You are on page 1of 9

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

BACOLOD CITY COLLEGE


TEACHER EDUCATION DEPARTMENT
S.Y. 2019-2020

Sosyedad at Literatura o Panitikang Panlipunan

Panitikang Hinggil sa mga Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka at Pambansa

Myembro:
Espino, Jamby Mariz –Lider
Espinosa, Jovielyn
Monterde, Aloha
Llegue, Racel
Sol, Julie Ann

Tagapagturo
Mrs. Rhoda Mizahon Lamayo

January 2020
Panitikang Hinggil sa mga Isyung pang Manggagawa, Mangsasaka, at Pambansa
Manggagawa
- Sila ang nagbibigay ng mga ideya upang maging malikhain ang isang produkto at gawing
kapakipakinabang ang mga ito sa buhay ng tao.
 Naglilinang ng mga hilaw na materyales o yamang likas.
 Nagpapaandar at gumagamit ng mga makinarya at maka bagong teknolohiya.
 Makalikha ng mga produktong kailangan ng bansa.

Dalawang Klasipikasyon ng Manggagawa


1. Manggagawang Pisikal
2. Manggawang Mental

Manggawang Pisikal (Blue Collar Job) - ay inuuri bilang unskilled, semi-skilled, at skilled. Ito
ang tinatawag na blue collar job na tumutukoy sa Gawain ng mga manggagawang mas higit na
ginagamit ang kanilang lakas pisikal at inerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.

(Ang mga welders, drivers, plumbers, janitors at iba pa ay ilan sa halimbawa ng mga manggawa
ng blue collar job.)

Manggagawang Mental (White Collar Job) – ang gawain ng manggagawa na mas ginagamit
ang mental na kapasidad at kaisipan ay nabibilang sa white collar job.

(Ang superbisor, manedyer, doctor, nars, guro at iba pang propesyonal ay kabilang sa white
collar job.)

Karl Marx “Ama ng komunismo” (Mayo 5, 1818- Marso 14, 1883)- “Ang mga manggagawa
ang mga tunay na PRODYUSER ng bansa”

Kahalagahan ng Manggagawa
- Ang bawat bansa ay nangangailangan ng mga manggagawang magbibigay serbisyo
upang magawa ang mga bagay na kailangan ng tao.

Isyung Pangmanggagawa
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng:
A. Mababang pasahod
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. ‘Job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch’
D. Iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa
E. Mura at flexible labor
F. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan

G. Ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang
pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.

Globalisyasyon
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t-ibang larangan dulot
ng globalisyasyon. Mas naging bukas ang mga bansa sa iba’t-ibang oportunidad na tuklasin ang
potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.

Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na kung


saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade
Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa
mga manggagawa.

Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:


A. Una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally
standard.

B. Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa


pandaigidigan pamilihan.

C. Pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng


pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa.
D. Pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali
lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o
mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

Bansang Agrikultural
Ang Pilipinas ay isang bansang agricultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa
mga gawaing pang agrikultura. Malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sector na ito ng
ekonomiya.

Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sector ng agrikultura. Ito ang


nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sector ay umaasa sa
agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksyon.
Magsasaka
Ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga
pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang
pagkain at bilang hilaw na mga materyales. Isa itong karaniwang hanap-buhay para sa mga tao
magbuhat na magsimula o magkaroon ng kabihasan.

Sagana sa yaman ang lupa ng Pilipinas. Ang sektor ng pagsasaka, pati na ang
pamamalakaya, ang sumusustena sa pagkain ng malaking populasyon ng bansa. Mabubungkal
ang katotohanang kung sino pa ang nagtatanim ng ating makakain ay sila pa ang kadalasang
nakabaon sa kahirapan.

Isyung Pangmagsasaka
Sa harap ng mga hamon na ito, ang mga magsasaka ay nahaharap din sa mga problema.

1. Problema sa panahon- pag-ulan ng sobra, malulunod sa baha ang pananim at kapag kulang,
tuyot naman ang pananim. Kailangang maging wais ang mga magsasaka—kailangang matibay
ang kanilang pananim sa hamon panahon at akma sa klima.

