You are on page 1of 35

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3
Parabula
Unang Markahan-Modyul 3: Parabula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Pangkat na Bumubuo sa Modyul


Manunulat : Maria Isabel D. Vergar
Jennifer L. Dela Cruz
Ma. Jane C. Laborte
Catherine E. Momongan
Tagasuri : Ruel C. Arranchado
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas 2020


Department of Education- Region VII
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

ii
Filipino 10
Unang Markahan – Modyul 3
Parabula

iii
Paunang Mensahe
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Parabula.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Parabula.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

iv
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

v
Ang sumusunod ay mahahalagang paaalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Aralin
Parabula at Mga Elemento Nito

Ngayong nasa huling baitang ka na ng sekondarya, tiyak marami ka ng


dating alam sa parabula na ibig mo pang mapayaman ngayong nasa
huling antas ka na ng iyong pag-aaral.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa
modyul na ito. Hangad namin na mahasa at madaragdagan ang inyong
kaalaman sa impormasyong ibinahagi namin sa modyul na ito.

ALAMIN

Ang Aralin1 ng Modyul 4 ay tungkol sa parabula at elemento nito na ginawa at


isinulat para sa inyo. Sa pamamagitan nito tutulungan kayong mas lalo pang
mabibigyan ng mas malalim na kahulugan at maintindihan ang nais ipabatid ng isang
Parabula.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda sa
mga mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa pansariling
karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo. Mapatunayan mo rin
na sa pamamagitan ng akda ang kahirapan at pagsisikap ay ang dahilan na
makapagpapaunlad sa tao.

Sa pagtatapos ng aralin na ito inaasahan na:


1. F10PN-Ib-c-63 - Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
2. F10PB-Ib-c-63 - Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang
akda gamit ang mga ibinigay na tanong.

SUBUKIN
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. parabula. D. tula
2. Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa banal na Bibliya na maaaring
makapagbigay ng magandang aral.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

1
3. Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na
pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauh
5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
6. Ito’y mga halimbawa ng parabula MALIBAN sa isa.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Ang pagong at ang kuneho
7. Ang pabula ay __________________ ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
A. feminismo C. realistiko
B. moralistiko D. romantiko
8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong ___________ o
prosa.
A. pakanta C. realistko
B. patula D. sanaysay
9. Ang parabula ay ang mga kuwento na hinango sa ___________.
A. Bibliya C. komiks
B. magasin D. pahayagan
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito kaano-
ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa
11. Ang mga sumusunod ay elemento ng parabula, MALIBAN sa isa.
A. banghay C. tagpuan
B. pantig D. tauhan
12. Ang parabula ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa
mayamang wika ng mga ______________.
A. taga-Hilaga C. taga-Timog
B. taga- Silangan D. taga-Kanluran
13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa
piling ng ama.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa
14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.
A. Hesus C. Maria
B. Matthew D. Pedro
15. Kuwentong nagpapaalala sa atin na dapat tayong magpasalamat sa taong
tumutulong sa atin sa oras ng problema o sakuna.
A. Ang Alibughang Anak B. Ang Mabuting Samaritano
C. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Pinagaling ni Jesus ang Sampung
Ketongin

2
BALIKAN

Ang araling ito ay karagdagang kaalaman sa pag-aaral ng parabula. Ito ay


tinalakay na sa ibang baitang.
Marami sa atin ang naimpluwensiyahan na ng mga kultura at panitikang galing
sa ibang bansa. Isa na rito ang parabula na nagbigay gabay sa atin para magkaroon
tayo ng magandang-asal. Dahil dito nag-iba ng paniniwala ang mga tao, mula sa
kulturang pagbibigay alay sa mga anito para dinggin ang panalangin hanggang sa
dumating ang mga dayuhan gaya ng mga Kastila na ipinakilala ang kristiyanismo.
Dahil dito nagsimula na ang paniniwala ng Pilipino kay Kristo, at ngayon marami na
silang pinakilalang iba’t ibang uri ng panitikan. Isa na rito ang parabula na ipinapakita
ang kagandahang asal at mga aral na makakatulong sa atin para magkaroon ng
matiwasay na pamumuhay.
Ang Parabula ay sinasabing natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at
nabuhay sa mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay hango sa
salitang Griyego na parabole na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay
upang pagtularin.

