You are on page 1of 26

8

Araling
Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4:

Yugto ng Pag-unlad ng Kultura


sa Panahong Prehistoriko
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod,


Lunsod Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Fernandez, Genesis Ian J.
Editor: Rey R. Retutar, Elsa Villar
Tagasuri: Leonilo C. Angeles I, Milanie R. Cayanan, Rodolfo F. de Jesus
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno - CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
EDERLINA BALEÑA, Tagamasid Pansangay – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod,

Lunsod Quezon Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang


Punong Rehiyon

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 3456 – 0343

E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com


8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:

Yugto ng Pag-unlad ng Kultura


sa Panahong Prehistoriko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa
Panahong Prehistoriko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Ang Sinaunang Tao at Yugto ng Ebolusyong Kultural sa Panahong
Prehistoriko!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Natutunan mo sa mga unang aralin ang katangiang taglay ng daigdig


na ating tahanan maging ang mga taglay nating katangian. Sa araling ito,
ikaw ay maglalakbay pabalik sa nakaraan bago ang nagkaraoon ng mga tala
ng kasaysayan. Ang panahon ng pasimulang pamumuhay ng pinakamataas
na uri ng organismong nalalang sa daigdig – ang tao.

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga sumusunod na paksa:


• Ang Panahong Prehistoriko
• Ang Mga Sinaunang Tao
• Ang Pag-unlad ng Kultura ng Sinaunang Tao

Sa pagtatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, inaasahan na iyong:


1. Maipaliliwanag ang kahulugan ang salitang prehistoriko
2. Matutukoy ang iba’-t ibang species o tao na namuhay sa daigdig
3. Mailalarawan ang katangian ng mga kasangkapang ginamit ng mga
sinaunang tao
4. Masusuri ang pagbabago ng paraan ng pamumuhay ng sinaunang tao
5. Maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang paraan ng pamumuhay na
natuklasan ng tao noong sinaunang panahon

Subukin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito panahon bago ang mga tala ng kasaysayan.

a. Prehistoriko
b. Paleoltiko
c. Neolitiko
d. Panahon ng Metal
2. Ito ay ang pag-aaral ng mga gawain ng tao sa tulong ng mga artifacts.

a. Antropolohiya
b. Arkeolohiya
c. Sosyolohiyape
d. Heograpiya

3. Sila ang mga nilalang na nagtagumpay makiayon sa hamon ng mga


sitwasyong noong sinaunang panahon.

a. Homo Habilis
b. Homo Erectus
c. Homo Sapien
d. Homo Species

4. Sila ay tinaguriang handyman dahil sa kakayahang gumamit ng mga


kasangkapang bato.

a. Homo Habilis
b. Homo Erectus
c. Homo Ergaster
d. Homo Sapien

5. Ang mga taong Neanderthal at Cro-Magnon ay kabilang sa pangkat ng


___________.

a. Homo Habilis
b. Homo Erectus
c. Homo Ergaster
d. Homo Sapien

6. Ang pinakamahabang yugto ng ebolusyong kultural ay ang panahong


__________.

a. Paloelitko
b. Mesolitiko
c. Neolitiko
d. Metal

7. Isaayos ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang proseso ng


paninirahan ng mga sinaunang tao.

a. lagalag - kuweba - permanenteng tirahan


b. kuweba - permanenteng tirahan - lagalag
c. permanenteng tirahan - lagalag - kuweba
d. lagalag - permanenteng tirahan – kuweba
8. Ito ang tawag sa mga sinaunang tao na walang permanenteng tirahan
bagkus ay palipat-lipat ng tirahan.

a. Nomadiko
b. Barbaro
c. Homo Sapien
d. Cro-Magnon

9. Ito ay isang uri ng metal na nabuo dahil sa paghahalo ng mga


sinaunang tao ng tanso at lata.

a. Bronze
b. Bakal
c. Bato
d. Metal

10. Ito ay itinuturing na pinakamahalagang tuklas sa Panahong


Paleolitiko.

a. Irigasyon
b. Pangangaso
c. Agrikultura
d. Apoy

11. Sa panahong ito nagsimula ang kaalaman sa pagtatanim.

a. Paleolitiko
b. Neolitiko
c. Mesolitiko
d. Ice Age

12. Ang Catal Huyuk na matatagpuan sa Anatolia Turkey ay isang


pamayanang _________.

a. Paleolitiko
b. Neolitiko
c. Mesolitiko
d. Moderno

13. Isaayos ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang ebolusyon ng


kabuhayan mga sinaunang tao.

