You are on page 1of 33

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Ang mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig: Mesopotamia, India,
China at Egypt
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Ang mga Sinaunang
Kabihasnan sa daigdig: Mesopotamia, India, China, at Egypt
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Shiela Bagaman Venus


Tagasuri: Carolina G. Carumba, Jed I. Bete, Gerson G. Abelgas
Tagaguhit: Ronnel Dela Cruz Venus
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aris B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region XI Davao City Division
Elpidio Qurino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
Email Address: info@deped-davaocity.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Ang mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig: Mesopotamia, India,
China at Egypt
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Sa nakaraang aralin natutunan mo ang impluwensya ng heograpiya sa pag-


unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Ngayong alam mo na kung paano nakaapekto
ang heograpiya sa pag-usbong ng kabihasnan, naitanong mo rin ba kung paano
nagkakatulad at nagkakaiba ang mga kabihasnan sa daigdig? Mayroon ba silang
sarili nilang pagkakakilanlan sa kanilang uri ng ekonomiya, politika, relihiyon,
kultura, at lipunan?

Sa modyul na ito, masasagot lahat ng iyong katanungan. Marahil naiisip mo


rin kung ano ba ang halaga ng pag-aaral sa sinaunang kabihasnan saiyo. Sa
pamamagitan ng pagsasapuso mo sa pag-aaral at pagsagot sa mga gawain,
sinisigurado ko na mababatid mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa sinaunang
kabihasnan.

ii
Batid ko ang sigla at galak mo sa pag-aaral. Bago ka magsimula ay basahing
muli ang mga nakapaloob sa bahagi ng modyul bilang iyong gabay. Ang modyul na
ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang

iii
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Malaki ang tiwala ko saiyo na kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang mapagpalang araw sa iyo! Sa nakaraang


aralin, iyong natutunan ang tungkol sa impluwensya ng
heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
Ang araling tatahakin mo ngayon ay tungkol sa
sinaunang kabihasnan sa daigdig na umunlad sa mga
lambak-ilog. Paano kaya ang uri ng politika, ekonomiya,
kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan ng mga
sinaunang kabihasnan ay naging kanilang
pagkakakilanlan sa daigdig? Paano sa palagay mo
pinagsisikapan ng mga sinaunang kabihasnan na
makapagtatag ng isang dakilang sibilisasyon? Sa
modyul na ito masasagot ang mga katanungang iyan.

Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa


Baitang 8 na: Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia,
India, China, at Egypt.
Ang sumusunod naman ay ang mga layuning nararapat mong
maisagawa pagkatapos mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa
modyul na ito:

1. Natutukoy ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig: Mesopotamia, India,


China, at Egypt
2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang datos tungkol sa sinaunang kabihasnan
sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at
lipunan.
3. Nakikilala ang parehong katangian at naiibang uri ng politika, ekonomiya,
relihiyon, kultura, paniniwala, at lipunan ng mga kabihasnan sa daigdig.
Kapag natapos mo ang mga layuning ito, magagamit mo ang mga
kaalaman tungkol sa sinaunang kabihasnan sa daigdig sa pagpapaunlad
mismo ng iyong sariling kakayahan upang makatulong sa mga hamon ng
pagbabago, paglago, at pagpapatuloy ng kabihasnan sa kasalukuyang
panahon.

1
Subukin

Hinahamon kita! Bago mo simulang pag-aralan ang aralin sa modyul na ito,


subukan mo munang sagutin ang sumusunod na katanungan upang masubok mo
ang nalalaman mo na tungkol sa sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pangungusap. Isulat mo ang letra ng
napiling sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang HINDI mo papayagang mangyari sa iyong lungsod-estado kung ikaw


ay isang pinuno ng mga Sumerian na nabuhay sa kabihasnang Mesopotamia?
A. Naitatag ang mga lungsod-estado dahil sa kahusayan ng mga hari.
B. Sinasamba ang mga diyos at diyosa na may katangiang tulad ng tao.
C. May sistema ng pagsulat at produktong nagpapalago sa kalakalan.
D. Nag-aaway ang mga lungsod-estado kaya hindi makabuo ng matatag
na pamahalaan.

2. Tinaguriang “Ginintuang Panahon” ng sinaunang China ang dinastiyang Han.


Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay dito?
A. Pangunahing kalakal ng mga Chinese ay ginto na nagpayaman sa kanila.
B. Naabot ang panahon ng kapayapaan at mataas na antas ng pamumuhay.
C. Malawak ang imperyong nasasakupan ng Dinastiyang Han sa buong mundo.
D. Maaaring ito ang katawagan na ipinag-utos ng mga pinuno ng dinastiyang ito.

3. Kung ihahalintulad sa buhay ng tao, pag-unlad, at pagbagsak ng mga kaharian,


paano mo ito maisasabuhay?
A. Ang pag-unlad at pagbagsak ay ayon sa kagustuhan ng diyos.
B. Nakaguhit sa kapalaran ng tao ang pag-unlad at pagbagsak.
C. Depende sa suwerte ang pag-unlad at sa malas naman ang pagbagsak.
D. Ang pag-unlad ay nakasalalay sa pagsisikap ng tao at ang pagbagsak ay ayon
sa masamang gawain nito kaya magsikap at iwasan ang masamang gawain.

4. Ano ang natuklasang ebidensiya ng mga archaeologist kaya nasabi nilang


planado at organisado ang pamayanan ng kabihasnang Indus?
A. Maayos na pinagplanuhan ng kanilang mga pinuno ang pananakop.
B. Natagpuan ang larawan ng pag-organisa ng grupo ang mga mamamayan.
C. Natuklasan ang pictogram na patunay ng pagpapahalaga nila sa edukasyon.
D. Malalapad ang kalsada, ang mga kabahayan ay mayroong malalawak na
espasyo, at ang palikuran nila ay itinuturing na kauna-unahang paggamit ng
sewege system.

2
5. Ang pagpapatayo ng mga Piramide ay ayon sa paniniwala at relihiyon ng mga
Egyptians. Alin sa mga mga pahayag ang HINDI tumutukoy dito?
A. Marami ang nagrebelde dahil sa mahirap gawin ang mga piramide.
B. Lubos ang pagpapahalaga ng mga Egyptians sa kanilang Pharaoh.
C. Ang piramide ay simbolo ng kapangyarihan ng Pharaoh maging sa
kamatayan.
D. Ang pakikipag-ugnayan ng katawan ng tao sa diyos at paniniwala sa muling
pagkabuhay.

6. Ang sumusunod ay mahahalagang kaganapan ng kabihasnang Egypt,


MALIBAN sa isa:
A. Naitayo ang mga bantayog ng mga Pharoah at naging libingan nila ito.
B. Nagsagawa ng city planning. Makikita ito sa kanilang malalapad na kalsada.
C. Ang Hieroglyphics ay nakaukit sa mga pampublikong gusali at luwad at
kahoy.
D. Bahagi ng kultura ang mummification gamit ang kemikal sa pagpreserba ng
bangkay.

7. Nagtataglay ng katangian ng pamumuno at panahon ng kaunlaran ang mga


Emperador ng China. Alin sa sumusunod ang pagkakakilanlan ng dinastiyang
Chin?
A. Isinulat ang kasaysayan ng China sa panahon ng dinastiyang ito.
B. Naitayo ang Forbidden City sa Peking tahanan ng mga Emperador.
C. Umusbong sa panahong ito ang Confucianism,Taoism, at Legalism.
D. Ginawa ang Great Wall of China bilang proteksyon sa mga kalaban.