TUKLASIN
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay
walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na
pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Ang katangian nito ay pagiging isang
kwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang bagay sa iba
pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni
Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Ang parabula ay realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga
parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mula
sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Halimbawa ng mga Parabula:
• Ang Alibughang Anak
• Parabula ng Sampung Dalaga
• Ang Mabuting Samaritano
• Parabula ng Nawawalang Tupa
• Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
• Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
• Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
• Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

3
ELEMENTO NG PARABULA

Apat na Elemento o Bahagi ng Parabula

1. Tauhan
• Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na
maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mambabasa.
2. Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy sa lugar
na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kuwento o may mga
pagkakataong hindi na ito nababanggit sa parabula.
3. Banghay
• Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayaring naganap sa
kuwento
4. Aral o magandang kaisipan
• Ito ang matututunan ng isang mambabasa matapos mabasa ang isang kuwento.
• Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong
isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na Bibliya
Ano ang Parabula?
• Ito ay isang kuwento na gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang
mabigyang-diin ang kahulugan.
• Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa
banal na Bibliya.
• Ang mga detalye tungkol sa mga tauhan ay nagbibigay ng malalim na
kahulugan at binibigyang - diin ang aral sa kuwento.

SURIIN
Ngayong alam mo na ang parabula at may natuklasan ka nang bagong
kaalaman ukol dito, ikaw ay handa na para sa ating talakayan.
Ang parabula ay isang salaysay na hinango sa Bibliya/Banal na Kasulatan. Nag-
lalaman ito ng magandang-aral.
Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang parabula ay binubuo ng elemento
tulad ng tauhan, tagpuan, banghay at aral o magandang kaisipan. Kinakailangan ito
upang masundan mo ang mga pangyayari sa parabula. Marami kang makukuhang
parabula sa Bibliya tulad ng Ang Alibughang Anak, Parabula ng Sampung Dalaga, Ang
Mabuting Samaritano, Parabula ng Nawawalang Tupa, Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa
Lawa, at iba pa.
Sa parabula nangangailangan ng isa o higit pang tauhan sapagkat ang isang
kuwento ay walang kabuluhan kung wala itong tauhan. Sila ang bumubuhay nito. Sila
ang gumaganap sa istorya. Hindi mabubuo ang iyong kuwento kung wala kang tauhan
na siyang maglalahad ng emosyon.

4
Ang parabula ay nangangailangan ng tagpuan kung saan dito nangyari ang
kuwento. Ang isang kuwento rin ay maaaring may isa o higit pang lugar na
pinangyarihan.
Kinakailangan din sa isang kuwento ang banghay, ito ang maayos o masinop na
daloy o pagkakasunod-sunod ng magkaugnay na pangyayari. Sa banghay ay
makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis na
galaw ng mga pangyayari. Ang simula o panimulang pangyayari ay nagpapakilala ng
tauhan, tagpuan at suliraning kakaharapin. Ang gitna ay makikita ang papataas na mga
pangyayari kung saan dito inilalahad ang lahat ng nangyayari sa kuwento. Sa bahagi
ring ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning nagpapasidhi mga
pangyayari. Pagkatapos ng mga iba’t ibang pangyayri, bahagi ng banghay ay magkaroon
ng isnag makabuluhang wakas ang kuwento.
Sa iyong binasa, ang parabula ay isang kuwento na may aral na mapupulot na
nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay. Maraming kagandahang asal ang
makukuha natin sa kuwento kung saan pwede mong magamit sa pang-araw-araw mong
pamumuhay.
Kaya bilang mga kabataan sa henerasyon ngayon, sana ay magamit at maisapuso
ninyo ang mga parabulang na basa mo. Ito ay makakatulong sa inyo bilang gabay ninyo
sa pang araw-araw na pamumuhay at sa pagdedesisyon sa sarili. Ang salita ng Diyos ay
hindi para lang kung kanino, kundi para sa lahat. Nawa’y gawin ninyo itong gabay para
sa inyong kinabukasan.

PAGYAMANIN

Basahin ang parabula sa ibaba na pinamagatang “Ang Matalinong Haring si


Solomon”. Pagkatapos sagutin ang tanong sa bawat gawain.
Ang Matalinong Haring si Solomon
1 Hari 3:3-28; 4:29-34.

