You are on page 1of 40

LARAWAN NG SEKTOR

NG AGRIKULTURA
ARALING PANLIPUNAN | GRADE 9
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

• Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura,


pangingisda, at panggugubat sa ekonomiya ng bansa.
• Nasusuri ang dahilan at epekto ng suliranin ng sector ng
agrikultura, pangingisda, at panggugubat sa bawat Pilipino.
• Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na
nakatutulong sa sektor ng agrikultura.
LAYUNIN

•INTRODUKSIYON SA ARALIN
•CLASS DISCUSSION
•TLC ACTIVITY
PAANO MO NATUTULUNGANG
UMUNLAD ANG SEKTOR NG
AGRIKULTURA?
MAHALAGANG TANONG
LINANGIN

• ANG PILIPINAS AY ISANG BANSANG


AGRIKULUTRAL BUNGA NG PAGKAKAROON NG
LIKAS NA YAMAN AT GEOPISIKAL NA KATANGIAN
NITO. KAHIT MAY PLANONG GAWING
INDUSTRIYALISADO ANG ATING BANSA,
MARAMING MAMAMAYAN PA RIN ANG
NANINIRAHAN SA RURAL NA LUGAR NA UMAASA
SA AGRIKULTURA PARA SA KANILANG
PAMUMUHAY.
LINANGIN
• ANG AGRIKULTURA AY ISANG AGHAM NA MAY
KINALAMAN SA PAGPAPARAMI NG MGA HAYOP.
LAHAT NG GAWAIN NA MAY KAUGNAYAN SA
PANGANGALAGA NG MGA HAYOP AT HALAMAN AY
SAKOP NG AGRIKULTURA. ANG BAWAT GAWAIN NG
SEKTOR NA ITO AY MAY MALAKING TULONG SA
PAMUMUHAY NG MGA TAO AT NG BANSA. ANG
SEKTOR NG AGRIKULTURA AY ISA SA MAHALAGANG
SEKTOR NG EKONOMIYA NA MAY MALAKING
GAMPANIN SA PAGPAPAUNLAD NG BANSA.
LINANGIN
• ITO AY BINUBUO NG APAT NA SUBSECTORS-
PAGSASAKA, PANGANGAHOY,
PAGHAHAYUPAN/PAGMAMANUKAN, AT
PANGINGISDA NA NAGLALARAWAN NG MGA
GAWAIN NG AGRIKULTURA.
Kahalagahan ng
Agrikultura
Linangin
1. Nagpapasok ng Dolyar sa Bansa

• Marami sa ating produktong agrikultural ang


pinagkakakitaan ng dolyar ng ating bansa tulad ng
pagbebenta sa ibang bansa ng mga prutas, abaka, asukal, nata
de coco, seaweed,mga lamang dagat, at iba pa. Malaki ang
kinikitang dolyar ng ating bansa buhay sa mga produktong
agricultural. Ang mga dolyar na ito ang ginagamit na pambili
ng mga imported ng materyales at mga makinarya na
kailangan ng ating industriya.
1. Nagpapasok ng Dolyar sa Bansa

• Ang coconut products, sugar products, mga prutas at gulay,


at mga lamang dagat ang mga nangungunang produktong
panluwas ng bansa. Malaking tulong ang naibibigay ng mga
produktong agrikultural sa pagkakaroon ng kita ng bansa.
2. Bumibili ng mga Produkto ng Industriya

• Ginagamit ng industriya ang hilaw na materyales na mula sa


agrikultura upang makalikha ng mga produkto. Ang mga
produktong nagawa ng indutriya ay bibilhin ng mga
magsasaska upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Ang kinita ng agrikultura sa pagsu-supply ng mga hilaw na
materyales ay ginagamit sa pambili ng mga produkto ng
industriya tulad ng pataba, pamatay-peste, makinarya, traktora,
canned goods, damit, sapatos, TV, computer, radyo, at iba pa.
Yaring Produkto
supplier mamimili

Industriya Agrikultura
mamimili supplier

Hilaw na Materyales
2. Bumibili ng mga Produkto ng Industriya

• Ang mga hilaw na materyales na ginagamit ng industriya ay


buhat sa agrikultura. Batay sa Pigura 4.3, ang agrikultura ang
pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales at tagabili ng
mga yaring produkto. Malaki ang pakinabang ng industriya sa
mga hilaw na materyales ng agrikultura. Ang mga
punongkahoy ay pinagmumulan ng maraming produkto tulad
ng table at muwebles, papel, goma, at iba pa. Ang puno ng
niyog ang tinawag na “tree of life” na may malaking
naiaambag sa industriya.
3. Nagbibigay ng Hanapbuhay

