You are on page 1of 1

PSA: Nawawalan ng trabaho sa Agrikultura, Tumataas !

Higit 2 ektaryang lupa ang sinasaka ni Noli Tabita sa lugar ng Nueva Ecija na minana pa niya sa
kaniyang mga magulang, ngunit ramdam pa rin ni Noli, 52 taong gulang ang hirap ng buhay ng
magsasaka.

"P 60,000 lang ang kita namin, kumikita lang kami ng almost P10,000 per month" ani Tabita

Ang pinaka problema pa ng mga maraming magsasaka sa Pilipinas at malaki ang perang
nagagagastos nila sa pagsasaka kesa sa kanilang kinikita.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA) 2.03 milyon ang kabuuang bilang ng mga nawalan ng
trabaho sa sektor ng Agrikultura sa mga nagdaang dekada. Mula sa 12.03 milyong trabahong
naitala noong taong 2008 sa Agrikultura, na naging 10 milyon na lamang noong sumapit ang
taong 20018 at naging 9.142 milyon na lamang ngayong taong 2019 na mas mababa kumpara
sa nakalipas na taon ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA)

Tingin naman ni Director Dominique Tutay ng Bureau of Local Employment na isa sa malaking
dahilan kung vakita kumakaunti ang mga trabaho sa sektor ng Agrikultura ay dahil sa mga
kalamidad at bagyong naranasan ng ating bansa.

"Binagyo po tayo ng Usman noong December and malaking bahagi po sa Northern part of the
country ang apektado diyo. Mayroon din kaunti sa Visayas." Pahayag no Tutay.

Hindi naman daw maiiwasan ang patuloy na pagbaba ng bilang ng trabaho sa sektor ng
Agrikultura lalo na't halos karamihan daw ng mga kababayan nating magsasaka ay tumatangkilik
na ng modernong makinalya sa pagsasaka, ayon sa Department of Agriculture.

Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez, inaasahan ang pagganda ng galaw ng
ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon ngayong pasado na ang budget na nakalaan para sa
Agrikultura. Aapurahin na aniya ng gobyerno ang mga naantalang proyektong para sa pagpapa-
unlad sa Agrikultura ng bansa at ito naman ay suportado ng pangulong duterte.

"As we modernize Philippine Agriculture,the declined in the labor forced are expected because
mechanisation are inherent element of modernization process. A single Machine displaced
several laborers." Saad sa pahayag ng Department of Agriculture.

May isang grupo na nagdaos ng kanilang pananaliksik sa nasabing usapin, ito ay ang IBON
FOUNDATION, na nagsasabing maliit at kulang na kulang ang pondong binibitayan ng gobyerno
sa sektor ng Agrikultura kaya't walang nakakapagtaka kung unti unting nawawalan na ng
trabaho sa Agrikultura. Malaki sana ang potensyal ng sektor ng Agrikultura na tumugon sa isa sa
pinaka malaking suliranin ng ating bansa, ito ay ang kawalan ng mga trabaho kung mabibigyan
lamang ng tamang subsidiya at pansin ang usapjng ito, ayon sa IBON FOUNDATION.

You might also like