8. Naniniwala ang mga Tsino na sila lang ang sentro at sibilisado. Ang hindi Tsino
ay tinatawag nilang barbaro. Ano ang kahulugan ng barbaro?
A. Magaling makipagdigma.
B. Nakapagtapos ng pag-aaral.
C. May mataas na antas sa lipunan ng tao.
D. Taong hindi nakaabot sa pagiging sibilisado.

9. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa sinaunang kabihasnan?


A. Kumplikado ang lipunan at walang alam na hanapbuhay ang mga tao.
B. Pinagbuti ang kakayahan upang magamit sa pagpaunlad ng pamumuhay.
C. Umaasa sa maibibigay ng kalikasan para mayroong makain sa araw-araw.
D. Marami ang nangingibang bayan upang makapaghanapbuhay nang maayos.

10. May kahariang nagtagal sa kapangyarihan, subalit napabagsak at napalitan


pa rin ito ng ibang mamumuno. Ano ang ibig ipahiwatig ng pangungusap?
A. Sadyang mahina ang mga lider na namuno..
B. Ang pagpapanatili ng kapangyarihan ay depende sa diyos.
C. Nakasalalay sa isang lider ang pagpapanatili sa kapangyarihan.
D. Ang kapangyarihan sa pamumuno ay walang kasiguraduhan at hindi lubos.

3
11. Pinapahalagahan ng mga sinaunang kabihasnan ang edukasyon. Alin sa mga
pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Marami ang nagpagawa ng mga eskwelahan.
B. Ang mga kalalakihan lamang ang sinasanay sa paaralan.
C. Pinag-aaralan ng mga pinuno ang taktika sa pakikipagdigma.
D. Nagkaroon ng mga dalubhasa at kaalaman sa larangan ng matematika,
siyensya, musika, sining, arkitektura, agrikultura, politika, at kasaysayan.

12. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng mga iskolar, tagasulat


o scribe, at mga historyador noong sinaunang kabihasnan?
A. Tagapayo ng hari sa maayos na pamamalakad ng kaharian.
B. Nakakaalam ng sekreto, plano, desisyon, at kapangyarihan ng hari.
C. Katuwang ng hari sa pagpapaunlad at pagpreserba ng kasaysayan.
D. Sila ang kanang kamay ng hari sa paggawa ng mahalagang desisyon.

13. Ano ang implikasyon ng paniniwala sa relihiyon sa pamamahala


ng mga pinuno noong sinaunang kabihasnan?
A. Higit na pinaniniwalaan ang pinuno ng relihiyon kaysa hari.
B. Marami ang naniniwala sa kanilang diyos kaysa kanilang pinuno.
C. Kinikilala ng mga sinaunang kabihasnan ang kapangyarihan ng diyos na
gumagabay sa pamamahala ng kanilang pinuno.
D. Malaki ang respeto ng mga tao sa kanilang hari dahil siya ay nagbibigay
parusa sa mga taong hindi sumusunod sa kanya.

14. Mayroong kinalaman sa uri ng pamumuhay ng sinaunang kabihasnan ang


sumusunod na pahayag, MALIBAN sa isa.
A. Pangunahing sasakyan ang tren upang makarating sa paroroonan.
B. Sumasamba sa maraming diyos o polytheism ang karaniwang relihiyon.
C. Naniniwala sa kabilang buhay kaya pinapahalagahan ang kanilang
mga patay.
D. Nagkaroon ng mahalagang papel ang mga iskolar, tagasulat o scribe,
at mga historyador sa pagpapaunlad at pagpreserba ng kasaysayan ng
bawat kabihasnan.

15. Isang hamon sa pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan ang pag-apaw ng


ilog. Sa tuwing bumabaha ang ilog ay naaantala ang kanilang paghahanap-
buhay gaya ng pagtatanim. Napipinsala din ang kanilang mga ari - arian, at
marami ang nasawi. Paano ito binigyang solusyon ng mga sinaunang tao?
A. Nanirahan malayo sa ilog.
B. Gumawa ng dike at kanal.
C. Nagtanim ng maraming puno sa kabukiran.
D. Nagsagawa ng ritwal panlaban sa kalamidad.

4
Aralin
Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig:
5 Mesopotamia, India, China, at Egypt

Alam mo ba na sa ilog ng Davao nagsimula ang pag-unlad ng siyudad? Ang


ilog ng Davao ang naging natural na depensa sa mga mananakop, kaya nakapagtatag
ng sariling matatag na pamahalaan ang lungsod ng Davao sa mahabang panahon.
Ang ikinabubuhay ng mga Davaoeño ay nakasalalay sa ilog. Pinagkukunan ng mga
pangunahing pangangailangan ang ilog tulad ng pagkain,maiinom at marami pang
iba. Dito rin lumago ang kalakalan at pakikipag-ugnayan sa ibang lupain kung kaya
nagkaroon tayo ng makasaysayan at makulay na kultura. Ngayon, lubos ang
pasasalamat ng mga Davaoeño sa ilog, kaya inalagaan at pinapahalagahan nila ito.
Nagpapakita lamang na tatak disiplinado ang mga Davaoeño dahil napanatiling
malinis ang ilog hanggang ngayon. Nagpapatunay na “life is here” in Davao.

Kagaya ng mga dakilang kabihasnan sa mundo, nagsimula ang mga itong


umusbong malapit sa ilog. Ang kabihasnang Mesopotamia sa Ilog Tigris at
Euphrates, kabihasnang India sa Ilog Indus at kabihasnang China sa Ilog Huang-
ho at Kabihasnang Egypt sa Ilog ng Nile. Bago natin talakayin ang nabuong uri ng
politika, ekonomiya, relihiyon, kultura, paniniwala, at lipunan ng mga sinaunang
kabihasnan, balikan muna natin ang kaugnayan ng heograpiya sa paghubog sa
daloy ng kasaysayan ng daigdig.

5
Balikan

Alam kong marami kang natutunan sa nakaraang aralin. Balikan mo ang


iyong mga natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain 1.

Gawain 1: Morse Type


Panuto: Pag-aralan ang mga pahayag sa aytem isa hanggang lima (1-5) . Isulat ang
A - kung ang dalawang pahayag ay parehong tama; B kung ang dalawang pahayag
ay parehong mali; at C kung ang isa ay tama at ang isa ay mali. Isulat mo ang letra
ng napiling sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. ● Ang heograpiya ay may malaking kinalaman sa pandaigdigang kabihasnan.


○ Hinubog ng heograpiya ang daloy ng kasaysayan sa daigdig.

2. ● Sa ilog unang nanirahan ang mga sinaunang tao.


○ Ang ilog at lambak ay may malaking ginagampanang
papel sa pagsibol ng kabihasnan.

3. ● Umusbong ang Kabihasnang Mesopotamia sa Fertile Crescent.


○ Walang nagawa ang mga Sumerian upang pigilan ang pag-apaw
ng Ilog Tigris at Euphrates sa tuwing bumabaha ito.

4. ● Ang Ilog ng Nile sa Egypt ay napapalibutan ng kagubatan.


○ Dumadaloy ang Ilog Nile patungong Pacific Ocean.

5. ● Maraming kabundukan ang India kung kaya nalilimitahan nito ang ugnayan
ng mga taong ninirahan dito at nakabuo ng kakaibang kultura.
○ Hindi naging maunlad ang kabihasnan ng India dahil sa hindi kagandahan
ang pisikal na kalagayan ng kanilang lugar.

