaharap ng ating bansa dahil sa patuloy na pagtaas nito. Kahit na sa kalagitnaan ng pandemiko ito ay
patuloy pa rin na tumataas. Ayon sa Commisiion on Population and Development, tinatayang aabot sa
110,881,756 ang populasyon sa Pilipinas ngayong taon, mula sa nakaraang taon na 109.4M ito. Kasali na rito ang
tinatayang 200,000 na mga bata ang ipinanganak sa panahon ng lockdown ngayong pandemya. Ang mga
kadalasang sanhi nito ay ang, kawalang kamalayan sa Family Planning. Maaari rin ang maagang pagbubuntis o
pag aasawa, karamihan sa mga kabataan ngayon ay mapupusok o nadadala ng kuryoso na nagdudulot ng
maling desisyon. Isa pa sa sanhi nito ay ang kawalan ng trabaho o pagkakakitaan, maaaring sa mga ganitong

Group 6 / BSA-1A
bagay ay napapawi ang kanilang problema ngunit hindi naiisip ang mas maaaring maging mangyari. Ito ay ilan
lamang sa mga sanhi ng pagdami ng pagtaas ng populasyon sa mga Pilipinas. At ito ay nagdudulot ng
matinding problema sa ating bansa kung kaya’t ito ay hindi matapos tapos na suliranin. Maraming posibilidad na
epekto nito sa isang pamilya o ating bansa. Ilan lamang sa mga ito ay pagkaubos ng supply na pagkain, lubos
na kahirapan na isa sa problema ng ating bansa, kawalan ng edukasyon dahil sa hindi na kaya pang pag aralin
dahil kulang sa pinansyal, maaaring mag dulot ito ng pagiging unemployed o hindi makakuha ng trabaho dahil
sa kakulangan sa kaalaman dahil hindi nakatapos ng pag-aaral, at maaaring maubos ang mga espasyo na kung
saan pinag tatayuan ng mga tahanan at nagiging isang urban na lugar, sa kadahilanan na pag karami ng mga
tao. Maapektuhan nito ang mga bata na bagong isisilang pa lamang dahil maaaring maransan nila yung mga
bagay na nag magulang nila ang dapat sisihin katulad ng kahirapan o kawalan ng edukasyon. At higit sa lahat ay
ang ating Kalikasan. Mapipilitang tayong magputol ng mga puno upang lalong lumawak ang lugar na
pagtatayuan ng bahay. Pati ang mga nagsusupply nag pagkain ay maapektuhan din dahil kukulangin na ng
pangsupply dahil sa laki ng populasyon. Ngunit sa aking palagay, ay maaari rin natin ito maiwasan. Napakalaking
tulong kung ito ay mababawasan. Ang aking naisip na solusyon ay paggamit ng mga contraceptives upang
Members:
maiwasan ang pagbuntis, maaring ito ay injection, pills o paggamit ng condoms sa lalaki. Ang simpleng
kaalaman na ito ay may malaking tulong na upang maiwasan ang maagang pagbubuntis o wala sa panong
Bernadeth F. Bayabay
pagbubuntis. Isa pa ay ang Family Planning o pag pa-plano ng pamilya kung ilan ang magiging anak. Ito ay
paraan upang ma-kontrol nang mag asawa ang pag aanak. Ito ay magandang paraan din, sabi ng experto na ito
Erika Sanchez
ay maaring sabayan ng contraceptives upang maiwasan ang hindi inaasahang pag bubutis o pag buntis sa
kanilang asawa. At dapat rin ay Disiplina sa Sarili, alamin muna yung mga bagay na mas importante sa sarili at
Jedidiah Lagarde
mga prayoridad sa buhay. Isipin muna ang bagay na posibilidad na mangyari o sino-sino ang maaapektuhan ng
maling mga desisyon sa buhay.
Lian Morfe
Erika Sanchez
Norrelyn C. Navarro
MABABANG Owin
KALIDADEjay Encinas
NG EDUKASYON
Wendy A. Flor
