You are on page 1of 22

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Araling Panlipunan – Ikalima na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Grace Q. Palomeras, MT I
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Olivia C. Corona, MT II, AP Division Coordinator
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS
and Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim CESO V, School Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region

Office Address: ____________________________________________


Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Aralin Panlipunan 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iii
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Binubuo ang modyul na ito ng mga aralin tungkol sa sistemang politikal ng mga
sinaunang Pilipino. Ang pamamalakad sa pamahalaang barangay at pamahalaang
sultanato ang mga pangunahing paksa tatalakayin. Ang modyul na ito ay ginawa
upang gabayan ka na maunawaan nang lubos ang mga paksa at matuto ng mga
bagong kasanayan. Basahin at unawain mabuti ang modyul.

Ang mga paksa napapaloob sa modyul na ito ay:

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


 Nasusuri ang pulitikal na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino
b. politikal (e.g. namumuno, pagbabatas at paglilitis Code: AP5PLPIf-6

Matapos mong pag-aralan ang modyul Inaasahan na:


1. Natatalakay ang pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato
2. Naihahambing ang pamahalaang barangay sa sultanato
3. Naipapaliwanag ang papel ng batas sa kaayusang panlipunan ng mga
sinaunang Pilipino

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______1. Ano ang tawag sa isang yunit pampolitika, panlipunan at


pangkabuhayan noong sinaunang Pilipino?
A. Sultanato B. Barangay C. Kolonyalismo D. Sentralisado
_______2. Ano ang tawag sa tagapayong panrelihiyon ng sultan?
A. Kadi B. Raja C. Datu D. Umalohokan
_______3. Ano ang tawag sa sistema ng pamamahala na nakabatay sa mga turo ng
Islam?
A. Muslim B. Barangay C. Merkantilismo D. Sultanato

_______4. Ano ang tawag sa babasahing nagsasalaysay sa lahing pinagmulan ng


mga sultan?
A. Doktrina B. Koran C. Tarsila D. Adat

1
_______5. Ano ang tawag sa aklat ng sultanato kung saan nakapaloob ang mga
katutubong kaugalian, tradisyon at mga aral nito kung saan nakabatay
ang kanilang mga batas?
A. Bibliya B. Doktrina C. Lumang Tipan D. Koran

_______ 6. Ilan ang mag-anak o pamilya na bumubuo sa bawat barangay sa


sinaunang Pilipino?
A. 30 - 100 B. 10 - 30 C. 50 - 100 D. 20 – 70

_______ 7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pagkakaiba ng barangay


at sultanato?

A. Ang barangay at sultanato ay may mga namumuno.


B. Ang barangay at sultanato ay may mga batas na ipinatutupad.
C. Ang sultanato ay mas malawak ang nasasakupan kaysa sa
barangay.
D. Ang sultanato at barangay ay mga pamahalaan na umiiral sa
sinaunang Pilipino.

______ 8. Kung may pagkakaiba ang barangay at sultanato ano naman ang
pagkakatulad ng dalawang sinaunang pamahalaan?

A. Mas malawak ang sakop ng sultanato kaysa sa barangay.


B. Ang barangay ay pinamumunuan ng datu at ang sultanato ay
pinamumunuan ng sultan.
C. Ang barangay at sultanato ay parehas na may ipinapatupad na mga
batas sa kanilang nasasakupan.
D. Ang barangay ay makikita sa Luzon at Visayas samantalang ang
sultanato ay sa bahaging Mindanao.

_______ 9. Ano ang tawag sa tagapagbalita sa barangay na siyang nagbibigay


impormasyon tungkol sa batas na napagtibay?
A. Ruma Bichara B. Kasapi C. Umalohokan D. Matatanda

_______ 10. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas sa pakikipag-ugnayan ng


mga sinaunang Pilipino?

A. Mahalaga ang batas upang masunod ang ninanais na gawin ng isang tao.
B. Ang mga batas ang nagtatakda kung kalian dapat magbayad ng buwis at
pagkakautang.
C. Ang batas ang nagsasabi kung dapat bang parusahan ang isang tao sa
pamayanang nasasakupan.
D. Ang mga batas ang nagiging patnubay ng mga sinaunang Pilipino sa
pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati
na rin sa ibang barangay.

