You are on page 1of 23

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Sosyo-kultural at Politikal na
Pamumuhay ng mga Pilipino
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Sosyo-kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga
Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Paaralang Panglungsod ng


Lungsod Quezon, Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jenny B. Beltejar
Editor: Myrna C. Bermas
Tagasuri: Lor Ever S. Digan, Alda B. Nabor
Tagaguhit : ALAN A. LUCAS, RYAN CHRISTOPHER M. VILLALON
Tagalapat : BRIAN SPENCER B. REYES
Tagapamahala : JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
JUAN C. OBIERNA, Chief, CID
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
EDERLINA BALEÑA – EPS – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office – Quezon City


Quezon City Local Government Unit
Department of Education
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Sosyo-kultural at Politikal na
Pamumuhay ng mga Pilipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sosyo-kultural at Politikal na
Pamumuhay ng mga Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

WHAT I Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Sosyo-kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

i
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

ii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

iii
Alamin
Magandang araw mga bata! Kamusta ang inyong araw?

Sa module na ito ay matutunan natin ang mga kaalaman sa sosyo-kultural


at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pre-kolonyal.

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na iyong:


1. Mailalarawan ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay
ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal;
2. maiisa-isa ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng
mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal;
3. mapaghahambing ang sosyo-kultural at politikal na
pamumuhay noon at ngayon;
4. makalilikha ng isang liham pasasalamat tungkol sa sosyo-
kultural at politikal na pamumuhay noon at ngayon;
5. mapahahalagahan ang mga sosyo-kultural at politikal noon
sa kasalukyang pamumuhay.
Excited na ba kayong matutunan ang ukol sa sosyo-kultural at politikal na
pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal?

Subukin

A. Panuto: Iugnay ang mga salita sa Hanay A sa mga konsepto sa Hanay


B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.
Hanay A Hanay B

1. Isa ito sa pamamaraang nakagawian ng mga


sinaunang Filipino upang mapreserba ang labi
A. Ritwal
ng isang yumao sa buhay.
2. Halimbawa nito ang 12 yugtong ritual na
B. Mummification
isinasagawa ng mga Igorot
sa pagtatanim at pag-aani ng palay.
3. Isinasagawa ito bago umpisahan ang isang C. Animistiko

gawain tulad ng pagpapatayo ng tahanan.


4. Tawag sa mga ginto o gawa sa mga mamahaling D. Pagdiriwang

batong isinusuot ng mga Filipino


E. Palamuti

1
5. Isinasagawa ito ng mga sinaunang Filipino
bilang paraan ng kanilang pagsama-sama at gawain.

B. Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali


kung hindi. Isulat sa papel ang iyong sagot.
________6. Ang sultan ang pinakapunong namumuno sa lahat na sakop ng
sultanato.
________7. Ang tagapagbalita ng batas sa isang barangay ay tinatawag na
umalohokan.
________8. Ang datu ang siyang alipin sa isang barangay.
________9. Ang maykapangyarihang magpasya at magbihagy ng hatol ay ang
datu sa isang barangay.
________10. May sarili ng paraan ng paglilitis at paghahatol an gating mga
sinaunang Filipino bago paman dumating ang mga mananakop.

Aralin
Sosyo-Kultural at Politikal na

6 Pamumuhay ng mga Filipino sa


Panahong Pre-Kolonyal

Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay taglay na ng mga sinaunang


Filipino ang sariling pamaraan ng pagsamba, pagbabatok, paglilibing, paggawa ng
bangka, pagpapalamuti at pagdaraos ng pagdiriwang na mas kilala sa tinatawag na
sosyo-kultural. Gayundin naman may sarili ng pamahalaan (politikal) at kung paano
ito pinapatakbo, pagbabatas, paglilitis at kung sino-sino ang bumubuo nito. Atin
itong alamin!

2
Balikan

Naalala niyo pa ba nag mga teorya ng pinagmulan ng lahing Filipino?


Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot ng mga katanugan sa ibaba.

Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang pahayag na may
kaugnayan sa mga sinaunang Filipino. Pumili ng kasagutan sa loob ng kahon sa
ibaba. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

kultura nakipagkalakalan nagpasalin-salin paniniwala pag-usbong

1. Ang mga sinaunang Filipino ay ______________ sa mga taga-India,


Indonesia, China at sa mga Arab.
2. Nabuo ang kultura ng mga Filipino at ito ay ______________ upang
mapayabong ito.
3. Makulay ang _____________ na naging bahagi ng pagiging Filipino .
4. Ang paraan ng pananamit noon ay nabago sa ___________ ng
kabihasnan ng ating mga ninuno.
5. May sarili ng _____________ ang ating mga ninuno bago paman
dumating ang mga mananakop na Espanyol sa ating bansa.

