You are on page 1of 17

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul :
Kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya at ang
Pagkakakilanlan ng Kulturang
Asyano-Week 8
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul :
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MARITES D. CENA


Editor: ANNABELLE A. GENTEROY
Tagasuri:
Tagaguhit: Elmer D. Lumague
Tagalapat:
Tagapamahala:

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division of Oriental Midoro


Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul :
Kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya at ang
Pagkakakilanlan ng Kulturang
Asyano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kontribusyon ng
Timog at Kanlurang Asya at ang Pagkakakilanlan ng Kulturang Asyano

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya
at ang Pagkakakilanlan ng Kulturang Asyano

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Gawain
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyongpanibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng
lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

iii
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

PANIMULA

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


Aralin 3 – Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at ang Pagkakakilanlan
ng Kulturang Asyano

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:


1. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at
kulturang Asyano
2. Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya
sa larangan ng sining, humanidades at palakasan
3. Nahihinuha ang pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay sa mga
kontribusyong ito.

Pamantayang Pangnilalaman -Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-


unawa sa pagbabago,pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya
sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagganap -Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsususri sa


pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog Kanlurang Asya sa
Transisyonal at makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo.

iv
Pamantayan sa Pagkatuto – Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng
Timog at Kanlurang Asya sa kulturang Asyano

Subukin

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang


-unang kaalaman, kakayahan
at pang-unawa tungkol sa heograpiya ng Asya na kinapapalooban ng mga
pisikal na katangian at likas na yaman nito.

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Koleksiyon ng mga kwento ukol sa ordinaryong pamumuhay at dinaranas


na
paghigirap ng mga tao.

A. Kalidasa
B. Golpa Gucha
C. Pachantra
D. Ragas

2. Kilalang arkitekturang Islamik na napapalamutian ng marmol, mosaic at


gawang kahoy. Itinuturing itong pinakamahalagang pagpapahayag ng sining
Islamik
A. Masjid
B. Taj Mahal
C. Turbe
D.Turret
3.Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamatanda at pinakatanyag na
koleksiyon ng mga pabula na may maraming kwento ukol sa alamat, engkantada
at pabula
A. Kalidasa
B. Golpa Gucha
C. Pachatantra
D. Ragas
4. Kauna-unahang Asyano na nagwagi ng Gawad Noble Prize para sa panitikan
noong 1913.
A. Rabindranath Tagore
B. Mahatma Ghandi
C. Shmuel Yosef Agnon

v
D. Omar Khayyam
5.Naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Asyano at nagbigay daan ito
upang magkabuklod-buklod ang mamamayang Asyano.
A. Musika
B. Sayaw
C. Pampalakasan
D. Panitikan

Ilang puntos ang nakuha mo sa iyong unang pagtataya? Huwag


kang mag-alala dahil ang lahat ng mga katanungan na ito ay iyong
masasagot kapag natapos mo ang modyul para sa unang markahan.
Halika na at simulan mo na ang iyong paglalakbay!

Matapos ninyong maunawaan ang pagbabago at hamong kinaharap ng


Timog at Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon. Ngayon
naman ay iyong pag-aralan ang kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at
ang pagkakakinlanlan ng kulturang Asyano batay sa mga kontribusyong ito.
Kung handa ka na sa susunod na aralin ay sagutin na ang mga nakahandang

Tuklasin

Gawain : Bag ni Lola, Maraming Nakamamangha

May inihanda akong gawain para masubukan ang iyong kaalaman.


Sana maging masaya at maunawaan mo ito.

vi
K W L S
Ano ang aking Ano ang nais Ano ang aking Ano pa ang
alam? kong malaman? natutunan? gusto kong
(What I know?) ( What I want to ( What I malaman?
know?) Learned?) ( What I still
want to know?)

SURIIN

Sa bahaging ito ng Modyul ay inaasahan, na matututuhan mo ang ang


kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at pagkakakilanlan ng kulturang
Asyano batay sa mga kontribusyon ito.
Maaari mong balikan ang iyong mga kasagutan at katanungan na iyong
nabuo sa unang bahagi ng yunit na ito upang malaman kung tama at
nasagot ang iyong mga naunang katanungan.

Marahil handa ka nang magbasa tungkol sa mga kontribusyon ng Timog at


Kanlurang Asya at ang Pagkakakilanlan ng kulturang Asyano.Naniniwala akong
mawiwili ka sa pagbabasa nito.

