You are on page 1of 17

KALAGAYAN NG

AGRIKULTURA SA
PILIPINAS
• Ang salitang agriculture ay hango
sa salitang Latin na ager, na
nangangahulugang field o bukirin;
at kultura, na ang ibig sabihin ay
kultura o pamumuhay.
• Tumutukoy sa lupang sakahan o
farm ang bukirin.
• Ang kultura naman, sa
kontekstong ito, ay
nangangahulugan ng pag-aani o
paglilinang ng sakahan.
• Ang agriculture, kung gayon,
ay maaaring ituring bilang
agham at sining ng paglilinang
ng mga produkto ng sakahang
panlupa upang matugunan ang
pangangailangan ng tao.
• Ang Pilipinas ay isang bansang
agrikultural bunga ng pagkakaroon
ng masaganang likas na yaman.
• Ang agrikultura ay isang agham na
may kinalaman sa paghahalaman at
pagpaparami ng mga hayop.
• Ito ang primaryang sektor ng bansa
• Ito ang sektor na may malaking
bilang ng manggagawa katulad ng
mga magsasaka at mangingisda.
TATLONG SUBSECTORS
NG AGRIKULTURA
1. Pagtatanim o Pagsasaka
2. Paghahayupan at
Pagmamanukan
3. Pangingisda
a. Komersyal na pangingisda
b. Municipal na pangingisda
c. Aquaculture
KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA
Ito ang pangunahing pinagkukunan ng
pagkain
Ito ang pangunahing pinagkukunan ng
hilaw na materyales ng iba’t ibang
industriya
Ito ang pinagkakakitaan ng foreign
exchange
Ito ay nagbibigay-kabuhayan sa mga tao
Ito ay isang mercado ng mga yaring-
produkto ng mga industriya.
LAND-LORD TENANCY
• Hadlang sa pag-unlad ng agrikultura ng
pilipinas ang matagal nang suliraning
landlord-tenancy.
• Isa itong sitwasyon kung saaan ang mga
may-ari ng lupa ay ipinauupa sa mga
magsasaka ang kanilang mga lupa upang
linangin at pagtamnan.
• Sa ilalim ng kasunduang ito, magbabayad
o magbibigay ng karampatang dami ng
produkto ang mga magsasaka sa landlord
tuwing panahon ng ani.
REPORMA SA LUPA
• Isa sa mga layunin ng pambansang ekonomiya
ay mabigyan ng sariling lupa ang mga
magsasaka
• Ito ay tinataya na mag-aangat ng pamumuhay
ng mga magsasaka
• Isa sa paraan ay kailangang ipatupad ang
reporma sa lupa para sa katuparan ng
pangarap ng mga magsasaka.
• Ang reporma sa lupa ay isang programa na
naglalayon na pagkalooban ng sariling lupa ang
mga maliliit na magsasaka.
CARP
• Ipinatupad ng pamahalaan ang agrarian
reform law o mga reporma sa lupa, at ilang
batas na rin ang naipasa ng iba’t ibang
administrasyon ukol dito.
• Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang
Agricultural Land Reform Act of 1963,
Presidential Decree No. 27, at ang
Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988
(CARP).
• Layunin ng batas na ito na palaganapin ang
katarungang panlipunan at pabilisin ang
proseso ng industriyalisasyon sa bansa sa
tulong ng maunlad na agrikultura.
MGA SULIRANIN NG
AGRIKULTURA
1. Usad-pagong na pagpapatupad ng
CARP.
2. Kakulangan sa kaukulang suporta sa
pagsasaka (farm support services)
3. Mataas na gastos sa mga kagamitang
pampagsasaka
4. Pagdagsa ng mga inaangkat na
produktong agrikultural
5. Kakulangan ng sapat na edukasyon sa
pagsasaka
6. Matitinding Kalamidad
MGA SOLUSYON SA
MGA SULIRANIN NG
AGRIKULTURA
• Tunay na implimentasyon sa reporma
sa lupa
• Pagtatakda ng tamang presyo sa mga
produktong agrikultura
• Pagbibigay subsidy sa maliliit na
magsasaka
• Pagapapatayo ng mga imbakan,
irigasyon, tulay at kalsada
• Solusyon sa suliranin ng agrikultura
• Pagbibigay ng impormasyon at
pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa
paggamit ng makabagong
teknolohiya
• Pagatatag ng mga kooperatiba at
bangko rural na magpapautang sa
mga magsasaka at mangingisda.
• Paghihigpit sa mga dayuhang
produktong agrikultural na
pumapasok sa bansa.

You might also like