You are on page 1of 6

Mga Isyu at Mahalagang Karapatan ng mga Magsasaka at Manggagawa

Kahalagahan ng Pagsasaka
1. Pinakukunan ng kabuhayan – malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay nakalaan pa rin sa
pagsasaka. At bagamat hindi direktang nakaapekto sa pangkabuhayan na karaniwang Pilipino ang
pagsasaka, mayroon pa rin itong epekto sa marami. Dahil sa pagsasaka, nabibigyan ng trabaho ang
mga Pilipino sa pagmamaneho, paggawa ng daan, pagtitinda, pag-inventory, at marami pang iba.
2. Kontribusyon sa Pambansang kita – sa pambansa scale, nakatutulong ang pagsasaka sa lipunan
dahil nagagawa nitong punan ang isa sa pinakamalalaking demand sa mundo: ang pagkain, at
dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong magsasaka na makatulong sa paglago
ng ekonomiya.
3. Tulong sa International Trade – ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking eksporter ng bigas, mais,
saging, at tabacco sa mundo. Dahil sa mga pageeksport na ito ay nakakapag-pasok tayo ng dolyar
sa bansa, na siya namang ginagamit natin upang makipagkalakal sa mga iba’t ibang bansa sa
mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng mas mataas na tiwala ang mga investor na mag-impok at gumawa
ng negosyo sa bansa.
Isyu sa Pagsasaka
Ang Pilipinas ay kilala bilang bansa na pinakamaraming likas na yaman di tulad ng ibang bansa sa
Asya. Buhat sa likas na yaman na handog sa atin ng Maykapal binayayaan din tayo ng Agrikulturang
dapat nating pagyamanin ngunit hindi natin napapansin ang mga suliraning kinakaharap ng agrikultura.
Samo’t saring isyu na ang kinakaharap ng mga magsasaka sa panahon ngayon, kabilang na dito ang
mga sumusunod:
1. Pagliit ng lupaing pansakahan
2. Paggamit ng teknolohiya
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.
4. Kakulangan sa suporta mula sa iba pang sector
5. Pagbibigay prayoridad sa sector ng industriya
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
7. Climate change
Mga Dahilan ng mga Problemang Nararanasan ng Sektor ng Agrikultura
Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay nakakaranas pa rin ng maraming problema at di sapat na
programa n gating gobyerno lalo na sa pagsasaka. Ilan sa mga kadahilanan ay ang mga sumusunod:
1. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya – Ang mga magsasaka ay patuloy na
gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka katulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan
ng mabagal na gawain kaya’t bumabagal din ang produksiyon sa agrikultura
2. Kakulangan ng sapat na impraspaktura at puhunan – Dahil sa kakulangan ng sapat na
imprastraktura at puhunan ay maraming produkto ang hindi napakikinabangan dahil nasisira,
nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at prutas. Ang pagkasira ng mga produktong ito ay bunga ng
kawalan ng pag-iimbakan o storage at maayos na transportasyon.
3. Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya – Malaki ring problema ang pagbibigay prayoridad
ng pamahalaan sa proteksiyon at pangangalaga sa industriya. Sapagkat maraming mga manggagawa
at namumuhunan sa sector ng agrikultura ang nawawalan ng kita at nalulugi kaya’t nagiging dahilan
ito sa pagbaba ng produksiyon
4. Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas – Isa rin sa masasabing pinakamalaking suliranin
ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported goods. Globalisasyon ang naging susi upang
dumami ang dayuhang produkto sa ating bansa. Isa ito sa suliraning mahirap masolusyunan
dahil na sa dugo na natin ang pagkahilig sa produktong gawa ng mga dayuhan. Ang suliraning ito
ay ngadudulot ng kompetensya sa pagitan ng local na produkto at dayuhang produkto sa bansa.
5. Pagliit ng lupang pangsakahan – Malaking problema ang paglaki ng populasyon at pagiging
modern n gating bansa dahil maraming mga gusali, komersyo, at subdibisyon ang pinapatayo
kaya’t patuloy na lumiliit ang mga lupa na maaari sanang isaka at ang patuloy na pagkasira ng
ating kapaligiran
Mga Batas Ukol sa Reporma ng Lupa
1. Land Registrtion Act 1902 - ito ay sistemang Torrens sa panahon ng Amerikano na kung saan ang
mga titulo sa lupa ay pinatalang lahat.