a. pangangaso – pakikipagkalakalan – pagtatanim


b. pagtatanim – pankikipagkalakalan – pangangaso
c. pangangaso – pagtatanim – pakikipagkalakalan
d. pakikipagkalakaln – pagtatanim – pangaso
14. Ang labis na pagkain ng sinaunang tao noong panahon ng
Rebolusyong Agrikultural ay nagbunga ng ___________.

a. paglago ng mga halaman at kagubatan


b. paglaki ng populasyon
c. paglipat ng mga tao sa ibang nayon
d. espesyalisasyon sa mga gawain at pakikipagkalakalan sang-ayon

15. Alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng tao upang
makatugon sa hamon ng buhay gaya ng tinaglay ng mga sinaunang
tao?

a. pagiging masipag
b. pagiging wais
c. pakikibagay sa kapaligiran
d. palaboy laboy sa kapaligiran

Aralin Yugto ng Pag-unlad ng


1 Kultura sa Panahong
Prehistoriko
Sa iyong palagay, saan nagmula ang tao? Totoo ba na ang tao ay
nagmula sa unggoy? Ano ang itsura o kasuotan ng tao noon? Paano kaya sila
namumuhay noon? May mga kagamitan na rin kaya sila na ginagamit tulad
nang ginagamit ng mga tao sa kasalukuyang panahon? Madali ba o mahirap
ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?
Kalimitan ito ang mga katanungan na iyong maririnig sa tuwing
tinatalakay ang pag-aaral tungkol sa pagsisimula ng pamumuhay ng tao
noong sinaunang panahon. Handa ka na bang bumalik sa nakaraan milyong
taon na ang nakalilipas?

Balikan

Bago mo ipagpatuloy ang lakbay kasaysayan sa panahon ng sinaunang


tao ay magbalik-aral muna tayo sa nakaraang paksang aralin. Gamit ang
venn diagram ay paghambingin ang pag-aaral ng dalawang (2) sangay ng
heograpiya. Lumikha ng venn diagram sa iyong sagutang papel tulad ng nasa
ibaba. Itala sa letrang A ang ukol sa heograpiyang pisikal at sa letrang B
naman ang ukol sa heograpiyang pantao.

Tuklasin

Upang ikaw ay maging ganap na handa, tuklasin ang ilan sa mga


mahahalagang salita na iyong mababasa at matututunan sa araling ito sa
pamamagitan ng isang laro. Halina at simulan!

THE DATING GAME

Tuklasin ang mahahalagang salita na may


kinalaman sa paksang aralin gamit ang
conversion table. Itala ang iyong sagot sa bukod
na papel.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
16 18 5 8 9 19 20 15 18 9 11 15 5 2 15 12 21 19 25 15 14

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
1 18 11 5 15 12 15 8 9 25 1 1 18 20 9 6 1 3 20 19
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
8 15 13 15 19 16 5 3 9 5 19 16 1 12 5 15 12 9 20 9 11 15

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
14 5 15 12 9 20 9 11 15 13 5 20 1 12

ALAM MO BA?
Gaya ng iyong ginawa sa laro
na may pamamaraan upang
malaman ang mahahalagang
salita, ang mga dalubhasa ay
may pamamaraan naman na
ginagamit upang matuklasan
kung ano na ang edad o gaano
na katagal ang isang bagay –
ito ay tinatawag na
radiocarbon dating.

Suriin

Basahin at unawain ang mga pahayag pagkatapos ay sagutin ang kalakip na


mga tanong. Isulat ang sagot sa papel.
Ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko,
nagpasimula ang daigdig sa tinatayang 4.5
bilyong taon ang nakararaan, ngunit ang
ebolusyon ng tao ay mabibilang lamang sa
maliit na bahagi ng kasaysayan nito.
Ang sinasabing sinaunang panahon o
Panahong Prehistoriko ay sumasaklaw sa
milyun-milyong taon na lumipas bago ang
kasaysayan o ang simula ng paglikha ng tao
sa mga tala ng kanilang buhay at ng mundo.
Nagbigay-daan ang arkeolohiya (pag-aaral ng
ng gawain ng tao sa pamamagitan ng
pangongolekta at pagsusuri ng artifacts o
kasangkapang likha ng tao) at iba pang
larangan ng maka-agham na pag-aaral
upang mapagtagni-tagni ng mga dalubhasa
ang larawan ng pamumuhay ng sinaunang
tao at ng kanilang kapaligiran.