2
Aralin
Politikal na Pamumuhay ng
7 mga Sinaunang Tao
Alam ba ninyo na bago pa dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas ay may
sarili ng sistema ng pamamahala ang mga sinaunang Pilipino?
Mapapansin ito sa kanilang lipunan na may maayos at payak na
pamumuhay. Ang sinaunang pamahalaang Pilipino ay tinawag na barangay at ang
pamahalaan naman ng mga Muslim ay sultanato. Upang mapanatili ang maayos
na pamamahala sa pamahalaang barangay ay may mga batas silang ipinatutupad.
Sa modyul na ito ipaliliwanag kung paano ang paggawa at pagpapatupad ng mga
batas sa pamahalaang barangay gayundin ang batayan ng batas sa pamahalaang
sultanato. Tatalakayin din ang pakikipag-ugnayan ng mga barangay sa isa’t isa.

Balikan

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______1. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na ang mga
bagay sa kalikasan ay banal at may kaluluwa?

A. Kristiyanismo B. Islam C. Paganismo D. Animismo

_______2. Ano ang tawag sa tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos sa


sinaunang Pilipino?

A. Bathala B. Babaylan C. Diwata D. Anito

_______3. Ano ang tawag sa pagtatato noong unang panahon na simbolo ng


kagitingan at kagandahan?

A. Pagbuburda B. Pagbabatok C. Paglalala D. Pangangayaw

_______ 4. Paano inihahanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa
kabilang buhay?

A. Ang bangkay ay nililinis at agad inililibing.


B. Ang yumao ay dinadasalan ng siyam na araw bago ilibing.
C. Ang bangkay ay inilalagay agad sa tapayan.
D. Sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis
ng magagarang kasuotan sa bangkay.

3
______ 5. Paano nakikilala ang mga magigiting at malalakas na mandirigma sa
sinaunang Pilipino?

A. Sa bilang o dami ng napatay


B. Pagkakaroon ng maraming sandata
C. Batay sa kulay ng kanilang kasuotan
D. Pagkakaroon ng tatto o permanenteng marka sa katawan

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at
maunawaan ng mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan
sa pagkatututo. Binigyang pansin din sa mga Gawain ang
paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication); pagtutulungan (Collaboration); malikhain
(Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo
ng pagkatao (Character building). Makikita rin ang aralin na ito
online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng
mga mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-
aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang
/guardian upang matiyak na nagagawa ng mga mag-
aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instrukyon
sa pagkatuto.

4
Tuklasin

Panuto: Ano ang mga nasa larawan? Tukuyin at isulat ang iyong sagot sa
ilalim na linya nito.

1. 2. 3.
httpswww.google.comsearchq=datu+picture&tb httpswww.google.comsearchq=muslim
m=isch&ved=2ahUKEwjknuuMi5jpAhUGg5QKHez httpswww.google.comsearchq=balangay+mothership&tbm=isch&chips
+sa+pilipinas+CARTOONS&tbm=isch&v
NADAQ2- =qbalangay+mothership,online_chipsbalanghai&hl=en&ved=2ahUKEwi
ed=2ahUKEwi2pamC39vpAhUxHKYKHa
cCegQIABAA&oq=datu&gs_lcp=CgNpbWcQARgE f8KPjjJjpAhXrxosBHXgEBswQ4lYoAnoECAEQFw&biw=1349&bih=576#i
dzCI4Q2-
MgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyBAgAEEMyB mgrc=Ixb5q9l8QXJDsM

__________________ ____________________ ________________

Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawan na ito sa ating aralin? Halina’t tuklasin
natin!

Suriin

Politikal na Pamumuhay ng mga Sinauanang Pilipino

Ang sistema ng pamahalaan noon ay nagpapatupad ng mga batas upang


magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang mga pamayanan. Ang
pagpapatupad sa mga batas na ito ay nakaatang sa balikat ng kanilang mga
pinuno, gayundin din ang pangangasiwa sa kanilang kabuhayan. May dalawang
uri ng pamahalaan ang umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas ito ay ang
barangay at sultanato.