• Nagbibigay ng maraming trabaho ang agrikultura. Ang taong


hindi nakapagptapos ng pag-aaral ay nagiging kapaki-
pakinabang sa agrikultura. Kailangang magsikap at
magtiyaga ang mga mamamayan na nabigyan ng hanapbuhay
sa pamamagitan ng agrikultura. Ang sector ng agrikultura ay
may malaking naitutulong sa pagkakaloob ng hanapbuhay sa
mga mamamayan ng bansa.
Tiyakin Natin

1. Anong A ang tumutukoy sa paghahalaman at pagpaparami


ng mga hayop?
2. Anong D ang naibibigay ng agrikultura sa ating
ekonomiya?
3. Anong N ang tinaguriang “tree of life”?
4. Anong Y ang binibili ng agrikultura sa industriya?
5. Anong H ang ibinibigay ng agrikultura sa industriya?
Mga Suliranin ng
Agrikultura
Linangin
1. Mababang Presyo ng Produktong
Agrikultural
• Bunga rin ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto, ang mga
ani ng mga magsasaka at mangingisda ay mabibili lamang sa
murang halaga, kaya hirap ang mga ito na magkaroon ng
malaking tubo na kailangan sa pagtugon sa kanilang
pangangailangan.
• Dahil sa madaling masira o mabulok ang mga produktong
agrikultural, kailangan maibenta agad ang mga ito kahit sa
mababang presyo.
2. Kakulangan ng Sapat na Impraestruktura at
Puhunan

• Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-unlad ng agrikultura


ay ang kakulangan sa impraestruktura at puhunan. Maraming
produktong agrikultura ang hindi napapakinabangan dahil
nasisira, nabubulok, at nalalanta tulad ng gulay at prutas dahil
sa kawal ng pag-iimbakan o storage at maayos na
transportasyon. Gayundin ang nanyayari sa mga palay, isda,
at mga kinatay na hayop, tulad ng baboy, manok, at baka.
3. Kakulangan sa Makabagong Kagamitan at
Teknolohiya
• Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga
lumang kagamitan sa pagsasaka, tulad ng araro at kalabaw na
nagiging dahilan ng mabagal na produksiyon. Ang paggamit
ng mga hindi matatabang binhi ang isa sa mga dahilan kung
bakit mababa ang produksiyon ng pagsasaka. Dahil sa
kakulangan ng edukasyon, napakahirap ituro sa mga
magsasakat ang paggamit ng makabagong teknolohiya at
makinarya na mas komplikado kumpara sa kanilang
nakasanayan.
4. Paglaganap ng Sakit at Peste

• Maraming hayop ang namamatay at hindi napapakinabangan


bunga ng pagkakasakit at pakapeste na dulot ng mga virus at
bacteria na namiminsala sa mga hayop at halaman. Ilan sa
mga ito ay ang bird flu, avian flu, foot and mouth disease,
swine flu, at dinoflagellates na kadalasan ay buhat sa ibang
bansa.
5. Pagdagsa ng Dayuhang Produkto

• Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng


pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa ating pamilihan, kaya
nagkaroon ng kakompetensiya ang ating mga lokal na
produkto. Ano ang globalisasyon at liberalisasyon? Ang
globalisasyon ay ang mabilis na paglago at pagdami ng mga
nag-uugnayang bansa sa daigdig na nagbubunga ng malayang
pagdaloy ng panlabas na puhunan, produkto, at teknolohiya
samanatalang ang liberalisasyon naman ay may kinalaman sa
mabilis na paglagong ng kalakalang panlabas at pamumuhunan.
6. Implementasyon sa Tunay na Reporma ng
Lupa

