You are on page 1of 11

I.

LAYUNIN:
1.Naipaliliwanag ang Kahulugan ng Implasyon.
2.Nasusuri ang iba’t-ibang sanhi at bunga ng Implasyon.
3.Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang makatugon sa suliranin ng implasyon
sa pangaraw-araw na pamumuhay.
4.Napahahalagahan ang mga ginagawang programa ng gobyerno tungkol sa pagsugpo
sa suliranin ng implasyon sa ating bansa.

II. NILALAMAN
A. Paksa
“ Implasyon”

 Tiyak na Paksa
 Mga Sanhi at Bunga ng Implasyon

B. Kagamitan
 Laptop
 Tarpapel
 Tulong Biswal

C.Teknik na Gagamitin
 Concept Map
 Fishbone
 Video Clip
 Picture Talk
 Powerpoint Presentation
D.Sangguniang Aklat

 Ekonomiks:Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral


(-pahina275-282)
 Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan (pahina 245-248 ), Bernard R.Balitao,Meriam Dr. Cervantes,
et.al.
 TV Patrol:Presyo ng bilihin

III.PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A.Panimulang Gawain

1.Pagbati sa mga Mag-aaral


-Magandang Umaga sa inyong lahat!
-Magandang Umaga rin po Ma’am!

2.Pagtatala ng Lumiban
-Maaari ko bang tawagin ang ating
sekretarya upang tanungin, Sino ang
lumiban sa klase sa araw na ito?
-Ikinagagalak ko pong sabihin na wala
pong lumiban sa klase.

3.Pagbabalik Aral
-Sa pagbabalik-aral,magtatawag ang
Guro ng mga piling mag-aaral.Sasagutin
ng mga mag-aaral ang mga katanungang
nasa loob ng kahon.

- Paano nagkakakugnay ang kita,pag-


iimpok,at pagkonsumo?
-Ma’am, nagkaka-ugnay po ang kita,pag-
iimpok at pagkonsumo sa pamamagitan po
ng ang kita po maam ay tumutukoy sa
sahod ng mga mamamayan na kung saan
ginagamit nila sa kanilang pagkonsumo sa
pang-araw-araw na pamumuhay at ang
salapi po na subra sa kanilang kita ay
kanilang nilalagak sa bangko upang
lumaki.
-Mahusay!
Ang kita,pag-iimpok at pagkosumo ay
nagkaka-ugnay dahil ag tatlong ito ay
bahagi ng paikot na daloy ng patakarang
pananalapi.Kung saan ang kita ay
ginagamit ng mga tao sa kanilang gastusin
o sa pang-araw araw nilang pagkonsumo
at ang salaping natira sa kanilang kita ay
kanilang iniimpok sa bangko na kung saan
ang salaping inimpok ay lumalabas sa
daloy ng pera sa ekonomiya.

-Ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at


pamumuhunan? -Ma’am, ang pinagkaiba po ng pag-iimpok
at pamumuhunan po ay,ang pag-iimpok po
ma’am ay ang paglalagak ng salapi sa
bangko upang lumaki at magamit pa sa
panghinaharap na
pangangailangan ,samantalang ang
pamumuhunan po ay tumutukoy sa mga
negosyong pianpatayo ng mga negosyante
upang tumubo ng Malaki o kumita ng
-Magaling! malki.
-Mga mag-aaral ang pera, katulad n
gating mga pinagkukunang –yaman ay
maaaring maubos kaya kailangan din ng
matalinong pag-iisip at pagdedesisyon
upang mapakinabangan nang husto at
walang masayang.

- Ano naman ang magiging epekto ng


mataas na antas ng pag-iimpok at
pamumuhunan sa ekonomiya?

-Ma’am,kapag po tayo ay naglalagak ng


pera sa bangko ,ito po ay lumalago dahil
sa interes.At ipinapautang naman ito ng
bangko sa mga namumuhunan na may
Tama! dagdag na kaukulang tubo.
- Habang lumalaki ang naidedeposito
sa bangko,lumalaki rin ang maaaring
ipautang sa mga namumuhunan.Habang
dumarami ang namumuhunan dumarami
rin ang nabibigyan ng trabaho.Ang
ganitong sitwasyon ay indikasyon ng
masiglang gawaing pang-ekonomiya ng
sang lipunan.

May katanungan pa ba kayo tungkol sa


Kaugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-
iimpok? -Wala na po Ma,am!
B.Paglinang ng Gawain
1.Pagganyak
-Ang mga piling mag-aaral ay mag-
sasagawa ng maikling “Spoken
Poetry”.Ito ay may kinalaman sa paksang
tatalakayin at ipasusuri ng guro ang tula sa
mga mag-aaral.

