You are on page 1of 21

4

ARTS
Unang Markahan - Modyul 1:
Pagguhit: Mga Desinyo mula
sa Iba’t Ibang Kultural na
Pamayanan ng Pilipinas

1
Arts – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1): Mga Disenyo mula sa Iba’t Ibang Kultural na
Pamayanan ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
PangalawangKalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: CHRISTY JON M. UMBAY/MICHELLE U. ALISON


Tagasuri: MICHELLE U. ALISON
Tagasuri MARIO LINO DAZO
Tagalapat: RENANTE R. LAGUDA
Grammarian/s: PHILIP A. NACARIO/KATHRYN ESTENZO
Subject Area Supervisor: PHILIP A. NACARIO
Tagapamahala: RONALD G. GUTAY
ESTELA B. SUSVILLA
MARY JANE J. POWAO
AQUILO A. RENTILLOSA,
CRISTINA T. REMOCALDO
JOHN JENNIS M. TRINIDAD
ADM Coordinator: RYAN B. REDOBLADO

Printed in the Philippines by Carcar City Division


Department of Education – Region VII Central Visayas
Office Address: Department of Education – Carcar City Division
(Learning Resources Management Section)
P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu
Telefax: (032) 487-8495
E-mail Address: carcarcitydivision@yahoo.com

i
4

ARTS
Unang Markahan - Modyul 1:
Pagguhit: Mga Desinyo mula
sa Iba’t Ibang Kultural na
Pamayanan ng Pilipinas

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts – Ikaapat na baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagguhit: Mga
Disenyo mula sa Iba’t Ibang Kultural na Pamayanan ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mgakasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay madaling maiintindihan kung
may aktuwal na karanasan at kaalaman patungkol
sa pagtatanim ng halamang ornamental.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts – Ikaapat na baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagguhit: Mga Disenyo mula sa Iba’t
Ibang Kultural na Pamayanan ng Pilipinas!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin
mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamangsagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maiklingpagsasanay o balik-aral
Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
Pagyamanin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
iv
mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalamanng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang
panibagong Gawain upang
Gawain
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhangaralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mgatamang sagot
Pagwawasto
sa lahat ng mga Gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwagkalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.

v
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o
sanakatatandamongkapatid o sino man sa iyong mga kasamasabahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang


ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga desinyo ay ginagamitan ng
iba’t ibang linya, kulay, at hugis. Ang mga linya ay maaaring tuwid,
pakurba, pahalang, at patayo. Kadalasang ang kulay na ginagamit ay
pula, dilaw, berde at itim. Iba’t ibang hugis ang makikita sa mga disenyo
tulad ng triyanggulo, kwadrado, parisukat, bilog, at bilohaba. Ito ay hango
sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.
Ang modyul ay nahahati sa tatlong mga aralin, lalo na:
 Aralin 1 – Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon (Ivatan,
Ifugao, Kalinga, Bontok, Gaddang, Agta)
 Aralin 2 – Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Visayas (Ati)

1
 Aralin 3 – Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Mindanao
(Badjao, Mangyan, Samal, Yakan, Ubanon, Manobo, Higaonon,
Talaandig, Matigsalog, Bilaan, T’boli, Tiruray, Mansaka, Tausug) at
ang mga natatanging katangian ng mga pamayanang pangkultura
sa mga tuntunin ng kasuotan, mga aksesorya sa katawan, mga
kasanayan sa relihiyon, at pamumuhay.
Matapos ang pagdaan sa modyul na ito, inaasahan mong:

A. Nakikilala at naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga kultural na


komunidad ng bansang Pilipinas (Luzon, Visayas, Mindanao) at ang
kanilang pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng
pamumuhay (A4EL-Ia)

B. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan mula sa Luzon,


Visayas, at Mindanao ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa
katawan at kaugalian. (A4EL-Ia at Ib)

Subukin

Bago mo simulang basahin ang modyul na ito, sagutin ang pagsusulit sa


ibaba upang malaman mo kung gaano na kalawak ang nalalaman mo
tungkol sa ating paksa.

2
A. Isulat sa patlang ang pangalan ng disenyo sa bawat larawan.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Disenyong Ifugao Disenyong Gaddang Disenyong Kalinga

https://tinyurl.com/y2dazool https://tinyurl.com/yxblk37z https://tinyurl.com/yyqprcto

1. ______________ 2. _______________ 3. ________________


B. Ayusin ang mga titik upang makabuo ng bagong salita.
Pagbabatayan ang depinisyon sa tabi nito.
4. NGINIS

5. LIKASANKA
6. OYNESID

C. Itugma ang mga hugis sa Hanay A sa angkop na salita sa Hanay


B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
7. tatsulok a.
8. parihaba b.
9. bilog c.
10. parisukat d.

