Professional Documents
Culture Documents
Demo DLP
Demo DLP
Layunin
a. Natatalakay ang kasalukuyang kalagayan ng Pangingisda sa Pilipinas
b. Nailalahad ang mga suliranin sa Pangingisda gamit ang iba’t ibang
performance
c. Napahahalagahan ang mga ginagawang programa ng Gobyerno patungkol sa
pagsugpo sa mga Suliranin sa Sektor ng Pangingisda.
II. Paksang – Aralin
a. Paksa: Sektor ng Pangingisda
b. Tiyak na Paksa: Suliranin sa Sektor ng Pangingisda
c. Kagamitan
Laptop, powerpoint at mga kagamitang Biswal
d. Sanggunian
Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul para sa mag-aaral)
Ekonomiks (Mga Konsepto at Aplikasyon)
Internet – WordPress.com
DOST Starbooks
e. Teknik
Mind map
Concept Web
Word wall
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
a. Panimulang gawain
Magandang Araw sa Inyong lahat!
Jhassez, maari mo bang pangunahan ang ating Magandang Araw rin po Bnb. Zyra.
panalangin sa araw na ito?
Jhassez: Yumuko tayong lahat at damhin
ang presensya ng Diyos. Maraming
salamat po sa pagkakataong ibinigay
ninyo sa aming lahat upang makapag-
aral. Salamat po sa pagbibigay ninyo sa
amin ng isang guro na matiyagang
hinuhubog ang aming isipan sa araw-
araw. Salamat din po sa aming mga
magulang sa patuloy na pagkakaloob sa
amin ng aming mga pangangailangan. Ito
po ang aming samo't dalangin sa matamis
na pangalan mo. Amen
b. Pagbabalik – Aral
c. Pagganyak
Magkakaroon ng maikling presentasyon ang mga
piling mag-aaral tungkol sa awiting Anak Ng Pasig.
Ang Pangingisda ay
paghuhuli ng isda
sa papagitan ng
pamimingwit at
pagbibitag
Ang pangingisda ay
nauuri sa tatlo –
komersiyal, municipal
at aquaculture.
Gamit ang pop-up book ilalahad ng guro
ang iba’t ibang suliranin na kinakaharap ng
Sector ng Pangingisda.
1. Mapanirang Operasyon ng
Malalaking Komersiyal ng
mangingisda.
2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
3. Lumalaking populasyon sa bansa.
4. Kahirapan sa hanay ng mga
mangingisda.
Magpapakita ng maikling news video clip
ang guro na mayroong kinalaman sa mga
suliraning kinaharap ng sector ng
pangingisda sa loob ng Pilipinas.
e. Paglalahat
Gamit ang word wall ilalagay ng mga mag-
aaral ang mga salita o pangungusap na
nabunot nil amula sa pocket na sa tingin nila
ay may kinalaman sa isa sa mga suliraning
nabanggit.
- Thrawl fishing
1. Mapanirang operasyon ng - Malalaki at komersiyal na barko
malalaking komersiyal na - Maraming reefs ang namatay o
mangingisda. nasira
f. Pagpapahalaga
Ang klase ay hahatiin sa apat(4) na
pangkat upang bumuo ng kanilang
maikling presentasyon patungkol sa
mga solusyon para sa mga suliraning
kinakaharap ng mga mangingisda sa
ating bansa.
Mga gagawin ng Bawat pangkat:
Pangkat I: Bumuo ng isang puppet
show
Pangkat II: Gumawa ng
Newscasting
Pangkat III: Jingle
Pangkat IV: Gumawa ng Tula.
IV. Pagtataya
a. Panuto: suriin ang mga larawan. Isaayos ang mga letra sa tabi nito upang
mabuo ang wastong salita na nauugnay sa nakalarawan. Isulat ang sagot sa
patlang.
1. RLWHAT
HIFSING
______________________
2.
SIHF ILKL
__________________________
3. ADNYTEMI
HISFING
__________________________
4. SPAOLPUYNO
_________________________
5. YONUOSPL
___________________________
B. Tama o Mali. Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang ipinahihiwatag ng
pangungusap, at mali kung ito naman ay hindi.
_____________1. Ang patuloy na [agdami ng bilang ng mga tao ay nagdudulot ng mataas na
pressure sa mga yamang tubig.
_____________2. Ang mga mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na
natatanggap.
_____________3. Hindi nakaaapekto o nakasisira ang thrawl fishing.
_____________4. Ang mga kemikal mula sa mga pabrika ay nakakapagdulot ng polusyon sa
tubig.
_____________5. Gumagamit ng dinamita upang makahuli ng maraming isda.
V. Takdang Aralin
Gamit ang Concept Map, magsaliksik at ilarawan ang konsepto at depinisyon ng sector ng
pangingisda.
Project design gumawa ng proyektong makatutulong sa suliranin sa agrikultura pangingisda
at pagugubat magtaguyod ng mga layunin at output na may kaakibat na mga aksyon ng
mapagkukunan sa iyong proyekto
Inaasahang epekto:
Paano isakatuparan:
Layunin:
Pangalan ng proyekto:
Sino-sino ang mga kalahok:
Paglalarawan:
Planong gawain: Mga materyales: