You are on page 1of 19

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 4

Implikasyon ng Likas na Yaman sa


Pamumuhay ng mga Asyano sa Hilaga at
Kanlurang Asya
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Implikasyon ng Likas na
Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Hilaga at Kanlurang
Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Aileen P. Montuya


Editor: Sharmaine Sheena C. Autentico, Anecito L. Mascariňas, Norren Gasco
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Bianito Dagatan
Casiana P. Caberte
Marina S. Salamanca
Carmela M. Restificar
Jupiter I. Maboloc
Josephine D. Eronico

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 4:

Implikasyon ng Likas na Yaman sa


Pamumuhay ng mga Asyano sa
Hilaga at Kanlurang Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Implikasyon ng Likas na
Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Hilaga at Kanlurang Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng
mga Asyano sa Hilaga at Kanlurang Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-
aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at
kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa
iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging Alamin
ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulitSubukin
na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahagingTuklasin
ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyongSuriin
ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman Isaisip
ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawainIsagawa
na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging Tayahin
ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
Karagdagang
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Susi sa Pagwawasto

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

PANIMULA

Ang rehiyon Asya ay masagana sa iba’t-ibang uri ng likas na yaman, bawat rehiyon
nito ay nagtataglay nga mayamang mineral at iba pang pinagkukunang yaman. Malaki ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng bawat isa. Ang likas na yaman din ang nagdidikta kung
ang lugar ay maaaring tirahan o pagkukunan ng kabuhayan. Sa pagdaan ng panahon naging
banta ang paglaki ng populasyon sa likas na yaman, dahil dito pang-aabuso at kapabayaan
ng mga tao.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


Aralin 4 – Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Hilaga at
Kanlurang Asya

Mga Araling Sakop ng


Modyul
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Hilaga at
Kanlurang Asya

Mga Inaasahang Kakayahan:


1. Implikasyon sa likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sa Hilaga
at Kanlurang Asya
2. Kaugnayan ng likas na yaman sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano sa
Hilaga at Kanlurang Asya

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
Kabihasnang Asyano
Pamantayan sa Pagganap
Nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginagampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal
sa pamumuhay ng mga Asyano Noon at Ngayon.
Tuklasi
n

Sa bahaging ito, ay mayroong mga gawain na tataya iyong pangunahing kaalaman at magbibigay
interes pa sa iyo na pag-aralan ang Yamang Likas at ang mga Implikasyonng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano Noon at Ngayon. Kaya! Tara Na! Umpisahan mo na.

Gawain 2: Likas Yaman, Maunlad na Hanapbuhay!

Panuto: Isaayos ang mga letra upang makabuo ng uri ng hanapbuhay sa mga tao sa Hilaga at Kanlurang
Asya sa pamamagitan ng mga larawan ng likas na yaman.

1
A. LOTSAPAPGAP---

B. AKASASGAP---

C. ADSIGNIGNAP--

Pamprosesong Tanong:

Batay sa mga natuklasan mong sagot, magbigay ng maikling opinyon


kung paano nakakaapekto sa inyong pamumuhay ang bawat likas na yaman
na nasa larawan.
A.

B.

C.

Suriin
Teksto…………. Iyong Suriin

2
Matapos mong malaman ang mga impormasyon tungkol sa likas na yaman ng Asya at
ang rehiyon sa Pilipinas na kung saan ka kabilang at ang implikasyon nito sa pamumuhay bilang
mga Asyano at Pilipino, ngayon ipagpatuloy mong alamin ang implikasyon ng likas na yaman sa
kanyang kapaligiran upang lubos mo itong maunawaan.

YAMANG LIKAS SA HILAGANG ASYA

May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop. Sa


mga bundok at burol nakatanim ang mga pananim tulad ng trigo, palay at bulak.

Produktong panluwas ng rehiyon ito ang caviar-itlog ng sturgeon- ang


malalaking isdang likas ditto.

Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyztan. Sa


Tajikistan naman ay may tatlong uri ng yamang mineral: ang metalikong mineral
tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at industriyal na mineral
tulad ng phosphate.

IMPLIKASYON NITO SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO


SA HILAGANG ASYA

AGRIKILUTURA
Marami ang nabubuhay sa pagpapastol. Pagsasaka ay isa sa ikinabubuhay ng
mga Asyano sa rehiyong ito.

EKONOMIYA

May mga produkto ng Yamang Likas na iniluluwas sa ibang bansa kagaya ng


caviar, ginto at mga mineral kagaya ng phosphate.

PANAHANAN
Ang pagdami ng populasyon ng lugar ay nakabatay din sa likas na yaman
mayroon ang lugar.

YAMANG LIKAS SA KANLURANG ASYA at IMPLIKASYON


NITO SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO

AGRIKILUTURA
3
Nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley sa mga oasis.
Nangunguna naman ang Iraq sa produksiyon ng dates at dalandan ang Israel.
Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga naninirahan sa mga lugar na
bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Syria, Saudi Arabia, at Turkey.

EKONOMIYA

Sagana sa yamang mineral partikiuar na sa langis at petrolyo. Pinakamalaking


tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia at marami rin ang
produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates (UAE),
Kuwait at Oman. Ito ay nakatulong ng malaki para sa pag-angat ng ekonomiya sa
Kanlurang Asya.