Tuklasin

Maraming natatanging kaugalian ang mga sinaunang Filipino.


Ilan dito ay ang mga sumusunod:

Pagsamba

Naniniwala ang mga sinaunang Filipino sa mga espiritong nanahan sa kapaligiran.


Tinatawag itong anito- sa Tagalog at diwata - sa mga Bisaya.

Animismo- sinaunang paniniwala na ang mga bagay sa kalikasan tulad ng araw,


bundok, at ilog ay tirahan ng kanilang mga yumao.

3
Ritwal –isinasagawa bago umpisahan ang isang gawain tulad ng pagpapatayo ng
tahanan, pagtatanim,at paglalakbay kasabay nito ang paghingi ng pahintulot at
gabay mula sa espirito ng kalikasan. Ang rituwal ay pinangungunahan ng mga
Katalonan (sa Tagalog) Babaylan (sa mga Bisaya) na silang tagapamagitan sa
mundo ng tao at mundo ng diyos at yumao.

Animistiko-ang halimbawa nito ay ang 12 ritual na isinasagawa ng mga


Igorot sa pagtatanim at pag-aani ng palay. Isinasagawa ito ng mumbaki-ang
tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot.

May iba pang paniniwala ang mga sinaunang Filipino noon tulad sa
kakayahan at kapangyarihang taglay ng ilang piling tao na maaring magbigay
o mag-alis ng sumpa sa kaaway o nakapanakit sa kapwa tulad ng
mangkukulam, manggagaway, aswang, alakawat, barangan,at dolondongan
ng mga Bisaya.

Dagdag pa dito naniniwala din sila na nagbibigay ang kalikasan ng mga


babala, palatandaan at pangitain sa mga maaring mangyari sa hinaharap.

Paglilibing

Isinasagwa din nila ang mummification ito ay isang proseso kung saan
maaaring mapreserba ang katawan ng isang bangkay. Linilinis, linalangisan
at binabalot ng magarang kasuotan.

Pinababunan din nila ito ng mga kasangkapan tulad ng seramika at mga


palamuti upang may magamit ang mga ito sa kabilang buhay.

May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang Filipino.Una,


inililibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan.
Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango ito at isinisilid sa loob ng banga.

Pagpapalamuti at Pananamit

Kanggan –pantaas na damit na ang kulay ay batay sa katayuan sa


lipunan.Pula para sa datu at asul sa mababa ang katayuan sa lipunan.
Bahag-pang-ibabang kasuotan
Putong –pinangbabalot sa kanilang ulo sumasalalmin din ito sa katayuan
ayon sa kulay.
Baro- ang pang-itaas na damit sa kababaihan

4
Saya-pang-ibabang suot ito ay maluwag na palda (Patadyong naman sa
Bisaya)
Tapis- telang karaniwang ibinabalot sa beywang

Palamuti

Mahilig silang magsuot ng mga palamuti at kadalasang yari ito sag into

Pomaras- isang alahas na hugis rosas na polseras

Ganbanes- gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti.

Hikaw-nagsusuot ang mga kalalkihan mula dalawa hanggang apat na pares


sa tainga.

Naglalagay din sila ng tato at mga permamenteng disenyo at marka sa balat


at tinawag itong pintados. Ang iba naman ay naglalagay din ng ginto sa
ngipin.

Pagdaraos ng Pagdiriwang

Sa pagtatanim at pag-aani ay nagkakaroon ng pagdiriwang na sinasalinan ng


iba’t-ibang sayawan na mga instromentong gangsa-tansong gong,tambuli-
pinapatugtog na yari sa sungay ng kalabaw.Meron din silang awit sa sayaw
para sa iba’t-ibang pagdiriwang .Sa pamamagitan ng dallot-isang mahabang
berso na binibigkas ng paawit-isang harana ng mga Ilokano sa kanilang
iniirog.Katumbas ito ng ayeg-klu ng mga Igorot.

Pagdidiwata-isang sayaw ng pasasalamat para sa magandang ani, ng mga


Tagbanwa sa Palawan.