2. Public Land Act 1902 – nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupang pampubliko sa
pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmamay-ari ng hindi
hihigit sa 16 na ektarya ng lupa.
3. Batas Republika Blg. 1160 – nakapaloob ang National Resettlement at Rehabilatation
Administration (NARRA) sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebelding nagbabalik loob sa
pamahalaan. Kasama na ang mga pamilyang walang lupa.
4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 – ito ay batas laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at
pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
5. Agriculture Land Reform Code – ito ay simula ng malawakang reporma sa lupa na nilagdaan
ng dating Pangulo Diosdado Macapagal na nagsasabing ang mga nagbubungkal ng lupa ay
itinuturing na tunay na nagmamay-ari nito.
6. Batas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 – pinapatupad ng bats na ito na pinapalaya ang mga
magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ang kanilang lupang sinasaka.
7. Batas ng Pangulo Blg. 27 – ang pagsasaka ay binibigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang
ektarya (5) ng lupaing walang patubig at tatlong (3) kapag may patubig.
8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 – kilala sa tinatawag na Comprehensive Agrarian Reform Law
(CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Cory Aquino noong Hunyo 20, 1988 na sinasabing
ipinasailalim ng batas ang lahat ng publiko at pribadong lupang agricultural na napapaloob sa
Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL).

Karapatan ng mga Magsasaka ng Maliliit na Lupain


Sa ilalim ng o mas kilala sa tawag na “Magna Carta for Small Farmers”, ang mga maliliit na
magsasaka ay binibigyan ng karapatan ng estado upang pag-ibayuhin ang kanilang mga kapakanan. Ang mga
magsasakang nabibilang sa kategoryang “small farmer” ay ‘yung mga magsasaka na ang pangunahing
pinagkakakitaan ay ang pagsasaka ng kanilang maliit na lupain at ang mga pinagbentahan, pinagpalitan ng
kanilang mga produktong lupa ay hindi hihigit sa P180,000 kada taon base noong 1992 na presyo.
Ang income level na ito ay pag-aaralan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of
Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF) at ng National Economic and Development
Authority (NEDA) base sa epekto ng inflation rate at presyo sa pamilihan. Ang kaukulang halaga ng income
level ay maaaring palitan ayon na rin sa pag-aaral ng DAR.
Upang mabigyang-kalakasan ang small farmers, sila ay binigyan ng mga karapatan tulad ng mga sumusunod:
1. Gawin ang kanilang mga aktibidad at gawain sa isang kapaligirang may garantiya ng support price
program para sa kanilang mga produktong lupa tulad ng bigas at mais;
2. Makilahok sa kalakalan ng kanilang produkto na malaya sa anumang monopolya o cartel at anumang
sitwasyon na maaaring magdikta ng presyo ng kanilang produkto at maaaring maging resulta ng
kanilang kapinsalaan;
3. Maging kabahagi ng social security para magsilbing kanilang proteksiyon laban sa mga kalamidad,
kamatayan, sakit at pagkabalda;
4. Makapangutang sa mababang halaga ng interest at may maliit na kolateral para sa kanilang
pangangailangan sa pagsasaka at sa kanilang kabahayan;
5. Makakuha at magbahagi ng mga binhi (farm inputs);
6. Mapakinggan at magkaroon ng kinatawan sa gobyerno;
7. Mabigyan ng regular na kaalaman sa mga mahahalagang impormasyon sa mga presyo sa mga
merkado, polisiya ng gobyerno na may kinalaman sa agrikultura at ng mga pangangailangan sa
kalakalan at ng ibang pagsasanay sa pagsasaka;
8. Mabigyan ng benepisyo mula sa natural na yaman ng bansa sa ilalim ng batas;
9. Magpursiging magkaroon ng kaukulang edukasyon at kasanayan tungo sa ikabubuti ng kanilang
kabuhayan;
10. Makakuha ng technical assistance mula sa kaukulang ahensiya ng pamahalaan para magkaroon ng
kaalaman at pag-aaral sa pagkuha ng utang (loan) at iba pang economic assistance mula sa pamahalaan.