6
Tuklasin

Tara! Tukuyin mo muna ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig bago natin
alamin ang mga nakakamanghang kasaysayan nito.

Gawain 2 – Lakbay-Aral
Panuto: Ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na makapaglakbay sa mga sinaunang
kabihasnan. Hahanapin mo ang daan pabalik sa modernong panahon. Habang ikaw
ay naglalakbay, isulat mo sa iyong talaarawan ang mga nakikita mong tanawin sa
bawat kabihasnan. Magbigay ng maikling paglalarawan sa iyong mga nakikita batay
sa iyong obserbasyon at nalalaman. Isulat mo ang iyong talaarawan sa hiwalay na
sagutang papel.

MESOPOTAMIA

SIMULA

KATAPUSAN

Ang Aking Talaarawan

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

7
5 4 3 2 1
Angkop lahat Isa o Tatlo o apat Lima o higit Lahat ng
ng mga dalawang na impor- pang impor- impormasyon
Paglalarawan

impor- impor- masyon ay masyon ay ay mali


masyon masyon ay mali tungkol mali tungkol tungkol sa
tungkol sa mali tungkol sa mga sa mga mga tanawin
mga tanawin sa mga tanawin ng tanawin ng ng sinaunang
ng sinaunang tanawin ng sinaunang sinaunang kabi-hasnan
kabihasnan. sinaunang kabihasnan. kabihasnan
kabihasnan.
RUBRIK SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 2

Suriin

Nagagalak ako na gusto mong malaman ang


tungkol sa kabihasnang Mesopotamia. Magbasa
ka pa. Marami pa akong gustong ibahagi sa iyo
tungkol sa aming uri ng pamumuhay.

Kabihasnang Mesopotamia
(3500-2340 B.C.E.)
Ang Mesopotamia ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig na nasa pagitan
ng dalawang kambal na ilog na Tigris at Euphrates. Marami ang nagtangkang
sakupin ang lugar na ito sapagkat mayroon itong istratehikong lokasyon at
matabang lupa na saganang pagtamnan.

Politika
Monarkiya ang uri ng pamamahala na pinamumunuan ng Paring-hari o
Patesi, na hindi lamang isang ispiritwal na lider kundi isa ring politikal na lider ng
isang lungsod-estado. Mayroong anim na pangunahing imperyo: Sumerian,
Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Persian.
Ang kauna-unahang sistema ng pagsusulat na cuneiform ay mula sa
kabihasnang Sumerian. Itinatag ni Sargon I ng Akkad ang kauna-unahang imperyo
sa daigdig. Si Hammurabi naman ng Babylonia ang unang nagpakilala ng kopya ng
kodigo ng mga batas na nakasulat sa bato. Napakalupit ng mga kaparusahan sa
batas niya. Ang may maraming kasalanan ay nagdulot ng kamatayan, pananakit o
paggamit ng pilosopiyang"mata sa mata, ngipin sa ngipin". Nakilala ang mga
Assyrians bilang mararahas sa kanilang nasasakupan. Gayunpaman, si
Ashurbanipal ay kinakakitaan nang maayos na pamamahala sa kanyang panahon.

8
Naiambag niya ang epektibong serbisyong postal, maayos na kalsada at maayos na
silid-aklatan. Nang matamo ni Nebuchadnezzar II ang kadakilaan sa kanyang
pamumuno, nagpagawa siya ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa
na may sakit. Ngayon, kinikilala ito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
Maayos rin na namuno ang mga dayuhang Persians sa kanilang nasasakupan. Sa
pamumuno ni Darius the Great hinati niya ang imperyo sa mga lalawigan o satraphy
na pinamumunuan ng mga satrap o gobernador. Itinayo rin niya ang Royal Road
upang mapadali ang komunikasyon sa buong imperyong nasasakupan.

Ekonomiya
Pangunahing hanapbuhay ang pagtatanim ng trigo at barley at pag-aalaga ng
mga baka, tupa, kambing at baboy. Mahalaga ang pakikipagpalitan ng produkto sa
karatig-lugar upang matugunan ang mga pangangailangan na kulang o wala sa
kanila. Sa sistemang barter, ang mga taga Mesopotamia ay gumagamit ng barley at
mahahalagang metal tulad ng tanso, ginto, at pilak bilang bayad sa mga produkto.
Nabuo ang sistema ng pagsulat na cuneiform dahil kinakailangang ilista ng scribe o
tagasulat ang kanilang kontrata sa pagpapalitan ng produkto. Naging madali
kinalaunan ang pakikipagkalakalan ng gumamit ng barya.
Relihiyon at Paniniwala
Sumasamba sa maraming diyos o diyosa (polytheism). Naniniwala na ang
kanilang diyos at diyosa ay may katangian ng tao. Ziggurat ang tawag sa templo ng
kanilang diyos

Kultura at Lipunan
Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunan: maharlika na binubuo ng
pamahalaan at pari; mangangalakal at artisano; magsasaka at alipin. Ang
kababaihan ay puwedeng lumahok sa kalakalan, maging testigo sa paglilitis at
magkaroon ng ari-arian. Ang magulang ang nakikipagkasundo sa nais
mapangasawa ng anak. Sa paaralan, itinuro ang pagbasa, kasaysayan,matematika,
kartograpiya, batas,medisina,surgery,astrolohiya, linggwistika na tinawag na
edubba.

Salamat sa iyo dahil interesado kang malaman


ang tungkol sa aming kabihasnan. Mas
marami ka pang malalaman kung babasahin
mo ang mga ibinahagi sa ibaba.

Kabihasnang Indus
(3500 – 1750 B.C.E.)
Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa sinaunang Egypt
at Mesopotamia. Ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa
pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Pinakamalaking lungsod
ay ang Harrapa at Mohenjo-daro.

9
Politika
Ang mga Dravidian ang bumubuo ng Kabihasnang Indus. Walang tala ng mga
namamahalang hari at reyna o sinumang namamahala dito. Planado at organisado
ang mga pamayanan. Noong 110 B.C.E., sinakop sila ng mga Indo - Aryan na mula
sa Hilaga ng Afghanistan. Ang Hilagang bahagi ng India ay nasakop ng mga Aryan.
Ang mga Aryan ay may sariling kultura, paraan ng pamamahala, relihiyon, at uring
panlipunan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Dravidian. Sila ang nagtatag
ng sistemang caste sa India. Ang pagpapangkat sa tao ay ayon sa sumusunod:
o Brahmin ang pinakamataas na antas ng lipunan.
o Ksatriya ang pumangalawa na binubuo ng mga mandirigma.
o Vaisha ang pumapangatlo na binubuo ng mga mangangalakal, artisan, at
magsasakang may lupa.
o Sudra ang pang-apat na antas na kinabibilangan ng magsasakang walang
lupa, Dravidian, inapo ng mga Aryan na nakapag-asawa ng mga hindi Aryan.
o Pariah ang mga naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, at nagbibitay
ng mga kriminal. Itinuturing sila na outcaste o hindi kasali sa sistemang caste.

Ekonomiya
Nagsasaka at nag-aalaga ng hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing ang
mga mamamayan ng kabihasnang Indus. Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa
kanilang pagsasaka. Nakikipagkalakalan sila sa katimugang Baluchistan sa
Kanlurang Pakistan at Persian Gulf. Nagtatag din ng daungan sa Arabian Sea.
Pangunahing produkto ng kabihasnang Indus ang torquoise, ivory, mga butil, at tela
na yari sa bulak. Mayroon silang sistema ng pamantayan sa pagtimbang at
pagsukat. Ang mga artisano ay gumagamit ng tanso, bronse at ginto sa kanilang
mga obra.