Pamulad Isda- sayaw ng pagpapatuyo ng isda ng mga taga Negros at Salidsid


sayaw ng panliligaw ng mga taga –Negros.

Pamumuno, Paggawa at Pagpapatupad ng Batas

5
Kilalanin natin kahulugan ng mga salita
• batas - alituntunin ng kagandahang-asal o pamantayang kinikilala
at sinusunod sa isang komunidad na ipinatutupad ng mga
namumuno rito
• teritoryo - lawak ng lupang pag-aari ng isang pamahalaan o
mamamayan
• tagapagpatupad - kapangyarihan ng pinunong ipatupad o ipagawa
sa mga mamamayan ang mga nagawang batas
• tagapagbatas - kapangyarihan ng pinunong gumawa o lumikha ng
batas na makatutulong sa kaunlaran at kapayapaan ng pamayanan
• tagahukom – kapangyarihan ng pinunong maglitis o humatol sa
sinumang nasasakupang lumabag o nagkasala sa batas

Ang bawat pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya na


pinamumunuan ng isang datu o raja ay tinatawag na barangay. Ito ang
batayang yunit ng pamahalaan ng ating mga ninuno. Ang salitang barangay
ay hango sa salitang Malayo-Polynesian na “balanghay” (balanghai) na
nangangahulugang “bangka”. Isang sasakyang-pandagat na ginagamit ng
mga sinaunang Pilipinong nanirahan sa kapatagan. May paniniwalang sa
mga bangkang ito sumakay ang mga unang taong nakarating sa ating
bansa.
Nagkaroon ng barangay isang yunit pampolitika sa isang lipunan.
inamumunuan ito ng isang Datu. Ang datu ang siyang kinikilalang
pinakamalakas,pinaka- makpangyarihan at pinakamayamang lalaki sa

lipunan noon.Siya ay may tungkuling magpatupad ng mga batas at


ipagtanggol ang mga kabarangay.Sultan naman ang sa mga muslim.

Ang mga karapatan ng mga Datu ay:

1. Makapamili ng kanilang hanapbuhay


2. Makapamili ng kanilang mapapangasawa
3. Mag-angkin ng mga lupa
4. Ipagtanggol ang sarili kung sila ay nahaharap sa kaso laban sa
kanila

Ang batas ay maaaring nasusulat o nagpasalin - salin lamang sa


bibig ng mga tao mula sa mga naunang henerasyon. Ang mga nasusulat na
batas ay ginagawa ng datu sa tulong ngisang konseho ng mga nakatatanda.
Ang umalohokan o taga-pagbalita ay lumilibot sa buong barangay upang

6
maiparating sa mga tao ang isang bagong batas na napagtibay. Ang isa sa
mga batas na nasulat ay ang Luwaran ng mga Muslim. Ang mga hindi
naman nasusulat ay karaniwang bunga ng tradisyon at kaugaliang
mahigpit na ipinatutupad sa barangay.
Napakahalaga ng batas sa pag-uugnayan ng ating mga ninuno noon
sapagkat dito umiikot ang buhay ng mga tao.

Ang Pamahalaang Sultanato

Ang pamahalaang sultanato ay pamahalaan ng mga Muslim na binubuo ng


10 hanggang 12 nayon o higit pa. Ito ay pinamumunuan ng isang sultan na
nagsisilbi ring tagapagbatas, tagapagpaganap, tagahukom, at tagapanguna
sa gawaing-panrelihiyon katulong ang konseho ng estadong kung tawagin ay
Ruma Bichara. Ang pamahalaang sultanato ay higit na matatag at
sentralisado dahil napagbuklod-buklod nito ang hiwa-hiwalay na mga lugar
sa Mindanao.
Sistemang Pangkatarungan
Ang datu ang nagbibigay ng hatol sa mga nagkakasalng kasapi ng barangay.
Dumaraan ito sa proseso at paglitis sa harap ng madla. Sa mga sandaling
mahirap ang magpasya dumaraan ang isang akusado sa isang pagsubok sa
paniniwalang kakatigan ng diyos ang walang sala at paparusahanng diyos
ang salarin.

Suriin

Upang alamin kung may nauunawaan kayo sa inyong binasang talata.


Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong
sagot.