Ang aking Alexis
masasabi tungkol sa pagbaba G. Solero
ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay dahil hindi
pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang edukasyon, hindi binibigyan ng sapat na suportang pinansyal ito.
Hindi ang dahilan ang mga guro dahil sa pagbaba ng edukasyon. Ang katotohanan nito marami tayong
magagaling na mga guro sa Pilipinas kaya lamang ay hindi sila na bibigyan ng tamang pagpapasahod, dahil sa
ganitong kadahilan ay maraming guro ang nangigngibang bansa dahil sa liit ng sweldo nila. At isa pang
nagiging dahilan ay ang kakulangan ng pasilidad ng ng mga paaralan sa ating bansa gaya ng: ang kakulangan
sa mga libro, mga upuan at ang kakulangan sa mga silid-aralan. Ang nagiging epekto ng kawalan ng edukasyon
sa mga kabataan ay ang kawalan ng kaalamam sa maraming bagay, gaya ng kawalan ng kaalaman sa kanilang
mga karapatan na siyang nagiging sanhi upang maliitin sila. Maraming pwedeng maapektuhan dahil sa
pagkakaroon ng mababang kalidad ng edukasyon subalit ang mga mahihirap na mamamayan ang pinaka
apektado dito sapagkat sila ang mas walang kakayahan na pagandahin ang kanilang pag-aaral. Kung ano lang
ang kaya ng gobyerno na kung saan ay kulang kulang ay nagtitiis sila. Ang solusyon para sa isyung ito ay una
kung ang problema ng paaralan ay mga silid- aralan, dapat magkaroon ang gobyerno ng sariling gawaan ng
mga kagamitan para sa pagpapatayo ng silid-aralan, tulad ng yero, bakal, semento, hollow blocks, kahoy at iba
pa at hindi inaasa sa mga contractors o suppliers na gagawa para sa gobyerno na sa bandang huli ay taong
bayan din naman ang talo, dahil alam naman natin na sa iilang tao lamang naman napupunta ang pondo na
dapat ay maipang- aayos sa kakulangan tulad ng pagpapatayo ng mga buildings para sa karagdagang silid-
aralan ng mga estudyante, mga upuan, blackboard at lamesa na karaniwang kailangan sa isang paaralan.
Pangalawa, kung ang kailangan ng mga estudyante ay mga gamit sa pag-aaral tulad ng notebook, lapis, libro at
ballpen at iba pa.. dapat ay magkaroon ang gobyerno ng sariling gawaan ng mga ito o imprentahan na siyang
magpa- pamahagi sa bawat mag-aaral upang kanilang magamit sa kanilang pag-aaral. Kung may sariling
gawaan ng libro ang gobyerno siguradong bawat isa sa mga bata sa paaralan ay may kaniya-kaniyang aklat na
pag-aaralan. Kung may sariling gawaan ng lapis ang gobyerno, siguradong bawat isang estudyante ay matuto sa
pagsusulat. Kung may pagawaan ng notebook ang gobyerno, hindi na kailangan pang mamoblema ang mga
magulang kung saan kukuha ng pera para makabili ng isang notebook na alam naman natin na may kamahalan
at hindi kayang matugunan para sa kanilang mga anak ang malaking gastusin para dito. Kung ang gobyerno ay
talagang seryoso sa ganitong adhikain na ang bawat kabataang Pilipino ay makapag-aral ng libre, ganito dapat
ang kanilang unang isipin, na ang gobyerno ang gagawa ng paraan upang matugunan ang kanilang
pangangailangan, sa kanila mismo dapat manggaling ang pantugon sa bagay na ito. Upang sa ganun ay
maibigay ng pamahalaan ang talagang pagtulong sa bawat kabataang Pilipino na gustong mag-aral.