Kabilang din sa karapatan ng mga maliliit na magsasaka ay ang karapatang magtatag ng kanilang
organisasyon para mapangalagaan ang kanilang interes. Bukod dito ay hinihimok din silang gumawa at sumali
sa isang kooperatiba para magkaroon sila ng mga binhing kakailanganin nila sa mas mababang halaga at
makakuha ng tapat na presyo para sa kanilang mga ani.
Upang pasiguruhan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga maliliit na magsasaka, ang DAR ay
magtatatag ng isang price support system para sa mga produktong pagsasaka tulad ng bigas at mais.
Kinakailangan lamang na ang itinatag na price support system ay hindi maging sanhi ng pagtaas ng presyo ng
nasabing mga produkto na hihigit sa kapasidad na magbayad ng isang average consumer.

Mga Suliranin sa Isyu ng Paggawa sa Pilipinas


Maraming mga manggagawang Pilipino ang humaharap sa iba’t ibang uri ng hamon sa paggawa. Ayon
sa lektura ni Prof. Jensen DG. Mañebog narito ang mga pangkaraniwan at magkakaugnay na suliranin sa isyu
ng paggawa sa Pilipinas:
1. Mababang pasahod
Sa buwan ng Hunyo 2021, ang minimum wage sa National Capital region ay 433.06 para sa
non-agriculture at 403.23 naman para sa agriculture. Pinakamababa sa lahat ng rehiyon ang sa Rehiyon
V na 231.17 lamang para sa agriculture at non-agriculture.
Sinasabi ng marami na sa mahal ng bilihin sa kasalukuyan, gaano na lamang ang mabibili ng
nakatakdang minimum wage. Ayon naman sa mga kumpanya, kung tataasan pa ang itinatakda ng
minimum wage ay baka mapilitan naman silang magsara dahil liliit o mawawala na umano ang
kanilang tubo.
2. Iskemang Subcontracting
Iskemang subcontracting ang tawag sa sistema ng paggawa kung saan ang kompanya
(principal) ay komukontrata ng isang ahensiya, mga indibidwal, o isa pang kompanya bilang
subcontractor upang isagawa ang isang trabaho o serbisyo o bahagi ng isang proyekto sa isang takdang
panahon. Ang iskemang subcontracting, sa ganang sarili nito, ay hindi masama. Bilang katunayan, ito
ay umiiral at pinapayagan, at nagbubukas din ito ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho.
Ganunpaman, may mga uri ng subcontracting kung saan ang mga manggagawa ay walang
seguridad sa trabaho. Sa mga proyektong ginagawa ng subcontractor, ang mga manggagawa ay
karaniwang mga “kontraktwal.” Samakatuwid, ang iskemang subcontracting ay salik sa pagdami ng
mga kaso ng kontraktwalisasyon.
3. Kontraktwalisasyon
Sa istadong “kontraktwal,” ang isang nagtatrabaho ay napagkakaitan ng relasyong employer-
employee sa pagitan niya at ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Ang isang kontraktwal na
manggagawa ay hindi kandidatong maging “regular employee” sa isang kompanya.
Sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon, naiiwasan ng mga namumuhunan ang pagbabayad ng
separation pay, SSS, PhilHealth, at iba pa. Hindi rin natatamasa ng mga manggagawang kontraktwal
ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement (CBA) dahil hindi naman sila bahagi ng
bargaining unit.
Sa ating bansa, lumaganap ang kontraktwalisasyon dahil sa Herrera Law o mga rebisyon sa
Labor Code ng Pilipinas sa panahon ng dating pangulong Corazon Aquino. Ang mga probisyon sa
Artikulo 106-109 ng batas na ito ay nagbigay permiso sa mga iskemang contracting at sub-contracting.