1. Paano mailalarawan ang socio-kultural ng mga sinaunang Filipino?


2. Anong mga kultura ng sinaunang Filipino ang pumukaw sa iyong
atensyon at damdamin?
3. Ano ang isinasalamin ng kasuotan nila ng mga sinaunang Filipino?
4. Patuloy pa bang isinasagawa sa makabagong panahon ang
pamamaraan ng kanilang paglilibing?
5. Paano nila pinapalamutian ang kanilang sarili?
6. Paano nila ipinagdiriwang ang kanilang mga sinaunang pagdiriwang.
May pagka-kaiba ba ito sa ngayon?
7. Ano-ano ang mga sinaunang paniniwala ng ating mga ninuno?
Kahalintulad ba ito ng iyong pananampalataya?

7
8. Alin naman sa mga sinaunang socio-kultural ng mga Filipino ang
patuloy na nakikita sa inyong tahanan, komunidad at iba’t-ibang
bahagi ng ating bansa?
9. Sa iyong palagay makatarungan ba ang kanilang pamamaraan ng
kanilang paghahatol?
10. Ano-ano ang sinasalamain ng mga socio-kultural na kaugalian ng mga
sinaunang Filipino?
11. Anong masasabi mo sa uri ng batas ang ating mga ninuno?
12. Maibibigay mo ba ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga batas na
isinulat noon sa ating mga batas sa kasalukuyan?
13. Sa iyong palagay, ano ba ang kahalagahan ng batas sa pag- uugnayan
ng ating mga ninuno noon?
14. Ano ba ang maaaring mangyari sa isang pamahalaang walang batas na
pinaiiral? Ipaliwanag.

Pagyamanin

Gawain 1

Uriin ang mga sumusunod batay sa kanilang aspeto ng kultura. Ilagay ang sagot sa
papel.

Pagbabatas
Pagdiriwang
Pagsamba

Bangibang
Kangan
Anito
Putong
Mumbaki
Mummification
Pagbibihis sa yumao
Babaylan
Pomaras
Pananamit at Palamuti Pagdiwata Paglilibing
Salidsid
Lupon
Datu
Umaholohokan
8
Dallot
Gawain 2

Punan ng tamang letra ang kahon upang mabuo ang konseptong hinahanap. Gawing
gabay ang paglalarawan sa bawat bilang. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

1. Isang sayaw na pasasalamat para sa magandang ani ng mga Tagbanwa


sa Palawan

2.Palamuti sa katawan na tanda ng katapangan.

3.Tawag sa espiritong nanahan sa kalikasan

4. Katutubong puno ng tato sa katawan.

5. Isang suot na pantaas na damit ng mga kalalakihan.

Gawain 3

Kilalanin ang tinutukoy sa bawat paglalarawan. Gamitin ang mga ginulong


letra upang mahanap ang sagot. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

KNGAANG 1. Ibinabalot ito sa ulo na sumasalamin sa katangian ng


may suot nito.
POLUN
2. Nagsisilbing tagapayo ng datu sa paglilitis sa barangay.
NITOA 3. espiritong Nananhan sa kanilang kapaligiran.

ARANGAYAB
4. Salitang halaw sa balangay na tumutukoy sa sasakyang
pandagat.
OPRASMA 5. Palamuting alahas na hugis rosas.

9
Gawain 4

Bilugan ang salitang hindi kabilang sa pangkat. Pagkatapos ay ipaliwanag


kung bakit ito naiiba. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

1. Pagdiwata,Pamulad Isda, Umalohokan, Bangibang


__________________________________________________________
2. Mumbaki,animismo,Kabunyian,patadyong,dalondongan,
__________________________________________________________
3. Manunggul Jar,mummification,paglibing sa lupa,Babaylan
__________________________________________________________

4. Datu,Umalohokan,pintados,lupon,saksi,sultan
_________________________________________________________

5. Kangan,patadyong,aswang,ganbanes, bahag,baro, saya

Isaisip

Marahil ay marami ka nang natutunan sa ating aralin patungkol sa


sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Filipino. Ngayon ay ating
buuin ang mga konsepto: Ilagay sa papel ang iyong sagot.

Bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa ay


may matatag ng sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ang mga
sinaunang Filipino .Sa sosyo-kultural na pamumuhay ay may sarili na
silang paraan ng pagsamba at paniniwala kabilang dito ang
________________ paniniwalang sa kalikasan, naniniwala rin sila sa
mangkukulam,_________________ at iba pang ritwal, gayundin ang paraan
ng kanilang paglilibing na kung saan isinasagawa ang _________________
upang mapatagal ang labi ng isang yumao, gayundin sa paggawa ng
Bangka. Nagkaroon narin ng sariling paraan ng pagpapalamuti at

10
_______________ na siyang ginagamit na pagkilala sa estado ng buhay ng
isang tao.Sa kanilang paraan ng pagdiriwang ay sumasalamin ang
makukulay na tradisyon at musika.At ng lumaon naitatag na nila ang
kanilang ______________________ na tumutukoy sa isang lupon o sangay na
namumuno at humahawak ng kapangyarihang politika para sa mga
kasapi.Pinamumunuan ito ng ________________ o _________________ sa
isang barangay.Nagkaroon na din ng sistemang pangkatarungan ang
bawat barangay. __________________ ang tawag sa nagbibigay- alam sa
isang pagtitipon.

Isagawa

Gawain 1
Ipagpalagay mo na ikaw ay isang newscaster. Sumulat ng isang report na
ibabalita sa telebisyon. Ang paksa ay tungkol sa “Sistemang Pangkatarungan
Noon at Ngayon. Ilagay ito sa papel.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________

Gawain 2

Punan ang ikalawang hanay ng tsart ng mga datos mula sa aralin.


Paghambingin ang kasalukyang kultura at politika noon sa ngayon. Ilagay
ito sa papel.

11
Aspeto ng Kultura at NOON NGAYON
Politika

Paniniwala/Relihiyon

Paraan ng Pagsamba

Pglilibing

Pananamit

Palamuti sa Katawan

Uri ng Pamahalaan

Pamumuno

Paraan ng Paglilitis
Gawain 3

Ang pagpapatupad ng mga batas ay hindi isang madaling gawain.


Maraming suliranin ang kinakaharap ng isang lider o lipunan sa
pagpapatupad nito. Sa pamamagitan ng PECS ay sagutin sa abot ng iyong
makakaya ang problemang nakalahad sa ibaba. Ilagay ang sagot sa papel.

Suliranin Sanhi Bunga Solusyon


(Problem) (Cause) (Effect) (Solution)

Hindi pantay ang pagtingin sa


mamamayan at mahihirap sa
pagpapatupad ng batas.

12
Gawain 4
Isulat ang B kung ang pahayag ay tumutukoy sa pamahalaang
barangay at S kung sa pamahalaang sultanato. Isulat ang sagot sa
papel.

_____ 1. Ang matatanda ay katu-katulong sa pagpapasya ng pinuno.


_____ 2. Binubuo ito ng 30 hanggang 100 pamilya.
_____ 3. Binubuo ito ng 10 hanggang 12 nayon o higit pa.
_____ 4. Hinango sa salitang Malayo ang pangalan ng sistemang ito.
_____ 5. Isa sa mga tungkulin ng pinuno rito ang pananalangin sa
moske at ang pagbasa ng Koran.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
1. Sino ang naghahatid ng bagong batas sa pamayanan?
A. umalohokan C. konseho ng mga nakatatanda
B. datu D. media
2. Alin ang itinuturing na alituntunin ng kagandahang-asal o pamantayang
kinikilala at sinusunod sa isang komunidad na ipinatutupad ng mga
namumuno?
A. kalatas C. kaugalian
B. batas D. lupon
3. Ilang pamilya ang bumubuo sa barangay?
A. 30 hanggang 100 C. 50 hanggang 150
B. 40 hanggang 80 D. 100 hanggang 150
4. Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng datu?
A. tagapagbatas C. tagahukom
B. tagapagpaganap D. tagasilbi
5. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa magandang pag-uugnayan
ng mga tao sa barangay?
A. pagtutulungan sa paggawa
B. pagdadamayan sa panahon ng kagipitan
C. sama-samang pagsasaya sa panahon ng tagumpay
D. pagtataguan ng mga sikreto
6. Bakit nagkakaroon ng isang ritwal bago simulan ang isang gawain tulad
ng pagpapatayo tahanan, pananim, at paglalakbay?
A. Dahil nais nilang magpa-alam sa kanilang mahal sa buhay.
B. Upang sumagana ang kanilang ani.