Pamprosesong Tanong:
1. Ayon sa iyong nabasa, gaano na katagal ang daigdig?
2. Ano ang prehistoriko?
3. Paano natuklasan ng mga dalubhasa ang panahong prehistoriko?

Kailan at Paano Nagsimula ang Tao?

Sinasabing nabuhay ang mga sinaunang tao may 2.5 milyong taon na
ang nakararaan. Homo species (homo na nangangahulugang tao) ang taguri
sa kanila. Sila ang mga nilalang na nagtagumpay makiayon sa kapaligiran
at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang
panahon.

Suriin ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao. Masdan


kung paano nagbago ang tao mula sa pagiging anyong ape o unggoy hanggang
sa maging Homo sapiens.
Pamprosesong Tanong:

1. Kailan namataan namuhay ang sinaunang tao?


2. Ano ang homo species?
3. Ilarawan ang pagbabago o ebolusyon ng katangian ng sinaunang tao.

Paano Namuhay ang mga Sinaunang Tao Noon?


Ang Panahong Prehistoriko ay inuri ng mga arkeolohiko sa tatlong
yugto: ang Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko at Panahon ng Metal.
Mula sa imbensyon ng mga kasangkapan para sa pangangaso, pagsulong ng
kabuhayan at agrikultura hanggang sa pagsibol ng mga unang halimbawa ng
sining at relihiyon, ang napakalaking panahon na ito - na nagtatapos halos
3,200 na taon ang nakalilipas – ay tunay na isang panahon na may
kahangahangang ebolusyon.
Narito at iyong suriin ang mga datos sa talahanayan.

Pamprosesong Tanong:

1. Anu-ano ang tatlong yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong


Prehistoriko?
2. Alin yugto ang pinakamahabang panahon At kailan ito nagsimula?
3. Ano ang turan sa mga sinaunang tao na walang permanenteng tirahan?

4. Paano kumukuha ng pagkain ang sinaunang tao sa Panahong


Paleolitiko?
5. Anong pinakamahalagang bagay na natuklasan ng sinaunang tao sa
Panahong Paleolitiko na nagagamit natin sa kasalukyang panahon?
6. Paano nagkakaiba ang kasangkapang bato na gamit ng sinaunang tao
sa Panahong Paleolitiko at Panahong Neolitiko?
7. Bakit naging permanente ang panahanan ng sinaunang tao sa
Panahong Neolitiko?
8. Ilarawan ang ebolusyon ng panahan at teknolohiya sa Panahon ng
Metal.
9. Bakit natututong makipagkalakalan ang sinaunang tao sa Panahon ng
Metal?
10. Mula sa mga datos sa talahanayan, paano nabubuo ang isang
kabihasnan?
Pagyamanin

KURO KURO LAMANG


Batay sa mga larawan at tala sa itaas, masasabi mo bang ang tao ay
nagmula talaga sa bakulaw o ape? Pangatwiranan ang iyong sagot.
TIMELINE NG EBOLUSYONG KULTURAL
Gamit ang timeline, isaayos ang mga sumusunod na impormasyon ayon sa
panahon kung kailan naganap ang mga ito. Isulat ang iyong sagot sa papel.

 natuklasan ang paggamit ng apoy


 nangangaso upang may makain
 natutunan ang sistema ng pagtatanim
 nagpapastol ng mga hayop
 gumamit ng agagaspang na bato
 nalinang ang pagpapanday
 nakipagpalitan ng produkto
 sumibol ang maliliit na nayon at syudad
 umusbong ang mga kabihasan
 natutong magpalayok at maghabi
HINUHA SA LARAWAN

Ang larawan na iyong nakikita ay ang sinaunang pamayanan ng Catal Huyuk


na matatagpuan sa Anatolia Turkey. Ayon sa mga dalubhasa, ito ay isang
pamayanang NEOLITIKO. Suriin mabuti ang larawan at magbigay hinuha sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga detalye na nagpapatunay na ang pamumuhay ng
sinanunang tao sa lugar na ito ay sa panahong Neolitiko. Ilagay sa bondpaper ang
iyong sagot

Hinuha #2
Hinuha #1

Hinuha #3
Isaisip

Panuto: Punan ang tsart ng mga bagay na iyong natutuhan mula sa mga pagtalakay ng mga
mahahalagang paksang nakapaloob sa modyul na ito. Ilagy ang iyong sagot sa papel.