Tin-edyer pa lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at


sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon.
Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: “Solomon, ano ang gusto mong ibigay ko
sa iyo?”
Sumagot si Solomon, “Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako
marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang inyong
bayan sa tamang paraan.”
Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya, “Dahil sa humingi ka ng
karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong
kaysa sinumang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at karangalan.”
Hindi nagtagal, may dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit kay
Solomon. Sabi ng isa, “Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang araw
makaraan nanganak din siya. Isang gabi, namatay ang anak niya, samantalang
natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay na sanggol.”
Sinabi ng ikalawa: “Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay sa kaniya!” Nagtalo
sila. Ano ang gagawin ni Solomon?
Nagpakuha siya ng espada at sinabi, “Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan
ang mga babae ng tigkakalahati!”

5
Ang tunay na ina ay sumigaw: “Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay
na lang ninyo sa kaniya!” Pero ang ikalawa ay nagsabi, “Sinuman sa amin ay huwag
ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.”
Kaya sinabi ni Solomon, “Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae.
Siya ang tunay na ina.” Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina ang
bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong mamatay. Nang
mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari.
Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang pagkain.
Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay. Sagana
sila.

Gawain 1: Pag-ugnayin batay sa naunawaan mong mensahe sa parabula. Ilahad ang


mga bahagi/ pangyayaring nagsasaad ng kabutihan, katotohanan at kagandahang asal.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Parabula: Ang
Matalinong
Katotohanan Haring si Kabutihan
Solomon

ISAISIP

Gawain 2: Patunayan Mo! Tingnan natin kung ano ang inyong mga natutuhan
sa aralin. Punan ng tamang salita ang patlang. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa
Banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mga
mambabasa. ____________
2. Ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento ay ____________.
3. Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan ay ___________.
4-5. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na parabole nanangangahulugang
____________ ang dalawang bagay upang ______________.
6. Ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na
pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
7. Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal
na ____________.
8. Ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento.
9. Isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang
mabigyang- diin ang kahulugan. ______________
10. Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap
ng __________.

6
ISAGAWA

Gawain 3: Pag-ugnayin ang mga Pangyayari. Maghanap ng mg pangyayari sa parabula


na pwede mong iugnay sa pangyayaring naranasan mo sa totoong buhay. Sagutan ang
tsart sa iyong kuwaderno.

Pangyayaring mula sa Parabula Pangyayaring naranasan sa


totoong buhay

TAYAHIN

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang


pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. parabula D. tula
2. Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa
banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral.
A. aral C. banghay
B. tagpuan D. tauhan
3. Ito ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring naganap
sa kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa
lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento.
A. aral C. banghay
B. tagpuan D. tauhan
7
6. Ito’y mga halimbawa ng parabula maliban sa isa.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Ang Pagong at ang Kuneho
7. Ang parabula ay __________________ ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
A. feminismo C. realistiko
B. moralistiko D. romantiko
8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong
___________ o prosa
A. pakanta C. realistiko
B. patula D. sanaysay
9. Ang mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa ___________?
A. Bibliya C. komiks
B. magazine D. pahayagan
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaanu-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa
11. Ang mga sumusunod ay elemento ng parabula, MALIBAN sa isa.
A. banghay C. tagpuan
B. pantig D. tauhan
12. Ang parabula ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay
sa mayamang wika ng mga ______________.
A. taga-Hilaga C. taga-Kanluran
B. taga-Timog D. taga-Silangan
13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa
piling ng ama.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa
14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.
A. Hesus C. Maria
B. Matthew D. Pedro
15. Kuwentong nagpapaalala sa atin na dapat tayong magpasalamat sa taong
tumutulong sa atin sa oras ng problema o sakuna.
A. Ang Alibughang Anak
B. Ang Mabuting Samaritano
C. Ang Matalinong Haring si Solomon
D. Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Binabati kita at
nasagutan mo nang
maayos ang mga
sumusunod na gawain.

8
KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 4: Suring-kaalaman: Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikang


parabula sa mga Pilipino ayon sa kanilang kaugalian, pamumuhay, kultura, at
paniniwala.

Magaling ang iyong


ipinakita sa araw na ito.
Ngayon handa ka na sa
susunod na paksang-
aralin.

9
Aralin
Panitikan: Ang Tusong Katiwala

Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol sa “Ang Tusong Katiwala”. Ang araling
iyong babasahin ay magbibigay sa iyo ng aral. Ang pagtitiwala ay mahalaga sa isang tao.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na ito.
Hangad namin na mahahasa at madadagdagan ang inyong kaalaman mula sa mga
impormasyong ibinahagi namin.

