You are on page 1of 28

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Heograpiya ng Daigdig

i
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Heograpiya ng Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Editor: Ma. Consolacion P. Gadingan
Vida T. Cabristante
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Heograpiya ng Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiya ng Daigdig.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahongito
sa pinakakatawan ng modyul.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Heograpiya ng Daigdig.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
Alamin sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
Subukin aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin


Tuklasin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
Isaisip o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
Isagawa ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
Karagdagang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
Susi sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Panimula
Sa modyul na ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig.
Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng
pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

Mga
Layunin ng
Aralin

https://tinyurl.com/y576je5o

Sa modyul na ito, inaasahang:


K: Natutukoy ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-
unawa sa daigdig
S: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
A: Napahahalagahan ang heograpiyang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa iyong kwaderno.

1. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may


magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

2. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.


A. kabihasnan B. heograpiya C. kultura D. sining

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa


sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

4. Alin sa mga estruktura ng daigdig ang tumutukoy sa matigas at mabatong


bahagi ng planeta?
A. Crust B. Mantle C. Core D. Plate

5. Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Pilipinas?


A. Tropical na klima C. Buong taon na nagyeyelo
B. Maladisyertong init D. Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa isa sa pitong kontinente ng daigdig ang tanging kontinenteng natatakpan


ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km (1.2 milya)?
A. Asya B. Europe C. Africa D. Antarctica

7. Nagmumula dito ang malaking suplay ng ginto at diyamante.


A. Asya B. Europe C. Africa D. Antarctica

8. Alin sa mga sumusunod na imahinasyong guhit ang humahati sa globo sa hilaga


at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitiude?
A. latitude B. longitude C. equator D. Prime Meridian

9. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa


kinagisnang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na
pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
A. lokasyon B. lugar C. rehiyon D. paggalaw

10. Tumutukoy ito sa isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa


daigdig.
A. Austalia B. Nort America C. South America D. Antarctica
2
Balikan

Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng modyul na ito, pagtutuunan mo


ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga
gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng
kahandaan ng bawat isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.

Gawain1: GEOpardy!

Panuto: Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang
sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa kuwaderno ang nabuong
tanong at ang sagot nito.

Pacific Ocean gubat

globo

compass Tropikal

Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacific Ocean)

3
Gawain 2: Graffiti Wall 1

Panuto: Isulat sa Graffiti Wall ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba.
Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Gawin ito sa iyong kwaderno.

http://www.textures4photoshop.com/tex/brick-and-wall/graffiti-wall-texture-free-download.aspx

4
Tuklasin

Panuto: Mula sa dalawang teoryang nagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng daigdig alin


sa teoryang ito ang higit mong pinananiwalaan at bakit? Itala ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.

Ang teoryang ito ay batay sa paliwanag na


A. nakasulat sa Bibliya. Ang Diyos ang lumikha
ng ating daigdig.

Sagot:
_____________________________
https://tinyurl.com/y8bdvxje __
___

Ang teoryang ito ay batay sa sumusunod


B.
na teorya; Nebular, Dust Cloud, Solar
Disruption, at Big Bang.

Sagot:
_____________________________
https://tinyurl.com/y8bdvxje __
___

5
Suriin

Katuturan ng Heograpiya
Nagsimula ang salitang heograpiya sa wikang Griyego na geo o daigdig at graphia o
paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.

Limang Tema ng Heograpiya


1. Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy.
Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit ng latitude line at
longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito
ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig.
Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid
nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng
tao.

2. Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook na may dalawang


paraan sa pagtukoy.
Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na
yaman.
Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami
ng tao, kultura, at mga sistemang political.

3. Rehiyon: Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o


kultural.
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay
ng kaniyang kinaroroonan.
Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang
pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.
5. Paggalaw: ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang
din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at
ulan.
May tatlong uri ng distansiya ang isang lugar
• Linear- Gaano kalayo ang isang lugar
• Time- Gaano katagal ang paglalakbay
• Psychological- Paano tiningnan ang layo ng lugar

6
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

https://tinyurl.com/y9o5mv8t

https://tinyurl.com/y9o5mv8t

7
Longitude at Latitude

https://tinyurl.com/yabwry5a

Tinatawag na longitude ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang


meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog (great circles) na
tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole.
Ang Prime Meridian na nasa Greenwhich sa England ay itinalaga bilang zero degree
longitude.
Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o pasilangan,
ang International Date Line na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean. Nagbabago
ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o pakanluran.
Tinatawag na latitude ang distansiyang angular sa pagitan ng dalawang parallel
patungo sa hilaga o timog ng equator.

https://tinyurl.com/yapcz36m

Ang equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. Ito
rin ay itinatakdang zero degree latitude.