Pamahalaang Barangay
Ang salitang barangay ay mula sa
salitang balangay na isang sasakyang pandagat
o bangka na ginamit noon ng mga sinaunang
Pilipinong mula sa kapatagan. Ang barangay ay
isang yunit pampolitika, panlipunan, at
pangkabuhayan sa panahon ng sinaunang
Pilipino, ito ay lumaganap sa mga pamayanan
httpswww.google.comsearchq=pamahalaang+barangay+ng+sinaunang+pilipino&tbm=isch&hl=en&chips=qpamahalaan
g+barangay+ng+sinaunang+pilipino,online_chipsdatu&hl=en&ved=2ahUKEwj9-
ebcipjpAhWpJaYKHbQHAUoQ4lYoAXoECAEQFg&biw=1349&bih=

5
ng Luzon at Visayas. May mga pagkakataon din na nagbubuklud-buklod ang mga
barangay at bumubuo ng kanilang mga alyansa. Madalas na ang bawat barangay
ay binubuo ng 30 – 100 pamilya.
Ang Datu. Ang datu ang pinuno at kinikilalang pinakamalakas,
pinakamatapang at pinakamayamang lalaki sa barangay at raha o lakan naman
ang tawag sa namumuno sa mas malaking barangay. Ang pagiging datu ay
natatamo sa pamamagitan ng mana, karunungan, kayamanan, kapangyarihang
pisikal, pagkakamag-anak o gulang. Ang datu ay may tungkuling
tagapagpaganap, tagapagbatas, tagahukom at bilang punong militar.
Nakasalalay sa kanya ang kapakanan ng buong barangay na magpatupad ng batas
at ipagtanggol ang kaniyang nasasakupan laban sa mga kaaway tuwing may
digmaan. Mayroon din siyang lupon ng mga tagapayo sa mga bagay na may
kinalaman sa batas, kaugaliang panlipunan, diplomasya at pakikidigma na
tinatawag ding Kalipunan ng mga Matatanda.

Batas sa Barangay. Ang mga batas ang nagtatakda ng mga dapat at di-
dapat gawin. Ang mga batas ang naging patnubay o gabay ng mga tao sa
pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati na rin
sa ibang barangay.
May dalawang uri ng batas ang umiiral sa barangay noon ang batas na
hindi nakasulat at ang batas na nakasulat. Ang mga batas na hindi nakasulat ay
batay sa kanilang kaugalian at tradisyon na nagpasalin-salin na sa kanilang
henerasyon. Ang mga batas na nakasulat ay mula sa mga pag-uutos na ginawa ng
datu kasama ang lupon ng matatanda sa barangay na nagsisilbing kaniyang
tagapayo. Nakapaloob sa mga nakasulat na batas ang mga usapin tungkol sa
diborsyo, krimen, pagmamay-ari ng mga ari-arian, at iba pa. Ang mga nakasulat
na batas na napagtibay ay ipinagbibigay – alam sa isang pagtitipon sa
pamamagitan ng isang umalohokan o tagapagbalita. May dala – dala siyang
tambuli habang lumilibot sa isang barangay. Sa Visayas ang isang umalohokan ay
may mahalagang bagay din na ginagampanan dahil sa paghalal ng datu sa kanya
tuwing may malalaking away na dapat ayusin. Siya ang naglilitis hanggang
magkasundo ang mga nagkaalitan. Kapag natapos na ang gulo, tapos na rin ang
trabaho ng isang umalohokan.
Ang datu ang nagbibigay ng hatol sa mga pagkakasala ng mga kasapi ng
barangay. Dumadaan sa proseso ang pagdinig ng kaso at paglilitis na ginaganap sa
harap ng maraming tao. Ang mga saksi ay nanunumpa sa harap ng hukom at
itinuturing itong banal o sagrado. Kapag hindi madali ang pagpapasiya sa isang
kaso, isinasailalim ang mga akusado sa mga pagsubok dahil naniniwala sila na
kakampihan ng mga diyos ang walang sala at paparusahan ang may sala. Ang
kaparusahan din ay naaayon sa bigat o gaan ng kasalanan.
Mga halimbawa ng magaang at mabigat na kasalanan at maaaring kaparusahan.