Erika Sanchez

DROGA

Ang pagdodroga, ay ang pag-iinom, paghihinga, o pagyoyosi ng mga iba’t ibang mapanganib na
bagay. Itong mga bagay ay naglalason sa inyong katawan at nagbibigay ng maraming problema sa inyong
buhay. Maraming iba’t ibang klaseng droga ang naroroon. Ang pinaka-karaniwan na droga na yinoyosi ng mga
tao dito sa Pilipinas ay ang marihuana. Ang marihuana ay nagpaparamdam sa iyo ng malakas na damdamin.
Pwede ito ay kalungkutan o kasiyahan. Pag-yosi mo nito, bibilis ang kibo ng iyong puso. Magiging pula and
iyong mata, at palagin kang kulang sa tulog at nagugutom. Pwede rin na umiba ang tingin mo sa mundo. And
inyong kapwa ay magiging inyong kaaway, ang kapatid mo magiging demonyo, at iba pa. Ang pagyoyosi rin ng
marihuana ay nagbibigay sa inyo ng problema sa baga at puso. Isa pang halimbawa ng droga ay ang heroin.
Ang heroin ay pumapasok sa inyong katawan sa pamamagitan ng iniksyon o sa paninigarilyo. Ang pag-iniksyon
nito sa inong katawan ay nagbibigay ng hilo, pahirap na huminga at antok. Sasakit ang inyong tiyan at
masusuka ka. Para sumarap ulit ang pakiramdam, nag-iiniksyon uli ng heroin ang tao para mawala ang sakit ng
ilang minuto. Marami pang iba’t ibang mga droga na iniinom o yinoyosi ng mga tao, ang ecstasy, depressants,
methamphetamine, nicotine, cocaine at alak. May iba’t ibang sanhi ang mga tao sa pagsisimula nag pagdodroga.
Para sa iba, ito ang kanilang solusyon para maka-iwas ng mga problema nila. Ang iba naman, para wala silang
maramdam na sakit. Sa ibang mga bata na walang kaibigan, ang kanilang ginagawa ay nagdodroga para maging
sikat sila. Ang iba naman ay nag-eeksperimento para maintindihan nila ang sarili nila. Dapat natin alamin na ang
pagdodroga ay hindi nakakatanggal ng mga problema natin. Ang pagdodroga ay nagbibigay ng maraming
masamang epekto sa ating mga katawan. Kung halimbawa, may problema ka sa bahay mo. Kung magsimula ka
ng droga, siguro hindi ka magiging masiyadong malungkot at magiging masarap na ang pakiramdam mo. Pero
pagkatapos ng ilang taon ibabalik din ito sa iyo. Magkakaroon ka ng kanser sa baga o sa puso. Hindi ka
magkakaroon ng mahaba at masayang buhay. Ang naaapektuhan ng droga ay ang gumagamit nito at ang mga
tao sa kanyang paligid. Ang solusyon para sa droga ay mas higpitan pa ang parusa sa mga taong mahuhuling
nag bibenta nito. Huwag matakot ang mga alagad ng batas na sugpuin kung saan nga ba nanggagaling ang
mga supply ng mga illegal na droga,sapagkat ang ilan ay kinasasangkutan ng matataas na tao at kilala sa
lipunan. Gumawa ng programa na walang sawang magpapaalala sa mga tao sa masamang dulot ng paggamit
ng droga.

Jedidiah F. Lagarde

UNEMPLOYMENT

Ang Unemployment o kawalan ng trabaho ay isa isa malaking isyu ng pilipinas ang maging sanhi nito
ay mabilis na paglaki ng populasyon dahil sa pag laki ng populasyon ang iba ay hindi na nakakapag trabaho
kulang sa edukasyon dito naman ay dahil ang ibang trabho ay kailangan naka graduate ng kolehiyo kaya ang
ibang di naka pag tapos ay nahihirapan kumuha ng trabaho, katamaran sa paghahanap nag trabaho,
diskirminasyon may mga trabaho na kailangan ng nasyonalidad kulay, taas, kapansanan, edad, at social class
dahil sa mga ito ay nag hihirap ang tao ang iba ay tatamarin at hindi nagiging patas ang pag tingin pag dating
sa trabaho at kahit ikaw ay nakapagtapos sa pag aaral ay mahihirapan ka rin kumuha ng trabaho dahil ang
ibang kompanya ay may standard sapag pili ng trabahado. Epekto naman nito ay tumitindi ang kahirapan,
naapektuhan ang mental health ng tao, dumadami ang mga dayuhan at nagkakaroon na ng malalaking negosyo
kaya nalulugi ang mga maliliit na negosyo, mabagal na pag unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya at unti
ang nakokolekta na buwis, nawawala na din sila ng ipon at itong ang mga naging epekto sa mga walang
trabaho kaya ang iba na ay nakukuha ng magnakaw dahil sa walang trabaho at hindi nila nabibili ang ibang
needs dahil wala silang maayos na trabaho o wala na silang ipon. Ang maapektuhan nito ay tayo at ang
gobyerno dahil pataasa na ng pataas ang walang trabaho dahil doon ay wala ng savings ang iba at ang iba
naman ay nangangalakal lang at sa gobyerno naman ay bumababa na nakukulekta na buwis at ang iba ay
naiisipan na mag trabaho sa ibang bansa para lang magkaroon sapat na pera na pang gastos ng kanyang
pamilya sa araw-araw. Naisip ko solusyon dito ay dapat ayusin ang Sistema ng edukasyon, mag bigay sila ng
libreng paaral, pagkaroon ng portunidad para sa mga gusto mag trabaho na hindi nakapag tapos, pag lilinang
ng mga kasanayan at ang mahihirap na walang trabaho dapat ay pag tuunan o bigyan ng trabho hindi ang
mayayaman ang bigyan ang dapat bigyan ay yung mga nangangailangan, pwede rin magtayo ng Negosyo para
sa mga walang trabaho dapat tayo ay mag tulungan hindi ang mayaman ay para sa mayaman lang, ang mahirap
ay sa mahirap.
Lian Morfe

