You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6-A:
Bahaging Ginampanan ng
Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6-A: Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa
Pagbibigay Wakas sa Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Lourdes L. Man-on
Editor : Christ John T. Calvario, Joycelyn A. Jala, Noreen Gasco
Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagapamahala: Bianito Dagatan


Casiana P. Caberte
Marina S. Salamanca
Carmela M. Restificar
Jupiter I. Maboloc
Josephine D. Eronico

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6-A:
Bahaging Ginampanan ng
Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan- Baitang Pito ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa bahaging ginampanan ng
Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan- Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa bahaging ginagampanan ng
Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Masaya bang isipin na ngayon ay maaari at malaya na nating nagagawa ng may


responsibilidad ang mga bagay na dapat nating gawin? Salamat sa kalayaang
naibigay sa atin ng ating mga lider na marubdob ang diwa ng nasyonalismo.

Sa yunit na ito, ikaw ay inaaasahan na mapapahalagahan at mauunawaan mo


ang mga bahaging ginagampanan ng nasyonalismo, mga pagbabago at pag-
unlad nito sa kasalukuyang panahon. Sa bahaging ito ng aralin sisikapin nating
tuklasin ang mga natatanging pagbabago dulot ng nasyonalismong tinatama ng
mga tao ngayon. Nais mo bang malaman? Marahil ay handa ka na para sa
pagtupad at pagsasagawa ng mga gawain. Kaya halina at isa-isahin natin ang
mga pamanang ito…

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit

Aralin 6- Ang Bahaging Ginagampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas


sa Imperyalismo sa Timog at KAnlurang Asya

Sa araling ito, inaasahang maunawaan mo ang mga sumusunod:


1. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa
pagbibigay wakas sa Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya;
2. Nasusuri ang mga salik na nagbibigay daan sa pag-usbong at pag-unlad ng
nasyonalismo;
3. Nakagagawa ng poster ng iba’t-ibang manipestasyon ng nasyonalismo;
4. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa
mula sa imperyalismo.
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago,
pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya at sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Pamantayan sa Pagkatuto
Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(AP7TKA-IIIg-1.21)

1
Aralin Bahaging Ginagampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay
6-A Wakas sa Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

Ngayon, sisimulan natin ang pag-aaral ng mga bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa


pagbibigay wakas sa Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Tuklasin

Gawain 2: Concept Cluster Ko!


Ilagay mo ang kaalamang sa palagay mo ay may kaugnayan sa nasyonalismo sa kahon.

Nasyonalismo sa Timog
At
Kanlurang Asya

Gawain 3: Word Hunt.


Hanapin sa kahon ang mga salita na tinutukoy sa bawat aytem. Bilugan ito at isulat sa
guhit bago ang bilang.
D I K T A T O R Y A S I S T N A I
H N R V D D A E R T U D R N A R T
O D F A S C T Y H S T G Y F S V T
L I G A C B R T G E T S E I Y A Y
O A A S A E R C Y T E V R M O U U
C I V I L D I S 0 B E D I E N C E
A M R I T S A R M A S S A C A R E
U A S D G H I O L J N M H Y L T F
S I C E W T U T I K M Y T R I H E
T O T A L I T A R Y A N I S S O R
A D V I M P E R Y A L I S M 0 T E
__________________. 1. Pagmamahal sa bayan; pagtataguyod sa bansa laban sa mga
dayuhan.

