Fil 8 Modyul 1 Final

You might also like

You are on page 1of 21

8

Filipino

Mga Karunungang Bayan


Unang Markahan-Modyul 1
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Manunulat : Gina A. Semblante, Lea R. Flores


Tagasuri : Dr. Eugenia M. Solon
Tagaguhit : Gina A. Semblante, Lea R. Flores
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas 2020


Department of Education – Region VII - Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph
Filipino 8
Mga Karunungang Bayan
bugtong

Kwentong bayan
Alamat
Paunang Mensahe

Para sa mga Guro o facilatator:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling panitikan na tumatalakay sa kaugalian at kalagayang panlipunan
ng lugar na pinagmulan ng kuwentong batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa Unang Markahan hinggil sa Panitikan sa Panahon ng Katutubong Pilipino. Ang
modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Noon pa man ang tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng


Kanilang damdamin tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay ,
sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa. Ang
panitikan din ang nagiging daan upang mabatid ang kaugalian, tradisyon at
kultura. Mayroong iba’t ibang uri ang panitikan, isa na rito ay ang
Karunungang Bayan.
Ang Karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan na giging daan ito
sa kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo. Ito ay may kahalagahan sa
pagbasa ng panitikan. Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayan tradisyonal na
nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.

Ang Karunungang Bayan ay punong-puno ng mga magagandang - aral na siyang


nagsisilbing gabay sa ating mga ninuno sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa
kanilang panahon. https://www.youtube.com/watch?v=BF9VgvB2e4E&t=28s

Sa modyul na ito, tunghayan natin kung ano – anong kaisipan ang nakapaloob sa mga
karunungang – bayan noong unang panahon at ang mga kaugnayan nito sa mga pangyayari
sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Inaasahan sa modyul na ito ay inyong matamo ang mga sumusunod


na mga layunin:

• naibibigay ang kahulugan ng Karunungang Bayan at matutukoy ang mga uri nito
• nasusuri ang mga mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang – bayan
• nailalapat ang mga natutunang mahalangang kaisipan ng mga karunungang – bayan
sa pang araw-araw na pamumuhay

1
• naisaisip/naisasapuso ang kahalagahan ng mga kaisipang napapaloob sa mga
karunungang – bayan sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang saloobin at ideya
tungkol sa mga ito.

Naiuugnay ang mahahalagang


Aralin kaisipang nakapaloob sa mga

1 karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan

SUBUKIN
Paunang Pagtataya
Subukin ko ang Kaalaman Mo!

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang kung ang ipinapahayag ng mga pangungusap
ay wasto. Kopyahin sa inyong dyornal at doon ilagay ang inyong mga sagot.

1. May mayamang kaban na ng panitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating
ang unang bansang dayuhan.
2. Nasasalamin sa mga salawikain ang kagandahang-asal at pag-uugali ng mga
sinaunang Pilipino.
3. Mahusay tumula ang ating mga ninuno.
4. Ang bugtong at palaisipan ay ilan lamang sa libangan ng ating mga ninuno.
5. Bawat hanapbuhay o gawain ng sinaunang Pilipino ay may kaakibat na awitin.
6. May kanya-kanyang karunungang bayan ang bawat pangkat etniko ng Pilipinas.
7. Ang mga karunungang bayan ay nagpapatalas sa kaisipan ng ating mga ninuno.
8. Ang mga kwentong bayan, alamat at mga kasabihan ay mabuting hanguan ng mga
impormasyon hinggil sa matatandang-aral ng mga ninuno.
9. Ang mga karunungang bayan ay naglalarawan sa mga kultura ng mga Pilipino.

2
10. Ang mga kaisipang napapaloob sa mga karunungang bayan ng ating mga ninuno ay
nagiging gabay pa rin ng mga tao sa kasalukuyan.

BALIKAN

Matutukoy mo kaya ito?


Panuto: Batay sa iyong dating kaalaman tukuyin kung anong Karunungang- bayan ang
nasa loob ng bawat kahon. Kung ito ba ay salawikain, idyoma/sawikain, palaisipan,
kwentong bayan, bugtong, alamat, kasabihan, o awiting bayan. Isulat ang kasagutan sa
sagutang papel.

Kung hindi ukol 6. “Ang Pinagmulan ng Waling waling”


1. Hindi bubukol

Magtanim ay di-biro
2. Ang sakit ng kalingkingan 7. Maghapong nakayuko
Damdam ng buong katawan Di naman makatayo
Di naman makaupo

May katawan, walang mukha


3. 8. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli
Walang mata’y lumuluha
ng daigdig at nasa unahan ng globo.
Ano ako?
4. Huwag kang magtiwala sa, di
mo kakilala 9. Ang Kalusugan, Ay kayamanan

5. Ilaw ng tahanan 10.


Isang kahig, Isang tuka
Haligi ng tahanan

Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. Isulat ang kasagutan sa sagutang
papel.
1. Anong kaisipan ang nakapaloob sa kahon bilang 8 at 3?
2. Alin sa mga karunungang bayan ang nagbibigay ng payo o paalala?
3. Lantad ba o di – lantad ang kaisipang napapaloob sa isang salawikain at kasabihan?