Relihiyon at Paniniwala
Sumasamba sa mga hayop at puno. Naniniwala sa reinkarnasyon o muling
pagkabuhay. Naniniwala rin sila na ang pinakamakapangyarihan nilang Diyos ay
isang babae na pinagmumulan ng lahat ng bagay na tumutubo. Mayroon malaking
paliguan o Great bath na ginagamit sa panrelihiyong ritwal.

Kultura at Lipunan
May dalawang bahagi ng moog o citadel, ang mataas at mababang moog. Ang
mataas na moog ay pinaninirahan ng mga naghaharing uri kagaya ng mga
mangangalakal, pari, mga opisyal ng lungsod, at eksperto. Samantalang ang
mababang moog ay pinaninirahan ng mga karaniwang tao tulad ng artisano,
magsasaka, at alipin. Bawat lungsod ay may sukat na halos 40,000 katao. Ang mga
kabahayan ay may malalawak na espasyo at may tatlong palapag. Ang pagkakaroon
ng palikuran ay itinuturing na kauna-unahang paggamit ng sewege system.
Mayroong sistema ng pagsulat na pictogram.

10
Halika! Sasamahan kitang matuto tungkol sa aming
ipinagmamalaking kabihasnan. Ang dami ko pang
ibabahagi sa iyo na tiyak na kapupulutan mo ng
inspirasyon. Ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa.
H

Kabihasnang China
(1570 B.C.E. – 1911)
Ang kabihasnang Tsino ay nagsimula sa Ilog Huang-Ho. Naitatag ito kahit pa
man hindi tumanggap ang mga Tsino ng impluwensyang dayuhan.

Politika
Emperador ang tawag sa kanilang pinuno. Anak ng langit ang turing sa mga
pinuno ng sinaunang China. Ang dinastiya ay tumutukoy sa pamumuno ng isang
angkan sa isang imperyo sa loob ng mahabang panahon. Mayroong siyam na
pangunahing dinastiya ang China. Ang mga ito ay ang pagkakasunod-sunod: Shang,
Zhou o Chou, Q’in o Chi’n, Han, Sui, T’ang, Song, Yuan, at Ming.
Pinakatanyag na emperador ng China si Ying Zheng ng dinastiyang Chi’n.
Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang Shih Huang Ti o Shi Huangdi na ang ibig
sabihin ay “Unang Emperador” sa kasaysayan ng China. Nagpagawa siya ng Great
Wall of China upang maging proteksyon mula sa mga mananakop. Ang pangalang
China ay nagmula sa dinastiyang ito.
Mayroong apat na dakilang dinastiya ang China: ang dinastiyang Han, Tang,
Song, at Ming. Naabot ng mga dinastiyang ito ang panahon ng kasaganaan,
kaunlaran, kapayaan, at mataas na uri ng pamumuhay. Samantala, nagkaroon din
ng dayuhang dinastiya na namahala sa China. Una, ang dinastiyang Yuan na
itinatag ni Kublai Khan na mula sa Mongolia. Pangalawang dinastiyang dayuhan
naman ang dinastiyang Qing o Ching. Itinatag ito ng mga Manchu na nagmula sa
Hilagang Manchuria.

Ekonomiya
Pinaunlad ng mga Tsino ang paggawa ng mga kagamitang yari sa bronse.
Nagsasaka sila ng bigas at millet. Nag-aalaga rin sila ng baka, tupa at kambing. Kilala
ang mga Chinese bilang mangangalakal ng mga produktong porselana, telang silk,
tea, asin, asukal, pampalasa,at marami pang iba. Gumawa sila ng Silk Road para
maging rutang pangkalakalan patungo sa Silangang Asya, Timog Silangang Asya,
Timog Asya, Persia, Arabian Peninsula, Silangang Africa, at Europa. Pinag-igting din
nila ang pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng pagpapadala ng ekspedisyon sa sa
mga bansang Arabia, India, at Africa.

Relihiyon at Paniniwala

11
Naniniwala sa maraming diyos ang Dinastiyang Shang, kasama na dito ang
kanilang mga ninunong namatay. Sa pamamagitan ng pagsusulat sa oracle bone,
naniniwala sila na masasagot ng kanilang mga ninunong namatay ang mga tanong
ng hari tungkol sa hinaharap. Ang relihiyong Buddhism na mula sa India ay niyakap
ng mga Chinese sa panahon ng Dinastiyang Han. Mayroong matatag na paniniwala
na sila ang gitna ng buong daigdig o sinocentrism kaya hindi sila basta-bastang
tumatanggap ng impluwensyang dayuhan. Tatlong pangunahing pilosopiya ng
sinaunang Tsina na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Tsino. Ang mga ito
ay ang Confucianism, Taoism, at Legalism.

Kultura at Panlipunan
Sa panahon ng Dinastiyang Shang, sa tuwing may namamatay na pinuno,
isinasagawa ang pagsasakripisyo ng buhay ng tao. Pinaniniwalaan na ang kanilang
mga emperador ay may “Basbas ng Langit” na pinili dahil sa angking kabutihan. Kung
naging mapang-abuso ang emperador binabawi ng kalangitan ang basbas ng langit sa
anyo ng digmaan at mga kalamidad. Itinaguyod ang ideolohiyang Confucianism sa
buong imperyo. Inangkop sa sariling kultura ng mga Chinese ang Buddhism.
Pinapahalagahan nila ang edukasyon kaya mayroong mga iskolar at historyador na
nag-aaral at nagsusulat ng mga kaalaman na makakatulong sa kanila sa hinaharap.

Tutulungan kita na matuklasan ang mga


mahahalagang kaalaman tungkol sa
kabihasnang Egypt. Nais ko pang ibahagi
sa iyo ang tungkol sa amin. Halika!
Tuklasin mo.

Kabihasnang Egypt
( 3100–330 B.C.E )
Namuhay ang mga sinaunang Egyptian sa mga pamayanang malapit sa Ilog
Nile. Nakakamanghang isipin na ang kabihasnang ito ay umusbong sa lugar na
napapalibutan ng disyerto. Ngunit, hindi ito naging hadlang para sa mga Egyptian
upang makapagtatag ng isang nakakamanghang kabihasnan.

