You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Province of Rizal
www.urs.edu.ph

ARALIN 3: PANGANGAILANGAN AT
KAGUSTUHAN
(Pangunahing konsepto ng Ekonomiks)

Inihanda ni:
SHEILA MAE B. SABIDALAS
(Gurong Nagsasanay)

Isinuri ni:
G. JONATHAN BELARMINO
(Guro)
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

I. LAYUNIN:
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap
(Content Standard) (Performance Standard)

Naipamamalas ng mag-aaral ang Naisasabay ang pag-unawa sa


pag-unawa sa mga pangunahing mga pangunahing konsepto ng
konsepto ng ekonomiks bilang Ekonomiks bilang batayan ng
batayan ng matalino at maunlad na matalino at maunlad na pang
pang araw-araw na pamumuhay. araw-araw na pamumuhay

Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) 


1. Nabibigyang importansya ang paggawa ng tamang desisyon upang
matugunan ang pangangailangan;
2. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga
pangangailangan batay sa mga herarkiya ng pangangailangan; at
3. Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan
at kagustuhan

II. NILALAMAN:

A. Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao


 Teorya ng pangangailangan ni Maslow
 Mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan

B. Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul sa Mag-


aaral.

C. Kagamitang Panturo: Mga Larawan, Chalk, Pisara, Manila


Paper, at Marker.

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain 

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

4. Pagganyak/Motibasyon: “Word Puzzle”

a. May ihahandang mga letra sa loob ng kahon o “Word Puzzle na


ilalata sa pisara
b. Tatawag ang Guro ng mga mag-aaral upang bilugan ang
nabuong salita sa loob kahon.
c. Merong mga salita na makikita sa loob ng kahon na kaugnay sa
paksa.
 

“WORD PUZZLE”
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

EDAD LIPUNAN

EDUKASYON MASLOW

HERARKIYA PANLASA

KITA PISYOLOHIKAL

KLIMA SALIK

 
 

 
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

B. PAGLINANG NG ARALIN
1. Gawain 1: “Pangkatang Gawain”
PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN

PORSYENTO PUNTOS

1. Kaangkupan sa paglalahad ng 30%


ideya.

2. Nilalaman 30%

3. Kooperasyon ng bawat miyembro 20%

4. Pagsunod sa takdang oras 20%

KABUUAN 100%

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat.


b. Bawat grupo ay bibigyan ng paksa na tatalakayin para mag
“brainstorming”, pipili ng isang miyembro upang talakayin sa ibang
grupo ang paksa na nakatalaga sa bawat grupo. 
c. Magbibigay ng Rubrik ang Guro at bibigyan lamang ng sampung (10)
minuto ang bawat pangkat para sa kanilang Gawain at ipaliwanag ito
sa unahan.

PANGKAT 1
  Pisyolohikal na Pangangailangan

PANGKAT 2
Pangangailangang Pang-seguridad at kaligtasan

PANGKAT 3
 Pangangailangang Panlipunan

PANGKAT 4
Pagkamit ng respeto sa sarili at respeto sa ibang tao

PANGKAT 5
 Kaganapan ng Pagkatao
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

Group1.        Physiological needs (pisyolohikal) – ang


pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga
bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at
tulog.
 
Group2.      Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga
pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay,
kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.

 
Group3.      Love/Belonging needs (Pangangilangang
makisalamuha, makisapi at magmhal) – ito ay nauukol sa
pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at
pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang
pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.

 
Group4.      Esteem needs  ( pangangailangang mabigyan ng
pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa
sarili at respeto ng ibang tao.

 
Group5.      Actualization (pangangailangang maipatupad ang
kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na antas sa
hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa
kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang
potensyal ng tao.

Tanong:
1.Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi
dumadaan sa una? Bakit?

- Hindi, dahil kailangan muna niyang punan ang pangunahing pangangailangan bago niya marating ang
iba pang pangangailangan.

2.Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat mong gawin upang
marating ito?

- Kailangan ay mapunan ng maayos ang mga naunang baitang upang matagumpay na marating ang
pinakamataas na baitang.