Abortion sa Pilipinas
Ano ang abortion? Ano ang sanhi o bunga nitong abortion? Gaano karami o ilan ang percentage ng
abortion dito sa pilipinas? Sino-sino ang maaaring maaapektuhan nito? Ang abortion ay isa sa mga problema
na kinakaharap ng bansang pilipinas. Ilegal ito sa Pilipinas. Ito ay masama at mortal na kasalanan, Ang
pagpapalaglag ay itinuturing na kasalanang sa obispo lalo na at karamihan na relihiyon ay kristianismo.
Abortion o pagpapalaglag, Ito ay ang sapilitang pagtanggal ng fetus sa sinapupunan ng isang babae. Ito ay
maaring gawin sa pamamaraang surgical sa mga ospital ng mga bansa kung saan ang aborsyon ay legal.
Mayroon din naming mga ibang nagpapalaglag sa pamamagitan ng “hilot” kung saan hinihilot ng madiin ang
tiyan ng babaeng nagpapalaglag upang madurog ang fetus. Ang iba naman ay gumagamit o umiinom ng mga
matatapang na gamot upang patayin ang batang nasa sinapupunan ng ina. Ang sanhi nito ay maaaring
problema sa kahirapan na kung saan kumakapit ka sa patalim para may ipangkain saiyong pamilya. Pwede rin na
mayroon kang karelasyon at hindi pa kayo handa o hindi planado ang iyong pagbubuntis. Posible din na ikaw
ay na rape o pang-aabuso ng iyong ibang kamag-anak, kaibigan at karelasyon. Ang magiging bunga naman ng
iyong aksyon na ginawa, ikaw ay makokonsenya,malulungkot at magsisisi dahil sa Ito ay sarili mong anak, ngunit
hindi mo manlang siya binigyan ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito. Maaring ito ay magdulot ng
iyong pagkabaog. Posibilidad din na magkaroon ka ng kung ano-anong naiisip o psychological matters dahil sa
aksyon kung bakit mo iyon ginawa. Noong 2008, mayroong 1.9 milyon na hindi inaasahan ang pagbubuntis dito
sa Pilipinas, na nagreresulta sa dalawang pangunahing kinalabasan - hindi planadong mga kapanganakan at
hindi ligtas na pagpapalaglag. 37% ng lahat ng mga ipinanganak ay alinman sa hindi nais sa oras ng
pagbubuntis (mistimed) o ganap na hindi ginustong at 54% ng lahat ng mga pagbubuntis ay hindi nilalayon.
Karamihan din sa mga ito ay mga kabataan, lalo na ngayon ang sabi-sabi ng mga nakatatanda ay mapupusok
na ang kabataan ngayon. Ang maaaring tao na pwedeng maapektuhan ng abortion ay unang-una ang bata na
nasa iyong sinapupunan dahil wala naman siyang kasalanan kung bakit sya nabuo ng hindi nyo naman ginusto
mula sa una. Isa lamang siyang inosenteng bata na kung saan kailangan din bigyan ng buhay o karapatan nya
rin mabuhay sa mundong ibabaw. pangalawa ang sarili mo kahit na hindi mo ginusto na mabuntis ay
makararamdam ka pa din ng pagsisisi dahil sa ginawa mo at ang panghuli ay ang mga taong mahal mo sa
buhay, na kung saan hindi rin nila alam kung bakit nakagawa ka ng ganung kasalanan. Ang abortion o
pagpapalaglag ay hindi biro, Ito ay kailangan ng matindi at malalim na pagiisip o pagpla-plano ng dalawang tao.
Lingid sa ating kaalaman na ito ay ilegal sa ating bansa. Kaya't kung ikaw ay nabuntis ng hindi mo ginusto o
maaring ito ay bunga ng isang pagkakamali, kahit na hindi mo kagustuhan na ikaw ay mabuntis pagisipan mong
mabuti ang magiging bunga ng iyong aksyon. Pwede ka rin humingi sa pamilya mo kung paano ka
matutulungan sa kinakaharap mong problema. Maging malakas ka at maging matapang dahil hindi ka na
nagiisa. Pwede mo din gawin na isilang siya sa mundong ito at ipunta siya sa mga charity na pwedeng
kumupkop sa kanya, wag mo lamang iwan sa kung saan. Lalo kung hindi ka pa din talaga handa maging isang
Ina.