Kakaiba ang rehiyon ng Timog Asya na sa kabila ng impluwensiya ng mga


mananakop hindi natinag ang kulturang nabuo sa pagkakakilanlan bilang
isa sa rehiyon na mayaman sa kultura. Lumaganap ang impluwensiya ng
India sa rehiyon ng Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ang
arkitekturang Indian ay makikita sa Myanmar, Indonesia, Cambodia,Nepal,
Pakistan, Sri Lanka at Thailand.
Sa relihiyong Hinduismo, Budismo at Islam iniuugnay ang bawat gusali na
nililikha nila. May dalawang tanda ng arkitekturang Indian, ang kilalang
templong budista sa India, ang stupa , na gawa sa laryo o bato na may mga
bilugang umbok na may tulis ng tore.Dito inilalagay ang mga sagrado
atpanrelihiyong relikya at ang Taj Mahal na ipinatayo ni Shah Jahan para sa
kanyang pinakamamahal na asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa
panglabing-apat nilang anak . Ang mga obra maestro ng arkitekturang Indian
ay ang templo ng Borobudur sa Java at ang Angkor Wat sa Cambodia.

vii
Arkitektura ng Kanlurang Asya
Ang mga istruktura na itinayo ay pawang may kinalaman sa relihiyon na makikita
ito sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Timog Asya.
Ang kilalang arkitekturang Islamik ay ang Masjid o Moske. Itinuturing ito na
pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik.Ang tala ukol dito ay naglalarawang
istrukturang may minbar o pulpito at mihrab o nitso na may madetalyeng disenyo at
nagtuturo sa direksyon ng Mecca, ang banal na lungsod ng mga Muslim. Ang moske ay
napapalamutian ng marmol, mosaic, at gawang-kahoy.
May isa pang gusaling panrelihiyon ang ribat ito ay may parisukat nana hugis, ang entrada
ay napapalamutian, at sa gitna ay may patyo.Ang isa pang uri ng gusaling Islamik ay ang
Turbe(tomb) ang musoleo ng sektang Shi’ite. Ito ay may maliliit na gusali na hugis bilugan,
ang bubungan ay may turret na hugis dulo ng lapis.
PAGPIPINTANG ASYANO
Ang pagpipinta ay isang paglalarawan ng kaisipan ng tao.Ipinapahayag dito ng mga Asyano
ang kanilang damdamin.
Ang sining ng pagpipinta ng mga Indian ay may kaugnayan sarelihiyong
kinabibilangan.Madalas na huwaran sa pagpipinta ay si Gautama Buddha at ang tatlong
diyos ng mga Hindu na si Brahma, Vishnu, at si Siva.Ilan sa mga magandang larawang
ipininta ay ang mga pinta sa dingding o fresco.Matatagpuan ang mga ito sadingding ng
mga templo. Ang isa pa sa ipininta ay ang Dancing Siva at Cave of the Elephants. Kung
mapapansin ninyo mayamanang India sa pagpipinta ng mga larawan ng hayop na totoo at
likhang- isip.
Ang mga Muslim ay may magagandang dibuho. May mga kurtinang seda na
binurdahan ng sinulid na ginto. Sagana ang kapaligiran ng palasyo ng mga bulaklak.Dahil
bawal ang mga rebulto,hindi gaanong nalinang ang pagpipinta.
PANITIKAN
Maraming nagawa ang mga Asyano sa larangan ng panitikan. Mayaman ang panitikang
Asyano sa mga kwentong bayan, alamat, epiko, tula, maikling kwento at dula. Timog
Asya.Nasusulat ang wikang klasikal ng panitikang Indian saSanskrit, na
nakaimpluwensiya sa mga wika ng karatigbansa tulad ng Pilipinas, Indonesia, Sri Lanka
at Pakistan. May paniniwala na sa India nagmula ang mga sinaunang kwento.
May dalawang mahalagang epiko ang India, ang Mahabharata at Ramayana. Ang
Mahabharata ay nagsasalaysay ng pantribong digmaan samantalang ang Ramayana ay
patungkol sa buhay ni Rama, ang lalaking bida sa epiko
Si Kalidasa, ang pinakadakilang dramatista na may-akda ng Sakuntala, patungkol ito sa
pag-ibig ni Haring Dusyanta sa isang ermitanya, ang kanyang kahusayan ay maihahanay
sa mga mahuhusay ng mga Europeo tulad ni William Shakespeare.
Ang Panchatantra ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng mga pabula na
may maraming kwento ukol sa alamat, engkantada at pabula.
Si Rabindranath Tagore, isang manunulat na taga Bengal, at kaunaunahang Asyano na
nagwagi noong 1913 Gawad Nobel para sa panitikan. Kahanga-hanga ang kanyang mga
tula at kwento. Sa kanyang mga akda, hinikayat ang mga kapwa Indian na ipagmalaki ang
lahing Indian. Lahat ng kanyang akda ay naglalarawan ng kagandahan ng kalikasan at
pampulitika. Ang Gitanjali, ay isang aklat ng mga tula, Golpa Guccha, koleksyon ng mga
kwento ukol sa ordinaryong pamumuhay at dinadanas na paghihirap ng mga tao