- Saan patungkol ang spoken poetry? -Ma’am, base po sa mga salita na ginamit
ng aming mga kaklase,sa palagay ko po
ito po ay may kinalaman sa kahirapan ng
buhay.

-Magaling!
-Maliban sa kanyang nabanggit,may iba
pa ba kayong ideya? -Ma’am,sa akin pong opinion,ito po ay
patungkol sa hinaing ng mga mamimili.

-Tama!
-Ayon sa inyong mga hinuha at
kasagutan,saan patungkol ang paksang
ating tatalakayin sa araw na ito? Ma’am, ang paksang pag-aaralan natin
ngayon ay tungkol po sa patuloy na
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Magaling!
-Ang paksang ating pag-uusapan sa araw
na ito ay may kinalaman sa napapanahong
isyu,ito ay tungkol sa Implasyon.
IMPLASYON

Tumutukoy sa pagtaas ng
2.Pagtatalakay Demand -Pull Inflation kapag Cost-Push inflation-
-Ano ang Kahulugan
pangkalahatang nagkakaroon ng paglaki ng pagtaas
ng Implasyon?
presyo ng ng gastusing
mga piling produkto na paggasta Ma’am, ang
ang Implasyon po ay
pamproduksiyon tumutukoy
na siyang sa
nakapaloob sa basket of patuloy naat pagtaas
sambhayan,pamahalaan sanhi ngng presyo
pagtaas ng mga
ng presyo
-Tama!
goods. bilihin.
panlabas na sektor. ng mga bilihin.
Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto
atIsang
serbisyo sa iba’t-ibang
suliraning pang- panahon ay
pangkaraniwang
ekonomiya nagaganap,subalit
na ang
pagbabagong
kinakaharap ito ng ay isang nagdudulot ng
negatibong
bansa. epekto sa mga tao ang
kalagayang ito ay bunga ng implasyon.

Narito ang mga pangunahing dahilan ng


implasyon.Ang tinatawag na Demand-Pull at
Cost-Push.

Ano kaya ang tinatawag na Demand-Pull


inflation?
-Ma’am, ang demand-pull inflation ay
nagaganap kapag nagkakaroon ng paglaki
sa paggasta ng sambahayan,bahay-
kalakal,pamahalaan at panlabas na sektor.
Tama!
-Ang pagtaas ng pinagsamang demand
(aggregate demand) ay hindi katumbas ng
paglaki ng kabuuang produksiyon.Dahil dito
ay nagkakaroon ng shortage sa pamilihan.

-Ano nga ba ang nangyayari kapag may


shortage?
Ma’am, karaniwan pong tumataas ang
presyo ng mga bilihin dahil sa
shortage.Kapag kulang at kakaunti na ang
suplay nagiging mahal ang presyo ng mga
Mahusay! bilihin.
-Ano naman kaya ang Cost-push?

- Ma’am, ang cost-push ay tumutukoy po


sa mga gastusing pamproduksiyon na sa
tuwing tumataas ay nagiging sanhi din po
ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Magaling!
-Kung ang isang salik sa produksiyon ay
nagkakaroon ng pagtaas ng
presyo,halimbawa sa lakas
paggawa,magkakaroon ng pagtaas sa
sahod.Maaari itong makaapekto sa kabuuang
presyo ng mga produktong ginawa.

-May katanungan pa ba kayo sa kahulugan


ng Implasyon?
Wala na po Ma’am.
Ngayon mayroon akong video clip na
ipapanuod sa inyo at ito ay inyong susuriin.

Batay sa inyong napanood,ano ang inyong


masasabi sa inflation sa ating bansa?

-Ma’am,atin pong mapapansin sa video clip


na mabilis po ang paglaki ng inflation rate
ng ating bansa
Magaling!
-Maaari niyo bang ikumpara ang inflation
rate noong nakaraang taon sa kasalukuyang
panahon?

-Ma’am, noong nakaraang taon po ang


inflation rate po ay mababa lamang kung
ikukumpara po ito sa inflation rate na ating
nararanasan sa ngayon ay lubhang malayo
po,sapagkat napakataas po ang inflation
Tama! rate ngayon ng ating bansa..
-Kahit sa kasalukuyang panahon,ang
implasyon ay isang suliraning hindi
mapigilan.Ang mga pangunahing produkto
tulad ng bigas,asukal,manok,karne,isda at
iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng
presyo.