2
___________________2. Patakaran ng pagbuo at pananatili ng imperyo sa pamamagitan ng
pagtatag ng kolonya.
___________________3. Hindi pagsunod sa pamahalaan na sinimulan ni Gandhi sa India.
___________________4. Ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing
ng namatay na asawa.
___________________5. Ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa
mga Jew o Israelite.
Gawain 4: Positibo o Negatibo
Lagyan ng krus (+) ang pahayag na iyong sinasang-ayunan at ekis (x) ang hindi mo
naman sinasang-ayunan.
1. Dahil sa lakas ng mga kilusang nasyonalista, maraming bansa sa Asya ang nakamit
ang kasarinlan pagkatapos ng digmaan.
2. Ang pakikibaka ni Mohandas Gandhi para sa kalayaan ng Malaysia ay sa
pamamagitan ng mapayapang paraan.
3. Ang mga Sepoy ay ang mga sundalong Indian sa hukbong kolonyal ng England sa
India.
4. Ang tunggalian ng mga Kanluranin sa isa’t isa ay naging hamon sa ibayong
paghahanap ng mga bagong pagkukunan ng mga hilaw na sangkap.
5. Sa pag-usbong ng nasyonalismo, hinarap ng mga Asyano ang mga Silanganin sa
pamamagitan ng kilos-protesta na nauwi sa rebolusyon at digmaan sa ilang bansa.

Suriin

Basahin at Unawain

Basahin at unawain mo ang tekstong ito tungkol ng mga bahaging ginagampanan ng


nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
NASYONALISMO SA ASYA
Ang pananakop, pagpapasailalaim sa kapangyarihan at pagsasamantala sa mga bansang
Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa
Asya. Nasyonalismo pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa ang isang kahulugan
ng nasyonalismo.
Isa itong mahalagang impluwensyang hatid ng pamamayani nito sa mundo. Ang
nasyonalismo ay isang damdamin na naghahangad pambansang kaunlaran at kasarinlan.
Isinaalang-alang nito ang kapakanan ng bansa. Sa pampulitikang pananaw, nangangahulugan
ito nang kusang pagkilos laban sa anumang banta ng pananakop maging pangkabuhayan,
pampulitika, at pangkultura. Mahalaga ang damdaming ito sa pagpapanatili ng katatagan ng
isang bansa o estado. Maipamamalas sa iba’t ibang paraan ang kamalayang pambansa o
damdaming nasyonalismo: ang pagkakaroon ng isang mapagkakakilanlang ipinagmamalaki.
Ang nasyonalismo ay isa sa mga katangian ng kanluraning daigdig noong ika-19 na
dantaon. Ang damdaming ito ay nakalikha ng pambansang pagkakaisa, kalayaan, at
pagsulong. Ang damdamin ding ito ang naging pangunahing dahilan ng mga pandaigdigang