3-2-1 SUMMARY CHART (Buod)

3 BAGAY NA AKING NATUTUNAN

2 BAGAY NA SA AKIN AY KAWILIWILI

1 TANONG
Isagawa

Ang iyong nabasa sa itaas ay paksa


ng isang lathalain sa internet.
Binabanggit na ang isa sa magandang
katangian ng tao ay ang pagiging adaptive
kung saan ang tao ay may kakayahang
makibagay sa kanyang kapaligiran
katulad ng ginawa ng mga sinaunang tao.
Sa pagkakataong ito, ay gagawa ka
ng isang sulatin tungkol sa iyong
pagkaunawa sa katangian ng tao na
pagiging ADAPTIVE. Sa unang bahagi ay
banggitin kung gaano kadali o kahirap
ang ginawang pakikibagay ng sinanunag
tao sa panahong prehistoriko at ano ang
naging resulta nito.
Samantala sa ikalawang bahagi, hindi lingid sa iyong kaalaman ang
kasalukuyang nararanasan ng daigdig dulot ng Covid19 pandemic. Ipahayag
kung paano dapat taglayin ng tao sa kasalukuyan ang katangiang adaptive
lalo na sa mag-aaral na katulad mo. Paano magiging susi ang pakikibagay
ng tao sa kaganapan sa kasalukuyang panahon upang malampasan o
masolusyunan ang suliraning dulot ng Covid19 sa daigdig.
Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa bukod na
sagutang papel.

1. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nahahati sa dalawa kung kailan


masaklaw na panahon. Anong panahon sa kasaysayan kung kailan
wala pang kakayahan ang tao na magtala ng mga kaganapan?

a. Historiko
b. Neolitiko
c. Prehistoriko
d. Mesolitiko

2. Siya ang pinakaunang Australopithecus Afarensis na natagpuan sa


Africa.

a. Lucy
b. Lucia
c. Lucky
d. Luca

3. Ang species na ito ay nadiskubre kasama ang mga gamit


na batong kasangkapan.

a. Homo Habilis
b. Homo Ergaster
c. Homo Erectus
d. Techno sapiens

4. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng


pag-unlad ng tao?

a. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.


b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsad sa pagkakaroon ng
kalakalan
d. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng
metal.
5. Isaayos ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang prosesong naganap
sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistoriko.

I. Agrikultura II. Kalakalaan III. Labis na pagkain IV. Pangangaso

a. IV, I, III, II
b. II, I, IV, III
c. IV, I, II, III
d. I, II, III, IV

6. Isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang proseso ng paninirahan ng


mga sinaunang tao

a. lagalag - kuweba - permanenteng tirahan


b. kuweba - permanenteng tirahan - lagalag
c. permanenteng tirahan - lagalag - kuweba
d. lagalag - permanenteng tirahan – kuweba

7. Ito ay sistema ng pamumuhay ng mga tao sa Panahon ng Lumang Bato.


Nangangahulugan ito na wala silang permanenteng tirahan.

a. Nomadiko
b. Barbaro
c. Homo Erectus
d. Cro-Magnon

8. Ito ay metalikong nabuo dahil sa paghahalo ng mga sinaunang tao ng


tanso at lata.

a. Bronze
b. Bakal
c. Bato
d. Metal

9. Ito ay itinuturing na pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng


Paleolitiko.

a. Irigasyon
b. Pangangaso
c. Agrikultura
d. Apoy

10. Sa panahong ito nagsimula ang kultura ng pagtatanim.

a. Paleolitiko
b. Neolitiko
c. Mesolitiko
d. Ice Age
11. Ito ay isa sa yugto ng panahong prehistoriko kung saan natuto ang
sinaunang tao gumamit ng ginto bilang palamuti.

a. Paleolitiko
b. Neolitiko
c. Metal
d. Mesolitiko
12. Iba-iba ang naging pamumuhay ng mga tao sa daigdig dahil sa
________.

a. iba-iba ang hilig ng mga tao sa iba't-ibang kontinente


b. iba-iba ang anyong lupa at klima ng mga bansa sa daigdig
c. iba-iba ang mga gawi at pamahiin ng mga tao sa daigdig
d. iba-iba ang mga taglay na kagamitan ng mga bansa sa daigdig
13. Dahilan marahil sa pag-unlad ng kanilang kalinangan, natuklasan ng
mga sinaunang tao ang kawalan ng katiyakan ng mahabang panahon
ng pamumuhay sa pamamagitan ng pangangaso. Dahil dito ay
__________.