-Alam ba ninyo mga mag-aaral na noon pa


man sa panahon ng pananakop ng mga
Hapones sa ating bansa, ay nawalan ng
halaga ang salapi.Dahil sa napakataas na
presyo ng bilihin at pagbagsak sa halaga ng
pera.kung kaya’t kakaunti na lamang ang
kayang mabili ng salapi noong panahon ng
digmaan.
.

3.Pangkatang Gawain

Sa pamamagitan ng Fishbone Diagram ay ilalahad ng guro ang mga Sanhi at


Bunga ng Implasyon.

Ang mga mag-aaral ay hinati sa apat na pangkat at sila ay naghanda para sa pag-
uulat tungkol sa mga Sanhi at Bunga ng Impasyon.Ang kanilang gawain ay
mamarkahan sa pamamagitan ng pamantayan.

PANGKAT MGA SANHI AT BUNGA


1 Pagtaas ng Suplay ng Salapi

2 Pagdepende sa importasyon para sa


hilaw na sangkap.
3 Kalagayan ng pagluluwas (export)

4 Monopolyo o Kartel

RUBRIK SA PAG-UULAT

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NAKUHANG


PUNTOS
Nilalaman Malinaw na naipakita sa 40
pamamagitan ng pag-uulat
ang mga Sanhi at Bungan g
Implasyon.
Pagpapahayag/ Maayos na naipahayag ang 30
Pag-uulat nilalaman ng paksang
iniulat at maayos ang
pananalita ng mga kasapi
ng pangkat.
Pakikisangkot sa Ginagawa ng bawat kasapi 30
Pangkat ng pangkat ang mga inatas
na gawain para sa
ikagaganda ng pag-uulat.

KABUUANG PUNTOS 100

C.Pangwakas na Gawain
1.Paglalahat/Pagbubuod
Sa pamamagitan ng Picture Talk tatawag ang guro ng limang (5)mag-aaral
ibubuod ang paksang tinalakay(Implasyon).

Gabay na Tanong:
1.Sa iyong pagkaka-unawa,ano ang kahulugan ng Implasyon?
2.Ano ang Demand pull?
3.Ano naman ang Cost –push?
4.Bukod sa Demand –pull at Cost-push,ano-ano pa kaya ang dahilan ng
pagkakaroon ng Implasyon?

2.Pagpapahalaga
Pagsasagawa ng maikling gawain.Ang pangkat sa pag-uulat ay siya pa ring
magiging pangkat sa bagong gawain.Sila ay inatasang magpapakita ng iba’t ibang
presentasyontungkol sa mga paraan upang malabanan ang epekto ng implasyon sa
araw-araw na pamumuhay.

PANGKAT GAWAIN

1 Editorial Cartooning

2 Jingle

3 Talk Show

4 Info-Mercial

RUBRIK PARA SA EDITORIAL CARTOONING


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTO NAKUHANG
S PUNTOS
Nilalaman Ang nabuong editorial cartoon
(Impormatibo/Prakti- ay nakapagbibigay ng
kalidad) kumpleto,wasto at 40
napakahalagang impormasyon
tungkol sa Implasyon.
Malikhain Lubos na nagpamalas ng
pagkamalikhain sa paggawa 30
ng editorial cartoon.

Katotohanan Ang editorial cartoon ay


nagpapakita ng
makatotohanang pangyayari
sa Implasyon.Ang nilalaman 30
nito ay may bias/dating sa
madla.
Kabuuang Puntos 100

RUBRIK PARA SA JINGLE CAMPAIGN


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Kaangkupan ng Angkop at makabuluhan ang
nilalaman mensaheng nakapaloob sa 40
jingle tungkol sa mga paraan sa
pagsugpo sa Implasyon.
Kahusayan sa pag- Mahusay na pag sasaayos ng
awit liriko at tono.
30

Kahusayan sa Mapanghikayat at
Pagtatanghal makapukaw-pansin ang
ginawang jingle.
30
Nagpakita ng pagkamalikhaing
pagtatanghal.

KABUUANG PUNTOS 100

RUBRIK PARA SA TALKSHOW


PAMANTAYA DESKRIPSYON PUNTO NAKUHAN
N S G PUNTOS

Nilalaman Ang talk show na ginawa ay may


tuwirang ugnayan sa paksa ,buo ang
diwa,magkakaugnay at 40
makatotohanan.