viii
Kanlurang Asya
Ang panitikan ng rehiyon ay repleksyon ng kultura ng mga mamamayan dito. Noong 1966,
si Shmuel Yosef Agnon na taga Israel ay tumanggap ng Nobel Prize, ang kauna-unahang
Hudyo na nakatanggap sa kanyang akda na The Bridal Canopy at A Guest for the Night,
Isa pang taga Israel ang nakilala sa kanyang akda na Songs of Jerusalem and Myself si
Yehuda Anichai. Ang popular naA Thousand and One Nights na mas kilalang Arabian
Nights. Ito ay kwentong Persiano na hango sa kwentong Indian. Isinalaysay ito ng isang
magandang prinsesa na nilibang ang hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kanya. Ang
Pakikipagsapalaran ni Sinbad, ang The Tale of Alibaba and the Forty Thieves ay lubhang
makasining ang pagkasulat.Ang Rubaiyat, ay napakagandang tula na isinulat ni Omar
Khayyam.
Ang inspirasyon ng mga Arabe sa paggawa ay may kaugnayan sa relihiyong Islam na
pinaniniwalaan nila.

MUSIKA AT SAYAW
Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal sa panganganak,
pag-aasawa at kamatayan. Bagaman maraming mga bansa rito ang nasakop ng mga
Kanluranin, nananatiling buo ang tradisyong musikal ng mga Asyano dahil na rin sa
mahigpit at matibay na pundasyon nito. Sa sayaw mas binibigyang diin ng mga Asyano
ang galaw ng kamay at katawan ng tao.
Musika at Sayaw ng Indian
Mahigpit ang pagtuturo sa mga nais mag-aral ng musika. Dahil sa higpit at dedikasyon sa
pagtuturo nagbunga ito ng maraming nalikhang musika. Naniniwala ang mga Hindu na
upang makamit ang Nirvana(ganap na kaligayahan) ang pinakamadaling paraan ang
paggamit ng musika. Maraming instrumento sa musika ang ginagamit tulad ng tamburin,
plawta(vina) at tambol(maridangan). Ang sitar ang pinakabantog na instrumento na gawa
sa pinatuyong upo at maraming kwerdas. Ang ragas ay isang musika na nag-aalis ng sakit.
Mayroong tiyak na oras at panahon sa pagtugtog nito. May paniniwala ang mga
Hinduna ang ayaw sumunod sa itinakdang oras ay
mapapasapanganib ang tinutugtugan at nakikinig nito.
Mahilig ang mga Hindu sa sayaw, may paniniwala sila na ito’y libangan ng diyos nila.
Patunay nito kahit sa templo may mga babaing nakaukit na sumasayaw.
Ang Musika at Sayaw ng mga Arabe
Sa mga lungsod ng Mecca, Ukash, at Medina sa Saudi Arabia pumupunta ang mga
manunula, payaso, at musikero upang mag-aral at magpakadalubhasa sa musika.
May mga instrumento ng pangmusikal na ginagamit tulad ng mi’zafa, gussaba, mizmar, at
tambourine. Ang harpa at trumpeta ay nagmula sa Iraq. May isang sistema ng melodiya na
ginagamit ng mga unang musikerong Arabe na katulad sa Ragas ng mga Hindu. Noong
pumasok ang ika-19 na siglo, ang musikang Arabe ay impluwensiyado ng mga Europeo,
makikita ito sa kanilang martsa na gumagamit ng mga instrumentong banyaga.
Pampalakasan
Ang palakasan ay naging isang daan upang magkabuklod-buklod ang mga mamamayang
Asyano.Hindi namabilang ang mga Asyanong naging matagumpay, nakilala at hinangaan
sa iba’t-ibang palaro.Nagsilbing inspirasyon upang patuloy na magkaisa at magnais ng
kapayapaan ang lahat ng mamamayan sa Asya.Sa katunayan, ang isports ay naging
ix
bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Asyano.
Ang karamihan ng larong kilala sa buong Asya at sa daigdig ay nagmula sa India. At ang
