You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Central Luzon State University


COLLEGE OF ENGINEERING
Science City of Munoz, Nueva Ecija 310

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA SA PAGAARAL NA:


KARIT NA WALANG TALIM

nina:

JOHN EDISON V. BRILLO


AR-JAY C. PADILLA
HUMPHREY MILES C. RAMOS

BSABE 3-1

Isang Pananaliksik sa Iniharap sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham,


Central Luzon State University, Bilang Katugunan sa Pangangailangan ng Asignaturang FILDIS
1110 - Filipino Sa Iba’t Ibang Disiplina

Disyemmbre 2023
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

isinagawa ng iba't ibang mananaliksik at konsepto mula sa mga dalubhasa upang maihayag ang

kanilang pagkakatulad sa gagawing pag-aaral. Ang mga ito ay gagamiting batayan sa

pagsasagawa ng pag-aaral.

Kalagayan ng Agrikultura sa Pilipinas

Sa Pilipinas, ang agrikultura ay isang importanteng bahagi ng ekonomiya na siyang

nagpapatakbo sa bansa. Ito ay nahahati sa apat na sektor: pagsasaka, pangigisda, livestock, at

pangungubat. Ngunit, ang pagsasaka ang isa sa pinakakalat na sector dahil sa angking

topograpiya ng bansa. Ilan sa mga produkto ng pagsasaka ay dinodominahan ng palay, mais,

tubo, buko, saging, abaka, goma, at marami pang iba. Ayon sa World Bank, dalawampu’t-tatlong

porsyento (23%) ang ginagamit na lakas-paggawa ng agrikultura sa bansa sa taong 2021 (Tacio,

2022). Sa ikalawang quarter ng taong 2020, nakita na tumaas ang lebel ng produksyon ng

agrikultura sa bansa ng 0.5 percent. Mula sa 53.7 percent ng kabuoang produksyon, 7.1 percent

ang itinaas ng palay at 15.4 naman ang sa mais (Dogello, Cagasan, 2021). Bilang resulta ng

paggalaw ng porsyentong ito, nakita na tumaas ang agricultural production value ng Php. 439.8

Billion noong taong 2020, ito ay mas mataas ng 4.6 percent kumpara noong taong 2019 (PSA,

2020). Sa tala naman ng PSA, sa ikatlong kwarter ng taong 2022, nakaranas ang sector ng AFF

(Agriculture, Forestry, Fisheries) ng pagtaas sa produksyon ng 2.2 percent, na siyang mas mataas

mula sa -1.7 percent na pagbabang naranasaan ng ikatlong kwearter ng taong 2021


Ngunit, sa kabila ng pagtaas ng mga ito, hindi pa rin maipagkakaila ang mga suliraning

kinakaharap ng bansa sa larangan ng agrikultura. Kung bibilangin, umaabot ng 37 porsyento ng

lakas-paggawa ang kinakailanangan para sa agrikultura na siya na ring nagsisilbing pnagunahing

hanap-buhay ng mga mamayan ng bansa, subalit sa paglaon ng taon ay bumababa nang

bumababa ang bahagi ng sektor na ito sa GDP ng bansa (Dogello, Cagasan, 2021). Maraming

pang mga bagay ang naghatid ng agrikultura sa ganitong kalagayan. Bukod sa mga kalamidad na

paulit-ulit na tumatama sa bansa, isa pa sa mga bagay na nakaapekto rito ay ang paglimita ng

badyet na nakalaan para sa agrikultura. Mula noong taong 2011, apat na porsyento na lamang ng

National Budget ang ibinigay para sa agrikultura (Dogello, Cagasan, 2021). Bilang karagdagan

sa suliraning ito, nakitaan din ng pagbagal ang pag-usbong ng sektor ng agrikultura ng bansa

dahil sa hindi nito pagsabay sa paggamit ng mga makabagong makinaryang pansaka. Ayon sa

isang pag-aaral ng Food and Fertilizer Technology Center for the Asian and Pacific Region

(FFTC – AP), ang limitadong divesrification at mabababang antas ng produksiyon ay mga

primaryang pagsubok na humahadlang sa pag-unlad ng agrikultura ng bansa. Nalilimitahan din

ng ang kakayahan ng bansa na lumago local at pandaigdigang merkado dahil mas maliit ang

kabuuang laki ng lupang pansakahan ng mga pananim na may matas na halaga kumpara sa mga

tradisyunal na pananim tulad ng palay, mais, at niyog. Kabilang sa dahilan ng mabababang antas

ng produksiyon ay ang limitadong oportunidad ng mga magsasaka sa mga pautang at

agricultural insurance, low farm mechanization, kakulangan ng mga postharvest facilities at

irigasyon, hindi sapat na suporta para sa research and development, mahinang extension service,