3
himagsikan – ang Una at Ikalawang Digmaan. Sa hanay ng mga katutubong kinatulong sa
pamamahala sa kolonya ng mga kolonyalista, gayundin sa hanay ng mga nakapag-aral,
lumitaw ang pangkat na may kakayahang manguna sa gawaing pampulitika, pang-
ekonomiya, at pangkultura.
Sa sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya nakaranas na ito ng maraming
pananakop. Ang huling mananakop sa Kanlurang Asya ang Turkong Ottoman na nagmula sa
Turkey. Napakalakas ng imperyong ito kaya naghari ng maraming siglo. Bukod sa
pinaghaharian ng mga magagaling na pinuno, ang relihiyong Islam ang ginamit para makuha
ang pagkakaisa ng mga Arabe. Ang Kanlurang Asya ay matagal nang nag-aasam ng
Nasyonalismo sa kamay ng mga Turkong Muslim. Sa pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig ang mga taga Kanlurang Asya ay kumampi sa pwersang Alyado sa kagustuhan
nilang makalaya sa kamay ng mga Turkong Ottoman. Ang inaasam nilang kalayaan ay
napalitan ng panibagong patakaran sa ipinatupad ng Liga ng mga bansa.
Nagkaroon ng interest ang mga Kanluranin sa Kanlurang Asya nang madiskubre ang langis
sa Gitnang Silangan
Mula noon hanggang ngayon ay walang kapayapaan sa relasyon ng mga Palestinong Arabe at
mga Hudyo. Maraming digmaan ang naganap sa pagitan ng mga bansang ito. Ang pinairal na
patakarang ginamit sa Kanlurang Asya ay Sistemang Mandato (mandate system),
pansamantala silang sasailalim sa kamay ng mga Kanluranin habang tinutulungan silang
makapagsarili at makapagtatag ng pamahalaan. Kung inyong susuriin ang Kolonyalismo at
Imperyalismong naganap sa Timog at Kanlurang Asya ay pagsasamantala sa mga kolonya
ngunit sa bandang huli mauunawaan mo na may naidulot ito sa pamumuhay ng mga Asyano
lalo na sa kalagayan ng mga bansa sa kasalukuyan tulad sa India, sa Israel, sa Saudi Arabia,
Dubai at iba pang bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa pagharap sa hamon ng makabagong
panahon.
Ang nasyonalismo sa Asya ay may ibat ibang anyo tulad ng defensive nationalism o
mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive
nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon. Pangunahing
manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa makikitaita sa pagtutulungan, pagkakabuklod
sa iisang kultura, saloobin at hangarin.
Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal, pagtangkilik sa sariling
mga produkto, ideya at kultura ng sariling bayan. Naipapakita rin ang nasyonalismo sa
pagiging makatwiran at makatarungan.Ang kahandaang magtanggol at mamatay ng isang tao
para sa bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo. Dahil sa
hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng mga Kanluraning bansa sa
kanilang kinamulatang pamumuhay at makamtan ang kalayaan, maraming makabayang
samahan ang naitatag sa Asya.Ang mga samahang ito ay pinangunahan ng mga kabataang
nakapagaral.Tunghayan natin ang nasyonalismong ipinakita sa Timog at Kanlurang Asya.
NASYONALISMO SA TIMOG ASYA
Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng
nasyonalismo dito. May ibat- iba mang wika at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at
nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.

4
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India, ang nagpakita ng
mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan. Pinakinabangan ng husto ng mga Ingles bilang
among kolonyal ng India, ang mga likas na yaman nito. Dahil din sa pananakop ay naranasan
din ng mga Indian ang mga patakarang para sa kanilang kultura ay di angkop . Tulad na
lamang ng pagpapatigil ng mga Ingles sa Suttee o sati ang pagpapatiwakal ng mga biyudang
babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa. Ipinatigil din ng mga Ingles ang female
infanticide. Naging dahilan din ng paglaban ng mga Indian sa mga Ingles ang dipantay na
pagtingin sa kanilang lahi. Ito ang naging dahilan upang maisagawa ang Pag-aalsa ng mga
Sepoy o tinatawag na rebelyong sepoy, ito ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian
sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination. AMRITSAR
MASSACRE maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa
pamamaril ng mga sundalong Ingles.Sa kaganapang ito ay namatay ang may 400 katao at
mayroong 1200 na mga nasugatan.
Minsang naipatupad ng mga Ingles ang di pantay na pagtrato sa mga sundalong Indian
malimit ay mataas na ranggo at suweldo ang ibinibigay sa mga sundalong Ingles kaysa sa
mga sundalong Indian na nasa mababang posisyon at suweldo.Tumutol din ang mga
sundalong Indian, Hindu at Muslim sa pagpapagamit sa kanila ng langis na pinaghihinalaang
nagmula sa langis ng hayop para sa paglilinis ng kanilang mga riple at cartridge. Mas tumindi
pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian nang maganap ang Amritsar Massacre
noong Abril 13, 1919.
Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang
pananampalataya. Naitatag ang All Indian National Congress sa panig ng mga Hindu na ang
layunin ay matamo ang kalayaan ng India. Naitatag naman ang All Indian Muslim League
noong 1906. Pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng mga Muslim ang
binigyangpansin.Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa
mga Muslim Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Isang
Hindu na nakapag-aral.
Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence means ng
pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha. Hinimok
din ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng
may kaugnayan sa mga Ingles.Sinimulan rin ni Gandhi ang Civil disobedience o hindi
pagsunod sa pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga protesta naranasan ni Gandhi ang
mahuli at maipakulong. Naideklara ang kalayaan ng India noong Agosto 15, 1947, lumaya ito
sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru, kaalinsabay nito ang pagsilang
ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno ni
Mohammed Ali Jinnah.
Nabaril at namatay si Mohandas Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa ang Hindu at
Muslim sa isang bansa. Ahimsa- Ito ang hindi pagagamit ng dahas o non violence Ang
Satyagraha nman ay ukol sa paglalabas ng katotohanan kasama ang pagdarasal, meditasyon,
at pag-aayuno.
NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA
Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga
bansa sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang

5
nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa dito ay hawak ng dating malakas at matatag na
imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng mga Kanluraning bansa noong 1918. Matapos
bumagsak ang imperyong Ottoman masakop at mapasailalim sa mga Kanluraning
bansa,naipatupad sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang mandato Nagsumikap ang
mga bansa sa Kanlurang Asya na unti-unting makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong
Ottoman at mga Kanluraning bansa.Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng
mga Arabo, Iranians at mg Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang
Asya noong 1759.Natamo naman ng Lebanon ang kanyang kalayaan mula sa imperyong
Ottoman noong 1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato
ng bansang France. Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni
Mustafa Kemal na nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika.
Sa pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923 naisilang ang Republika ng Turkey.
Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang
malipol ang lahat ng teritoryo ay pinangalanan niya itong Saudi Arabia. Ang Iraq naman ay
naging protektado ng England noong 1932. Naranasan naman ng mga Jew o Israelite ang
Holucaoust, ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o
Israelite sa Europe.Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945 naisagawa rin
ng mga Jew ang Zionism, ito ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t-ibang panig
ng daigdig.
Mula ng manirahan ang mga Jew sa Palestina ay nagsagawa ang mga ito ng modernisasyon
sa larangan ng industriya, agrikultura, pagnenegosyo, at maging sa larangan ng agham. Ito
ang nagbigay-daan upang ang mga Jew ay magkaroon ng mas mataas na antas ng
pamumuhay kaysa sa mga Arabo na naging dahilan naman upang magkaroon ng hindi
magandang samahan ang dalawang pangkat at sa bandang huli ay hiniling ng mga Arabo na
ihinto na ang pagbabalik ng mga Jew sa Palestina.Simula ng maideklara ang Republika ng
Israel noong Mayo 14, 1948 nagsimula na ang tensyon sa Palestina.

Isagawa
Gawain 8: I- Poster Mo, Nasyonalismo Ko!
Gamit ang iyong mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang poster o
editorial cartoon. Ang lilikhaing poster o editorial cartoon ay maglalaman ng mga iba’t-
ibang manipestasyon ng nasyonalismo - ang pagmamahalal, pagtangkilik sa sariling
mga produkto, ideya at kultura ng sariling bayan. Ang kahandaang magtanggol at
mamatay ng isang tao para sa bayan au maituturing na pinakamahalagang
manipestasyon ng nasyonalismo.Maari mo itong gawin sa isang cartolina o illustration
board. Maging malikhain sa magiging laman ng iyong gagawin.
Mamarkahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria.

6
CRITERIA NAPAKAGALING MAGALING MAY MARKA
KAKULANGAN
20 15
10

IMPORMATIBO Ang nabuong poster Ang nabuong Ang nabuong


/PRAKTIKALIDAD o editorial ay poster o editorial poster o editorial
nakapagbibigay ng ay ay kulang sa sapat
wasto at nakapagbibigay impormasyon
napakahalagang ng wastong tungkol sa
impormasyon impormasyon manipestasyon ng
tungkol sa tungkol sa nasyonalismo.
manipestasyon ng manipestasyon ng
nasyonalismo. nasyonalismo.