ALAMIN

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito


tutulungan ka na mas lalo pang mabigyan ng malalim na kahulugan at maintindihan
ang nais ipabatid ng parabula.
Sinasaklaw ng araling ito ang paghihinuha sa nilalaman, elemento at kakayahan
ng akdang binasa na kahit anong uri ng sitwasyon na kinakaharap natin ay madali mo
itong magamit bilang mag-aaral. Ang mga salitang/lenguwaheng ginamit ay madali lang
maintindihan ng mga mag-aaral. Ang mga leksyon ay inayos alinsunod sa tamang
pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkakasunod-sunod nito ayon sa inyong
nabasa ay maaaring magkapalit batay sa teksbuk na ginagamit natin ngayon,

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:


1. F10PT-Ib-c-62 - Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita
at ekspresyong ginamit sa akda .

Simulan natin ang


araling ito sa
pagsagot ng subukin.
Sana’y galingan mo.

SUBUKIN

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala.


A. Lukas 16:1-15 C. Lukas 19:1-15
B. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20 :1-15
10
2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya
B. mahirap D. matiwasay
4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap?
A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay
B. Ibigay ang hindi para sa iyo
C. Maging masunurin sa lahat ng oras
D. Huwag maging sakim sa kapwa
5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?
A. inilustay C. ibinigay
B. pinundar D. tinago
6. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?
A. Hesus C. David
B. Pedro D. Moises
7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita
A. mahirap C. matuwid
B. matalino D. masipag
8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?
A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang kabang trigo
B. Isandaang tapayang alak po D. Isandaang tapayang langis po
9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?
A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po
B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po
10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.
Anong ibig sabihin nito?
A. malungkot C. nagmamalaki
B. pagmamahal D. sakim
11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________.
A. amo C. bathala
B. Diyos D. siga
12. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?
A. Ang pagtitiwala
B. Gawin lahat para matuwa ang iba
C. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli
D. Wag maging sakim
13. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.

11
14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
A. mapagbigay C. masipag
B. maunawain D. sakim
15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti.”
A. buhay C. kayamanan
B. katawan D. utak

Magaling! Ngayon,
simulan na natin ang
paksang-aralin sa
araw na ito.

BALIKAN

Sa nakaraang paksang-aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabula at ang


mga elemento na napapaloob sa parabula.

Ang parabula ay isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora


upang mabigyang diin ang kahulugan.
Ang mga halimbawa ng mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na
Bibliya. Tinalakay din natin ang iba’t ibang elemento ng parabula. Ito ay ang mga
sumusunod: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Aral o magandang kaisipan.

TUKLASIN

Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais kong bigyan
mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na
tanong: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang
pampanitikan?

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.
Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa
iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
12
tungkulin. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng
aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman
akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay
may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan!”
Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una,
“Magkano ang utang mo sa aking amo?” Sumagot ito, “Isandaang tapayang langis po.”
“Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong
limampu,” sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw, gaano ang utang
mo?” Sumagot ito, “Isandaang kabang trigo po.” “Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang,” sabi niya. “Isulat mo, walumpu.” Pinuri ng amo ang tusong katiwala
dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas
mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng
mundong ito.
At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo
ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang
kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. Ang
mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay,
ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya kung
hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang
magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan
sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” “Walang
aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan. “Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim
sila sa salapi.Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap
ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang
itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

SURIIN

Ang pagtitiwala ang isa sa pinakamahirap na mawala sa isang tao. Kapag ito ay
mawala hindi ka na sigurado kung pagkakatiwalaan ka niyang muli.
Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na huwag maging manloloko.
Ang kanyang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil dito ay
pinagdudahan siya ng kanyang amo.
Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga apostol at sa atin na kailangan gamitin natin
ang ating kayamanan sa tama. Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig
ipahatid ni Hesus na ang tao ay mas madaling gawin ang makamundong gawain kaysa
sumunod sa utos ng Diyos. Mahirap kasi maging totoo kaysa magsinungaling. Minsan
din madali natin mabubulag ang mga taong sa atin ay may tiwala.
Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa dalawang amo. Dahil ang isa ay
pupurihan niya at ang isa ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi pwedeng
pagsabayin ang dalawa. Ang salapi at pagsisilbi sa Panginoon. Minsan kasi ang tao ay
mas gusto pang kumita ng pera kaysa pumunta sa simbahan.
Kapag panahon na ng pagpunta sa simbahan, marami na tayong ginagawa. Nasisilaw
tayo sa pera kaya minsan nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos. Sa panahon ngayon
mas nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil ang iba ay abala sa
13
pagpapalago ng kanilang negosyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa oras ng
kagipitan lamang tayo tumatawag sa Panginoon.
Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin natin nang maayos ang
desisyon na ating gagawin dahil nasa huli ang pagsisi.

