You are on page 1of 6

Grade 9 Araling Panlipunan

Paksa: Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks- Ugnayan ng Kita, Pag- iimpok, at Pagkonsumo

Unang Tagapagsalita (Bb. Laurora)

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.
2. Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok.
3. Naipapakita ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, pagkonsumo at ang “7
Habits of a Wise Saver”.

II. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Pangunahing Gawain

1. Pagbati

Magandang umaga Grade 9 students! Magandang umaga rin po Binibining Laurora!


Kamusta kayo? Ayos na ayos po.

2. Pagsasaayos ng silid- aralan

Bago kayo magsiupo, pakipulot ang mga (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat at
kalat na nakikita sa inyong paligid. aayusin ang kanilang mga upuan)
Matapos pulutin ang mga kalat, mangyari
na ayusin ang inyong mga upuan. Pakitago
ang mga bagay na walang kinalaman sa
ating asignatura.
3. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating aralin


magkakaroon muna tayo ng balik aral.
Ano nga ba ang tinalakay nating paksa
noong nakaraang pagkikita?

Ma’am, ang tinalakay po natin ay ang kahalagahan


Sige Francisco.
ng pagsusukat ng pambansang kita at kung paano
ito naging batayan sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa.

Magaling! Maraming salamat sa iyong


sagot. Sa pamamagitan ng pagsusukat ng
pambansang kita, nakakapagbigay ito ng
ideya patungkol sa antas ng produksiyon
ng ekonomiya sa isang partikular na taon at
naipapaliwanag kung bakit mababa o
malaki ang naging pag-unlad ng bansa.

Bukod sa pagsusukat ng pambansang kita, Ang pagkakaiba po ng GNI at GNP.


ano pa ang ating tinalakay?

Tama. Ang Gross National Income po ay sinusukat gamit

Sige nga Santos, ano ba ang pagkakaiba ng ang salapi ng isang bansa samantala ang Gross

GNI at GNP? Domestic Product ay sinusukat kasama ang mga


kita ng mga dayuhan sa loob ng bansa.

Magaling Santos!
Ang Gross National Income ay tumutukoy
sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa. Samantala
ang Gross Domestic Product naman ay
sumusukat sa kabuuang pampamilihamg
halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang
takdang panahon sa loob ng isang bansa.

Salamat sa inyong partisipasyon tunay ( Makikita ang kagalakan sa mukha ng mga mag-

ngang nakinig kayo sa ating nakaraang aaral.)

talakayan. Ako ay labis na natutuwa.

B. Pagganyak
Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong Opo maa’m.
aralin. Handa na ba kayo?

Pero bago naten simulan may inihanda akong


mga larawan at kung sino ang magpresenta,
ipapaliwanag sa klase ang pinapakita at ugnayan
ng mga larawan dahil ito ay magiging silbi para
magkaroon ng ideya sa ating bagong tatalakayin.
Ang siyang magpresenta ay makakakuha ng puntos
na idadagdag sa inyong grado.

( Nagiisip ang mga mag-aaral)


Ano ang inyong napapansin sa mga larawan?
Ano kaya ang ugnayan nito sa isa’t isa?
( Nagtaas ng kamay.)

Sino ang unang magpe presenta. Maa’m ang mga larawan po ay isang piggy bank
na kadalasang ginagamit ng batang gaya ko kung
Sige Gutierrez. nais ko pong magipon ng pera. Nasa larawan din
po ang bangko kung saan dito nilalagak ang
malalaking halaga na pera. Meron din pong atm
card, at may aleng bumibili.

Magaling! Maraming salamat sa iyong


kaalaman Gutierrez. ( May nagtaas muli ng kamay)

Sino pa sa inyo ang may ideya? Idagdag ko lang po sa sagot ni Gutierrez na


ginagamit po ang atm card ng mga kumpanya kung
Ikaw naman Santos. saan po nagtatrabaho ang aming magulang para
ilagay ditto ang kanilang mga kita at pwede ren po
ditto maglagay ng savings o ipon na maaaring
gamitin sa oras ng pangngailangan.

Mahusay Santos. Salamat.


( Tila napapaisip ang mga mag-aaral)

Tama po ang mga sagot nila Gutierrez at Santos.


Ang mga nasa larawan ay isang piggy bank, pera,
bangko, mga atm card at isang babaeng bumibili
ng prutas. Ano kaya ang ugayan ng mga ito sa isat
isa?

Tungkol po sa kita, pagiipon at pagkonsumo.


C. Pagtatalakay
Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang
ating aralin sa araw na ito?

Magaling! Ang ating tatalakayin sa araw na


ito ay patungkol sa Ugnayan ng Kita, Pag-
iimpok at Pagkonsumo.
Ngayon ay aalamin natin kung papaano nga
ba nagkakaugnay ang mga ito.

Sa inyong palagay, ang pera ba ay Opo. Lalo na po kung hindi ito pinapalago.
nauubos? Nauubos po kaagad ang pera dahil po sa mataas na

Sige Cana. presyo ng bilihin lalo na kung ikaw ay isang taong


maluho na kahit hindi naman po naten
kinakailangan ay binibili pa ren.

Magaling Cana. Para po sa akin maa’m hindi po ako klase ng tao


na mahilig sa material na bagay dahil mas gusto
Diba may kataga tayo na “ money can’t kopo nakakasama ang isang taong mahal ko kesa
buy happiness”. Ano ang iyong opinyon bigyan nya po ako ng maraming regalo. Mas
tungkol dito? magiging masaya po ako sa kanya presensya kesa
sa mga regalo na iyon kaya ako po ay sang-ayon sa
“money can’t buy happiness”.

Napakahusay! Kung ako ay inyong


tatanungin mas nanaisin ko ren na kasama
ang mga mahal ko sa buhay, ang aking
pamilya at mga kaibigan kesa magkaroon
ng pera para bumili ng materyal na bagay. Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ay ang
mga kita o sweldo po ng tao sa kanilang mga
Pero saan nga ba nanggagaling ang pera at trabaho.
paano nagkakaroon ng pera ang isang tao?
Ang kita po ang salaping tinatanggap ng mga
Tama! Ito ay mula sa kita ng mga tao. Ano manggagawa kapalit ng pagtatrabaho. Ang
nga ba ang kita? Sa paanong paraan nagiging kita po ng isang tao ay base sa kanilang
nagkakaroon ng kita ang tao? trabaho at sa propesyon, halimbawa po ikaw ay
nasa mataas na posisyon mas malaki po ang
magiging kita kesa sa ordinaryong mangagawa.

( Nakikita sa mga mag-aaral na sila ay nakikinig sa


Tama! Napakahusay! Dahil ang isang tao
tinatalakay ng kanilang guro)
ay nagsusumikap magtrabaho kaya ang
kapalit nito ay pagkakaroon ng kita.
Ang kita ay maaaring gastusin sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Pangalawang Tagapagsalita (G. Lavina)

Dahil alam nyo na kung ano ang kita at


kung anong paraan nagkakaroon ng kita ang isang
tao dumako naman tayo sa pagkonsumo kung saan
ginagamit ang ating kinitang pera.

Ano nga ba ang pagkonsumo?

You might also like