Politika
Pharaoh ang tawag sa tumatayong pinuno at hari. Itinuturing din siyang
isang diyos. Tungkulin niyang isaayos ang irigasyon, kontrolin ang kalakalan,
magtakda ng batas, panatilihin ang hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.
Teokrasya ang pamahalaan na ang ibig sabihin ay “Pamunuan ng Diyos”. Nome o
malalayang pamayanan ang batayan ng pagbuo ng mga lalawigan. Ang nomarch ang

12
namamahala sa mga nomes. Mayroon itong tatlong kaharian: ang Lumang Kaharian,
Gitnang Kaharian, at Bagong Kaharian.
Sa panahon ng Lumang Kaharian ipinatayo ang mga pyramid . Nagsimula
ang sentralisadong pamumuno sa panahon ng pamamahala ni Menes. Si Pepi II ang
pinakamatagal na naghari na tumagal ng siyamnapu’t apat (94) na taong
pamumuno. Sa kanyang pagpanaw, bumagsak ang lumang kaharian.
Sa Gitnang Kaharian naghari ang mga Hyksos kaya natutunan ng mga
Egyptian ang paggamit ng Chariot na isang sasakyang pandigma. Nagtapos ang
Dinastiyang Hyksos sa pag-usbong ng Ika-17 na Dinastiya. Si Reyna Hatshepsut na
asawa ni Pharaoh Thutmose II ay isa sa mahusay na pinuno sa kasaysayan.
Nagpagawa siya ng mga templo at ekspedisyon sa ibang lupain. Sa panahon ng
pamumuno ni Amenophis IV o Akhenaton, tinangka niyang bawasan ang
kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Gusto niya ring baguhin ang paniniwala
ng mga tao sa pagsamba sa maraming diyos, sa pamamagitan ng pagsamba lamang
kay Aton, na sinasagisag ng araw. Ngunit sa kanyang pagkamatay nawala rin ang
kanyang sinimulan. Si Tutankhamen ang pinakabatang Pharaoh na namuno sa
edad na siyam. Si Rameses II ang pinakamahusay na pinuno sa Ika-19 na Dinastiya.
Gumawa siya ng kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa daigdig sa
pagitan ng kalaban nilang mga Hittites. Pinaniniwalaan din na ang Exodus ng mga
Jew mula sa Egypt ay naganap sa kanyang panahon. Sa pagpanaw niya muling
humina ang pamamahala sa Egypt.

Ang Bagong Kaharian ay nakontrol ni Psammetichus ang Egypt noong ika-26


na Dinastiya ngunit sumapit ang panahon na pinamunuan ng mga Persian ang
Egypt. Nabawi man ng mga Egyptian ang pamumuno sa mga Persian ngunit mahina
ang pamumuno nila hanggang Ika-30 na Dinastiya. Ang Egypt ay ginawang
Imperyong Hellenistic ni Alexander the Great. Kaibigan ni Alexander si Ptolemaic na
naghari ng tatlong siglo sa Egypt. Si Cleopatra VII ang naging huling reyna ng
dinastiya ng Egypt. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 B.
C. E.

Ekonomiya
Kahit pa man disyerto ang malaking lupain ng Egypt, sila ay nakapagsasaka
pa rin malapit sa Ilog Nile na may matabang lupa. Gumawa sila ng irigasyon para sa
kanilang mga sakahan. Upang mapabilis ang kalakalan at transportasyon,
naghukay ang mga Egyptian ng kanal upang maiugnay ang Nile River sa Red Sea.
Dahil sa salat sa lupang mapagtamnan, sinipsip nila ang mga latian sa Nile Delta
upang maging bagong taniman. Marami ring ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia,
Syria at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na maaaring
minahin at mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon ng kalakalan sa pagitan ng
Egypt at Crete ng Kabihasnang Minoan.

Relihiyon at Paniniwala
Naniniwala sa maraming diyos na kanilang kasama o hindi kasamang
namumuhay, na may kakayahan at kapangyarihan na kontrolin ang daigdig. Ilan sa
mga anyo ng kanilang diyos ay maaaring isang simbolo, may mukhang tao, o
mayroon din namang katawan ng tao na may mukha ng hayop. Sa pamumuno ni

13
Akhenaton, ipinakilala niya ang pagsamba sa nag-iisang diyos na si Aton, ang diyos
ng araw. Ang mga pyramid ay nagsisilbing himlayan ng mga Pharaoh. Para sa mga
Egyptian, ang ibabang bahagi ng pyramid ay simbolo ng katawan ng tao at ang
matulis na bahagi ng pyramid na nakatutok sa araw ay ang pakikipag-ugnayan ng
katawan ng tao sa diyos. Nagpapahiwatig ito ng paniniwala nila sa kabilang buhay.

Kultura at Lipunan
Ang mga nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na Egyptologist.
Nakapaglinang ng sariling sistema ng pagsulat ang mga scribe o tapagsulat na
tinawag nilang hieroglyphics. Nag-eembalsamo sila gamit ang kemikal sa
pagpreserba ng bangkay bago ito ilibing o tinatawag na mummification. Mayroon
silang apat na uri ng tao sa lipunan, ang mga ito ay ang sumusunod; maharlika na
binubuo ng Pharaoh, opisyales ng gobyerno, pari at pantas; sundalo; karaniwang
mamamayan na kinabibilangan ng mga mangangalakal, magsasaka, at artisan; at
ang panghuli, ay ang mga alipin.

Pagyamanin

Sa bahaging ito, susuriin mo ang mga sinaunang kabihasnan na iyong napag-aralan.


Sige nga, ipakita mo ang iyong husay sa pagsagot.
Gawain 3 - Larawan Suri

I- Panuto: Tukuyin mo kung alin sa sumusunod na larawan ang Kabihasnang


Mesopotamia, Kabihasnang Egypt, Kabihasnang India at Kabihasnang China. Isulat
sa sagutang papel ang iyong sagot.

1.Kabihasnang___________ 2.Kabihasnang___________________

14
3.Kabihasnang___________________ 4.Kabihasnang ___________________
______

II. Panuto: Batay sa larawan sa itaas lagyan mo ng tsek ( ✓ ) ang kolum ng


kabihasnan kung makikita dito ang larawan na tinutukoy sa unang kolum sa ibaba.
Kopyahin ang gawaing ito sa sagutang papel.
Mesopotamia Egypt China India
Sistema ng Pagsulat
Ilog
Kanal
Pinuno
Pagsasaka
Cuneiform
Oracle bone
Pyramid
Grid Pattern
Ziggurat
Great Wall

III. Panuto: Suriin ang mga larawan sa Gawain I, tukuyin kung alin sa larawan ng
bawat kabihasnan ang parehong may kinalaman sa politika, kultura,
ekonomiya, at relihiyon. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong sagot.
Halimbawa: Lipunan – magsasaka
a. Politika – _________________________________________________
b. Kultura – _________________________________________________
c. Ekonomiya – _________________________________________________
d. Relihiyon – _________________________________________________

IV.Panuto: Batay sa Gawain II, ano-ano ang limang (5) pagkakatulad ng apat na
kabihasnan? Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong sagot.
1. ____________________ 4. _____________________
2. ____________________ 5. _____________________
3. ____________________

15
V. Panuto: Batay sa Gawain II, ano-ano naman ang natatangi o kakaiba sa bawat
kabihasnan? Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong sagot.
o Mesopotamia – __________________________________
o Egypt – __________________________________
o India – __________________________________
o China – __________________________________

IV. Panuto: Anong katangian ng sinaunang kabihasnan ang lubos mong


hinahangaan at nagbigay sa iyo ng inspirasyon? Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na sagutang papel.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGBIBIGAY ISKOR SA SANAYSAY


3 2 1
Lahat ng detalye Isa o higit sa mga detalye Lahat ng detalye
tungkol sa napiling tungkol sa napiling tungkol sa
Nilalaman

katangian ng katangian ng sinaunang napiling


sinaunang kabihasnan kabihasnan ay kinopya katangian ng
ay ipinaliwanag ng lamang. sinaunang
malinaw ayon sa kabihasnan ay
sariling pangungusap. kinopya lamang.
Ang buong mensahe ay Mayroong isa o dalawang Mababaw at
malalim na mensahe na hindi gaanong literal ang
Mensahe

nakapagbigay ng napalalim ang mensahe.


paghanga at pagpapahayag ng paghanga
inspirasyon tungkol sa at inspirasyon sa katangian
katangian ng ng sinaunang kabihasnan.
sinaunang kabihasnan.