8
Ang Tropic of Cancer ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang
sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5˚ hilaga ng equator.
Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemipshere na
direkta ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5˚timog ng equator.
Ang Klima
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima
sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din
sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.
Ang mga Kontinente

https://image.slidesharecdn.com/kontinente-1230620992631789-2/95/kontinente-2-728.jpg?cb=1230592845

ASYA

⮚ 44,579,000 sq. km
⮚ Pinakamalaking kontinente
⮚ Sinasabing ang sukat nito ay higit sa
pinagsama-samang lupain ng North at
South America
⮚ Ang kabuuang sukat nito ay tinatayang
sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang
sukat ng lupain ng mundo
⮚ Nasa Asya din ang mahigit sa kalahati
ng kabuuang tao sa mundo
https://tinyurl.com/yby2xc6x ⮚ Ang China na may pinakamalaking
populasyon sa mundo ay nasa Asya
⮚ Ang Mt. Everest ang pinamataas na
bundok sa daigdig ay nasa Asya

9
EUROPA

⮚ 9,938,000 sq. km.


⮚ Ikaapat na bahagi lamang ng Asya
ang laki nito
⮚ Noong panahon ng kolonisasyon,
pansamantalang sa Europa ang
malaking bahagi ng daigdig
⮚ Dito rin nagsimula ang mga
kaganapang humantong sa
dalawang digmaang pandaigdig
sa kasaysayan noong ika-20 siglo

APRIKA

⮚ 30,065,000 sq. km.


⮚ Matatagpuan dito ang Nile River,
ang pinakmahabang ilog at ang
Sahara Desert ang pinakamalaking
disyerto naman sa mundo.
⮚ Ang malaking suplay ng ginto at
diyamante ay dito rin makikita
⮚ Ito ay nagtataglay ng
pinakamaraming bansa sa ibang
kontinente

https://tinyurl.com/ycyolkms

AUSTRALYA

⮚ 7,687,000 sq. km.


⮚ Bukod-tanging kontinente na
nagtataglay ng iisang bansa sa
kanyang nasasakupan- ang
Commonwealth of Australia
⮚ Sinasabing mas marami pang tupa
ang kumpara sa mga taong
naninirahan dito
⮚ Kalapit nito ang Oceanina na
tumutukoy sa mga bansa, estado
at pulo sa Micronesia, Melanesia at
Polynesia

10
HILAGANG AMERIKA

⮚ 24,256,000 sq. km.


⮚ May hugis ng isang malaking
tatsulok subalit mistulang pinilasan
sa dalawang bahagi ng Hudson
Bay at Gulf of Mexico
⮚ Matatagpuan dito ang dalawang
mahabang kabundukan- ang
Appalachian Mountains sa silangan
at Rocky Mountains sa kanluran

TIMOG AMERIKA

⮚ 17,819,000 sq.km.
⮚ May hugis tatsulok na unti-unting
nagiging patulis simula sa
bahaging equator hanggang sa
Cape Horn sa katimugan
⮚ Ang kabundukang Andes, na may
habang 7,240 km ay sumasakop
sa kabuuang kanlurang baybayin
ng South America

ANTARCTIKA

⮚ 13,209,000 sq. km.


⮚ Tanging kontinenteng natatakpan
ng yelo
⮚ Ang kapal ng yelo dito ay halos
umaabot ng halos 2 kilometro o
1.2 milya
⮚ Dahil dito maliban sa mga
siyentistang nagsasagawa ng
pag-aaral dito
⮚ Ang karagatang nakapalibot dito
ay sagana sa mga isda at mammal

11
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa


pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay
umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates,
Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na
populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig at
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29 028 talampakan o 8 848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kiliminjaro (19 340 talampakan o 5 895 metro).
Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinikilala sa daigdig: Pacific,
Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic
Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern
Ocean na umaabot hanggang 60˚s latitude.

Pagyamanin

Gawain A

Tukoy-Tema-Aplikasyon

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa


lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
1. May tropical na klima ang Pilipinas.
2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at
silangan ng West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng
dagat ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang
magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay daan
upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng Sistema ng
transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran.