Magaang na Kasalanan Mabigat na kasalanan


• Pang – uumit • Pagpatay
• Pagsisinungaling • Pagnanakaw
• Pandaraya • Paglapastangan sa mga
• Pag – awit sa gabi kung tulog kababaihan
na ang mga tao

6
Maaaring Kaparusahan Maaaring Kaparusahan
• Paglalatigo • Pagputol sa ilang bahagi ng
• Pagtatali sa punong katawan (tulad ng daliri sa
maraming langgam kamay o ng paa)
• Paglangoy ng walang tigil sa • Kamatayan
loob ng itinakdang oras
• Pagmumulta ng hindi
gaanong malaking halaga

Dahil magkakaiba ang pamamahala sa bawat barangay, sinikap ng mga ito


na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ibang barangay upang mapanatili ang
kapayapaan at katahimikan sa loob at labas ng barangay. Nakakatulong din ang
pakikipag-ugnayan ng bawat barangay sa pakikipagkalakalan ng bawat isa. Sa
pamamagitan ng sanduguan ng mga datu napagtibay ang kasunduan ng bawat
barangay. Ang Sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig
gamit ang punyal o patalim at pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak. Iinumin
ito ng magkabilang panig ang pinaghalong dugo at alak na ito ay sumisimbolo sa
kanilang pagkakaibigan.

Pamahalaang Sultanato
Ang sultanato ay mula sa
impluwensiya ng Islam sa
katimugang Pilipinas at lumaganap
sa ilang bahagi ng bansa. Ang
sultanato ay isang sistema ng
pamamahala na batay sa katuruan
ng Islam na relihiyon ng mga
Muslim. Sultan ang tawag sa
pinakamataas na pinuno ng
sultanato, Si Sharif ul-Hashim o
Abu Bakr ang nagtatag ng unang
sultanato sa Sulu noong 1450 at
sinundan naman ito ni Sharif
httpswww.google.comsearchq=pamahalaang+sultanato&tbm=isch&ved=2ahUKEwiwhtiMk53pAhUBEKYKHYa8CIQQ2-
cCegQIABAA&oq=pamahalaang+sultanato&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBAgAEBg6BAgAEENQ7KUEWN-EBWDOngVoCXAAeACAAbQNiAHPZZIBDzAuNS42LjcuMy4

Kabungsuan noong 1478 sa Mindanao. May itinatag ding sultanato sa Cotabato


at Lanao.

Ang Sultan. Taglay ng sultan ang pagkakaroon ng angking kayamanan,


mataas na bilang ng mga tagasunod at may mahalagang ambag kaugnay sa
pagpapahalaga ng lipunan ng Muslim. Ang pagiging sultan ay namamana at ang
pinakamahalagang batayan sa pagmana nito ay ang kakayahan ng isang tao na
mapatunayang ang kaniyang pinagmulan ay galing sa angkan ni Muhammed. Si
Muhammed ang huling propeta at tagapagtatag ng Islam. Ang tarsila ang
nagsasalaysay sa pinagmulan ng lahi ng mga sultan.

Pamamahala at Tungkulin ng Sultan. Bilang pinuno ng sultanato ang


pangunahing pananagutan ng sultan ay ang kapakanan ng kaniyang mga
nasasakupan sa panahon man ng digmaan o kapayapaan.

7
Ang sultan ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang
sultanato. Ang pasiya ng sultan ay hindi na maaaring mabago pa. Katulong ng
sultan sa pagpapatupad ng batas ang Ruma Bichara na nagsisilbing tagapayo na
binubuo ng mga makapangyarihan at mayayamang pinuno o datu sa mga
pamayanang nasasakupan ng sultanato. Ang Kadi o Kali naman ang tawag sa
tagapayong panrelihiyon ng sultan. Bihasa siya sa mga aral ng Koran at ng Sharia.
May iba pang katulong ang sultan sa pamamahala sa kaniyang nasasakupan sila
ang mga datu na gumaganap bilang mga gobernador sa mga nasasakupang pulo
ng sultan.
Maaaring pumalit sa sultan ang kanyang nakababatang kapatid o
pamangkin. Pumipili rin siya sa iba pang mga datu, sa mga maykaya o
mayayaman, sa mga may sapat na gulang o kaya sa mga may magandang
katayuan sa buhay sa lipunan. Rajah Muda ang tawag sa pumapalit na ito sa
sultan at Maharajah Adinda naman ang kapalit sa Rajah Muda.