Norrelyn C. Navarro

Covid-19 sa Pilipinas
Kasalukuyang nararanasan ng ating bansa ang problema sa pandemya, o mas kilala sa tawag na Covid-
19. Marami itong naapektuhan tulad ng ekonomiya, kalusugan, sistema at maging ang ating pang araw-araw na
pamumuhay. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itong pinag-aaralan ng mga siyentipiko at patuloy rin ang mga
hakbang ng gobyerno upang ito ay masugpo. Ating alamin ang iba’t ibang impormasyon sa Covid-19 virus at
kung ano ang mga hakbang na maaari nating gawin upang makatulong na mapababa ang bilang ng mga
nagkakaroon nito. Ang novel na nakakahawang sakit ay isang nakakahawang sakit na bagong tuklas sa
populasyon ng tao. Maaaring sanhi ito ng anumang mga nakakahawang mikrobyo tulad ng virus, bakterya o
mga parasito na kung saan ang populasyon ng tao ay mababa o walang umiiral na imunidad. Ang mga
Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na matatagpuan sa parehong hayop at tao. Ang ilang mga
nahawaang tao at kilalang sanhi ng sakit na mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas matinding sakit tulad
ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Ang "Coronavirus
Disease 2019 (COVID-19)" ay tumutukoy sa kumpol ng mga kaso ng viral pneumonia na naganap sa Wuhan,
Lalawigan ng Hubei, simula noong Disyembre 2019. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa kalusugan ng
Mainland, isang novel coronavirus ay napagalamang mikrobyong sanhi ng sakit. Malaki ang naging bunga ng
COVID-19 sa ating bansa, ang karamihan sa mga ito ay talaga namang sobrang nakaaepekto sa ibang aspeto..
Sa kasalukuyan, ang kabuuang kaso sa Pilipinas ay 1,240,716 kung saan 52,132 pa ang aktibong kaso at 21,158
na ang namamatay habang 1,167, 426 na ang gumaling na. Maging ang ating ekonomiya ay talagang bumagsak
nang dahil sa Covid-19. Ayon sa Department of Labor and Employment, aabot ng mahigit 5 milyong mga
Pilipino ang nawalan ng trabaho. Lubusan namang naapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas na huling naranasan
noong World War 2, kung saan naging negatibo (-9.5) ang GDP ng Pilipinas noong 2020. Dahil sa pandemyang
ito, marami ang talagang naapektuhan, una na rito ang mga mga mamamayan ng Pilipinas, mas dumami rin ang
naging mahirap dahil sa pandemya dahil sa kadahilanang marami ang nawalan ng trabaho. Naapektuhan rin ang
ating Ekonomiya sapagkat marami ang mga negosyong nagsara, isa na rito ang mga tourist spot na binibisita
taon-taon. Bilang isang ordinaryong mamamayan, may mga bagay tayong pwedeng gawin upang makatulong sa
gobyerno na mapuksa na itong pandemya. Una, dapat nating sundin ang mga health protocol na ipinapatupad
ng mga opisyal. Dapat tayong mag mask, mag faceshield, maghugas ng kamay at maglagay ng alcohol. At neto
nga lamang na nakaraang mga linggo ay sinimulan na rin ang pagbabakuna. Kailangan hikayatin natin ang
bawat isa na magpabakuna upang maabot natin ang herd immunity at tuluyan nang mapuksa itong pandemya.
Sa maliliit na pamamaraan natin, hindi lang natin napapansin, pero isa na itong malaking hakbang upang tuluyan
na tayong makabangon sa pagkakabagsak dahil sa pandemya.