• Matagal nang pangarap ng mga magsasaka na magkaroon ng


sariling lupang sasakahan. Napakaraming batas ang
inaprubahan ukol sa reporma ng lupa, ngunit hanggang
ngayon ay hinid madama ng mga magsasaka ang
pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa.
• Mahalaga ito dahil kapag pag-aari ng magsasaka ang lupa,
payayabungin niya ito at patataasin ang gagawing produkto.
Mga Sagot sa mga
Suliranin ng Agrikultura
Linangin
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• Bagama’t nahaharap sa maraming suliranin ang agrikultura,


naghahangad pa rin ang pamahalaan na bigyang-solusyon ang mga
nasabing suliranin. Ang pagbibigay-pansin sa mga suliranin ng sector
ng agrikultura ay magbibigay-daan sa pagbabago at pag-unlad ng
agrikultura sa bansa. Nagpapatupad ang iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan ng mga programa upang lutasin ang suliranin ng sector ng
agrikultura.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• Ang pagpapatayo ng imbakan, kalsada, tulay, at irigasyon ay


nakatutulong nang Malaki sa pagpapabilis ng pamamahagi ng mga
produktong agricultural sa bansa. Ang pagbibigay ng subsidy,
pagtatatag ng kooperatiba ng mga magsasaka, pagkakaroon ng
proteksiyonismo, at implementasyon mg reporma sa lupa ay
nakatutulong din sa pag-unlad ng agrikultura.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• Sa tulong ng mga nabanggit na solusyon sa mga suliranin ng


agrikultura ay umangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka
at tumaas ang produksiyon ng agrikultura. Bukod sa nabanggit na
solusyon ay may mga patakaran din ang pamahalaan na ipinatupad
upang higit na umunlad ang sector ng agrikultura. Isa na rito ang
Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL). Ito ang nagbigay-daan
sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program
(CARP), isang reporma na naglalayon na pagkalooban ng lupa ang
mga magsasakang Pilipino.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• Ipinatutupad din ang patakaran sa pag-aangkat ng bigas upang


maproteksiyonan ang ating mga magsasaka. Kaugnay nito, inalis ang
monopolyo ng National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng
bigas at pinayagan ang mga pribadong negosyante na mag-angkat ng
bigas, ngunit sila ay hihingi ng pahintulot sa NFA at magbabayad ng
40% na buwis at taripa ayon sa hinihingi at itinakda ng mga bangko at
Bureau of Customs.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• Maraming magsasakang Pilipino ang patuloy na nangangarap na


magmay-ari ng sariling lupa. Napakahalaga ng lupa para sa mga
magsasaka. Maraming batas na ang ipinatupad upang mapagkalooban
ng sariling lupa ang mga magsasaka.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• REPORMA SA LUPA – Isa sa mga layunin ng pambansang


ekonomiya ay mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka. Ito ay
tinataya na mag-aangat ng pamumuhay ng mga magsasaka. Isa sa mga
paraan ay kinakailangan na ipatupad ang reporma sa lupa para sa
katuparan ng mga magsasaka.
Ang reporma sa lupa ay isang programa na naglalayon na
pagkalooban ng sariling lupa ang mga magsasakang matagal nang
nagsasaka ng lupang hindi kanila. Ang paglilipat ng pagmamay-ari ng
lupa ay isinasagawa sa programang ito.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• EBOLUSYON NG MGA BATAS SA PAGPAPATUPAD NG


REPORMA NG AGRARYO AT REPORMA SA LUPA – Ang
sinaunang Pilipino ay nanirahan sa nayon at barangay na
pinamumunuan ng datu. Noong dumating ang mga Espanyol, ang mga
Pilipino na nagbubungkal ng sariling lupa ay nagging isang kasama o
tagabungkal ng mga lupain ng mayayamang Espanyol at mga prayle.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• ANG UNANG REPUBLIKA – Idineklara ni Heneral Emilio


Aguinaldo ang pagnanais niya na kumpiskahin ang malalawak na
lupain na pagmamaya-ari ng mga paring Kastila na tinatawag na friar
lands. Ngunit ang kaniyang plano ay hindi naisakatuparan sapagkat
ang kaniyang panunungkulan ay hindi nagtagal.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• PANAHON NG PANANAKOP NG AMERIKANO – Nagpatupad


ang mga Amerikano ng ilang batas upang maipamahagi ang mga lupa
sa mga walang sariling lupa.
1. Philippine Bill ng 1902
Ito ang nagtakda ng lawak ng lupain na maari lamang ariin ng isang
indibidwal at korporasyon: 16 ektarya para sa pribadong indibidwal, at 1, 024
ektarya para sa korporasyon.
2. 1902 Land Registration Act
Sa ilalim ng sistemang Torrens noong panahon ng Amerikano ay
ipinatupad ang pagpapatala ng mga titulo sa lupa ng Pilipino.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• PANAHON NG PANANAKOP NG AMERIKANO –