hindi hustong implementasyon ng agrarian reform program, and tumatandang mga manggagawa

ng agrikultura (The Current State, Challenges and Plans for Philippine Agriculture, 2018). Mula

rin sa mga ito, sinasabi rin na ang pamumuhunan sa makabagong teknolohiya at inobasyon, at
ang pagsuporta sa mga kinakailangang serbisyo ay isang mahalangang sangkap upang makamit

nag pag-unlad ng agrikultura ng bansa. Mula rin sa tala ng FFTC – AP, sinasabi na ang porsyento

ng pamumuhunan ng bansa sa Research and Development ng Agrikultura ay nasa 0.3 porsyento

kada taon, mas mababa sa 1 porsyento na rekomendasyon ng World Bank.

Kalagayan ng Tradisyunal na Pamamaraan ng Pag-Aani ng Palay sa Bansa Ngayon

Sa paglipas ng panahon kasabay ang pag-unlad ng pamamaraan ng pagsasaka, marami ng nga

manggagawang bukid ang tuluyan nang nawawalan ng interes sa sa tradisyunal na pag-aani ng

palay. Ang dating mahirap na buhay sa kanayunan ay naging mas mahirap pa dahil sa kawalan ng

mapagkukunan ng panggastos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Ang mga dating

masigasig na nagtatrabahong manggagawang bukid ay napalitan na ng mga makabagong

makinarya katulad ng combine harvester na higit na mas mabilis at mas episyenteng uri ng pag-

aani ng palay. Ang mga manggagawang bukid na nawalan ng trabaho ay napipilitan humanap ng

trabaho na hindi pangkaraniwan kumpara sa tradisyunal nilang trabaho o minsan pa ay

napipilitangkumapit sa patalim upang mapakain ang kumakalam na sikmura (Mariano et al.,

2018). Ngunit sa kabila nito, may ilang manggagawang bukid pa rin ang patuloy na kumakapit sa

tradisyunal na pag-aani para kumita ng pera.

Mga Benepisyo ng Tradisyunal na Pamamaraan sa Pag-Aani ng Palay

Ang manu-mano o tradisyunal na pamamaraan ng pag-aani gamit ang kagamitang

pangkamay katulad ng karit ay sinasabi na nagbibigay ng mas mataas na porsyento ng ani ng

palay dahil sa katotohanan na sa manu-manong pagputol gamit ang karit, ang pag-aani ay mas

mabagal kaya may kaunting epekto sa mga crop stand at nabawasan ang pagkabasag ng butil

kumpara sa mekanisadong pag-aani (Amponsah et al., 2020). Ganon din, lahat ng parte ng lupa
na may nakatanim na palay ay pinupuntahan ng mga manggagawang bukid kaya naman hindi

nasasayang ang kahit kaunting butil ng palay at mas maingat ang mga ito upang siguraduhin ang

kalidad ng palay. Bukod pa rito, ito ay ang pangunahing nagbibigay ng pagkakakitaan sa ating

mahihirap na magsasaka sa bansa (Umengan et al., 2015). Nagbibigay ito sa kanila ng

pagkakataon para lumaban at mamuhay pa rin sa kabila ng kahirapan. Patuloy silang naggagapas

para ipangtutustos sa kanilang pamilya dahil hindi sila makahanap ng ibang mapagkakakitaan

bukod dito. Ang mahihirap na magsasaka ay patuloy pa ring tinatangkilik itong pamamaraan na

ito kumpara sa mekanisadong pamamaraan dahil hindi nila kayang bumili o umupa ng isang

makinarya na mahalpara gawin ang mga bagay na ito. Higit pa rito, ang tradisyunal o manu-

manong paggapas, pagsasalansan, pagbibigkis, at paggigiik ay maaring gawin kahit ang palay ay

basa. Sa panahon o buwan na may bagyo ang mga magsasaka ay napipilitan na anihin ang

kanilang palay kahit basa upang hindi mas lalong masira at lumubog ito sa tubig. Sa ganitong

pamamaraan maari itong manu-manong gapasin hindi katulad ng isang mekanisadong

pamamaraan na hindi maari ang ganitong kundisyon.

Mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka

Agrikultural na bansa ang Pilipinas ngunit ang mga magsasaka, namamalakaya, at iba

pang propesyong kadikit ng agrikultura ay nananatiling nasa pinakamababang estado ng

pamumuhay. Dahil dito, ang mga ibang dukhang magsasaka ay napipilitang ibenta ang kanilang

mga lupa sa kapitalista sa kakulangang pinansyal at unti-unti nang nauubos ang lupang

agrikultural at pati na rin ang mga susunod na henerasyon magsasaka. Hangga’t hindi naiaangat

ang estado ng kanilang pamumuhay ay malabo ang kinabukasan ng pagsasaka sa ating bansa.
Lumipas na ang ilang taon, ilang dekada, ngunit ang mga suliranin ng mga magsasaka

noon ay suliranin pa rin ng mga magsasaka ngayon. May ilang pagkakataon kung saan sa halip

na bumuti kahit kaunti ang sitwasyon ng mga magsasaka sa Pilipinas dahil dapat ay

nasolusyonan na ito sa ilang dekada na ang nakalipas, ang ilan ay mas lumubha ang nararanasan

lalo na sa usapin ng sahod at kita.