Norrelyn C. Navarro

Mental Health Issues

Hindi na iba sa atin ang mga isyu tungkol sa mental health. Sa katunayan, mas lalo nang lumawak ang
usapin nito sa ating henerasyon kumpara noong mga nakaraang taon. Ngunit, habang mas lalong nagkakaroon
ng kamalayan ang mga tao ay lalo ring tumataas ang mga nagkakaroon ng mental health issues, dumadagdag
pa ang nararanasan nating pandemya ngayon kung saan maraming mga tao ang naging limitado ang galaw at
pakikipag-kapwa. Ating alamin ang iba’t ibang sanhi at epekto nito sa isang tao at kung paano natin
mapapanatiling malusog ang ating isipan. Maraming mga paniniwala kung bakit ang mga tao ay may mga
problema sa kalusugan ng kaisipan. Ayon sa mga siyentipikong pagsusuri, maraming malubhang problema sa
kalusugan ng kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak. Naniniwala din ang mga propesyonal na
ang iba't ibang mga sanhi na may kaugnay sa sikolohiya, lipunan, at kapaligiran ay nakaaaapekto rin sa
kapakanan. Maaring marami ang maging sanhi kung bakit nagkakaroon ng mental issue ang isang tao. Ilan sa
mga ito ay kahirapan, pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pagkakaroon ng malubhang problema or
problemang kalusugan, pagbibisyo, o pagiging biktima ng karahasan, pang-aabuso, o iba pang trauma. Ilan
lamang ito sa mga sanhi, marami pang ibang sitwasyon kung saan nagkakaroon ng mental issue ang isang tao
na kailangan ng lunas o gabay ng propesyonal upang hindi na lumala. Marami ang maaari nitong maging bunga
o epekto, hindi lang sa taong nakakaranas nito kundi pati na rin sa ibang tao. Kadalasang nagiging bunga nito
ay pagkakaroon ng walang gana sa mga bagay na dating nasasayahan na gawin, nagiging malungkutin rin ang
mga taong nakakaranas nito at ang iba naman ay pagbabago ng mood sa di malaman na rason. Maari ring
maging resulta ng Mental problem ang paglimit sa pakikipagkapwa, sadyang pag-iwas sa mga tao. Ang mga
taong maaaring maapektuhan nito ay kahit na sino, bata, teenager o kahit na mga matanda. Sapagkat walang
pinipling edad ang pagkakaroon ng mental health problem. Sa kasalukuyan, ayon sa isang pag-aaral halos 54%
ng mga bata ang sinasabing nalulungkot sila dahil sa nararanasan nating pandemya. Kahit pa man noon na wala
pa ang pandemya, may mga pag-aaral na rin na patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipino na nakakaranas
ng gantong mental health issues Sa aking opinyon, may mga hakbang pa rin upang maalagaan ang ating mental
health. Una, kung nakakaramdam ng pagkabalisa o may problema na iniisip, maaari mo itong Ikuwento o
manghingi ng advice sa mga kaibigan. Huwag hahayaan na mag-isip ng mga negatibo at kung kinakailangan na
humingi ng tulong sa mga propesyonal, gawin ito. Sa panahon ngayon, mas lalong importante nating alagaan
ang ating mental health, sapagkat kung tayo ay balisa at nakakaranas nito, hindi tayo makakapag-isip nang
maayos at magiging resulta lang ito ng hindi maganda. Kaya kung kinakailangang huminto at magpahinga,
gawin ito. Para na rin ito sa ikakabuti mo at ng mga taong nakapaligid sa iyo.