karamihan nito ay inilalarawan sa tanyag na epikong Mahabharata na isinulat noong 800
Hindi lamang ang rehiyon ng Silangang Asya at Timog-silangang Asya ang nakilala bilang
isa sa mga orihinal na tagapagtatag ng mga natatanging palakasan nakilala rin sa iba’t
ibang bansa ang rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya.
Ang Kabaddi ay pangkatang laro. Nangangailangan ng dalawang pangkat para makakuha
ng mataas na iskor. Sa bawat pangkat ay may pitong miyembro. Ang gagawin lang ng
magkabilang pangkat ay manghuhuli ng miyembro ng katunggaling pangkat.
Ang larong chess, baraha, at martial arts tulad ng judo at karate ay nagmula sa India. Ang
baraha ang popular na laro sa mga hari at maharlika ng kahariang korte sa India.Ang judo
at karate ay mahalagang pananggalang ng mga Budista sa mapanganib na paglalakbay
patungong Japan, China, at Korea na nag-uugnay sa repleksiyong panloob ng mga Budista
sa kanilang buhay.
May ebidensiya na natagpuan sa kabihasnang Sumer noong 300 hanggang 1500 B.C.E.
Katunayan sa natagpuang tabletang luwad may naglalaro ng buno(wrestling) at boksing.
Sa panahong Biblikal ang mga tansong istatwa ay naglalaro ng buno. Sa panahon ng Ur
may mga damahan. Ang mga mayaman naging libangan ang pangangaso.Sa panahon ng
Hittite nakilala sa kagalingan sa paglangoy bilang bahagi ng pakikidigma at may taglay na
kalusugang pisikal. Ang sinaunang Israel ay kilala sa larong pampalakasan sa takbuhan at
pangingisda. Ang mga Persiano ay mahusay mangabayo.
Ang mga atletang nakilala sa Asya sa bansang Syria nanguna si Gwada Showaa sa hurdles
at high jump. Dahil sa kanyang pagkapanalo nagpista ng isang linggo ang bansang Syria.
Gayundin si Naim Suleymanoghi isang weightlifter na taga Turkey na nag-uwi ng tatlong
gintong medalya.
Mahilig sa palakasan ang mga Asyanohindi lamang para manalo at makilala sa buong
mundo kundi taglay din ang katangiang dapat mataglay ng isang kasali sa laro.

Pagyamanin

x
Isaisip

xi
Isagawa

Napakahusay! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga


gawain. Binabati kita sa iyong galing at husay sa pagsagot ng modyul.
Taglay mo na ngayon ang mga kaalaman na magagamit mo sa susunod
na modyul na iyong sasagutan.

Tayahin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Koleksiyon ng mga kwento ukol sa ordinaryong pamumuhay at dinaranas


na
paghigirap ng mga tao.

xii
A. Kalidasa
B. Golpa Gucha
C. Pachantra
D. Ragas
2. Kilalang arkitekturang Islamik na napapalamutian ng marmol, mosaic at
gawang kahoy. Itinuturing itong pinakamahalagang pagpapahayag ng sining
Islamik
A. Masjid
B. Taj Mahal
C. Turbe
D.Turret
3.Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamatanda at pinakatanyag na
koleksiyon ng mga pabula na may maraming kwento ukol sa alamat, engkantada
at pabula
A. Kalidasa
B. Golpa Gucha
C. Pachatantra
D. Ragas
4. Kauna-unahang Asyano na nagwagi ng Gawad Noble Prize para sa panitikan
noong 1913.
A. Rabindranath Tagore
A. Mahatma Ghandi
B. Shmuel Yosef Agnon
C. Omar Khayyam
5.Naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Asyano at nagbigay daan ito
upang magkabuklod-buklod ang mamamayang Asyano.
A. Musika
B. Sayaw
C. Pampalakasan
D. Panitikan

xiii
Susi ng Pagwawasto

1.B
2.B
3.C
4.C
5.C

xiv

You might also like