May mga unyon at pederasyon ng mga manggagawa sa pampubliko at pampribadong sektor
na nagsusulong na ipagbawal ng pamahalaan ang kontraktwalisasyon, na kilala rin ngayon sa tawag
na “endo” (mula sa “end of contract”). Giit nila, ang kontraktwalisasyon ay isang paraan upang
makakuha ang mga namumuhunan ng mga magtatrabaho na may mababang sahod, walang mga
benepisyo, at walang seguridad sa trabaho—na ang lundo ay ang pagkakaroon ng ng kompanya ng
mas malaking tubo.
4. Mura at Flexible Labor
Tumutukoy ito sa pagpapatupad ng mga kompanya ng mababang pasahod at paglimita sa oras
ng paggawa ng mga manggagawa upang palakihin ang kinikita ng mga namumuhunan. Ang ilang anyo
ng sistemang ito ay ang pagpapatupad ng kulang sa walong oras na paggawa at wala o maliit na bayad
para sa overtime.
Lumaganap ang sistemang ito nang yakapin ng Pilipinas ang globalisasyon at gawing bukas
para sa mga dayuhang mamumuhunan ang paggawa (labor) sa bansa. Sa pamamagitan ng mga
naipasang batas na nagbibigay ng halos buong kapangyarihan sa mga namumuhunan (gaya ng RA
6715 o ang Herrera Law), madaling naipataw ng mga kapitalista—lokal man o dayuhan—ang
patakarang mura at flexible labor.
Ginamit ng mga kompanya ang probisyon ng batas ukol sa kaswal, kontraktwal, temporary,
seasonal, at on the job training na paggawa upang maipatupad ang mura at flexible labor
5. Underemployment
Ang underemployment ay nangyayari kapag ang isang tao ay hindi nagtatrabaho nang “full
time” o tumatanggap ng trabaho na hindi sumasalamin sa kaniyang tunay na pagsasanay o edukasyon
o kaya nama’y hindi nakatutugon sa tunay niyang pangangailangang pinansiyal.
Underemployed ang isang tao na gumagawa ng isang uri ng trabaho kung saan ay hindi lubos
na nagagamit ang kaniyang tinapos na kurso o pagsasanay, gayon din ang may trabaho nga subalit ang
paggawa ay mas mababa sa “full time.”
Maraming Pilipino ang may trabaho nga subalit maituturing na underemployed. Sila ay
nahahati sa tatlong karaniwang mga kategorya, tulad ng sumusunod:
a. mga may kasanayang manggagawa na nasa mga trabahong mababa ang kita (skilled workers
in low-income jobs
b. mga may kasanayang manggagawa na nasa mga trabaho na hindi ganap na gumagamit ng
kanilang mga kasanayan o edukasyon (skilled workers in jobs that do not fully utilize their
skills); at
c. mga part-time na manggagawa na gusto naman sanang magtrabaho ng full-time (part-time
workers who would rather work full-time).
Ayon sa ilang reperensiya, kasama rin sa underemployment ang mga taong may full-time na
trabaho ngunit nasa ilalim ng poverty line. Kilala sila bilang “nagtatrabahong mahirap” (“working
poor”).
Ang underemployment sa Pilipinas ay laganap sa mahihirap na rehiyon at sa mga lalawigan na
ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural. Ang mga Pilipinong underemployed ay
nangangailangan ng dagdag oras sa pagtatrabaho, o dagdag na hanapbuhay, o bagong trabaho na may
mahabang oras ng paggawa.
6. Unemployment
Ang underemployed ay iba sa unemployed, na tumutukoy naman sa mga tao na hindi talaga
nagtatrabaho sa kasalukuyan.
Dahil sa kawalan ng pagkakataon para sa marangal na trabaho sa Pilipinas, palaki nang palaki
ang bilang ng Pilipinong nangingibang bansa para maghanapbuhay. Tinatayang isang milyong
Overseas Filipino Workers (OFW) ang umaalis ng bansa taon-taon.
Sa isang banda, nakatutulong nang malaki ang mga OFW sa ekonomiya ng bansa—dahil sa
kitang ipinapasok nila sa bansa ay hindi sumasadsad ang ekonomiya nito kahit na pa dumaan ito sa
mga krisis. Kaya naman ang mga OFW na ngayon ang itinuturing na mga bagong bayani.