3
Aralin
Mga Disenyo sa Kultural na
1 Pamayanan sa Luzon

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang


ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan
o sa kanilang kapaligiran.
Ang mga Ifugao ay naninirahan sa hilagang Luzon. Makikita ang
mga disenyo sa kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat,
isda, ahas, butiki, puno, at tao.
Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga Kalinga na
matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Napakahalaga sakanila
ang mga palamuti sa katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa
lipunan. Madalas gamitin ng mga Kalinga ang kulay na pula,dilaw, berde,
at itim.

Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya ay kilala at bantig sa


paghahabi ng tela. Ang mga manghahabing Gaddang ay gumagamit ng
tradisyunal na hakbang sa paghahabi na may mabusising paglalagay ng
mga palamuti gaya ng plastic beads, at bato. Ilan sa kanilang mga
produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt), aken (skirt) at abag (G-
string) na gawa sa mga mamahalin at maliliit na bato.

4
Balikan

https://tinyurl.com/y2dazool https://tinyurl.com/y2dazool https://tinyurl.com/y2dazool

Mga Tanong:
A. Noong kayo ay nasa Ikatlong Baitang mayroong iba’t ibang uri ng
maskara at putong (headdress). Ano-anong mga linya, kulay at hugis
ang iyong natatandaan na ginamit sa pagdidisenyo ng iyong maskara o
putong ? May kaibahan ba ang mga iyon sa nakikita mo ngayon? Bakit?
__________________________________________________________

__________________________________________________________

B. Ano-anong mga desinyo ang inyong nakita sa larawan?

__________________________________________________________

__________________________________________________________

C. Saan maaaring ihahalintulad ang mga disenyong ito?


__________________________________________________________

__________________________________________________________

5
Tuklasin

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ang mga disenyong etniko ng pamayanang kultural ng Luzon ay


hango sa kalikasan o maging sa kapaligiran tulad ng dahon, tao, bundok,
at mga hayop.

A. Tama B. Mali C. A at B D. Wala sa nabanggit

2. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang mga
pangkat-etniko ay may kaniya-kaniyang katutubong sining o motif nahigit
nilang napaunlad at napayaman hanggang sa ngayon.

A. Tama B. Mali C. A at B D. Wala sa nabanggit

3. Ilan sa kanilang mga produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt),


aken (skirt) at abag (G-string) na gawa sa mga mamahalin at maliliit na
bato. Anong pangkat etniko sa Luzon ito?

A. Maranao B. Kalinga C. Ifugao D. Gaddang

4. Tinalakay sa klase ni Gng. Marina ang mga pangkat etniko ng Luzon.


Nagpakita siya ng mga larawan ng disenyong likha ng bawat pangkat. .
Anong pangkat etniko sa Luzon ang gumawa ng disenyong ito?

https://tinyurl.com/y663k8qb

A. Maranao B. Kalinga C. Ifugao D. Gaddang

6
5. Alin sa sumusunod na pangkat – etniko ang naninirahan sa hilagang
bahagi ng Luzon?

A. Gaddang B. Maranao C. Panay-Bukidnon D. Ifugao

Suriin

Ano ang mga iba’t ibang pangkat etniko ng Luzon?

PANGKAT ETNIKO SA LUZON

Ang mga pangat etniko sa bansa natin ay nakikilala sa kanilang sarili


sa isa o higit pang mga aspeto katulad ng kultura, wika, kasaysayan,at iba
pa. Narito ang mga iba’t ibang mga pangkat etniko mula sa iba’t ibang
kultural na pamayanan ng Luzon:

Mangyan - Ang mga Mangyan ay nakatira sa mga liblib na pook ng


Mindoro. Sila ay mahiyain, kulay kayumanggi, itim ang buhok, maamong
mata, at may katamtaman ang tangkad.

Ifugao - Ang pangkat etniko na ito ay naninirahan sa gitnang bahagi ng


hilagang Luzon. Ang salitang Ifugao ay galing sa salitang ipugo na ibig
sabihi ay “mula sa mga burol”.

Kalinga - Sila ay naninirahan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Sila ay


mahilig sa makukulay na pananamit at pampaganda.

Kankana-ey - Sila ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat na naninirahan


sa Mountain Province ng hilagang Luzon.

Ilongot - Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay “mula sa gubat”.


Matatagpuan sila sa mga kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya.

Ibaloy - Matatagpuan sila sa mga bayan ng Kabayan, Bokod, Sablan,

7
Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba na nasa timog silangang
bahagi ng Benguet.

Isneg - Kilala rin bilang Apayao o Ina-gang, matatagpuan sila sa Kalinga


at Apayao. Sila ay karaniwang nasa matatarik na dalisdis at mabababang
burol na malapit sa mga ilog.

