You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao

Inihanda ni Karel Gal

Ika-17 ng Abril, 2017

Kasanayan:

Nasusuri kung kailan ang pangangailangan ay nagiging kagustuhan at ang


kagustuhan ay nagiging pangangailangan.
Layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang teorya ng pangangailangan.


2. Nakalalahok ng masigla sa mga gawain at talakayan.
3. Nakabubuo ng mga hakbang sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao.

Nilalaman:
Ipinapaliwanag ng teorya ng pangangailangan ang mga hakbang na dapat
isaalang-alang upang makamit ang kaganapan ng pagkatao. Ipinapaliwanag nito
ang kahalagahan ng bawat baitang upang matagumpay na makamit ang kaganapan
ng pagkatao.

Dating Kaalaman:

1. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao sa araw -araw.


2. Ang kagustuhan ay luho lang ng tao.
3. Ang pangangailangan ay dumedepende lamang sa mga bagay na
kinukonsumo ng tao

Bagong Kaalaman:
1. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao para
mabuhay
2. Ang pangangailangan ay puwedeng maging kagustuhan at ang kagustuhan
ay puwedeng maging pangangailangan.
3. Ang teorya ng pangangailangan ay isang gabay upang makamit ang
kaganapan ng pagkatao.

Sanggunian:
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag -aaral

Kagamitan: Manila Paper, cartolina, marker, visual aid

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1.

I – Introduksyon:

Gawaing Guro

Bilang isang tao, mayroon ba kayong


Opo
pangangailangan?

Bilang isang mag-aaral, ano ba ang


pangangailangan mo? - Libro, papel, notebook, ballpen

Kagustuhan, mayroon din ba kayong


kagustuhan?
- opo

Bilang isang mag-aaral, ano ang kagustuhan


mo? - makatapos ng pag-aaral, maging
propesyunal, magkaroon ng malaking
bahay

1. Pagganyak

Bago natin simulan ang talakayan ay


magkakaroon muna tayo ng isang maikling
gawain.

Gawain 1:
“Ano ang pangangailangan at kagustuhan ko
bilang tao?”

Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo, ang


unang grupo ay isusulat ang pangangailangan
ng tao at ang pangalawang grupo naman ay
isusulat ang kagustuhan ng tao

Ayon sa mga isinulat ninyo ano ba para sa inyo


ang pangangailangan?

- Mga bagay na kailangan ng tao sa araw -


araw na gawain, ito rin ay kailangan ng
Ano naman ang kagustuhan?
tao para mabuhay.
- Mga bagay na hinahangad ng tao dahil
ito ay nagdudulot ng higit na kasiyahan.
Maaari bang maging kagustuhan ang
pangangailangan?

Sa paanong paraan? - Opo

May ideya na ba kayo sa paksang tatalakayin


natin ngayon? Ano ang tatalakayin natin
ngayon? - Magbibigay ng halimbawa.

- Opo, pangangailangan at kagustuhan ng tao

Ngayon ay alamin naman natin ang teorya ng


pangangailangan ni Abraham Maslow, alamin
natin kung ano ba ang isinasaad ng teorya ng
pangangailangan ni Abraham Maslow.

II- Interaksyon

Gawain 2:
Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang gawain,
hahatiin ko kayo sa limang grupo. Bawat grupo
ay bibigyan ng paksa na tatalakayin para mag
“brainstorming”, pipili ng isang miyembro upang Unang grupo – Pisyolohikal na
talakayin sa ibang grupo ang paksa na Pangangailangan
nakatalaga sa inyo. Pagkatapos nito ay
ipapaliwanag ninyo sa unahan ang bawat
Ikalawang grupo – Pangangailangang Pang-
paksa na nakatalaga sa inyong grupo.
seguridad at kaligtasan

Ikatlong grupo – Pangangailangang


Panlipunan

Ikaapat na grupo – Pagkamit ng respeto sa


sarili at respeto sa ibang tao

Ikalimang grupo – Kaganapan ng Pagkatao


- Ang bawat grupo ay magtatalaga ng isang
mag-aaral na iikot sa ibang grupo upang
ipaliwanag ang paksang nakatalaga sa
kanila. Pagkatapos na maipaliwanag sa
bawat grupo ay babalik na sila sa kanilang
grupo upang mag “brainstorming”, para
Teorya ng Pangangailangan
maipaliwanag ang konsepto ng teorya ni
Maslow ayon sa mga nakalap nilang
impormasyon sa ibang grupo.
- Ang bawat grupo ay ipapaliwanag sa
unahan ang teorya ng pangangailangan ni
Maslow.

Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, - Hindi, dahil kailangan muna niyang punan
ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi ang pangunahing pangangailangan bago
dumadaan sa una? Bakit? niya marating ang iba pang
pangangailangan.

- Kailangan ay mapunan ng maayos ang mga


naunang baitang upang matagumpay na
marating ang pinakamataas na baitang.
Paano mo mararating ang pinakamataas na
baitang? Ano ang dapat mong gawin upang
marating ito?

Ipaliliwanag ang maaaring maging negatibong


epekto sa bawat baitang kung hindi ito
mapupunan. - Ito po ay maaaring mag silbing gabay upang
makamit ang kaganapan ng ating pagkatao.
Bilang isang mag-aaral ano kaya ang
kahalagahan ng pag-aaral natin sa teoryang
ito?

Sino pa ang may katanungan?

Ngayon ay naintindihan na natin ang isinasaad


ng teorya ng pangangailangan, ngayon naman
ay susulat kayo ng hakbang sa kung paano
ninyo makakamit ang kaganapan ng inyong
pagkatao.

III – Integrasyon

Gawain 3:
“Hakbang sa Matagumpay na pagkamit sa
Kaganapan ng Pagkatao”
- Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng
“Brainstorming” upang makabuo ng hakbang
Hahatiin ang mga mag-aaral sa dalawang grupo. sa matagumpay na pagkamit ng kaganapan
Ang mga mag-aaral ay mag-uusap upang ng pagkatao.
makabuo ng mga hakbang sa matagumpay na
pagkamit sa kaganapan ng pagkatao. Isusulat nila
ito sa ibibigay na cartolina at ipapaliwanag sa
kanilang kaklase.
Panapos:
- Ang pisyolohikal na pangangailangan ay ang
Ano ba ang kahalagahan ng pisyolohikal na mga bagay na kailangan ng tao para
pangangailangan sa teorya ni Maslow? mabuhay, hindi magagawa ng tao na
makarating sa ikalawa hanggang sa huling
baitang kung wala ito.

- Dahil ang tao ay hindi kayang mabuhay ng


mag-isa, kailangan niya ng mga tao sa paligid
niya upang sumuporta at tumulong sa kaniya.
Sabi nga “No man is an island”.
Bakit sa tingin ninyo ay mahalagang mapunan
ang pangangailangang panlipunan? - Masasabi ko po na narating ko na ang
kaganapan ng aking pagkatao kapag ang
lahat ng baitang sa teorya ng
pangangailangan ay matagumpay ko nang
Kailan ninyo masasabi na narating na ninyo ang napunan.
kaganapan ng inyong pagkatao?
- Opo

Malinaw na ba sa inyo ang aralin na tinalakay


natin sa araw na ito?

Kung gayon ay dito na nagtatapos ang ating


talakayan tungkol sa pangangailangan at
kagustuhan ng tao

You might also like