16
Isaisip

Mag-aaral huwag mong kalimutan ang sumusunod na mahahalagang kaalaman


tungkol sa aralin na ito dahil ang mga kaalaman na ito ay makakatulong upang
mas malalim mong maunawaan ang susunod na aralin.

• Ang politika, ekonomiya, relihiyon, paniniwala, kultura, at lipunan ay mga


mahahalagang salik sa pag-usbong, pagpapanatili, at pag-unlad ng
kabihasnan.

• Kinikilala ng mga sinaunang kabihasnan ang kapangyarihan ng diyos na


gumagabay sa pamamahala ng kanilang pinuno.

• Naisalin-salin ang pamumuo sa isang kaharian sa mga kamag-anakan.

• Ang kapangyarihan sa pamumuno ay hindi tiyak at lubos. Puwedeng


mapalitan ang namumuno sa anumang kadahilanan.

• Karaniwang dahilan ng pagbagsak ng isang kaharian ay ang kawalan ng


pagkakaisa gaya ng pag-aalsa ng mga mamamayan, at pananakop ng ibang
imperyalistang grupo.

• Pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang kabihasnan ay pagsasaka,


paghahayupan, pangangalakal, at pagpapadala ng ekpedisyon o paglalayag
upang makahanap ng mga produktong maaring mapakinabangan.

• Sumasamba sa maraming diyos o polytheism ang karaniwang relihiyon ng


mga sinaunang kabihasnan.

• Naniniwala sa kabilang buhay kaya iniingatan at pinapahalagahan ang


kanilang mga patay.

• Nagkaroon ng mahalagang papel ang mga iskolar, tagasulat o scribe, at mga


historyador sa pagpapaunlad at pagpreserba ng kasaysayan ng bawat
kabihasnan.

• Karaniwang bumubuo sa isang lipunan ay ang sumusunod: hari, mga


opisyal ng hari, pari, sundalo, mangangalakal, artisan, magsasaka, at alipin.

• Pinapahalagahan ng mga sinaunang kabihasnan ang edukasyon kaya


marami silang kontribusyon sa sangkatauhan sa larangan ng matematika,
siyensya, musika, sining, arkitektura, agrikultura, politika, kasaysayan, at
marami pang iba.

17
Isagawa

Ngayong mayroon kanang natutunan tungkol sa sinaunang kabihasnan. Nais


kong ikaw ay magbahagi ng iyong kabihasnan na gustong pamunuan.

Gawain 4 - Build Your Civilization


A. Panuto: Gamit ang iyong imahinasyon. Maaari mo bang iguhit ang iyong
nais na kabihasnan sa kasalukuyang panahon? Ano-ano ang mga katangian na
iyong kabihasnang bubuuin? Tingnan ang rubrik ng pagbibigay puntos sa iyong
guhit sa ibaba. Iguhit sa long bond paper.

RUBRIKS PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 4-A


5 4 3 2 1
Kompleto Kulang ng isa Kulang ng Kulang ng Kulang ng
ang aspeto sa mga aspeto dalawa sa mga tatlo sa mga apat o higit pa
Aspeto ng Kabihasnan

kabihasnan ng kabihasnan aspeto ng aspeto ng na aspeto ng


ayon sa Maaring isa sa kabihasnan. kabihasnan. kabihasnan.
politika, mga aspetong Maaring wala Maaring wala Maaring wala
ekonomiya, wala ay ang ang aspetong ang aspetong ang aspetong
relihiyon, politika, politika, politika, politika,
paniniwala, ekonomiya, ekonomiya, ekonomiya, ekonomiya,
kultura, at relihiyon, relihiyon, relihiyon, relihiyon,
lipunan. paniniwala, paniniwala, paniniwala, paniniwala,
kultura, at kultura, at kultura, at kultura, at
lipunan. lipunan. lipunan. lipunan.
Organisado Mayroong isang Mayroong Mayroong Halos lahat ng
Organisasyon

ang pagbuo aspeto ng dalawang tatlong aspeto aspeto ng


ng lahat ng kabihasnan na aspeto ng ng kabihasnan kabihasnan ay
aspeto ng magulo. kabihasnan na na magulo. magulo.
kabihasnan magulo.
.

18
B. Panuto: Pagkatapos mong gawin ang iyong nais na kabihasnan, bumuo
ka ng sampung pangunahing batas na susundin ng iyong mga
nasasakupan upang maipapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa iyong
teritoryo. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba. Isulat sa malinis na papel.

SAMPUNG BATAS
1.___________________________________________________________
2.___________________________________________________________
3.___________________________________________________________
4.___________________________________________________________
5.___________________________________________________________
6.___________________________________________________________
7.___________________________________________________________
8.___________________________________________________________
9.___________________________________________________________
10.__________________________________________________________

RUBRIKS PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 4-B


5 4 3 2 1
Ang sampung Isa o Tatlo o apat lima o anim Pito o higit pa
batas ay dalawang na batas ay na batas ay na batas ay
Kaangkupan

angkop sa batas ay hindi angkop hindi angkop hindi angkop


pagpapanatili hindi angkop sa sa sa
ng maayos na sa pagpapanatili pagpapanatili pagpapanatili
pamumuhay. pagpapanatili ng maayos ng maayos ng maayos na
ng maayos na na pamumuhay.
na pamumuhay. pamumuhay.
pamumuhay. .
Ang lahat ng Isa o Tatlo o apat Lima o anim Pito o higit pa
malinaw

batas ay dalawang na batas ay na batas ay na batas ay


Pagka-

madaling batas ay mahirap mahirap mahirap


naunawaan. mahirap maunawaan. maunawaan. maunawaan.
maunawaan.

19
Tayahin

Andito ka na sa huling pagsubok sa iyong kaalaman sa araling ito. Ito na ang


pagkakataon na mapapatunayan mo sa iyong sarili na mayroon kang natutunan sa
aralin na iyong pinag-aralan.

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa hiwalay na


sagutang papel ang napiling mong sagot.

1. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay sa kabihasnang Mesopotamia, ano sa


palagay mo ang HINDI nararapat mangyari sa iyong lungsod-estado?
A. Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado kaya hindi sila makabuo ng
matatag na pamahalaan.
B. Naniniwala sila sa mga diyos at diyosa na may katangiang tulad ng tao.
C. May sistema ng pagsulat at mga produktong nagpapalago sa kalakalan.
D. Nabuo ang maraming lungsod-estado dahil sa kagalingan ng mga hari.

2. Bakit tinaguriang“Ginintuang Panahon” ang Dinastiyang Han?


A. Pangunahing kalakal ng mga Tsino ay ginto na nagpayaman sa kanila.
B. Malawak ang imperyong nasasakupan ng Dinastiyang Han sa buong mundo.
C. Maaaring ito ang katawagan na ipinag-utos ng mga pinuno ng dinastiyang
Han.
D. Ang pagkakaroon ng kapayapaan, mataas na antas ng pamumuhay at
kaunlaran sa China.

3. Paano maihahalintulad ang pag-unlad at pagbagsak


ng mga kaharian sa buhay ng tao?
A. Ang pag-unlad at pagbagsak ay ayon sa kagustuhan ng diyos.
B. Nakaguhit sa kapalaran ng tao ang pag-unlad at pagbagsak.
C. Depende sa suwerte ang pag-unlad at malas naman ang pagbagsak.
D. Ang pag-unlad ay nakasalalay sa pagsisikap ng tao at ang pagbagsak ay sa
masamang gawain nito.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa Kabihasnan ng Tsina?