MALIKHAIN Ang pagkakadisenyo Ang May kakulangan


ng poster o editorial pagkakadisenyo ang elemento ng
carton tungkol sa ng poster o poster o editorial
manipestasyon ng editorial carton cartoon tungkol sa
nasyonalismo. tungkol sa manipestasyon ng
manipestasyon ng nasyonalismo.
nasyonalismo

KATOTOHANAN Ang poster o Ang poster o Ang poster o


editorial cartoon ay editorial cartoon editorial cartoon
nagpapakita ng ay nagpapakita ng ay nagpapakita
makatotohanang pagyayari tungkol ng iilang
pagyayari tungkol sa sa nasyonalismo. pangyayari
nasyonalismo. Ang Ang nilalaman tungkol sa
nilalaman nito ay nito ay may nasyonalismo.
may bisa/dating sa bisa/dating sa Ang nilalaman
madla. madla. nito ay may
walang dating sa
madla.

7
Tayahin
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang
ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng Pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido pulitikal
2. Naghangad rin ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito
upang matamo ang kanyang hangarin?
A. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin
B. Itinatag ang Indian National Congress
C. Binoykot ang mga produktong English
D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan
3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggaptanggap sa
mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?
A. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
D. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
4. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang
ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang 194 bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
5. Isa sa hangarin ni Mohandas Gandhi ang mapag-isaang buong India lalong-lalo na sa
relihiyon ng mga mamamayan. Alin sa mga
relihiyon sa ibaba ang naisniyang magkasundo at mapag-isa?
A. Hinduismo at Budhismo
B. Kristiyanismo at Islam
C. Budhismo at Islam
D. Hinduismo at Islam
6. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India
7. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
8. Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelite.
A. Holocaust
B. Massacre

8
C. Zionism
D. World War
9. Sa larangan ng sining, lalong-lalo na sa palakasan, may isang Pilipino ang nagpapakita ng
kakaibang lakas sa larong boxing. Sino at saang bansa nanggaling?
A. Lea Salonga – Pilipinas
B. Manny Pacquiao – Pilipinas
C. Paeng Nepumoceno – Pilipinas
D. Lahat ay tama
10. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa
mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga
Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang
mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng
pananakop ng mga Kanluranin
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at
dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong
Kanluranin

9
Susi sa Pagwawasto

Word Hunt Gawain 4


1. Nasyonalismo 1. +
2. Imperyalismo 2. x
3.Civil Disobedience 3.+
4. Suttee 4.+
5.Holocaust 5. x

Tayahin
1.A 6.D
2.B 7.D
3.C 8.A
4.A 9.B
5.D 10.C

10
Sanggunian
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-9-larawan-ng-nasyonalismong-asyano
Grace Estella C. Mateo, Ph.D., Rosita D. Tadena,Ph.D., Mary Dorothy al.Jose, Celenia E.
Balonso Ph.D., Celestina P. Boncan, Ph.D,Johnson N. Ponsaran and Jerome A. Ong.
"Kasaysayan ng Daigdig ." Vibal Publishing House. Inc., 2012.
Rosemarie C. Blando, Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erna C. Golveque, August
M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F.Del Rosario,
at Randy R. Mariano. "Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaisa Araling Panlipunan
Modyul Para sa Mag-aaral." In Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaisa Araling
Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral, by Adelina A. Sebastian, Angela C. Espiritu,
Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R.Capua Armi S. Vistor, Sandra I.
Balagos, Allan F. Del Rosario, at Randy R. Mariano Rosemarie C. Blando, 112-140.
Pasig City: Eduresources Publishing, Inc., 2014.
Soriano, Celia D., Antonio, Eleonor D., Dallo, Evangeline M., Iperial, Consuelo M., Samson,
Maria Carmelita B. "KAYAMANAN Kasaysayan ng Daigdig." Manila City,
Philippines: REX Bookstore, 2017.

11
1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like