7. Brain drain
Brain drain ang terminong ginagamit upang ilarawan ang pagkaubos ng lakas paggawa sa isang
bansa. Ito ay aplikable lalo na sa mga mga propesyonal na tao, mga may kasanayang manggagawa
(skilled workers), at iba pang mga matatalino o maalam na mga mamamayan ng isang bansa na
lumilipat sa ibang bansa upang duon magtrabaho.
Maraming Pilipino ang umaalis ng bansa at pinipiling magtrabaho sa ibang bansa para sa mas
mataas na sahod at mas magagandang oportunidad. Ang ilang halimbawa ng brain drain ay ang
pagtatrabaho ng mga Pilipinong inhinyero sa Middle East at pagtatrabaho ng mga Pilipinong nurses
sa Canada.
Mga Mahalagang Karapatan ng mga Manggagawa
Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang karapatang
manggagawa na itinataguyod ng International Labor Organization (ILO) ay ang sumusunod.
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng
pamahalaan at tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-
isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong
pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad at
mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na
trabaho.
6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati
kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.

Mga Karapatan ng mga Manggagawa ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987 Philippine
Constitution)
A. Atikulo XIII
Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao sa Paggawa
Sek. 3 Dapat magkaloob ang estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa local at sa ibayong dagat,
organisado at di organisado at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa
trabaho empleyo para sa lahat.
Dapat itaguyod ng Estado ang manggagawa sa prinsipyong hatiang pananagutan ng mga naitadhana
ng ating Saligang manggagawa, mga employer at ang batas preprensiyal na paggamit ng boluntaryong mga
pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan, kabilang ang konsilyasyon, at dapat ipatupad ang pagtalima
rito ng isa’t isa upang maisulong ang katiwasayang industriyal.
Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa pagkilala sa
karapatan ng pagggawa sa karampatang bahagi nito sa mga bunga ng produksiyon at sa karapatan ng mga
negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan, paglawak at paglago
B. Republic Act No. 6727
Isinasaad dito ang mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum
wage na naaangkop sa iba’t ibang pang industriyang sector na kinabibilangan ng sumusunod:
 hindi pang agrikultura (non agriculture)
 plantasyong pang agrikultura at di pamplantasyon
 cottage/ sining sa pagyari sa kamay
 pagtitingi/ sebisyo depende sa bilang ng mga manggagawa o puhunan o taunang kita sa
ilang mga sector
C. Dagdag na bayad tuwing pista opisyal (Holiday Pay–Artikulo 94)
Ito ay tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa katumbas ng isang (1) araw na sahod kahit
hindi pumasok sa araw ng pista opisyal
D. Dagdag na bayad tuwing Araw ng Pahinga o Special Day (Premium Pay –Artikulo 91 –93)
Ito ay karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8) oras na trabaho sa araw ng
pahinga at special days
E. Dagdag na bayad para sa trabaho ng lampas sa walong oras (Overtime Pay –Arikulo 87)
Ito ay karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa walong (8) oras sa isang araw
F. Dagdag na bayad sa Pagtatrabaho sa gabi (Night shift Differential –Artikulo 86)
Ito ay karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampong porsiyento (10
percent) ng kaniyang regular na sahod sa bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi
at ikaanim ng umaga
Sanggunian
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-the-east-ramon-magsaysay/bs-medical-
technology/sosyedad-at-literatura-soslit-first-year/26081147
https://www.facebook.com/191666085011183/posts/karapatan-ng-mga-magsasaka-ng-maliliit-na-lupain-sa-
ilalim-ng-republic-act-ra-no/491640271680428/
https://myinfobasket.com/mga-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa-pilipinas/
https://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan/
https://www.scribd.com/document/404197002/Mga-Karapatan-ng-mga-Manggagawa-ayon-sa-Saligang-
Batas-ng-Pilipians-docx
https://www.ohrc.on.ca/tl/ang-mga-karapatang-pantao-katayuan-ng-pamilya

You might also like