PAGYAMANIN

GAWAIN 1: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda sa pamamagitan ng pag-


iisa-isa sa mga salita at ekspresyong ginamit sa parabula.

Nagustuhan Hindi Nagustuhan Natutuhan

ISAISIP

Gawain 3: Pangkalahatang Kaalaman sa Aralin 2: Ibuod ang natutuhan sa


parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Isulat ito sa sagutang papel.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________

14
ISAGAWA

GAWAIN 4: Iba Ka: Ilahad ang nilalaman, elemento at kakayahan ng


parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Gamitin ang grapikong
presentasyon.

Kakayahan

Parabulang
“Ang Tusong
Katiwala”

Elemento
Nilalaman

Binabati kita at
nasagutan mo nang
maayos ang mga
tanong.

TAYAHIN

Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala?


A. Lukas 16:1-15 C. Lukas 19:1-15
B. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20 :1-15
15
2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya
B. mahirap D. matiwasay
4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap.
A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay
B. Ibigay ang hindi para sa iyo
C. Maging masunurin sa lahat ng oras
D. Huwag maging sakim sa kapwa
5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?
A. inilustay C. ibinigay
B. pinundar D. tinago
6. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?
A. Hesus C. David
B. Pedro D. Moises
7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita
A. mahirap C. matuwid
B. matalino D. masipag
8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?
A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang kabang trigo
B. Isandaang tapayang alak po D. Isandaang tapayang langis po
9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?
A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po
B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po
10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.”
Anong ibig sabihin nito?
A. malungkot C. nagmamalaki
B. pagmamahal D. sakim
11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________.
A. amo C. bathala
B. Diyos D. siga
12. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?
A. Ang pagtitiwala
B. Gawin lahat para matuwa ang iba
C. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli
D. Wag maging sakim
13. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.
14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
A. mapagbigay B. masipag
C. maunawain D. sakim
16
15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti.”
A. buhay C. kayamanan
B. katawan D. utak

KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 5: Ilarawan Mo: Para sa iyo, ano-ano ang katangian ng parabulang “Ang
Tusong Katiwala”? Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa loob ng hugis-puso at
ipaliwanag kung bakit ito ang katangiang dapat niyang taglayin.

Ipaliwanag: _________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Binabati kita at
natapos mong sagutan
ang gawain sa araw na
ito!

Aralin
Pagsasalaysay at Pang-ugnay

Ngayong maliwanag na sa iyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa “Ang


Tusong Katiwala” maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na aralin.

17
ALAMIN

Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito,


tutulungan kang mas maintindihan at magagamit ang berbal at di-berbal na estratehiya
ng pagpapahayag.
Sinasaklaw ng araling ito ang tungkol sa pagsasalaysay.

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:

1. F10WG-Ib-c-58 - Nagagamit ang angkop na mga piling pangugnay sa


pagsasalaysay (pagsismula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas).

Simulan natin ang


ikatlong aralin.
Basahin at unawain
ang araling ito.

SUBUKIN

Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong
kwaderno.