3
TUKLASIN

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na kaisipan na hatid ng bawat salawikain.
Isulat ang buong salita ng iyong sagot at isulat sa dyornal.

A. Pagkakaisa D. May paninindigan G. Paggalang


B. Kaliksihan E. Katapatan H. Pagtitiyaga
C. Pagtulong F. Pagtitiis I. Paguugali
J. Kasipagan

1. Daig nang taong maagap 6. Walang matimtimang birhen


Ang taong masipag Sa santong namamalangin
2. Paano na ang damo 7. Kung ano ang itinanim
Kung patay na ang kabayo Ay Siyang aanihin
3. Ang pagsasabi ng matapa 8. Kung ano ang puno
Ay pagsasama ng maluwat Ay siya rin ang bunga
4. Magtiis munang mamaluktot 9. Ang umaayaw ay di nagwawagi
Habang makitid pa ang kumot Ang nagwawagi ay di umaayaw
5. Ang magalang na pagsagot 10. Magsama-sama’t malakas
Nakakapawi ng pagod Magwatak-watak at babagsak

4
SURIIN

Ano nga ba ang Karunungang Bayan?


Narito ang mga kahulugan ng mga Karunungang Bayan:

• Ang Karunungang Bayan ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikang


idinadaan sa pamamagitan ng pagsagot o paghuhula
• Kailangan din ng Karunungang Bayan ang malalim na pag-iisip.
Ginagamit ito bilang idyomatiko na may malalim na kahulugan kay sa
literal na kahulugan nito.
• Karunungang Bayan ay ginagamit upang mapatalas ang mga kaisipan.
Ito’y hinahango sa mga karanasan ng mga matatanda, nagbibigay ng payo
tungkol sa mga kagandahang-asal at nagbibigay ng mga paalala
(https://www.youtube.com/watch?v=BF9VgvB2e4E&t=28s)

Pag- aralan natin ang iba’t-ibang halimbawa ng Karunungang Bayan:

1. Bugtong – ay uri ng palaisipan na nasa anyong patula na binubuo ng 1 o 2


taludtod na maiikli at may sukat at tugma. Ito ay isang uri ng laro na may
kaugnayan sa pagpapahula sa isang bagay na inilalarawan.
Halimbawa ng bugtong:
Isang bayabas Munting tampipi
Pito ang butas Puno ng salapi
Sagot: mukha Sagot: Sili

2. Palaisipan – ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng


Dalawang batong itim Hiyas akong mabilog
lumulutas nito. Kadalasang
Malayo ang nararating nililikha ang mga ito bilang
Sa daliriisang uri ng libangan.
isinusuot
Mga halimbawa
Sagot: Mata ng Palaisipan: Sagot: Singsing
1. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao
ay kuto, ano naman ang gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa

5
2. Anong mayroon sa aso na miron din sa pusa na wala sa ibon ngunit
meron sa manok na dalawa sa buwaya ay kabayo at tatlo sa palaka?
Sagot: titik A
3. Si Reina ay anak ng doctor, paanong hindi ama ni Reina ang doctor?
Sagot: ina nya ang doctor

3. Salawikain – ay isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na may matulaing


katangian. Ito rin ay isang matalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda
noong unang panahon. Naglalaman ito ng mga aral karunungan o katotohanan.
Naglalayon itong mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa tamang landas
at kabutihang-asal.

Mga halimbawa ng Salawikain:

1. Kung ano ang puno, siya ang bunga


Paliwanag: Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay
tumutukoy sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.
2. Kung walang tiyaga, walang nilaga
Paliwanag: Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng
maigi.

4. Idyoma/sawikain - ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi


komposisyunal. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan
at kaugalian ng isang lugar.
Mga Halimbawa ng Idyoma/Sawikain:

1.butas ang bulsa - walang pera


2.ilaw ng tahanan – ina
3.alog na ang baba - matanda na
4.kapilas ng buhay – asawa/bana
5.bahag ang buntot – duwag

6
5. Kasabihan/Kawikaan (sayings) - ay mga matatalinong mga salita, payo, at
saloobin.
Karaniwang nanggagaling sa mga matatalino at makaranasang mga tao, sa mga
matatalinong akda at kasulatan tulad ng libro at Biblia.
Mga halimbawa ng Kasabihan:

1. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.


