You are on page 1of 2

Kumakalam na Sikmura

Gutom ang inaabot ng mga magsasaka nang naipasa ni Pang. Rodrigo Duterte ang Republic Act
11203 o Rice Tariffication Law kung saan mas pinalawak ang pag-aangkat ng bigas sa bansa.

Pumalo sa 70 piso ang kilo ng bigas sa nakaraang taon. Ayon kay Finance Undersecretary Tony
Lambino, makakatulong ang Rice tariffication law para mabawasan ang presyo nito ng mahigit kumulang
7 piso kada kilo.

Dagdag pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas,tuluyang puputulin nito ang inflation rate mula sa anim
na porsyento pataas.

Sa kabila ng solusyong naisip ng pamahalaan, tila nagdulot lamang ito ng mas malaking
problema. Ayon sa memorandum ng ipinroklamang batas, 350,000 metric tons ang supply mula sa
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Habang ang buwis na binabayad nila ay mapupunta sa Rice Competitiveness Enhancement Fund
(RCEF) na maaring gamitin sa programa sa mass irrigation, rice storage at rice initiatives.

Alinsunod dito, umaalma parin ang mga magsasaka dahil sa labis pagbaba ng presyo ng bigas na
naging sanhi ng kanilang pagkalugi. Dala ng modernisadong komunidad, mas pipiliin ng mga mamimili
ang imported na produkto, ayon sa artikulo ng Philstar.

Ayon sa report ng Sunstar Philippines, ilang grupo ng magsasaka ang umalma dahil sa
bumababang presyo ng palay mula 10 piso hanggang 6 na piso.

Kinilala ng Kilusan ng Magbubukid ng Pikipinas ang batas bilang 'death-warrant' para sa lokal na
industriya ng pagsasaka. Ayon sa KMP, 500,000 mula sa 2.4 milyong magsasaka ang maaapektuhan sa
negatibong paraan. Sinasabi lang ng kilusan na ang naturang investment ay magdudulot man ng stable
na presyo ngunit hindi isinasaalang-alang ang mga magsasaka.

Tinawag naman itong ' wipe out' ng National Food Authority (NFA) dahil sa naging limitado na
lang ang kanilang kilos ayon sa produksyon at pagbebenta. Tinatayang 400 na NFA employees ang
malilipat sa Department of Agriculture. NFA na lang ang magsisilbing supplier sa oras ng kalamidad.

Base sa pahayag ni Duterte, "Rice tariffication law is to address the urgent need to improve
availability of rice in the country to prevent artificial rice shortage, reduce prices of rice in the market
and curtail the prevalence of corruption and cartel domination in the rice industry.

Sa kabilang banda ay malaki rin ang naitutulong ng Rice Tariffication Law sa bansa. Dahil dito,
umangat ang palitan ng dolyar mula sa mga karatig na bansa. Dahil din sa unlimited supply, bumaba ang
presyo hindi katulad noon na in demand ang artificial na bigas.

Natuldukan din nito ang inflation na nagsimula noong nakaraang taon. Dahil dito, nagkaroon ng
10 milyong badyet para sa magsasaka kung saan, makatatanggap silang pinansyal na suporta taun-taon
sa anim na peryod.
Ayon din sa Financial Plan, 50 porsyento ng nalikom na pera ay mapupunta sa makinarya at
kagamitan ng magsasaka, habang ang 30 porsyento ay sa mga punla, 10 porsyento sa credit assistance
at 10 porsyento din sa rice extension service.

Ngunit hindi pa rin maipagkakaila na labis na epekto ang natatamasa ng lokal na magsasaka.
Hindi masasagot ng isa pang problema ng isa pang dilemma. Marapat lang na rebisahin ng pamahalaan
ang pinanukalang batas

Hindi natin kailangang isakripisyo ang sariling produkto dahil lang sa inaasam na pag-unlad.
Walang silbi ang pera kung wala ang mga magsasaka.

At magiging katatawanan kung ang taong nagpapakain sa bansa ay hindi maitaguyod ang sarili
nyang pamilya dahil lamang sa maling pamamalakad.

You might also like