1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari


A. pandiwa C. pang-ugnay
B. pang-abay D. pangatnig
2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _______,
karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. dahil sa C. tiyak
B. kung gayon D. tuloy
Para sa bilang 3-4

1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae


sa kanyang natuklasan!
2. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang
manok
hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang
kawawang manok.
3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke
4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang
pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

18
3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.
A. 3124 C. 4312
B. 1432 D. 2341
4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-
sunod?
A. pangungusap 1 C. pangungusap 2
B. pangungusap 3 D. pangungusap 4
5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang
kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay?
A. Ganoon din C. Nang dahil sa
B. Kung ganoon D. Sapagkat
6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. matapobre D. sakim
7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano
ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap.
A. Dahil sa C. Ganoon din
B. Kung ganoon D. Sapagkat
8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto!. Anong damdamin ang nangibabaw sa babae
A. gulat C. lungkot
B. panibugho D. tuwa
9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.
A. dahil sa C. saka
B. kung kaya’t D. tuloy
10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?
A. ginto C. pilak
B. pula D. tanso
11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.
Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap
A. Ganoonpaman C. Kung ganoon
B. Ngunit D. Sapagkat
12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino,
tinatawag na pang-ugnay
A. Adjective C. independent clause
B. Cohesive device D. preposition
13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.
___________ mas lalo pa siyang nawalan.
A. at gayon C. dahil sa
B. saka D. sapagkat
14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya
B. magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya
15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.
A. at gayon B. dahil sa
C. nito D. sapagkat

19
BALIKAN

Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabula Ang Tusong


Katiwala. Nalaman din natin kung gaano kahalaga ang pagtitiwala.
Tinalakay din natin dapat gamitin sa mabuti ang kayamanan na ating makukuha. Wag
baliwalain kung anuman ang meron tayo, wag mag papadala sa pagiging sakim sa pera.
Hindi natin kayang magsilbi sa dalawang panginoon sapagkat kailangan natin pumili
kung kanino tayo magiging tapat.

TUKLASIN

Gawain1: Alam-Nais-Natutuhan
Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang hinihiling
na sagot sa sumusunod:

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa parabula at angkop na gamit ng


pang-ugnay na salita?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa parabula at angkop na
gamit ng pang-ugnay na salita?
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa parabula at
angkop na gamit ng pang-ugnay na salita?
(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa parabula at apangkop na pang-
ugnay).

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan

a. Parabula a. Parabula a. Parabula


_____________ _____________ _____________
b. Angkop na pang- b. Angkop na pang- b. Angkop na pang-
ugnay ugnay ugnay
_____________ _____________ _____________

SURIIN

Ang Manok at ang Gintong Itlog


May isang babaeng nakabili ng buhay na manok sa palengke. Nang ito ay
kanyang inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito sapagkat
ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan.
Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! Ngunit ang manok ay minsan lang
20
sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa karangyaang
pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok. Upang
makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay
mas dadalas ang pangingitlog nito.
Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang
sa ito’y mabundat.Dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-sisi ang
babae sa kanyang ginawa. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay
namatay. At ngayon, mas lalo pa siyang nawalan.

Mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay


Gumamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay upang madagdagan o di - kaya ay
mapag-iisa ang pangyayari o mga impormasyon.
Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng
pangyayari
Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang
diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya
sa mga kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita.
Sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang
mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali
ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pangugnay
na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol
dito upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay
upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.

Alam mo ba na...
ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit
ang pang-ugnay na at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito
ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

ISAISIP

Gawain 2: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin


sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1. (Noong ito’y, At nang
ito’y) kanyang inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito.
2.(Sapagkat, Dahil) ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa
21
kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! 3(Gayun
pa man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi
naglaon, 4. (hindi na, kaya’t) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang
minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok.
5. (Upang, Nang) makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang
pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.6. (Dahil sa, Ganoon) nga
ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y
mabundat. 7.(At dahil dito dahil sa), namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-
sisi ang babae sa kanyang ginawa. Nang 8. (dahil sa, kaya’t) kanyang kasuwapangan,
ang manok ay namatay. 9. (Kaya, Upang) mas lalo pa siyang nawalan.

PAGYAMANIN

GAWAIN 2: Unawain mo! Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Ano ang paksa ng parabulang binasa?


2. Bakit kaya pinakain nang pinakain ng babae ang manok? Sa anong kadahilanan?
3. Ano ang mahahalagang natutunan ng babae matapos mamatay ang manok?
4. Magbigay ng iyong reaksiyon sa ginawa ng babae. Anong aral ang nakuha mo sa
binasang parabula. Magbigay ng isang pangyayaring nahalintulad sa parabula.
5. Masasalamin ba sa binasang parabula ang kultura at kaugalian ng ating bansa?
Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?

ISAGAWA

Gawain 4: Pumili ng isang paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o


pangyayari. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsulat.
Mga Paksang Pagpipilian:

EDUKASYON PANGARAP

PAMILYA PROPESYON

Binabati kita at
nasagutan mo ng
maayos ang mga
tanong.