Kumusta ang iyong naging pagbabasa? Marami ka bang nakuhang impormasyon? Magaling, magagamit mo i

Isaisip
Gawain 5: Positibo o Negatibo!
Tukuyin ang konsepto at impormasyon tungkol sa positibo at negatibong epekto ng paglaki ng
populasyon sa Likas na Yaman ng Hilaga at Kanlurang Asya. Lagyan ng √ kung ito ay positibo at X
naman kung negatibo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pagtaas ng ekonomiya ng bansa dahil lahat naman ng tao ay obligadong magtrabaho at magbayad
ng buwis.
2. Pagkaubos ng likas na yaman sa bansa.
3. Pagsisikip ng mga lugar at trapikong nagdudulot ng polusyon.
4. Paglawak ng kalakalan sa bansa.
5. Paglala ng climate change o matinding pag-init ng mundo.
6. May mga bagong henerasyon.
7. Kakulangan sa pangunahing produkto gaya ng bigas.
8. Ang malaking populasyon ay maaaring salik ng pagsulong at pag-unlad ng bansa.
9. Pagkakalbo ng kagubatan.
10. Marami ang nagtutulungan sa pagpapaunlad ng bansa.

4
Isagawa
Gawain 6: Dugtungan Mo Ako!

Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1. Ang paksa ngayon na aking natutunan ay_____________________________________.


2. Isa sa mahalaga kung natutuhan
ay____________________________________________________________________.

Tayahin

Magaling! Binabati kita sa iyong pagsisikap.Napag tagumpayan mong


sagutan ang mga gawain na nagpapalawak ng iyong kaalaman sa mga
kabihasnan sa Asya.

Panghuling Pagsusulit
Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Magkakaiba ang likas na yaman sa Hilagang Asya, nagtatalay ng malawak na


damuhan ito at naging mainam para sa alagang mga hayop. Ano ang pangunahing
kabuhayan ng mga tao dito?
A. Pangisngisda
B. Pagmimina
C. Pagpapastol
D. Pagkakaingin
2. Sa rehiyon ng Hilagang Asya matatgpuan ang Siberia na natatanging lugar na
sagana sa yamang gubat dito matatagpuan ang;
A. troso
B. natural gas
C. ginto
D. phosphate
3. Kung ikaw ay isa sa mga namuno sa ating bansa at gagawa ka ng proyekto na
naglalayong mangalaga sa kalikasan, ano ang dapat na isaisip sa pagsulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang mga likas na yaman
B. Isusulong ang malayang paggamit ng likas na yaman upnag umunlad ang ating
ekonomiya
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapaunlad ang kalakalan
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran
4. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang ng likas na yaman sa tao maliban sa isa;
A. Naging masagana ang buhay ng bawat tao
B. Pangunahing pagkakuhanan ng hanapbuhay
C. Nagpahirap sa mga tao sa idinulot nitong kalamidad
D. Naging daan sa pag-unlad ng bansa
5. Kung ang Hilagang Asya ay sagana sa yamang lupa at kagubatan, ano naman ang mga likas na
yaman na matatagpuan sa Kanlurang Asya?
A. Yamang gubat
5
B. Yamang mineral
C. Yamang tubig
D. Yamang lupa
6. Sa Kanlurang Asya partikular na sa Saudi Arabia ang pinakamalaking
tagapagluwas ng________ sa buong mundo na ginagamit ng mga tao at industriya, ano
ang produktong ito?
A. petrolyo
B. dates
C. natural gas
D. tanso
7. Ang pangunahing produkto sa Kanlurang Asya ay trigo, barley, palay, bulak, mais
at tabako, nagpapahiwatig lamang ito na ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay;
A. pangingisda
B. pagsasaka
C. pagmimina
D. pagnenegosyo
8. Isa sa mga bansa sa Kanlurang Asya ay ang Iraq na kung saan nagunguna sila sa
produksiyon ng mga pananim na iniluluwas ng bansa, anong produkto ito?
A. barley
B. dates
C. dalandan
D. palay
9. Ang pisikal na katangian ng ilang bansa sa Kanlurang Asya lalaong na sa Iran,
Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey ay bulubundukin at disyerto kaya ang karaniwang
hanabuhay ng mga tao dito ay;
A. pagpapastol
B. pangingisda
C. pagkakaingin
D. panghahayupan
10. Ang langis at petrolyo ang nagbunsod sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng Kanlurang
Asya, alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kasama sa tagapagluwas ng produktong ito?
A. Saudi Arabia
B. Pilipinas
C. Kuwait
D. United Arab Emirates (UAE)

6
Key Answer
Panghuling
Paunang Tuklasin Pagtataya
Isaisip
Pagtataya 1. Pagpapastol 1. C
1. √
1. A 2. Pagsasaka 2. A
2. X
2. D 3. Pangingisda 3. A
3. X
3. B 4. C
4. √
4. A 5. B
5. X
5. A 6. A
6. √
6. C 7. B
7. X
7. C 8. B
8. √
8. B 9. D
9. X
9. B 10. B
10. √
10. D

7
Sanggunian
A. Aklat
Blando, Rosemarie. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng
Mag- aaral), ph.40-42
B. Modyul
AP7_Q1_mod4 Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano
C. Youtube
AP7 Learning Quarter 1 Modyul 5 Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay
ng mga Asyano
 https://www.youtube.com/watch?v=lbOwXfcjJcw&t=689s
 shorturl.at/oHO07
D. Larawan

1. shorturl.at/lpzCP
2. shorturl.at/oCGS8
3. shorturl.at/cuE68
4. shorturl.at/amruN
5. shorturl.at/kCR13

8
9
10
11
12

You might also like