2. Ang taong nagigipit sa patalim man ay kumakapit.
3. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang.
4. Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.
5. May tainga ang lupa may pakpak ang balita

PAGYAMANIN

Gawain 1.1: Tinalakay sa unahan ang kahulugan ng karunungang- bayan. Isulat sa loob
ng kahon ang kahulugan nito. Magbigay ng halimbawa sa bawat uri. Isulat ang mga ito
sa maliit na kahon na nakapalibot. Gawin ito sa inyong dyornal notebook.

Karunungang Bayan

7
Gawain 1.2: Isulat sa mga talulot ng bulaklak ang mga mahahalagang kaisipan na
napapaloob sa mga karunungang- bayan ayon sa kanilang kahulugan. Gawin ito sa iyong
dyornal.

ISAISIP

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa isang
buong papel (intermediate pad):

1. Ano ang pagkakatulad ng bugtong at palaisipan? Nilalaro pa ba ito sa kasalukuyan?

Bakit?

2. Saan ito nababasa o matatagpuan ang mga bugtong at palaisipan?

8
3. Malaki ba ang naitutulong ng bugtong at palaisipan sa mga tao sa tunay na buhay sa
kasalukuyan? Sa paanong paraan?

4. Aling palaisipan ang mas nagugustohan ng mga tao, ang sinaunang panahon o
panahong kasalukuyan? Bakit?

5. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong naging damdamin habang kayo ay naglalaro
ng bugtongan at palaisipan?

6. Ano ang kaibahan ng salawikain sa kasabihan?

7. Sinasabi o naririnig nyo pa ba ang mga kasabihan sa inyong pamamahay sa


kasalukuyan?

8. Nakakatulong ba ang mga mahalagang kaisipan ng mga salawikain at kasabihan sa


inyong araw-araw na pamumuhay? Paano?

9
ISAGAWA

Gawain 1.1: Ang mga salawikain at kasabihan ay katulad din sa mga tinatawag nating
“Hugot Lines” at “Pick-up Lines” sa kasalukuyan. Gumawa ng tatlong “Pick-up Lines” at
“Hugot Lines”. Isulat o ilagay sa inyong dyornal ang inyong nagawang “Pick-up Lines” at
Hugot Lines”.
“Hugot Lines” “Pick-up Lines”

Gawain 1.2: Sa inyong dyornal, gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na sawikain
at ibigay ang kahulugan nito.

Sawikain/Idyoma Kahulugan
1. Pantay na ang paa/sumakabilang buhay
Pangungusap:

2. Bukas ang Palad


Pangungusap:
_________________________________________________________________________

3. Amoy Pinipig
Pangungusap:

4. Nagsusunog ng kilay
Pangungusap:

10
5. Kilos Pagong
Pangungusap:

TAYAHIN

Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang kasagutan sa loob ng lobo. Kopyahin ang lobo sa
inyong dyornal at doon isulat ang inyong mga sagot.

Ano ang mahalagang kaisipang hatid ng karunungang-bayan na dapat mong isaisip at


isapuso na maging gabay mo sa iyong buhay? Isulat ang sagot sa loob ng hugis. Gawin sa
inyong dyornal.

11
KARAGDAGANG- GAWAIN

Magtala ng mga ilang halimbawa ng karunungang- bayan at ang kahulugan ng


bawat isa. Lagyan ito ng mga kasagotan, paliwanag at mga larawan. Gawin ito sa inyong
dyornal notebook.

12
2
13
Isaisip Isagawa Tayahin Karagdagang
1. Iba’t iba ang Gawain
Iba’t iba
kasagutan
ang Iba’t iba ang
2. pahayagan, aklat,
komiks, cellphone, kasagutan kasagutan Iba’t iba ang
internet kasagutan
3-8. Iba’t iba ang
kasagutan
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Aklat
Gonzalez, Esperanza A. et.al. Batayang Aklat Filipino II. A. Ma. Regidor Street, Area
XI. Adriana Printing Co., Inc.1990

Enrijo, Willita A. et.al. Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa mga Mag – aaral. 21-E.
Boni Serrano Ave., Q.C. Book Media Press, Inc., Unang Edisyon, 2013
CNU Handbook.
Rebamonte, Geraldine C. M.A.Ed, et.al. Panulaang Filipino.

Internet
Google Internet Information about the lessons

Google Internet Pictures/Icons

https://brainly.ph/question/124875

https://tl.wikipedia.org/wiki/Idyoma

https://philnews.ph/2018/12/19/halimbawa-ng-salawikain-15-halimbawa-

https://philnews.ph/2018/12/14/sawikain-30-halimbawa-sawikain-kahulugan/

YouTube Video
https://www.youtube.com/watch?v=BF9VgvB2e4E&t=28s

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education: DepEd-Cebu Province


Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

You might also like