A. hindi sibilisado C. pagiging superyor
B. mayroong pamamahala D. may natatanging kultura at kabihasnan

5. Aling paniniwala ang sinasabing“Basbas ng Kalangitan”, na ang pamumuno ng


emperador ay pinili dahil sa kabutihan ngunit babawiin kapag siya’y naging
masama.
A. Epiko ng Gilgamesh C. Code of Hammurabi
B. Mandate of Heaven D. Sexagesimal System

20
6. Bakit inilalarawan bilang planado at organisado ang pamayanan ng
kabihasnang Indus?
A. Ang pagpapahalaga ng mga Dravidian sa edukasyon.
B. Pinagplanuhan nang mabuti ng kanilang lider ang pananakop
C. Nag-organisa ng grupo ang mga mamamayan para sa pagplano
ng pagdiriwang
D. Ang pagkakaroon ng malalapad na kalsada, bahay na may malalawak
na espasyo, at palikuran na itinuturing na kauna-unahang paggamit
ng sewege system

7. Ano ang implikasyon ng pagpapatayo ng mga Pyramid sa paniniwala at


relihiyon ng mga Egyptians?
A. Ang piramide ay simbolo ng kapangyarihan ng kanilang Pharaoh.
B. Marami ang nagrebelde dahil sa mahirap gawin ang mga piramide.
C. Ang pakikipag-ugnayan ng katawan ng tao sa diyos at paniniwala sa muling
pagkabuhay ng tao pagkatapos mamatay.
D. Ang lubos na pagpapahalaga ng mga mamamayang Egyptian sa kanilang
Pharaoh.

8. Ang lahat ay kaganapang nangyari sa Kabihasnang Egypt MALIBAN sa isa.


A. Nagawa ang mga bantayog ng mga Pharoah at naging libingan nila ito.
B. Ang mummification ay gumagamit ng kemikal sa pagpreserba ng bangkay
bago ilibing.
C. Dito matatagpuan ang pinakamalaking lungsod na may kahulugang
“tirahan ng mga Diyos”.
D. Ang hieroglyphics ay nakaukit sa mga pampublikong gusali at maging sa
luwad at kahoy.

9. Maraming dinastiya ang umusbong sa China na nagtataglay ng iba’t ibang


katangian ng pamumuno ng mga emperador at ng mga kaunlarang naganap
sa kanilang panahon. Alin sa sumusunod ang ambag ng Chin Dynasty?
A. Umusbong sa panahong ito ang Confucianism, Taoism at Legalism.
B. Ginawa ang Great Wall of China bilang proteksyon laban sa mga kalaban.
C. Naitayo ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng mga
emperador.
D. Isinulat ang kasaysayan ng China bilang napakalaking kontribusyon ng
dinastiyang ito.

10. Naniniwala ang mga Chinese na sila lang ang sentro at sibilisado at ang iba na
hindi Chinese ay barbaro. Ano ang ibig sabihin ng barbaro?
A. Matatalinong tao
B. Magaling makipagdigma
C. May mataas na antas sa pamumuhay.
D. Mga taong hindi nakaabot sa pagiging sibilisado.

21
11. Ang edukasyon ay lubos na pinapahalagahan ng mga sinaunang kabihasnan.
Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Pumapasok sa paaralan ang mga mamamayan.
B. Ang mga kalalakihan lamang ang sinasanay sa paaralan.
C. Pinag-aaralan ng mga pinuno ang taktika sa pakikipagdigma.
D. Nagkaroon ng mga dalubhasa at kaalaman sa larangan ng matematika,
siyensya, musika, sining, arkitektura, agrikultura, politika, at kasaysayan.

12. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng mga iskolar, tagasulat o scribe,
at mga historyador noong sinaunang kabihasnan?
A. Tagalista ng transaksyon ng hari sa ibang kaharian.
B. Tagapayo ng hari sa maayos na pamamalakad ng kaharian.
C. Katuwang ng hari sa pagpapaunlad at pagpreserba ng kasaysayan.
D. Nakakaalam ng sekreto, plano, desisyon, at kapangyarihan ng hari.

13. Paano nakakaimpluwensya ang paniniwala sa relihiyon sa pamamahala


ng mga pinuno noong sinaunang kabihasnan?
A. Higit na pinaniniwalaan ang pinuno ng relihiyon kaysa hari.
B. Marami ang naniniwala sa kanilang diyos kaysa kanilang pinuno.
C. Malaki ang respeto ng mga tao sa kanilang hari dahil ito nagbibigay parusa
sa mga taong hindi sumusunod sa kanya.
D. Kinikilala ng mga sinaunang kabihasnan ang kapangyarihan ng diyos na
gumagabay sa pamamahala ng kanilang pinuno.

14. Alin sa mga pahayag ang hindi tumutukoy sa pamumuhay ng sinaunang


kabihasnan?
A. Gumamit ng makinarya sa pagtratrabaho.
B. Sumasamba sa maraming diyos o polytheism ang karaniwang relihiyon.
C. Naniniwala sa kabilang buhay kaya iniingatan at pinapahalagahan ang
kanilang mga patay
D. Nagkaroon ng mahalagang papel ang mga iskolar, tagasulat o scribe, at mga
historyador sa pagpapaunlad at pagpreserba ng kasaysayan ng bawat
kabihasnan.

15. Noong sinaunang kabihasnan pangunahing problema ang pag-apaw ng


ilog sa tuwing bumabaha. Dahil dito, naaantala ang paghahanapbuhay, napin-
sala ang mga ari-arian, at marami ang nasawi. Paano ito binigyan ng solusyon
ng mga sinaunang tao?
A. Gumawa ng dike at kanal.
B. Nanirahan malayo sa ilog.
C. Nagtanim ng maraming puno sa kabukiran.
D. Nagsagawa ng ritwal panlaban sa kalamidad.

22
Karagdagang Gawain

Mag,aaral, mahalaga rin na alam mo kung paano magagamit ang iyong


mga kaalaman. Inaanyayahan kitang sagutin mo ang gawaing 5.

Gawain 5 - Ginintuang Aral, Isabuhay ko!

Panuto: Isulat sa pangalawang kahon ang pagsasabuhay mo sa mga aral ng


kabihasnan. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong sagot.

Mga Aral ng Kabihasnan Pagsasabuhay

1. Makadiyos na pamamahala

2. Pagpapanatili sa katahimikan
at kaayusan ng imperyo.
3. Pagsisikap na mapaunlad ang
kakayahan o kasanayan para
sa mas maginhawang
pamumuhay.

RUBRIK NG PAGSASABUHAY
3 2 1
Ang buong mensahe Isa sa mensahe ay Dalawa o tatlo mensahe
Mensahe

ay ayon sa konteksto paligoy-ligoy. ay paligoy-ligoy .


ng totoong buhay.

Lahat ng aral ng Isa sa mga aral ng Dalawa o tatlo sa mga


Nilalaman

kabihasnan ay kabihasnan ay hindi aral ng kabihasnan ay


malinaw na malinaw na hindi malinaw na
naipahayag . naipahayag. naipahayag.

Nakakabilib ka naman! Binabati


kita. Nasagutan mo nang tama ang
mga gawain. Malaki ang tiwala ko
saiyo na magagamit mo ang iyong
mga kaalaman sa mga sinaunang
kabihasnan sa paggawa ng mga
mabubuting bagay na
makakatulong sa pag-unlad ng
kasalukuyang panahon. Pagpalain
ka ng Panginoon!

