You are on page 1of 47

Ang Sektor ng

Agrikultura
Inihanda ni:
MA LEONILLA V. GABRIEL
Teacher I
• Humigit kumulang na 7,641 na isla ang bumubuo
sa Pilipinas
• dahil sa lawak at dami ng lupain, napabilang ang
Pilipinas sa mga agrikultural na bansa dahil
malaking bahagi nito ang ginagamit sa gawaing
pang-agrikultura.
• Malaking bahagi ng mamamayan ang nasa sektor
ng Agrikultura.
Agrikultura

•isang agham at sining na may


kaugnayan sa pagpaparami ng mga
hayop at halaman.
PAGHAHALAMAN PAGHAHAYUPAN
(FARMING) (LIVESTOCK)

PANGINGISDA PAGGUGUBAT
(FISHERY) (FORESTRY)
PAGHAHALAMAN (FARMING)
• Maraming mga pangunahing pananim ang bansa
tulad ng palay,mais, niyog, tubo saging, pinya,
kape, mangga, tabako at abaka. Ang mga ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng
bansa.
PAGHAHAYUPAN (LIVESTOCK)
• Binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing
baboy, manok atbp.
• nakakatulong sa pagsupply ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.
• ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayan na
kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop
• Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa
ganitong hanapbuhay.
Pangingisda (FISHERY)
• Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.
• Nauuri sa 3 ang pangingisda:
• KOMERSYAL, MUNISIPAL AT AQUACULTURE
KOMERSYAL NA PANGINGISDA
• Tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit
ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa 3
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o
pagnenegosyo.
MUNISIPAL NA PANGINGISDA
• nagaganap sa loob ng 15km sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may kapasidad na 3 tonelada
o mas mababa pa na hindi nangangailangan na
gumamit ng mga fishing vessel.
aquaculture
• tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa iba't-ibang uri ng
tubig pangisdaan- fresh (tabang), brackish
(maalat-alat) at marine (maalat)
PAGGUGUBAT
• isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa
sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang
ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap
sa suliranin sa pagkaubos ng mga yaman nito.
Mahalaga itong pinagkukunan ng
plywood,tabla,troso at veneer.
kahalagahan ng
agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita
ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng
pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor ng ekonomiya, lalo ang
ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkin na
tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
1. Ang agrikultura ay pangunahing
pinagmumulan ng pagkain
2. pinagkukunan ng materyales para makabuo
ng bagong produkto
3. pinagkukunan ng kitang panlabas
4. pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino
5. pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor
agrikultural patungo sa sektor ng industriya at paglilingkod
thank you for
listening! :)
SEATWORK
• Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na
makausap ang Pangulo ng Pilipinas, ano ang
iyong imumungkahi upang mapaunlad ang
Sektor ng Agrikultura?
• Nilalaman- 15 pts
• Kalinisan-5 pts
20 pts.
Suliranin sa Sektor
ng Agrikultura
A. Pagsasaka
1. Pagliit ng lupang pansakahan
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan,
komersiyo at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain
para sa pagsasaka.
Dahil dito kinakailangang magpalakas ang pagiging produktibo ng mga
natitirang lupain sa Agrikultura upang makaagapay sa patuloy na
paglobo ng populasyon ng bansa.
Kaakibat ng suliraning ito ang coversion o pagpapalit ng mga kagubatan
at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa
pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at
halaman.
2. Paggamit ng Teknolohiya
• Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit
na makakamit sa pammagitan ng paggamit ng teknolohiya.
• Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba,
pamuksa ng peste at makabagong teknolohiya sa pagtatanim
ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking
populasyon.
• Habito (2005) ang kakulangan ng pamahalaan na
bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang
kapaligirang,angkop sa pagpapalakas ngating agrikultura ang
isa sa mga kahinaang dapat matugunan.
3. Kakulangan ng mga pasilidad at
imprastruktura sa kabukiran
• isa sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang
kakulangan sa mga imprastukturang magagamit ng ating mga
magsasaka.
• RA 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of
1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming
aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad nito.
• Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang
suliranin sa irigasyon,farm-to-market-road atbp.
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang
sektor
• ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang
higit na maging matatag ang Agrikultura.
• ayon sa Batas 8435, ang pagtutulungan ng iba't-ibang ahensiya ang
pamahalaan ay binigyang-diin bilang suporta ng modernisasyon sa
Agrikultura.
• Land Bank of the Philippines- nakakatulong upang makapag-pautang
sa mga magsasaka upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil at
iba pa.
5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng
Industriya
• Habito at Briones (2005) isa sa mga nagpapahina sa
kalagayan ng agrikultura ang pagbibigay ng pamahalaan ng
prayoridad sa mga favored import sa pandaigdigang
pamilihan.
• Dahil dito nawawalan ng mga manggagawa at
mamumuhunan sa sektor ng agrikultura.
6. pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
• Maraming mga magsasaka ang nahihirapang makipaglaban
sa presyo ng murang produkto mula sa ibang bansa.
• Dahil ito sa pagpasok ng Pilipinas sa World Trade
Organization kung saan madaling makapasok ang mga
produktong mula sa mga miyembro nito.
• Dahil dito, maraming mga magsasaka ang ipinagbibili na
lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga
subdibisyon.
7. Climate Change
• Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang
nakakaapekto sa bansa.
• Maraming mga malalakas na bagyo ang nanalasa sa
Pilipinas taon-taon at maraming mga pananim ang
nasisira.
B. Pangisdaan
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda
Thrawl Fishing- ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking
lambat na may pabigat. Hinihila nito ang lahat ng isdang madaanan,
maliit man o malaki.
Pagkasira ng mga coral reefs na tirahan ng mga isda.
2. Epekto ng Polusyon sa pangisdaan
3. Lumalaking Populasyon ng bansa
4. kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
• Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa mga pinakamababang
sahod na natatanggap.
c. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng
kagubatan.
Mga batas tungkol sa
Sektor ng Agrikultura
1. Land Registration Act of 1902
• ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng
mga Amerikano na kungsaan ang mga titulo ng lupa ay
ipinatalang lahat.
2. public land act ng 1902
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing
pampubliko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa.
3. Batas Republika Blg.1160
• Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and
Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing
nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebldeng
nagbabalik-loob.
4. Batas Republika Blg.1190 ng 1954
• batas na nagbibigay protksiyon laban sa pang-
aabuso, pagsasamantala at pandaraya ng mga
may-ari ng lupa sa manggagawa.
5. Agricultural Land Reform Code
• nilagdaan ni dating Pangulo, Diosdado Macapagal noong Agosto 1963.
• Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing
na na tunay na may-ari ng lupa.
6. Atas ng Pangulo Blg.2 ng 1972

• isinailalim ni dating pangulong Marcos sa


reporma sa lupa ang buong Pilipinas.
7. Atas ng Pangulo Blg.27
• ag mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong mag-may-ari ng 5
ektaryang lupa kapag walang patubig at tatlong ektarya kapag may
patubig.
8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
• Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL)
• Corazon Aquino
• lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito ay ipamamahagi
sa mga walang lupang magsasaka.

You might also like