Ang batas sa sultanato ay nakabatay sa adat (customary laws), sharia


(Islamic law), Qur’ an o Koran banal na aklat ng mga muslim. Ang Adat ay batay
sa katutubong kaugalian at tradisyon at mga aral na mula sa Koran. May mga
batas ukol sa pag-aasawa, pagmamay-ari ng mga lupain, pagbabayad ng buwis,
pagpapamana, kalakalan at krimen laban sa tao at ari-arian. Mahigpit ang
pagpapatupad sa mga ito na nangangahulugan na hindi dapat suwayin ang adat
upang hindi maparusahan ng kamatayan o pagpapahirap.
Ang salita ng sultan ay itinuturing na batas ng sultanato. Walang
makasusuway rito. Dahil sa ang sultan ay kinikilala mula sa angkan ni
Mohammad, ang pagsuway sa mga utos niya ay itinuturing na pagsuway na rin sa
mga aral ng Islam. Ang sultan ang nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga
paglabag sa batas at tumatayong kinatawan ng kaniyang mga nasasakupan sa ano
mang pakikipag-ugnayan ng sultanato. Siya rin ang tagapagtanggol ng kaniyang
nasasakupan at tagapagturo ng mga aral ng Islam.
Ating natutunan mula sa modyul 5, 6 at sa modyul na ito na bago pa man
dumating ang mga mananakop ay may umiiral ng kaayusang panlipunan at
pampolitika sa pamayanan ng mga sinaunang Pilipino na gumabay at humubog sa
kanila upang magkaroon ng sarili, masagana at organisadong lipunan. Taglay din
ng mga sinaunang Pilipino ang mayaman at namumukod tanging kultura sa
larangan ng kabuhayan, sosyo-kultural at maging sa politika na naisalin hanggang
sa kasalukuyang panahon na dapat natin pahalagahan at ipagmalaki. Gayundin
ang mga Pilipinong Muslim na may matatag na sistema ng pamahalaang sultanato.
Ang mga kontribusyong ito ng mga sinaunang Pilipino ang patunay na ang lahing
Pilipino ay may sarili ng pagkakilanlan at may kakayahan na magkaroon ng sarili
at masaganang lipunan noon pa man.

8
Pagyamanin

Gawain 1 Punan ang kahon. (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang sagot
para sa pangungusap.

1. Ito ay isang yunit pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan noong sinaunang


Pilipino, ito ay tinatawag na _______________.

ANGBYARA

2. Ito ay maaaring nasusulat o hindi nasusulat na nagsisilbing patnubay ng mga


sinaunang Pilipino. Ito ay tumutukoy sa _______________.

TSABA

3. Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng isang _______________.

TUDA

4. Ang pamahalaan ng mga muslim na nakabatay sa mga aral ng Islam ay


tinatawag na ________________.

USLNATOAT

5. Ang tagapagbalita ng mga batas na napagtibay sa barangay ay tinatawag na


_________________.

MAOLHKANUO

9
Gawain 2 Pagkakatulad. (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na salita upang mabuo ang
pagtutulad.

1. Barangay : Datu :: Sultanato : ___________________ (Pinuno)

2. Datu : Luzon : : Sultan : ____________________ (Lugar)

3. Pandaraya : Pagmumulta: : Pagpatay : _________________ (Bigat ng kasalanan)

4. Kalipunan ng Matatanda : Barangay : : __________________ : Sultanato


(Tagapayo)

5. Abu Bakr : Sulu : : __________________ : Mindanao (Sultan)

Gawain 3 Para sa Akin. (Mapanuring Pag-iisip)


Panuto: Isulat sa patlang ang sagot upang mabuo ang pangungusap.