2. Problema sa sariling pananim- sa uulutin, kailangang wais ang magsasaka. Pest-resistant


dapat ang kanyang pananim. Kung gagamit naman ang magsasaka ng pesticide, problema naman
ito sa kanyang kalusugan, Cancer minsan ang katapat nito, hindi lamang sa kanya kundi sa iba
pa.

3. Problema sa kapital- nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang


nakakaahon. Problema rin ng mga mangsasaka ang gastos sa punla, pesticide, lupa at iba pa na
kinakailangan upang maitaas ang kanyang kita.

4. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya- sa panahon ngayon “high tech” na


lahat ng bagay dahil na rin sa tulong ng siyensya, kaya’y dapat ang ating mga manggagawa sa
agrikultura ay makipagsabayan na rin sa pagbabagong nararanasan ng buong mundo. Gamit ang
makabgong kagamitan at teknolohiya mabilis na magagawa at makakapag produce ng produkto
ang ating agrikultura at mapapabilis din ang serbisyong ibabahagi ng manggagawa.

5. Kakulangan sa pasilidad at istruktura- kakulangan sa pasilidad at istruktura na tutulong sa


agrikultura upang mapabilis ang pag-unlad nito. Halimbawa, maraming lugar ang kulang ang
suplay ng patubig lalo na sa panahon ng tagtuyot dahil dito kinakailangan ng mahusay na sistema
ng irigasyon o patubig. Kailangan din ng mga daanan na magpapabilis ng daloy ng mga kalakal
at produkto mula sa bukid patungo sa pamilihan. Ito rin ay mahalaga upang mababa ang gastos
ng mga magsasaka sa pagpapadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan. Ang mga pasilidad
para sa pagpapatuyo at pagpoproseso ng butil at maayos na imbakan ng mga produkto ay
mahalaga rin.
6. Presyong Agrikultura- masyadong mababa para sa pagod at serbisyong ginagawa ng
magsasaka. Dapat ay magtakda ng sapat at tamang presyo sa mga produktong agrikultura upang
mas ganahang gumalaw ang ating mga manggagawa sa agrikultura at mas Malaki ang kitang
matatanggap na makakatulong din para mas mapaunlad pa ang ating ekonomiya.

7.Pagkaubos ng likas na yaman- mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan ng mga
hilaw na materyales sa paggawa. Isa na rito ang mga troso at mineral, dahil dito kumokonti ang
suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya. Nagiging sanhi ito ng pagbaha
na sumisira sa libu-libong ektaryang pananim taon-taon. Naapektuhan din ang pagkaubos ng
mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan. Ang pagkaubos
ng kagubatan ay nagdudulot rin ng erosion ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay
ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw kasama ang sustansya nito. Hindi nagiging produktibo ang
mga pananim na itinanim dito.

8. Problema sa Lupain- Ang hindi pantay-pantay na pagmamay-ari ng lupang pansakahan.


Nananatiling suliranin ng ating bansa at ng mga magsasaka ang sistema ng pagmamay-ari ng
mga lupain. Malaking bahagdan ng mga lupain ay nasa kamay parin ng mga panginoong may
lupa. Bagamat may repormang pansakahang pinaiiral ang pamahalaan, nananatiling maliit ang
porsyento ng mga magsasaka na nagmamay-ari ng lupa, dahil dito hindi nahihikayat ang mga
magsasaka napag-ibayuhin ang pagsasaka upang tumaas ang produksyon.

Pambansa
- Ang pambansa ay natatanging kinakatawan ng pambansang pagkilanlan ng isang lahi o
bansa.

Isyung Pambansa

 K12
-Kahit na pormal nang sinimulan ang K12, marami pa ring mga mamamayan- mapa
magulang, guro, o estyudante man ang diskumpyado samu’t saring reaksyon ang
maririnig mula sa mga social-networking sites, telebisyon, radio, at pahayagan simula
nang una itong ipinahayag sa publiko.