Isang malaking pangarap sa bansa ang pagkakaroon ng pambansang industriyalisasyon

para sa masa dahil hindi napagtutuunan at nabibigyan ng sapat na suporta ang mga Pilipino

upang lumikha ng mga industriya at makinarya na angkop para sa bansa. Kung ito ay

masusuportahan, hindi na kakailanganin ng bansa na mag-angkat pa ng makinarya galing ibang

bansa tulad ng mga harvester ng kubota.

Kinakailangan ng bansa na programang galing sa magsasaka dahil sila mismo ang

mayroong kaalaman ukol sa kanilang sitwasyon. Kahit may mga programa ang pamahalaan,

mahalagang tanungin kung saan ang inabot ng mga ito at kung nakikinabang ba ang masa sa

mga programang ito.

Hindi sa lahat ng oras ay kailangan ng teknolohiya.

Kung gagamit man ay dapat pantay lang. Ganito rin sa pagsasaka. Hindi lahat ng gawain

sa pagsasaka ay iaasa sa teknolohiya bagkus ay kalabaw at taong masipag ay sapat na. Kailangan

na paunlarin ang pagsasaka dahil ito ang pangunahing hanapbuhay ng mga magsasaka. Dito rin

nakukuha ang pangunahing pagkain ng lipunan. Ang Pilipinas ay isang agrikulturang bansa at

nararapat lang na bigyang pansin ng pamahalaan ang agrikultura sapagkat dito nakadepende ang
ikaaangat ng ekonomiya. Kung nagawang itaguyod ang sarili ng mga ninuno na walang

teknolohiya, posibleng makakaya rin ito sa kasalukuyan.

SANGGUNIAN

Amponsah, S. K., Addo, A. K., Dzisi, A., Moreira, J. & Ndindeng, S. A. (2017). Performance

evaluation and field characterization of the Sifang mini rice combine harvester. Journal of

the Applied Engineering in Agriculture, 33(4), 479–489.

Calibuso, N. (2021, March 1). EFFECTS OF THE EMERGENGE OF FARM MACHINERIES

TO SOCIO-ECONOMIC STATUS OF AGRICULTURAL LAND WORKERS IN THE

PHILIPPINES. https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3795373

DA Communications Group. “1 M Rice Farmers Receive P15-B Worth of Farm Machinery from

RTL-RCEF - Official Portal of the Department of Agriculture.” Official Portal of the

Department of Agriculture, 22 Apr. 2021, www.da.gov.ph/1-m-rice-farmers-receive-p15b

https://www.researchgate.net/publication/358509637_Impact_of_Agricultural_Mechanizat

ion_on_Agricultural_Production_Income_and_Mechanism_Evidence_From_Hubei_Provi

nce_China/link/6205bd867b05f82592e00cab/download

Januarti, I., Junaidi, Y., & Rosana, E. (2018, November 18). The Impact of Using Combine

Harvester Technology on Social Economic Conditions of Swamp Rice Farmers and

Harvest Workers in South Sumatera. The Impact of Using Combine Harvester Technology

on Social Economic Conditions of Swamp Rice Farmers and Harvest Workers in South

Sumatera - Neliti. Retrieved December 19, 2022, from

https://www.neliti.com/publications/274669/
Mendoza, A. N. & Mariano, C. (2018). Magsasako at Mina: Ang Kalagayan ng mga Magsasaka

at Manggagawang Bukid sa Pagdating ng Rice-Combine Harvesters sa Occidental

Mindoro at ang Badya ng Trahedya ng Pagmimina sa mga Pamayanan ng Mindoro.

https://www.academia.edu/37256837/

Philippine Statistics Authority | Republic of the Philippines.

(2023). Psa.gov.ph. https://psa.gov.ph/national-accounts/sector/Agriculture,

%20Forestry%20and%20Fishing

Pagsasaka-sa-pilipinas.blogspot com/2023/03. Retrieved November 25, 2023 from

https:pagpapaunlad-ng-agrikultura-sa.html?m=1&fbclid=IwAR3iCoZ-

HVqHnuFcCbDEQxF63U5_0_jefjsuSlFUjyvZGfeLBF6CXlBZRk0

You might also like