13
C. Dahil naniniwala sila na may mga spiritong naninirahan at gagabay
sa kanila
D. Upang may magbantay sa kanilang gawaing spirit

7. Paano napapatagal ang isang labi ng mga mahal sa buhay n gating mga
ninuno?
A. Ito ay nillagyan ng asin at sinisilid sa baul.
B. Linilinisan at nila at nilalagyan ng langis saka binabalutan ng
damit
C. Sinusunog ito at nilalagay sa baul.
D. Nilalagay sa ataol.
8. Ito ay isang mahabang bersyon ng panliligaw ng mga Ilocano sa kanilang
iniirog?
A. Dallot C. Salidsid
B. Kaleleng D. Pagdiwata
9. Alin sa mga sumusunod ang isinusuot na pamibaba na damit ng mga
kababaihan?
A. Bahag C. Baro
B. Kanggan D. saya
10. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa paniniwalang sinauna ng mga
Tagalog na may mga espiritong nananahan sa kanilang lugar?

A. Anito C. Katalonan
B. Diwata D. Manggagaway

Karagdagang Gawain

Malaking papel ang ginampanan ng mga datu at sultan sa ating


bansa.Maging ang pinagmulan ng ating sosyo-kultural at politikal na
pamumuhay ng mga Pilipino ang mga halimbawa ng pagsamba,
paglilibing,pagpapalamuti at pagdaraos ng pagdiriwang na naging batayan ng
kung anong meron tayong kultura ngayon.Upang maipakita ang isang
pasasalamt bilang pagpapahalaga sa kulturang naipasa sa atin.Sumulat ng
isang liham pasasalamat sa ating mga ninuno.At ilahad din kung paano mo
ito maipagpapatuloy sa kasalukuyan. Ilagay ito sa papel.

14
15
Hukom/Trial by court Lupon/Datu /Pagsubok
Pangulo Datu/Sultan
Republika/Democratic Barangay/autocratik
Lipstick,Make-up,alahas Tatto,Pomaras
Pantalon,tshirt,gown Bahag/Baro’t saya
Cremation inilalagay sa ataol
Binabalsamo at Binabalot sa damit at
nanalangin Nagriritwal
kristyanismo Animismo
NGAYON NOON
Gawain 2
Gawain 4 Gawain 3 Gawain 2
1.Umalohokan 1.Kanggan 1.Pagdiwata
2.Patadyong 2.Lupon 2.Tato
3.Babaylan 3.Anito 3.Anito
4.Pintados 4.Barangay 4.Animismo
5. aswang 5.Pomaras 5.Kanggan
Paglilibing
Pagbibihis sa yumao
Mummification
10.Tama
Pagsamba
Pananamit
Tama 9.
Anito Mali 8.
Mumbaki
Kangan Babaylan
Tama 7.
Putong Tama 6.
Balikan B 5.
Pagbabatas Pagdiriwang 1.nakipagkalakalan
E 4.
Lupon Bangibang 2. nagpasalin-salin A 3.
Datu Dalut 3. kultura C 2.
Umalohokan Salidsid 4. pag-usbong
Pagdiwata
B 1.
5. paniniwala
Gawain 1 Subukin
Pagyamanin
Susi sa Pagwawasto
Gawain 3

Sanhi Bunga Solusyon


(Cause) (Effect) (Solution)

Walang Di Magkaroon ng 5.S


pambayad sa maipagtanggol
libreng 4.B
abogado. ang sarili
abogado para 3.S
sa lahat na di 2.B
Nasusuhulan Nakukulong sa kayang 1.B
ang mga kasong di- magbayad Gawain 4
husgado. naman ginawa nito.

Walang Dumarami ang Mag-aral ng


kakayahan na
bilang ng mga mabuti upang
maipagtanggol taong maging sapat
ang sarili nawawalan ng ang kaalaman
tiwala sa sa paglilitis at
Na frame –up sistema ng pagbabatas
dahil sa hustisya at
kakulangan ng paglilitis Maging
kalaaman sa mapanuri at
batas mapag matyag
sa mga
kinikilos

10.B
9.D
8.A
7.B
6.C
5.D
4.D
3.A
2.B
1.A
Tayahin

Sanggunian

16
Bansang Pilipinas Lahing Pilipino 4
Zenaida Z. Agbon
Ephesians Publishing Inc.

Araling Panlipunan 5
Pilipinas Bilang Isang Bansa
Ma. Annalyn P. Gabuat,
Michael M. Mercado
Mary Dorothy dL. Jose
Vibal Publishing Incorporation

DepEd LRMDS,Mga Kultura ng mga Sinaunang Filipino

17

You might also like