22
TAYAHIN

Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong
kwaderno.

1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari


A. pandiwa C. pang-ugnay
B. pang-abay D. pangatnig
2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _____,
karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. dahil sa C. tiyak
B. kung gayon D. tuloy
Para sa bilang 3-4
1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa
kanyang natuklasan!
2. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang
manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang
kawawang manok.
3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke
4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang
pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.


A. 3124 C. 4312
B. 1432 D. 2341
4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-
sunod?
A. pangungusap 1 C. pangungusap 2
B. pangungusap 3 D. pangungusap 4
5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang
kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay.
A. Ganoon din C. Nang dahil sa
B. Kung ganoon D. Sapagkat
6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. matapobre D. sakim
7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano
ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap?
A. Dahil sa C. Ganoon din
B. Kung ganoon D. Sapagkat
8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto! Anong damdamin ang nangibabaw sa babae?
A. gulat C. lungkot
B. panibugho D. tuwa
23
9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.
A. dahil sa C. saka
B. kung kaya’t D. tuloy
10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?
A. ginto C. pilak
B. pula D. tanso
11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.
Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap
A. Ganoonpaman C. Kung ganoon
B. Ngunit D. Sapagkat
12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino,
tinatawag na pang-ugnay
A. Adjective C. independent clause
B. Cohesive device D. preposition
13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.
___________ mas lalo pa siyang nawalan.
A. at gayon C. dahil sa
B. saka D. sapagkat
14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya B.
magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya
15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.
A. at gayon C. nito
B. dahil sa D. sapagkat

KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 5: Pumili ng isang paksang nasa talahanayan at sumulat ng


paliwanag hinggil dito gamit ang mga pang-ugnay.

Child Labor tumaas ang bilang Maagang Epekto ng pagdating COVID 19


Pag-aasawa

Bullying Act sa Paaralan Maagang Paggamit ng Gadgets bilang


Pinatupad Pagbubuntis alternatibo sa pag-aaral

24
Rubriks sa Malikhaing Pagsulat

Kailangan
Mga Napakahusay Mahusay Katamtaman pang
Pamantayan 20-16 15-11 10-6
pagbutihin
5-1
Angkop ang Angkop ang Angkop ang Hindi angkop
napiling paksa o napiling paksa o napiling paksa ang paksa,
tema ng mito. tema at o tema, hindi hindi maayos
Nilalaman/ Napakahusay ang mahusay ang masyadong at malinaw ang
Paksa pagkakabuo at pagkakabuo ng maayos at pagkakabuo at
wasto ang gamit mito at wasto malinaw ang gamit ng pang-
ng pang-ugnay. ang gamit ng pagkakabuo at ugnay
pang-ugnay gamit ng pang-
ugnay.

Pinakamalinaw Malinaw ang Hindi gaanong Hindi angkop


ang pagkakalahad pagkakalahad angkop ang ang
Pagkakalahad ng ideya at ng ideya at pagkakalahad pagkakalahad
ng ideya angkop ang angkop ang at ideya sa at ideya sa
ginamit na pang- ginamit na gamit ng pang- gamit ng pang-
ugnay. pang-ugnay. ugnay ugnay

Napakahusay ang Mahusay ang Di-masyadong Kakikitaan ng


gamit ng mga gamit ng mga mahusay ang maraming mali
Gamit ng
salita sa salita sa paggamit ng sa paggamit ng
mga salita
pangungusap pangungusap mga salita sa mga salita sa
pangungusap pangungusap.

25
SUSI SA PAGWAWASTO

26
27
28
Sanggunian

Ambat, Vilma C. et al."Panitikang Pandaigdig 10”. Modyul sa Filipino 10, edited by


Florentina S. Grospe, 44-55. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015

Marasigan, Emily V. et al. “Pinagyamang Puma 10”. Aklat 1, 73-95. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2015

https://www.jw.org/tl/library/aklat/bible-stories/bahagi-4-mula-sa-unang-hari-ng-
israel-hanggang-sa-pagkabihag-sa-babilonya/kuwento-63-ang-matalinong-haring-
si-solomon/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Tusong_Katiwala

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education: DepEd-Cebu Province


Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

29

You might also like