12
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1˚ 20’ hilagang latitude at 103˚ 50’ silangang longitude.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

Gawain B

Three Words in One

Panuto: Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/hayop na tinutukoy sa bawat bilang?
Isulat ang sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno.

1. 2.
Appalachian
Nile River Sahara Desert Hudson Bay
Mountains

Rocky
Egypt
Mountains

3. 4.

Andes
Cape Horn K-2 Lhotse
Mountains

Argentina Tibet

5. 6.

Tasmanian Iberian Balkan


Kangaroo
Devil Peninsula Peninsula

Micronesia Italy

13
Isaisip

Panuto: Sa bahaging ito ay magmumuni-muni at magbahagi ng iyong natutunan mula sa


aralin. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Ang natutunan ko
__________________________________________

Napagtanto ko na
__________________________________________

Maisasabuhay ko na
__________________________________________

Isagawa

Panuto: Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya ng
daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig.


2. Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan, at isang tangway.
3. Guhitan ng simbolong alon ang limang karagatan ng daigdig.
4. Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL.
5. Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may
simbolong YL.
6. Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H.

14
https://tinyurl.com/ycxund4e

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa iyong kuwaderno.

1. Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Pilipinas?


A. Tropical na klima
B. Maladisyertong init
C. Buong taon na nagyeyelo
D. Nakararanas ng apat na klima

2. Nagmumula dito ang malaking suplay ng ginto at diyamante.


A. Asya B. Europe C. Africa D. Antarctica

3. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa


kinagisnang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na
pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
A. lokasyon B. lugar C. rehiyon D. paggalaw

15
4. Alin sa isa sa pitong kontinente ng daigdig ang tanging kontinenteng natatakpan
ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km (1.2 milya)?
A. Asya B. Europe C. Africa D. Antarctica

5. Alin sa mga estruktura ng daigdig ang tumutukoy sa matigas at mabatong bahagi


ng planeta?
A. Crust B. Mantle C. Core D. Plate

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa


tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

7. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may


magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

8. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.


A. kabihasnan B. heograpiya C. kultura D. sining

9. Tumutukoy ito sa isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa


daigdig.
A. Austalia B. Nort America C. South America D. Antarctica

10. Alin sa mga sumusunod na imahinasyong guhit ang humahati sa globo sa hilaga
at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitiude?
A. latitude B. longitude C. equator D. Prime Meridian

Panuto: Tukuyin ang isinisaad ng mga sumusunod na pangungusap.

________________11. Ang pinakamakalaking kontinente sa mundo.

________________12. Ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar


sa matagal na panahon.

________________13. Ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

14. Ano ang kahulugan ng heograpiya?

15. Paano nakatulong ang mga tema ng heograpiya sa pag-aaral ng heograpiya ng isang
bansa?

16
Karagdagang
Gawain

Mula sa iyong mga natutunan sa aralin, bumuo ng isang maikling tula na


nagpapahayag ng pagpapangalaga sa katangiang pisikal ng daigdig. Lagyan ito ng pamagat.
Gawin ito sa kwaderno.

PAMAGAT NG TULA
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Pamantayan sa pagtataya sa tula

15 10 5

Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang Walang


ang mga salitang salitang ginamit kaugnayan at
ginamit sa na hindi angkop hindi wasto ang
pagbuo ng tula at wasto mga salitang
ginamit

Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag


naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng tula mabisa ang nilalaman ng tula
mensahe ng tula

17
Susi sa
Pagwawasto

18
Sanggunian

Aklat
Blando, Rosemarie C. et al., Asya: Pagkaka-isa sa Gitna ng Pagkakaiba, Edurources
Publishing, Inc. 2014 (pp.70-96)
Camagay, PhD., Ma. Luisa T., et al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan Batayang Aklat sa
Ararling Panlipunan II. (pp. 88-107)
Mateo, PhD., Grace Estela C., et al., Kabihasnang Asyano at Kultura, Vibal Publishing
House, Quezon City, Philippines, 2008 (pp. 84-99)

Teachers Guide
Most Essential Learning Competencies (MELC)

Electronic Source
http://www.bitsofcience.org/world-population-7 billion-people-39
https://www.google.com/search
https://www.google.com/search?q=PISA+Result+2019+for+Asian+Countries
https://mediko.ph/benepisyong-pangkalusugan-ng-reproductive-health-law/
https://www.google.com/search?q=caricature+on+reproductive+health+law+tagalg
https://www.google.com/search?q=editorial+on+covid
www.worldpopulationreview.com

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like