Para sa akin ……
1. Ang mga batas sa pamahalaang barangay ng mga sinaunang Pilipino ay
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Ang paraaan ng pagpaparusa at pagsubok na isinasagawa sa mga nagkasala ay
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
sapagkat______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Ipinatupad ang sistema ng pagbabatas at paghuhukom upang
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Ang pamahalaang sultanato na nakabatay sa mga aral ng Islam ay
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Ang sanduguan na isinasagawa ng mga pinuno ng barangay ay


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10
Isaisip

• May pamahalaan na ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Ito ay ang barangay at sultanato.

• Ang pamahalaang barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at


pangkabuhayan sa panahon ng sinaunang Pilipino na pinamumunuan ng isang
datu.

• Ang mga batas na nakasulat at hindi nakasulat ang naging patnubay ng mga
tao sa pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at
pati na rin sa ibang barangay.

• Ang pamahalaang sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa


katuruan ng Islam na relihiyon ng mga Muslim. At ito ay pinamumunuan ng
isang sultan.

• Ang batas sa sultanato ay nakabatay sa Adat (customary laws), Sharia (Islamic


law), at Qur’ an o Koran banal na aklat ng mga muslim.

Isagawa

Panuto: Basahin at sagutan ang ayon sa ipinapagawa. (Pagtutulungan)


Tulad ng ating mga bayani na sina Lapulapu at Sultan Kudarat may mahalaga
silang ginampanan upang mapangalagaan ang kanilang nasasakupan.
Ngayon, isang malaking suliranin ang kinakaharap ng bansa at ng buong mundo
dahil sa COVID – 19 Pandemic. Kung ikaw ang punong barangay sa inyong lugar
sa kasalukuyan alin sa mga sumusunod ang iyong ipatutupad sa barangay na
iyong nasasakupan? Iguhit ang hugis puso sa linya ng iyong mga sagot.

Mahigpit na Makikiisa sa Magbibigay ng


pagsunod sa mga protesta ayuda para
itinakdang laban sa maiwasan ang
“curfew”. pamahalaan. paglabas-labas
ng mga tao.

1.__________ 2. __________ 3. __________

11
Matapat na Pipiliin lamang
ililista ang mga ang bibigyan ng
pamilyang “quarantine
karapat-dapat pass”.
tumanggap ng
SAP.

4. ___________ 5. __________

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_______1. Anong sistema ng pamamahala ang nakabatay sa katuruan ng Islam ng
mga Muslim at pinamumunuan ng isang sultan?
A. Sentral B. Komonwelt C. Sultanato D. Barangay
_______2. Ano ang tawag sa sinaunang pamahalaan ng mga Pilipino na
pinamumunuan ng isang datu?
A. Barangay B. Sentral C. Kolonyalismo D. Sultanato
_______3. Ano ang tawag sa tagapayong panrelihiyon ng sultan?
A. Kadi B. Banda Hara C. Pahar Lawan D. Amir Bahar
_______4. Sino ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato at
ang pasiya niya ay hindi na maaaring mabago pa?
A. Datu B. Timawa C. Sultan D. Umalohokan
_______5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mabigat na kasalanan sa
barangay?

A. Pagpatay B. Pandaraya C. Pang-uumit D.Pag-awit

_______6. Bakit ang salita ng sultan ay itinuturing na batas ng sultanato?


A. Dahil ang sultan ang pinuno ng lahat ng lahi.
B. Ang salita ng sultan ay sadyang mahiwagang pakinggan.
C. Kapag nagalit ang sultan ay maaari silang maparusahan.
D. Dahil sa ang sultan ay kinikilala mula sa angkan ni Mohammad. Ang
pagsuway sa utos niya ay pagsuway din sa aral ng Islam.

12
______ 7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa
pagkakatulad ng barangay at sultanato?
A. Mas malawak ang sakop ng sultanato kaysa sa barangay.
B. Ang barangay ay pinamumunuan ng datu at ang sultanato ay
pinamumunuan ng sultan.
C. Ang barangay at sultanato ay parehas na may ipinapatupad na mga
batas sa kanilang nasasakupan.
D. Ang barangay ay makikita sa Luzon at Visayas samantalang ang
sultanato ay sa bahaging Mindanao.