Owin Ejay Encinas

Kahirapan

Isa sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa ang kahirapan o poverty. Sinasabing tumaas pa ang paglala nito
dahil sa patuloy na pag laganap ng sakit na Covid-19 sa ating bansa. Marami ang nawalan ng trabaho at
pagkakakitaan dahil sa pandemyang ating kinakaharap hanggang ngayon. Sinabsabi din na ang unemployment
rate ngayong taon ng 2021 ay maaaring umabot sa 6-8 percent na mas mataas sa normal average
unemployment rate na 5% subalit mababa pa rin ito sa current rate na 10% at 17.7% sa panahon ng matinding
pag sasailalim natin sa lockdown. Maraming mga Pilipino ang lubhang na apektuhan ng pandemyang ito,
maraming nalugi at bumagsak ang kanilang negosyo at hirap na sa buhay mapa hanggang ngayon. Hindi din
sapat ang mga ayudang kanilang na kukuha na ibinabahagi ng gobyerno. Dahil sa kahirapan madami ang
nagugutom dahil sa wala ng maipang bili pa ng pagkain. Ang iba din ay napipilitan ng gumawa ng mga labag
sa batas ng gawain para lamang may maipakain sa pamilya. Ang mas pina higpit pang quarantine ng kumunidad
sa Luzon pa lng ay nagdala na ng 767.18 bilyong piso dahil sa pag baba ng gawaing pang ekonomiya. Sa
patuloy ng pandemyang ito hindi malabong madami pa ang makaranas ng kahirapan. Tumataas din ang
populasyon ng ating bansa na nagsanhi din ng kahirapan sa ating bansa Isa talaga ang kahirapan na dapat
unang masulusyunan ng ating bansa. Dapat hindi ito ipagsawalang bahala lng dahil marami ang naghihirap at
madaming mga bata din sa murang edad pa lamang ay natututo ng gumawa ng mga bagay na di na tama para
lng may makain para sa isang buong araw. Lalong hindi ito masosulusyunan kung mas ipinag bibigyang pansin
ng ating gobyerno ang mga bagay na hindi nmn kinakailangan sa panahon ng pandemya. Isa na din siguro ang
dahilan ng kahirapan ang corruption sa walang hintong pagtaas ng rate ng kahirapan sa ating bansa. Para
saakin ang naiisip kong mga solusyon ay unahin muna ng ating pamahalaan pugsain ang pandemyang ito at
habang sinusulusyunan nila ito ay bigyan ng gobyerno ng sapat pang suporta ang bawat Pilipino sa ating bansa.
Para sa mga mamamayan at sana matutong sumunod sa mga alituntunin ng pinapaalala ng ating pamahalaan,
tayo tayo lng naman din ang magtutulungan dito kaya mabuting pag isipan muna ang bawat desisyon na
gagawin sa buhay. Ang pandemyang ito ang isa sa mga sanhi bat naghihirap ang mga tao. Mas magandang
pagbigyang pansin muna ang mga bagay na dapat unahin kaysa sa mga walang katuturan na pinaggagastusan
ng pamahalaan.

Wendy A. Flor

Teenage Pregnancy

Isa ang “teenage pregnancy” o pagiging isang batang may anak sa mga kinahaharap na problema ng Pilipinas
na kung saan nakakagulat na mas madaming mga batang magulang ngayon hindi lamang dahil sa pagtaas din
ng kasong “rape” sa ating bansa dahil may mga Pilipina na may edad 15 – 19 na taong gulang ay buntis o di
kaya mga ina na sa kadahilanang kapos o kulang sa gabay at pangangaral ang mga ito. Ang mga kabataang
nabubuntis ay maaaring ikasira ng kanilang buhay at kawalan ng maayos na pamumuhay. Ang isang pinaka-
dahilan o epekto ng teenage pregnancy ay ang sintomas ng kahirapan. Madaming mga kabataang mahihirap na
may anak dahil hindi sila nakapag-aral, hindi sila makakapag-trabaho dahil hindi wasto ang kanilang pinag-
aralan. Ang teenage pregnancy ay isa sa mga tampok na issue na lumalaganap sa ating bansa. Hindi parin ito
naiiwasan, lalo na sa bansang Pilipinas. Sa henerasyon ngayon ay laganap ang pagkakaroon ng relasyon lalo na
sa mga kabataan at nauuwi sa pakikipag-tatalik. Kinahahantungan rin ito ng masamang epekto para sa mga
dalagang babae na nakikipag-talik nang wala pa sa tamang edad. Karamihan din sa mga ito ay wala pa sa
wastong pag iisip para gawin ang isang bagay. Ang teenage pregnancy ay may malaking epekto o implikasyon
sa health care ng bansa, ito ang malaking health risk. Ang mga batang magulang o maagang nabubuntis ay
hindi pa lubos ang kaalaman at hindi pa lubos na handa sa mga responsibilidad na haharapin nila. Ang issue na
ito ay makakatulong sa pagmulat sa mga kabataan ang masamang maidudulot ng sobrang kapusukan ng
pakikipagtalik ng mga kabataan ng walang basbas ng kasal. Ito din ay makakatulong na magbigay ng
impormasyon sa paggabay at pagdisiplina sa mga kabataan. Maraming dahilan at rason kung bakit maagang
nabubuntis ang mga kabataan, madaming epekto ito sa ating sarili at ekonomiya. Maaari nating mapigilan ang
paglaganap ng mga batang ina o ang teenage pregnancy, ang kailangan natin ng sapat na kaalaman dito.
Makakatulong din ang pagpapatatag ng pamilya ito ay isa sa mga makapangyarihang tugon sa isyu na ito.
Kailangan, mabigyan ang kanilang pamilya at anak ng mga kasanayan na maaring makatulong sa kanila upang
magdesisyon nga mainam at tama para sa kanilang sarili, kailangan silang mabigyang gabay at suporta sa
kanilang mga desisyon. Ang paggabay at pagtulong ng pamilya ay isa sa mga maaring makatulong sa isyu na
kinakaharap ng ating bansa.
Alexis G. Solero

