You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao

Kasanayan:

Nasusuri kung kailan ang pangangailangan ay nagiging kagustuhan at ang kagustuhan ay


nagiging pangangailangan.
Layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang teorya ng pangangailangan.


2. Nakalalahok ng masigla sa mga gawain at talakayan.
3. Nakabubuo ng mga hakbang sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao.

Nilalaman:
Ipinapaliwanag ng teorya ng pangangailangan ang mga hakbang na dapat isaalang -alang
upang makamit ang kaganapan ng pagkatao. Ipinapaliwanag nito ang kahalagahan ng baw at
baitang upang matagumpay na makamit ang kaganapan ng pagkatao.

Dating Kaalaman:

1. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao sa araw -araw.


2. Ang kagustuhan ay luho lang ng tao.
3. Ang pangangailangan ay dumedepende lamang sa mga bagay na kinukonsumo ng tao

Bagong Kaalaman:
1. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay
2. Ang pangangailangan ay puwedeng maging kagustuhan at ang kagustuhan ay puwedeng
maging pangangailangan.
3. Ang teorya ng pangangailangan ay isang gabay upang makamit ang kaganapan ng
pagkatao.

Sanggunian:
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag -aaral

Kagamitan: Manila Paper, cartolina, marker, visual aid

Pamamaraan:

I – Introduksyon:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Bilang isang tao, mayroon ba kayong


- Opo
pangangailangan?

Bilang isang mag-aaral, ano ba ang


pangangailangan mo? - Libro, papel, notebook, ballpen

Kagustuhan, mayroon din ba kayong


kagustuhan? - opo

Bilang isang mag-aaral, ano ang kagustuhan


- makatapos ng pag-aaral, maging propesyunal,
mo? magkaroon ng malaking bahay

1. Pagganyak

Bago natin simulan ang talakayan ay


magkakaroon muna tayo ng isang maikling
gawain.

Gawain 1:
“Ano ang pangangailangan at kagustuhan ko
bilang tao?”

Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo, ang unang


grupo ay isusulat ang pangangailangan ng tao
at ang pangalawang grupo naman ay isusulat
ang kagustuhan ng tao

Ayon sa mga isinulat ninyo ano ba para sa inyo


ang pangangailangan?
- Mga bagay na kailangan ng tao sa
araw-araw na gawain, ito rin ay kailangan
ng tao para mabuhay.

Ano naman ang kagustuhan?

- Mga bagay na hinahangad ng tao dahil ito


ay nagdudulot ng higit na kasiyahan.

Maaari bang maging kagustuhan ang


pangangailangan?
- Opo

Sa paanong paraan?

May ideya na ba kayo sa paksang tatalakayin - Magbibigay ng halimbawa.


natin ngayon? Ano ang tatalakayin natin
ngayon? - Opo, pangangailangan at kagustuhan ng tao

Ngayon ay alamin naman natin ang teorya ng


pangangailangan ni Abraham Maslow, alamin
natin kung ano ba ang isinasaad ng teorya ng
pangangailangan ni Abraham Maslow.

II- Interaksyon

Gawain 2:
Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang gawain, Unang grupo – Pisyolohikal na Pangangailangan
hahatiin ko kayo sa limang grupo. Bawat grupo
ay bibigyan ng paksa na tatalakayin para mag Ikalawang grupo – Pangangailangang
“brainstorming”, pipili ng isang miyembro upang Pang-seguridad at kaligtasan
talakayin sa ibang grupo ang paksa na
nakatalaga sa inyo. Pagkatapos nito ay
Ikatlong grupo – Pangangailangang Panlipunan
ipapaliwanag ninyo sa unahan ang bawat
paksa na nakatalaga sa inyong grupo.
Ikaapat na grupo – Pagkamit ng respeto sa sarili at
respeto sa ibang tao

Ikalimang grupo – Kaganapan ng Pagkatao


- Ang bawat grupo ay magtatalaga ng isang
mag-aaral na iikot sa ibang grupo upang
ipaliwanag ang paksang nakatalaga sa kanila.
Pagkatapos na maipaliwanag sa bawat grupo
ay babalik na sila sa kanilang grupo upang mag
“brainstorming”, para maipaliwanag ang
konsepto ng teorya ni Maslow ayon sa mga
nakalap nilang impormasyon sa ibang grupo.

- Ang bawat grupo ay ipapaliwanag sa unahan


ang teorya ng pangangailangan ni Maslow.
Teorya ng Pangangailangan
- Hindi, dahil kailangan muna niyang punan ang
pangunahing pangangailangan bago niya
marating ang iba pang pangangailangan.
- Kailangan ay mapunan ng maayos ang mga
naunang baitang upang matagumpay na
marating ang pinakamataas na baitang.
Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa,
ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi
dumadaan sa una? Bakit?

Paano mo mararating ang pinakamataas na - Ito po ay maaaring mag silbing gabay upang
baitang? Ano ang dapat mong gawin upang makamit ang kaganapan ng ating pagkatao.
marating ito?

Ipaliliwanag ang maaaring maging negatibong


epekto sa bawat baitang kung hindi ito
mapupunan.

Bilang isang mag-aaral ano kaya ang


kahalagahan ng pag-aaral natin sa teoryang
ito?

Sino pa ang may katanungan?

Ngayon ay naintindihan na natin ang isinasaad


- Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng
ng teorya ng pangangailangan, ngayon naman
“Brainstorming” upang makabuo ng hakbang sa
ay susulat kayo ng hakbang sa kung paano
matagumpay na pagkamit ng kaganapan ng
ninyo makakamit ang kaganapan ng inyong
pagkatao.
pagkatao.

III – Integrasyon

Gawain 3:
“Hakbang sa Matagumpay na pagkamit sa - Ang pisyolohikal na pangangailangan ay ang
Kaganapan ng Pagkatao” mga bagay na kailangan ng tao para
mabuhay, hindi magagawa ng tao na
Hahatiin ang mga mag-aaral sa dalawang grupo. makarating sa ikalawa hanggang sa huling
Ang mga mag-aaral ay mag-uusap upang makabuo baitang kung wala ito.
ng mga hakbang sa matagumpay na pagkamit sa
kaganapan ng pagkatao. Isusulat nila ito sa ibibigay - Dahil ang tao ay hindi kayang mabuhay ng
na cartolina at ipapaliwanag sa kanilang kaklase. mag-isa, kailangan niya ng mga tao sa paligid
niya upang sumuporta at tumulong sa kaniya.
Panapos: Sabi nga “No man is an island”.

Ano ba ang kahalagahan ng pisyolohikal na - Masasabi ko po na narating ko na ang


pangangailangan sa teorya ni Maslow? kaganapan ng aking pagkatao kapag ang
lahat ng baitang sa teorya ng pangangailangan
ay matagumpay ko nang napunan.

- Opo

Bakit sa tingin ninyo ay mahalagang mapunan


ang pangangailangang panlipunan?

Kailan ninyo masasabi na narating na ninyo ang


kaganapan ng inyong pagkatao?

Malinaw na ba sa inyo ang aralin na tinalakay


natin sa araw na ito?

Kung gayon ay dito na nagtatapos ang ating


talakayan tungkol sa pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

You might also like