_______ 8. Kung ang barangay at sultanato ay may pagkakatulad alin naman sa


mga sumusunod na pangungusap ang kanilang pagkakaiba?

A. Ang barangay at sultanato ay may mga namumuno.


B. Ang barangay at sultanato ay may mga batas na ipinatutupad.
C. Ang sultanato ay mas malawak ang nasasakupan kaysa sa
barangay.
D. Ang sultanato at barangay ay mga pamahalaan na umiiral sa
sinaunang Pilipino.

_______ 9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas sa pakikipag-ugnayan ng


mga sinaunang Pilipino?
A. Mahalaga ang batas upang masunod ang ninanais na gawin ng isang tao.
B. Ang batas ang nagsasabi kung dapat bang parusahan ang isang tao sa
pamayanang nasasakupan.
C. Ang mga batas ang nagtatakda kung kalian dapat magbayad ng buwis at
pagkakautang.

D. Ang mga batas ang nagiging patnubay ng mga sinaunag Pilipino sa


pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at
pati na rin sa ibang barangay.

_______ 10. Paano nakatutulong ang sanduguan sa pakikipag-ugnayan ng mga


sinaunang Pilipino?

A. Sumisimbolo ito sa pakikipag-away.


B. Sumisimbolo ito sa pakikipagkaibigan.
C. Simisimbolo ito sa kabayanihan ng mga pinuno.
D. Sumisimbolo ito sa pagiging malakas ng isang tao.

13
Karagdagang Gawain

Gawain 4 Fact o Bluff. (Mapanuring Pag-iisip)


Panuto: Isulat ang Fact kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng wastong kaalaman tungkol sa aralin at Bluff kung hindi.

__________ 1. Ang sultanato ay pamahalaan ng mga Muslim na nakabatay sa


katuruan ng relihiyong Islam.
__________ 2. Si Sharif ul-Hashim o Abu Bakr ang nagtatag ng unang sultanato sa
Sulu noong 1450.
__________ 3. Ang salitang balangay ay isang sasakyang pandagat o bangka na
ginamit noon ng mga sinaunang Pilipino at pinagmulan ng salitang
barangay.
__________ 4. Ang sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa binti
gamit ang blade at pagpapatulo ng dugo sa isang tasa.
__________ 5. Ang paglalatigo at pagtatali sa puno na maraming langgam ay ilan
lamang sa kaparusahan para sa mabibigat na kasalanan sa
barangay.

Gawain 5 Ipakita mo! (Pakikipagtalastasan/Pagbuo ng Pagkatao)


Panuto: Basahin ang tanong at isulat ang iyong sagot sa dalawang
magkaibang kahon ang isa ay para sa sagot mo sa pagpapakita ng
katapatan at ang isa ay para sa pagmamalasakit.

Kung ikaw ang namumuno sa inyong pamayanan


bilang punong barangay o barangay chairman paano
mo maipapakita ang iyong katapatan at
pagmamalasakit sa iyong kabarangay lalo na sa
panahon ng krisis?

Katapatan Pagmamalasakit
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
14
Sanggunian

Baesa – Julian A. at Lontoc, N. (2016). Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5. P.59 –


62; 65 – 66

Cacho, F.A. at Ferrer, F.T. (2007). Pilipinong Makabayan 5: Batayang Aklat sa


Heograpiya, kasaysayan at Sibika. P. 3-9

Gabuat, M.A., Mercado, M., at Jose, M.D. (2016). Araling Panlipunan 5 Pilipinas
bilang isang Bansa. P.71-75; 86-91

“Modified In-School Off-School Approach Modules (Misosa) Distance Education for


Elementary Schools Self-Instructional Materials: Kahalagahan ng Batas sa Pag-
Uugnay ng mga Unang Pilipino.” (2010).

“Modified In-School Off-School Approach Modules (Misosa) Distance Education for


Elementary Schools Self-Instructional Materials: Pamahalaan Sultanato.” (2010).

“Modified In-School Off-School Approach Modules (Misosa) Distance Education for


Elementary Schools Self-Instructional Materials: Pamamahala ng mga Unang
Pilipino.” (2010).

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like