3.Bilang isang mag-aaral ano kaya ang kahalagahan ng pag-aaral natin sa teoryang ito?
- Ito po ay maaaring mag silbing gabay upang makamit ang kaganapan ng ating pagkatao.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

Gawain 2: “Gawin moko”


PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN

PORSYENTO PUNTOS

1. Pagkamalikhain 30%

2. Nilalaman 30%

3. Kooperasyon ng bawat miyembro 20%

4. Pagsunod sa takdang oras 20%

KABUUAN 100%

a. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.


b. Bawat pangkat ay bibigyan ng kanya-kanyang Gawain tungkol sa
kanilang pag unawa sa Teorya ni Maslow. Pipili ng isang miyembro
upang ipaliwanag sa harapan ang kanyang natapos na gawain.
c. Magbibigay ng Rubrik ang Guro at bibigyan lamang ng sampung (10)
minuto ang bawat pangkat para sa kanilang Gawain at ipaliwanag ito
sa unahan kung bakit ito napili ng grupo at kung anu-ano ang mga
salik na iyong makakaharap sa pagtugon nito.

PANGKAT 1: SLOGAN
Iyong mga pangangailangan ayon sa Teorya ni Maslow.

PANGKAT 2: POSTER MAKING


Iyong mga pangangailangan ayon sa Teorya ni Maslow.

PANGKAT 3: SANAYSAY
   Iyong mga pangangailangan ayon sa Teorya ni Maslow.

TANONG:
 Ano ba ang kahalagahan ng pisyolohikal na pangangailangan sa teorya ni Maslow?
-Ang pisyolohikal na pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay,
hindi magagawa ng tao na makarating sa ikalawa hanggang sa huling baitang kung wala ito.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

 Bakit sa tingin ninyo ay mahalagang mapunan ang pangangailangang panlipunan?

-Dahil ang tao ay hindi kayang mabuhay ng mag-isa, kailangan niya ng mga tao sa paligid niya
upang sumuporta at tumulong sa kaniya. Sabi nga “No man is an island”.

 Kailan ninyo masasabi na narating na ninyo ang kaganapan ng inyong pagkatao?


-Masasabi ko po na narating ko na ang kaganapan ng aking pagkatao kapag ang lahat ng baitang
sa teorya ng pangangailangan ay matagumpay ko nang napunan.

IV. PAGTATAYA:
I. Panuto: Basahing mabuti ang parirala at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. “Pagkain, Tubig, Pagtulog, Pahinga”


a. Kaganapan ng Pagkatao
b. Pangangailangang Panlipunan
c. Pisyolohikal

2. “Tiwala sa sarili, Tagumpay, Respeto”


a. Kaganapan ng Pagkatao
b. Respeto sa sarili at sa ibang tao
c. Seguridad at Kaligtasan

3. “Seguridad sa katawan, pamilya, kalusugan at trabaho”


a. Kaganapan ng Pagkatao
b. Pangangailangang Panlipunan
c. Seguridad at Kaligtasan

4. “Mapagpahalaga sa Buhay, Malapit sa ugnayan sa ibang tao”


a. Kaganapan ng Pagkatao
b. Pangangailangang Panlipunan
c. Salik

5. “Pakikipagkaibigan, at Pagkakaroon ng Pamilya”


a. Kaganapang Panlipunan
b. Pangangailangang Panlipunan
c. Salik sa Pangangailangan

II. Magbigay ng limang (5) salik na nakakaimpluwensiya sa


Pangangailangan at Kagustuhan.

Batayang pagwawasto:
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

I. II.

1. C
2. B  Edad
3. C  Antas ng Edukasyon
4. A  Katayuan sa Lipunan
5. B  Panlasa
 Kita
 Klima

V. KASUNDUAN:
Panuto: Basahin at sagutan ang pamprosesong tanong sa pahina
44.

Group1.        Physiological needs (pisyolohikal) – ang


pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga
bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at
tulog.
 
Group2.      Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga
pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay,
kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.

 
Group3.      Love/Belonging needs (Pangangilangang
makisalamuha, makisapi at magmhal) – ito ay nauukol sa
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph

pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at


pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang
pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.

 
Group4.      Esteem needs  ( pangangailangang mabigyan ng
pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa
sarili at respeto ng ibang tao.

 
Group5.      Actualization (pangangailangang maipatupad ang
kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na antas sa
hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa
kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang
potensyal ng tao.

Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaan sa
una? Bakit?

 Hindi, dahil kailangan muna niyang punan ang pangunahing pangangailangan bago niya marating ang
iba pang pangangailangan.

Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat mong gawin upang marating ito?

 Kailangan ay mapunan ng maayos ang mga naunang baitang upang matagumpay na marating ang
pinakamataas na baitang.

Ipaliliwanag ang maaaring maging negatibong epekto sa bawat baitang kung hindi ito mapupunan.

Bilang isang mag-aaral ano kaya ang kahalagahan ng pag-aaral natin sa teoryang ito?

You might also like