Pagtatanghal Nagpamalas ng
pagkamalikhain,kahandaan,kooperas
yon at kalinawan sa pagsasalita. 30
Pangkalahatang Sa kabuuan ang tinalakay ay nag-
Impak iwan ng tumpak na
mensahe,nakahikayat ng
manunuod ,positibong pagtanggap at 30
madaling intindihin.

KABUUANG PUNTOS 100

RUBRIK PARA SA INFO-MERCIAL


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNT NAKUHANG
OS PUNTOS
Nilalaman Malinaw na naipakita ang paksang
nais talakayin sa infomercial
gayundin ang mga payong nais
ibahagi sa mga mag-aaral.Akmang 45
akma ang ginawang infomercial sa
mga manunuod.
Pagtatanghal Nagpamalas ng
kahandaan,kooperasyon at 20
kalinawan sa pagsasalita.
Pagiging Kitang-kita ang kahusayan sa
Malikhain paggamit ng ibat-ibang mga teknik o
stratehiya upang maging 30
masaya,kaakit-akit ang info-mercial
na nabuo.Bawat miyembro ay
nagkakaroon ng pagkakataong
makita ang kahusayan sa pagganap
sa ginawang info-mercial.

KABUUANG PUNTOS 100

Gabay na Tanong
1. Paano tumutugon ang mga konsyumer sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa
pamilihan?
2. Ano-ang hakbang na isinasagawa ng ating gobyerno para malutas ang suliraning
implasyon na kinakaharap ngayon ng ating bansa?
3.Bilang isang mamamayan ng bansang ito,paano ka makatutulong sa pagsugpo ng
Implasyon?

IV.PAGTATAYA (Balita-nalysis)
Basahin at unawain ang balita.Sa inyong sagutang papel,isulat ang sagot sa pamprosesong
tanong.
Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin,Tumaas Na Rin
By dzmm.com.ph|09:37PM 06/18/2014
Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin ang pagtaas ng presyo ng
mga pangunahing bilihin.Bukod sa una nang napabalitang pagtaas ng presyo ng
bawang,luya,bigs at asukal,tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy habang nagbabadya
naman ang pagtaas ng ilang brand ng gatas at produktong de lata.

Dahil dito,nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price Coordinating Council(NPCC)


para talakayin ang sunud-sunod na pagtaas na ito ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa
kaso ng bawang,sinabi ni NPCC Chairman at Trade and Industry Secretary Gregory
Domingo sa panayam ng DZMM na nagkaroon lang ng temporary shortage.

Aniya,30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa lokal na supplier habang ang
nalalabing 70% ay nagmumula na sa importasyon.Naipit lang aniya ang ibang suplay sa mga
port at inaasahang babalik na sa normal ang presyo sa loob ng dalawang linggo hanggang
isang buwan.

Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na nagbebenta ng mga murang


bawang.Sa pagtaas naman ng commercial na bigas,tutugunan ito ng National Food
Authority(NFA) sa pamamagitan ng pagdodoble ng inilalabas nilang bulto ng bigas.

Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok,ipinaliwang ng broiler groups na bumagal ang


paglaki ng mga manok dahil sa labis na init na panahon na nararanasan nitong mga
nakaliwas na buwan.

Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa mga susunod na
lingo.Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng presyo ng gatas dahil sa pagtaas ng world
price nito.

May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at bagama’t hindi pa ito
inaaprubahan,sinabi ni Domingo na karaniwan naman nilang pinapayagan ang pagtaas basta’t
malapit sa antas ng inflation.’’Kailangan talaga every year may ine-expect ka na pag-akyat
kahit konti’’,sabi pa ng kalihim.With a report from Alvin Elchico,ABS-CBN News.

Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang pangunahing impormasyon na ipinahahatid ng balita?
2.Ano ang iyong reaksiyon matapos mong basahin ang balita?
3.Bilang isang mag-aaral,paano ka at ang iyong pamilya ay naapektuhan ng isyung
tinalakay?Patunayan.

V.TAKDANG- ARALIN: KOMITMENT


Panuto: Gumawa ng isang Komitment bilang isang mag-aaral kung paano makapag-
aambag na mapamahalaan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.,Maging malikhain sa pag-
post ng inyong mga komitment sa Facebook at ibang social media.

Pamprosesong Tanong:
 Ano ang pangunahing nilalaman ng iyong komitment?
 Paano mo matitiyak na ang isinagawang komitment ay makapag- aambag sa
kabutihan ng bayan?
 Ano ang iyong mga isinaalang-alang sa paggawa ng komitment?
.
Sanggunian:

 EKONOMIKS
Modyul para sa mga Mag-aaral
Pahina 289-292

 Internet/Google

You might also like