You are on page 1of 2

Bully

Pamilya ang unang proteksyon natin sa mapang-aping lipunan, tahanan ang tanggulan,
magulang ang sanggalang.

NAKAKAHAWANG PAMBUBULLY
Walang pinipiling edad ang pagiging biktima at hindi rin ticket ang legal na edad,
pisikal na anyo at katayuan sa buhay upang mang-api ng kapwa.
Ang edad 18 pababa ay maituturing na bata at sakop ng panukalang ‘Child
Protection Policy o DepEd Order No. 40, s. 2012’ na nagpoprotekta sa mga mag-aaral
mula sa pang-aabuso, karahasan, pangsasamantala, diskriminasyon at pambubully.
Ang panukalang DepEd ay hindi lamang para maprotektahan ang mga
estudyante kundi para maiwasan o mabawasan ang kaso na nasa sakupan nito.
Katulad nito ang Republic Act No. 7610 o mas kilalabilang Child Abuse Law
natumutukoy sa pang-aabuso naman sa may kapansanan, mahina o di kaya ay mas
nakakabata.
Sa panahon ngayon uso ang pananakot sa loob at labas ng paaralan, hindi lang
pisikal ang maaaring maging paraan ng pambubully kundi maging sa pananalita. Ang
simple ng pananalita tungkol sa pisikal na anyo ay matatawag na pambu-bully.
Base sa pananaliksik tungkol sa Level of Awareness in Child/Student’s
Responsibilities’ pangatlo sa pananaliksik ang mga gawaing makakapanakit sa kapwa,
kung saan maaring sinadyaang pangyayari.
Pang-apat naman ang responsibilidad nila sa kanilang pagiging abuso at
kakayahan na maaring makapanakit sa kapwa. At Panglima naman ang responsibilidad
nila sa mga away na nangyayari kung saan desisyon nila kung makikisali ba sila o hindi.
Sanasabi ng pananaliksik tungkol sa responsibilidad ng isang estudyante sa
paaralan alam nila na nangyayari talaga ito sa loob ng paaralan. Ang pananaliksik rin ay
nagsasabing walang estudyante ang bulag tungkol sa paligid nya.
Samantalang sa iba pang pananaliksik sa paksang, Awareness on the Behavior
of Students’ una ang hindi pagrespeto sa mga guro, hindi lang bata ang biktima ng
bullying kundi maging ang mga guro rin.
Ilan pa sa kapansin pansing ugali ng mga estudyante ay pambu-bully, pang
uumit o pagnanakaw ng gamit at paninira ng gamit ng kaklase at ng paaralan. Naitala
din ang di paggalang sa mga magulang at mga nakatatanda.
Sanasabing mga puntos ng responsibilidad ng mga estudyante, alam nila ang
mga ito, ngunit sa panahon ngayon maraming mga estudyante ang lumabag dito at
sinasantabi ang mga parusa na maaari nilang matanggap. Palakasan at patapangan na
ang nangyayari ngayon saloob ng paaralan hanggang salabas sa halip natulungan sa
pag-abot ng pangarap.
Angikalawangpananaliksiknamanngpag-uugali ay
makikitangginagawanglibanganngmgakabataanangpambubullysaloobngpaaralan. Hindi
langpisikalanganyongpambubullykundimagingsimpplengpagsabinghindimagandangsalit
a ay pambubullyrin.
Sa mga pahayag na nabanggit tungkol sa mga puntos ng responsibilidad at pag-
uugali ito ang resulta ng pagbabagong mga kabataan ngayon. Maaring dahilan nito ay
impluwensyang mga ipinagbabawal na mga gawain.
Maaring solusyon ditto ang atensyon mula sa magulang nila kung saan
madidisiplina silang tama. Sa bahay, madalas nagmula kung bakit sila nagkakaganito at
maaring may mga karanasan din sila at gusto lamang na gumanti.

You might also like