2. 1902 Land Registration Act – Ang Torrens Title ang nagbigay-
daan para agawin ang mga lupang matagal na ibinubungkal ng mga
magsasaka nang walang titulo. Dito umusbong ang Pilipinong may lupa
na nagmamay-ari ng hacienda. Napalawig ng haciendero ang sistemang
kasama.
3. 1903 Public Land Act – Ito ang batas na angbigay daan sa
pamimigay ng lupang publiko sa mga pamilyang binubungkal ng lupa
hindi hihigit sa 16 na ektarya.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• PANAHON NG PANANAKOP NG AMERIKANO –


4. Tenancy Act of 1933 (Batas Republika Blg. 4054 at 4113) – Ito
ang nag-ayos ng ugnayan sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng
nagbubungkal ng lupa na tinatamnan ng palay (50-50 sharing).
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• PANAHON NG COMMONWEALTH
1. Commonwalth Act No. 178 (Pag-amyenda ng Rice Tenancy Act No.
4045) – Ito ay may kinalaman sa pagkontrol ng reaksiyon ng may-ari ng
lupa at nagbubungkal nito.
2. National Rice and Corn Corporation (NARIC)- Ito ang nagtakda ng presyo
ng bigas at mais upang matulungan ang mahihirap na magsasaka at
mamimili.
3. Commonwealth Act Blg. 441 – Dito itinatag ang National Settlement
Administration
4. Rural Program Administration – Ito ang bumibili at nagpaupa ng mga
hacienda sa mga magsasaka.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• PANAHON NG HAPONES
- Ang HUKBALAHAP ang kumontrol sa buong Central Luzon; ang
mga may-ari ng lupa ay nawalan ng lupa at napunta sa mga magsasaka.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

• PANAHON NG REPUBLIKA
Ang suliranin ng pagmamay-ari ng lupa ay lumubha sa panahon ng
kasarinlan noong 1946.
BATAS REPUBLIKA BLG. 34
Pangulong Manuel Roxas Ito ang nag-ayos ng hatian sa pagitan ng
may-ari ng lupa at magsasaka: 70-30 ang
hatian.
70% sa may-ari ng lupa at 30% sa
BATAS REPUBLIKA BLG. magsasaka.
55
Ito ang nagkaloob ng mas epektibong
proteksiyon sa hindi makatarungnag
pagpapaalis sa mga magsasaka.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

BATAS REPUBLIKA BLG.


Pangulong Ramon Magsaysay
1160
Ito ang nag-alis ng Land Settlement
Development Corporation (LASEDCO) at
nagtatag ng National Resettlement and
BATAS REPUBLIKA BLG. 1199 Rehabilitation Administration (NARRA)
(Agricultural Tenancy Act ng 1954) na nangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng
Ito ang batas na nagbigay ng seguridad sa pamahalaan sa mga rebeldeng nagbalik
pagbubungkal ng lupa ng mga magsasaka. Ito ang loob at sa mga pamilyang walang lupa.
lumikha ng Court of Agririan Relations na nag-
ayos ng kasunduan ng may-ari ng lupa at
magsasaka.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

Pangulong Ramon Magsaysay BATAS REPUBLIKA BLG.


821
Ito ang nagtatag ng Agricultural
Credit Cooperative Financing
BATAS REPUBLIKA BLG. 1400 (Land Administration na nagkaloob ng
Reform Act ng 1955) mbabang interes (6-8 posiyento) sa
Ito ang batas na lumikha ng Land Tenure maliliit na magsasaka na
Administration (LTA) na may responsibilidad sa nangungutang.
pagkuha at pamamahagi ng malalawak na lupain
na pinagtataniman ng palay at mais-mahigit 200
ektarya sa indibidwal at 600 ektarya sa
korporasyon.
Mga Sagot sa mga Suliranin ng Agrikultura

Pangulong Carlos P. Garcia


Wala siyang batas o kautusan
na ipinasa ukol sa repormang
agraryo. Ipinagpatuloy lamang
niya ang mga programa ni
Pangulong Ramon Magsaysay

You might also like