Deforestation

Ang Deforestation ay sapilitang pag-kalbo o pag-tanggal ng mga puno sa kagubatan. Isang malaking parte ng
ating bansa ang kalikasan, mga bundok, lamang dagat, mga halaman at mga puno. Maliit man ang ating bansa
higit naman na mayaman ito sa mga ibang bagay. Isa ring pangunahing pinagkukunan ng ating pagkain at
hanap-buhay ang mga nabanggit. Tulad na lang ng pagsasaka at pangingisda, mga taong nakabatay ang
pamumuhay sa mga isda at tanim. Ang sanhi ng Deforestation ay ang pagkadami ng populasyon, pagtatayo ng
mga panibagong mga gusali/kabahayan, pagpapalawak ng bakanteng lupain, at pagmimina. Ang mga posibleng
bunga ng Deforestation ay ang pagbabago ng Klima, pagkahina ng mga bundok, pagkakaroon ng mga natural
na sakuna, pagkaunti ng pagdami ng mga halaman. Ang deforestation ay gawa ng tao at tao din ang unang
napipinsala nito, dahil sa pagsunog o kalbo ng ating mga puno wala ng pagkakapitan ng tubig kung magkarook
ng landslide o bagyo, kayat madaming napipinsalang tao, ganun din wala nang hihigop ng carbon dioxide sa
paligid. Kayat dapat itigil ang pag putol ng mga puno at ito ay panatilihing maganda at alagaan. Dahil sa
pagangat ng bilang ng tao, mas nalilimita ang mga lugar na kanilang titirhan at mas dumadami ang
pangangailangan. Kung kaya’t sa pagbabawas ng mga puno ay nagbubukas naman ng panibagong puwesto
pangkabuhayan sa mamamayan. Ang pagtatayo ng mga istruktura ay nangangailangan ng sapat na lawak ng
lupa at sa ibang pangmataas na uri ng disenyo, ang puno ay wala doon. Ang lupa ngayon ay higit na
pinagkakakitaan ng mga tao, sa kadahilanang madami itong benepisyo. Maaring pagtayuan ng bahay, gawing
sakahan, gawan ng panibagong “mall” at marami pang iba. Sa pagmimina kailangang tangglain ang mga puno
nakaharang sa kanilang pagmiminahan. Malaki ang halaga ng mga namimina, kaya ganon na lamang ang
pagpuputol sa mga puno at pagbawas sa kagubatan. Dahil sa pagkabawas ng mga kapunoan, mas nagiging
mainit ang klima dito sa ating bansa. Mas mabilis ang pagbabago nito kaysa sa dati. Isang pundasyon din ng
mga bundok ang mga puno, dahil sa mga ugat na humahawak sa mga lupa na nagpapanatili ng hugis at itsura.
Mas madalas ang pagkakaroon ng mga natural na sakuna, bunga din ng pagbabago ng klima. Tulad ng land
slide, baha, at bagyo. Mas madalang na ang pagkabuhay ng mga halaman sa lupa dahil wala nang tumutulong
sa kanila mabuhay. Naisip kong solusyon dito ay ang patuloy na pagtatanim ng mga puno upang mapunan ang
mga puno na taon-taon na nawawala bunga ng pagpuputol sa mga ito. Taon man ang bibilangin upang tumubo
ito at umusbong, makakatulong pa rin ito kahit sa maliit na paraan lamang upang iligtas ang ating inang
kalikasan.

You might also like