 Ipinagbabawal na gamot
-May kinalaman sa suliranin sa pamilya.
-Kung minsan ay impluwensiya rin ng barkada.
-Nakakasagabal sa kaunlaran ng bansa.
-Maaaring maging dahilan ng mga karumal-dumal na krimen.
-Noong 2006, ayon sa State Department ng US, ang Pilipinas ay paraiso ng mga
nagpupuslit ng droga.
 Kahirapan
-Noong 2003, 24.7% o 1 sa 4 na pamilyang Pilipino ang mahirap.
-Kaakibat nito ang suliranin ng maraming Pilipino ang walang hanapbuhay.
-Noong 2003 pa rin, 5 milyon ang child laborers at 1.5 milyon ang mga batang-
lansangan. Tinataya itong tataas ng 6,395 kada taon.

 Polusyon
-Zero Dissolved Oxygen sa mga ilog.
-Emotional Stress dahil sa malalakas na ingay.
-Pagasira ng ozone layer.

 Kalusugan
-Batay sa Philippine Statistical yearbook noong 2003, ang ratio ay:
>1 ospital: 113,040 tao
>1 doktor: 24,417 tao
>1 nars: 22,309 tao
>1 dentista: 578,124 tao
>1 midwife: 722, 654

 Seguridad at Katahimikan
-Mga teroristang grupo tulad ng CPP-NPa, Abu Sayyaf, MNLF, MILF at BIFF.
-Mga kidnap-for-ransom gangs
-Maliliit na krimen kagaya ng snatching. Theft at robbery.
-Mga karumal-dumal na krimen kagaya ng rape, murder, physical injuries.
-Ayon sa programang Reporter’s Notebook, may 1 krimen ang nagaganap sa bawat 7
minuto. Katumbas ito ng 200 krimen araw-araw.
-Ang ratio ng pulis sa mga tao ay 100,000: 80 milyon 0 1 pulis sa bawat 800 na tao.

 Pagkakautang ng Bansa
-Sa kasalukuyan naman ay umaabot sa 1.75 trilyon pesos ang kabuuang utang panlabas
ng bansa.
-2.18 trilyon pesos naman ang domestikong utang.
-Sa kabuuan aabot sa 3.6 trilyon pesos ang utang ng Pilipinas.

 Katiwalian at Pandaraya sa Pamahalaan


-Panunuhol o bribary
-Pangingikil o extortion
-Paglustay o embezzlement
-Pagtanggap ng kickback
Pinagkuhanan

https://prezi.com/ecmisqh2gl1f/paggawa-at-manggagawa/

https://www.coursehero.com/file/37958715/ARALIN-2isyusapaggawadocx/

https://www.tagaloglang.com/tula-manggagawa/

http://balita.net.ph/2017/05/07/hamon-sa-mga-
magsasaka/?fbclid=IwAR1Tdy6SZQSknWZDgwSQH3929UKFzM5zCe4H6kGZV3ChuQAsR
D02vITfO2U

https://brainly.ph/question/482543?fbclid=IwAR2FfpLU0bpdMAbDvcRLum27RA8VBEgjh1d
UFQE05vCJi5vhcVAzHIfnW5s

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-
ang-magsasaka-tula-ni-julian-cruz-balmaceda_1106.html?fbclid=IwAR3U0ZlgU3gS_-
i8L2yff3v9mcaDYocsH4Tjg_etaYyAiNwy4swuJBcfz20

https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-21-sektor-ng-agrikultura

https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-suliraning-kinakaharap-ng-
bansa?fbclid=IwAR33My6xwjCtz6i48XE2mpn7YKOxmrZjTDmSF6gtlbxYQ2ri_4VUMGsVd3
o

https://sites.google.com/site/mregsworld/dyurnal-ng-may-akda/isyung-
pambansa?fbclid=IwAR1POrFtKC6QxsK6Se7063TU3pNFPVz_-
luKNmlFi7Lx_60Unz6ZYNjQMYo

https://www.emaze.com/@AOFWRWTI
“Manggagawa”
(Jose Corazon de Jesus)

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday


Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
Mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
Tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral


Nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
Nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
Si puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,


kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
Mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
Hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal


Pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
Dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
”Ang Magsasaka”
(Julian Cruz Balmaceda)
Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang
Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.

Iyong isinabog ang binhi sa lupa


Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.

Anupa’t ang bawat butil


Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.

Iya’y tunay na larawan


Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.

Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,


Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.

You might also like