a. natutuhan ng mga taong magsaka at maghayupan na naging simula


ng pirmihang paninirahan.
b. ginugol ng mga tao ang kanilang panahon sa paggawa ng mga
kagamitang karaniwa'y gawa sa bato na may kombinasyong buto,
kahoy, at mga kagamitang gawa sa balat ng hayop, pagpapalayok, at
bulso.
c. natutuhan ng taong bumuo ng techo sapiens.
d. natutuhan ng mga taong gumamit ng apoy.
14. Nagawang malampasan ng mga sinaunang tao ang matinding hamon
ng kapaligiran para magpatuloy ang buhay sa daigdig. Kung ikaw ay
kabilang sa kanila noong panahong iyon, ano ang iyong kailangang
gawin?

a. Iaangkop ko ang aking sarili sa kapaligiran


b. Aamuhin sa mga mababangis na hayop.
c. Aasahan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagdarasal.
d. Wala akong kailangang gawin noong panahong iyon kundi kumain
nang kumain.
15. Isang patunay na nagpapatuloy pa rin ang pag-unlad ng tao mula
noon hanggang ngayon batay sa aspektong pangkabuhayan ay
________.

a. mula sa paggamit ng magagaspang na bato, naging makabago ang


kasangkapan ng tao sa kasalukuyan
b. mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao
ng mataas na antas ng kultura
c. mula sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop, nakinabang ang
mga sinaunang tao dahil napabuti ang kanilang kabuhayan
d. mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar,
naging pandaigdigang transaksyon sa pagkuha ng mga
pangangailangan at sa hanapbuhay
Karagdagang Gawain

ANONG SUSUNOD?

Basahin mabuti ang bawat pahayag. Magtala ng sariling tugon sa loob ng


mga arrow tungkol sa maaaring kasunod mangyari ayon sa iyong mga
natutunan sa modyul na ito.

1. Natuklasan ng tao ang apoy sa panahong Paleolitiko o lumang bato.

2. Natutunan ng sinanunang tao ang mabisang sistema ng pagtatanim sa


panahong Neolitioko.

3. Lumabis ang pagkain at mga pangangailangan ng sinaunang tao.

4. Umunlad ang paggawa ng tao sa larangan ng sining at arkitektura.

Nakaranas ng pabago-bagong klima at mga sakuna gaya ng bagyo ang mga


sinaunang tao.
Tayahin
1. C
2. A
3. A
4. B
5. A
6. A
7. A
8. A
9. D
10.B
11.C Pagyamanin
12.B
13.A Paleolitiko 2,500,000 BCE
14.A ▪ nangangaso upang may makain
15.D
▪ natuklasan ang paggamit ng apoy
▪ gumamit ng magagaspang na bato
Neolitiko 10,000 BCE
Subukin
▪ natutunan ang sistema ng
1. A pagtatanim
2. B ▪ nagpapastol ng mga hayop
3. C ▪ sumibol ang maliliit na nayon at
4. A syudad
5. D
▪ natutong magpalayok at maghabi
6. A
7. A
8. A Metal 4,000 BCE
9. A
10.D ▪ nalinang ang pagpapanday
11.B ▪ nakipagpalitan ng produkto
12.B ▪ umusbong ang mga kabihasan
13.C
14.D
15.C
Susi sa Pagwawasto
5.
Sanggunian
Aralin o Teksto

Blando, R.C. et al, Kasaysayan ng Daigdig, LM p. 40-44

https://www.history.com/news/prehistoric-ages-timeline
https://www.historiasiglo20.org/prehistory/
https://www.britannica.com/browse/Prehistoric-Age
https://www.merriam-webster.com/dictionary/artifact
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16937
https://slideplayer.com/slide/10959161/
https://quizizz.com/admin/quiz/5d3ee10b8e7b16001f7866d9/1st-
quarter-reviewer-part-2
https://www.scientificamerican.com/article/humans-may-be-most-
adaptive-species/

Larawan/ Graphic Organizer

https://people.richland.edu/james/fall02/m113/activities/act02.pdf
https://www.crowcanyon.org/index.php/radiocarbondating
https://www.express.co.uk/news/science/1011341/human-evolution-
origin-ancient-footprints-crete
https://www.ushistory.org/civ/2d.asp
https://tl.wikipedia.org/wiki/Homo_luzonensis
http://grade9atbp.blogspot.com/2014/08/ang-rebolusyong-neolitiko-
at-ang.html

You might also like