Ivatan - Ang pangkat etniko na ito ay mga mamamayan ng Batanes. Sila


ay relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan.

 Tingnan ang ilan sa mga halimbawa na likhang sining na gawa


ng mga pangkat -etniko mula sa pamayanan ng Luzon..

 Anong mga linys, hugis, at kulay ba ang iyong nakikita?

 Sabihin kung nasa anong ritmo ang ipinapakita sa disenyo ng


bawat larawan.

Pagyamanin

Panuto: Magtala ng mga bagay o simbolo mula sa kalikasan na ginamit


ng mga pangkat-etniko mula sa Luzon.

Sinasabing ang mga bagay o simbolong ginamit ng mga pangkat-


etniko ay hango o kinukuha mula sa ating kalikasan o kapaligiran.
 Ano kaya sa iyong palagay ang mga bagay mula sa kalikasan
ang ginamit nila sa pagbuo ng disenyo?

8
1._________________
2._________________
3._________________
4._________________
5._________________

Pagmasdan ang disenyong Gaddang, disenyong Kalinga, at


disenyong Ifugao.
 Aling bagay ba mula sa kalikasan maihahalintulad ang bawat
larawan ng disenyo?

https://tinyurl.com/y2dazool https://tinyurl.com/y2dazool https://tinyurl.com/y2dazool

Isaisip

 Paano ba ninyo ilarawan ang mga disenyo mula sa kultural na


pamayanan ng Luzon?

 Paano ba mabubuo ang isang disenyo? Anong mga element ba ng


sining ang gagamitin?

 Magbigay ng ilang paraan sa paggawa ng disenyo.

 Saan ba hango ang mga nagawang disenyo ng mga pangkat-


etniko?

9
Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Pagkatapos,


sagutin at isulat sa inyong journal notebook.

1. Ano-ano ang tatlong kultural na pamayanan sa Luzon ang nabanggit


sa ating talakayan? Isa-isahin ang kanilang pagkakatulad.

2. Kung kayo ay nainirahan sa mga kultural na pamayanan ng Luzon,


paano ninyo pahahalagahan ang mga katutubong disenyo na matroon
dito?

3. Kaya mob a itong ipagmalaki? Papaano?

Tayahin

I. Panuto: Isulat ang pangalan ng mga sumusunod na


katutubong disenyo ng mga pamayanang kultural sa
Pilipinas.Pumili sa kahon ng tamang sagot sa una
hanggang ikalimang bilang.

10
Gaddang Kalinga Bagobo

https://tinyurl.com/yyqprct https://tinyurl.com/yxblk37 https://tinyurl.com/y2dazo


o z ol
1. ______________ 2. ____________ 3. ____________

II. Pagtambalin ang Hanay A sa kasingkahulugan sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
4. Ito ay halimbawa ng isang disenyong etniko.
a. Hilagang
5. Lugar kung saan naninirahan ang mga Ifugao.
Luzon
6. Ito ay isa sa mga produktong ipinagmamalaki ng
b. Nueva
Gaddang Viscaya
7. Ang pangkat-etnikong nagpapahalaga sa c. Kalinga
mga palamuti ng katawan. d. G-string
8. Ang lugar kung saan matatagpuan ang bantog e. bituin
sa paghahabi ng tela at gumagamit ng mga
palamuti gaya ng plastic beads at bato.

III. Sagutin ng Tama o Mali.


9. Ang mga disenyong etniko ay gawa ng iba’t-ibang uri ng
pangkat-etniko sa mga kultural na pamayanan sa bansa.

10. Hindi kaakit-akit ang disenyong gawa ng ating mga


ninuno.

11
11. Sa paggawa ng Coin Purse o Jewelry Pouch na may
katutubong disenyo, kailangang gumamit ng retaso, lapis, gunting,
karayom at sinulid.

12. Bawat bata ay may angking talento sa pagdidisenyo at


nakagagawa ng kakaibang likhang sining.

13. Ang katutubong disenyo ay hindi maaaring gamitin sa


paggawa ng magagandang bookmark.

___________14. Madalas na gamitin ng mga Kalinga ang kulay na pula,


dilaw, berde at itim.

___________15. Gumamit ng mga bagay mula sa kalikasan ang mga


pangkat-etniko sa kanilang pagdidisenyo.

Karagdagang Gawain

Magsaliksik tungkol sa mga disenyo mula sa kultural na pamayanan ng


Visayas.

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
Musika at Sining 4 (Patnubay ng Guro) Unang Edisyon 2015

Musika at Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral) Unang Edisyon 2015

14
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Carcar City Division (Learning Resources


Management Section)

P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu, Philippines 6019

Telephone No.: (032) 487 – 8495

Email Address: carcarcitydivision@yahoo.com

15

You might also like