23
24
ISAGAWA: Gawain 4
A. Build Your Own Civilization - (Tingnan pagkatapos ng gawain 3 ang rubrik sa pagbibigay
iskor sa paggawa ng nais na kabihasnan)
B. Tingnan ang rubrik sa paggawa ng sampung batas ng nasasakupan. Maaaring sagot ang
sumusunod:
1. Huwag magnakaw.
2. Maghanap buhay nang marangal.
3. Huwag pumatay.
4. Huwag abusuhin ang mga bata at kababaihan.
5.Igalang ang mga matatanda.
6.Sundin ang mga nagpapatupad ng batas kagaya ng hari, sundalo, at iba pa
7. Pangalagaan ang kalikasan.
8. Huwag magsalita ng mga nakakasakit sa kapwa.
9. Huwag manakit nang pisikal sa kapwa.
10. Mag-aral nang mabuti
PAGYAMANIN: Gawain 3 – Larawan Suri
I. 1. Kabihasnang Mesopotamia 3. Kabihasnang Indus
2. Kabihasnang China 4. Kabihasnang Egypt
MESOPOTAMIA EGYPT INDIA CHINA
Ilog / / / /
Sistema ng Pagsulat / / / /
Kanal/Irigasyon / / / /
Pinuno / / / /
Pagsasaka / / / /
Cuneiform /
Oracle Bone /
Pyramid /
Grid Pattern /
Ziggurat /
Great Wall /
TUKLASIN: Gawain 2 - Lakbay- Aral (Tingnan ang rubrik sa pagbibigay iskor ng
talaarawan)
Ang Aking Talaarawan
Isang araw ako ay nakabalik sa nakaraan, kasama ng aking kaibigan. Sa aming paglalakbay
narating namin ang Mesopotamia. Dito, nakita namin ang malaking istruktura na mayroong pitong
palapag. Sa palagay ko ito ang tinatawag na Ziggurat. Sa taas ng Ziggurat nandoon ang dambana
para sa kanilang diyos.
Naglakbay muli kami at narating namin ang pare-parehong disenyo ng mga bahay. Ang mga
bahay na ito ay may malalawak na espasyo. Mayroon din silang malalapad na kalsada kumpara
sa Mesopotamia. Ito na nga ang Kabihasnang Indus.
Pagkatapos, naming magpahinga, naglakbay muli kami at umabot kami sa lugar na
mayroong naglalakihang piramide. Ito pala ang Kabihasnang Egypt. Kahanga-hanga ang mga
Piramideng ito. Paano kaya ito ginawa ng mga Egyptian? Napakagaling siguro ng kanilang mga
inhinyero.
Maya-maya ay hindi kami nagsayang ng oras pumunta kami sa tinatawag na Forbidden City
ng China. Dito nakatira ang kanilang mga emperador.
Nakaramdam na ng pagod ng aming katawan kaya umuwi na kami. Hanggang sa muling
paglalakbay. Paalam!
Balikan: Gawain 1 – 1. A 2. A 3. C 4. B 5. C
SUBUKIN ( Paunang Pagsusulit ) 1.d 2. b 3. d 4. d 5.a 6.b 7. d 8. d
9.b 10.d 11.d 12.c 13.d 14.a 15. b
Susi sa Pagwawasto
25
TAYAHIN: 1.a 2. d 3. d 4. a 5.b 6.d 7. b 8.c 9.b 10.d
11.d 12. c 13. d 14. a 15.a
KARAGDAGANG GAWAIN: Gawain 5 - Ginintuang Aral, Isabuhay ko!
(Tingnan ang rubrik sa pagbibigay iskor sa pagsagot ng pagsasabuhay sa mga
aral ng kabihasnan.)
1.Makadiyos na pamamahala sa nasasakupan - Halimbawa kung ako ay maging
lider ng klase, maging halimbawa ako sa aking mga kaklase sa pagsunod ng mga
alintuntunin ng paaralan lalo na ang hindi paggawa ng mga imoral na bagay.
2. Pagpapanatili sa katahimikan at kaayusan ng imperyo. - Ako mismo ang iiwas sa
gulo at iimpluwensyahan ang aking mga kaibigan na huwag makipag-away sa
kapwa.
3. Pagsisikap na mapaunlad ang kakayahan o kasanayan para sa mas
maginhawang pamumuhay. - Ako ay mag-aaral nang mabuti upang magamit
ko ang aking kaalaman sa pagpapaunlad ng aking kakayahan at talento.
PAGYAMANIN: Gawain 3 – Larawan Suri
V. III. Tukuyin kung alin sa mga larawan ang may kinalaman sa sumusunod:
a. Politika – Pinuno
b. Kultura – Sistema ng pagsulat
c. Ekonomiya – Pagsasaka, Paggawa ng palayok
d. Relihiyon – Ziggurat, Pyramid, Oracle bone
A IV. Ano-ano ang pagkakatulad ng apat na kabihasnan ayon sa larawang guhit?
➢ Parehong umusbong sa lambak ilog.
➢ Parehong may sistema ng pagsulat
➢ Parehong gumawa ng kanal at irigasyon.
➢ Parehong may namumuno.
➢ Parehong pangunahing hanapbuhay ang pagsasaka.
A V. Ano-ano naman ang natatangi sa bawat kabihasnan?
o Mesopotamia – Cuneiform, Ziggurat
o Egypt – Pyramid, Hieroglyphics
o India – Grid pattern
o China – Great Wall of China, Calligraphy, Oracle bone
VI. Gawain 2 – Sanaysay (Tingnan ang rubrik sa pagbibigay iskor sa sanaysay.)
Tanong:
Napamangha ka ba sa mga sinaunang kabihasnan? Anong katangian ng mga
kabihasnan ang lubos mong hinahangaan at nagbigay sa iyo ng inspirasyon?
Sagot:
Nagbigay sa akin ng inspirasyon ang pagiging masikap ng mga sinaunang tao sa
pagpapaunlad sa kanilang kakayahan upang mas mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Halimbawa pinaunlad nila ang kakayahan nila sa paggawa ng bagay na mas kapaki-pakinabang
tulad ng paggawa ng mga kagamitan na yari sa bronse, bakal, at marami pang iba, Ngayon ako
ay may maraming pangarap sa buhay, tulad ng mga sinaunang tao ako ay magsusumikap sa
pag-aaral para balang araw maiaangat ko ang aking pamilya sa kahirapan man o
kamangmangan.
Sanggunian

Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria Carmelita B.


Samson, and Cella D. Soriano. (2015) Kayamanan,Kasaysayan ng Daigdig 8.
Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.

Eliseo D. Manaay Jr., and Patrocenia D. Taguinod. Kasaysayan ng Daigdig. (2015)


Dalandan, Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.

Department of Education. (2017) Araling Panlipunan Module: Kasaysayan ng


Daigdig. Pilipinas: Eduresources Publishing, Inc., pp.67-94

Department of Education. Araling Panlipunan Module: Asya: Pagkakaisa sa Gitna


ng Pagkakaiba. Pilipinas. 112-148

Mfuniselwa Bhengu (2014). “The Spiritual Significance of the Egyptians Pyramids”.


Retrieved on July 3, 2020 from https://bit.ly/3jl4mjb - april-2014

Christine Sanama (2014). Kasaysayan ng Daigdig. Retrieved on July 3, 2020 from


https://bit.ly/3jktTJ8 - march 2014

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Davao del Sur, Philippines 1600

Telephone: (082) 224-0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph /


lrmds.davaocity@deped.gov.ph

You might also like