You are on page 1of 26

10

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Paghahanda sa
Panganib na dulot ng
mga Suliraning
Pangkapaligiran
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Paghahanda sa Panganib na dulot ng mga
Suliraning Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: April Eve A. Salvacion
Editor: Michelle Pardillo
Tagasuri: Reynaldo Tagala, Eps - 1
Tagaguhit: Jeffry C. Paglinawan
Tagalapat: Maylene F. Grigana
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Donna S. Panes, PhD CID Chief
Elizabeth G. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM Coordinator
Judith B. Alba – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
10

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Paghahanda sa
Panganib na dulot ng
mga Suliraning
Pangkapaligiran
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling mga Paghahanda sa Panganib na
dulot ng mga Suliraning Pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa mga Paghahanda sa Panganib na dulot ng mga Suliraning
Pangkapaligiran.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang pagiging handa sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran ay mahalaga dahil


sa kasalukuyan itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may mataas na posibilidad
na makakaranas ng iba’t ibang suliranin at hamong pangkapaligiran. Bilang isang arkipelago
na bansa, ay direktang nasa bukana ng Karagatang Pasipiko ang Pilipinas at madalas tamaan
ng bagyo na namumuo sa nasabing karagatan bago pa maranasan ng iba pang karatig bansa.
Ayon sa PAGASA, tinatayang nasa 20 bagyo sa average ang nararanasan ng Pilipinas taun-
taon. Tinatayang siyam dito ang nagla-landfall o tumatama nang direkta sa bansa.

Bukod pa rito, ang Pilipinas ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan
madalas ang paglindol. Tinatayang nasa average na limang lindol ang nararanasan
ng bansa araw-araw. Nasa 22 aktibong bulkan ang mayroon sa Pilipinas mula sa
datos ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (PHILVOCS)

Sa pagpapatuloy mo sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang masasagot ang


tanong na: Gaano ba kahanda ang ating bansa o ang iyong pamayanan sa
panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran? Subukan natin ang iyong
kahandaan. Handa ka na ba?

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin, ito ay ang mga:

• Aralin 1 - Mga Panganib na dulot ng Suliraning Pangkapaligiran


• Aralin 2 - Mga Dapat Gawin sa Pagharap sa mga Suliraning
Pangkapaligiran
• Aralin 3 - Kahalagahan ng Paghahanda sa Suliraning Pangkapaligiran

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naiisa-isa ang mga panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran.
2. Natutukoy ng kahalagahan ng paghahanda sa pagharap sa mga suliraning
Pangkapaligiran.
3. Nakagagawa ng Checklist ng mga gagawing paghahanda sa mararanasang
suliraning pangkapaligiran.

v
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na
hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.
1. Ito ay uri ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead,
cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng tubig

a. Panganib dulot ng Climate Change


b. Panganib na dulot ng Solid Waste
c. Panganib na dulot ng Pagkasira ng Likas na Yaman
d. Panganib na dulot ng Deforestration

2. Pinapababa din nito ang ating ekonomiya dahil maaapektuhan ang supply ng isda sa
ating mga pamilihan. Maari din tayong magkaroon ng iba’t ibang sakit dahil sa pagkain
ng isda na galing sa maruruming ilog at dagat.

a. Panganib na dulot ng Pagkasira ng Yamang Tubig


b. Panganib na dulot ng Pagkasira ng Yamang Lupa
c. Panganib na dulot ng Pagksira ng Likas na Yaman
d. Panganib na dulot ng Pagkasira ng Yamang Gubat

3. Ang lahat ng nabanggit ay mga suliraning pangkapaligiran, maliban sa?

a. Climate change
b. Deforestation
c. Migration
d. Solid Waste Management

4. Ito panganib dahil patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na
antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito
mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan.

a. Panganib na dulot ng pagkasira ng Likas na Yaman


b. Panganib na dulot ng pagkasira ng Yamang Lupa
c. Panganib na dulot ng pagkasira ng Climate Change
d. Panganib na dulot ng Pagkasira ng Yamang Lupa

5. Ang nonbiodegradable ay mayroong tinatawag na special waste. Alin sa sumusunod


ang halimbawa ng special waste?

a. Baterya
b. Rugby container

vi
c. Grease and oil
d. Lahat ng nabanggit

6. Ang mga suliraning pangkapaligiran katulad ng mga kalamidad na nararanasan natin


ay isang pangyayari na hindi maaaring iwasan ngunit maaaring paghandaan. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI dapat gawin kapag mag kalamidad.

a. Pag-iimbak ng maraming pagkain na hindi agad napapanis.


b. Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo ng
balita para maging updated sa mga pangyayari.
c. Siguraduhing may dalang pera upang may kakayahang makabili ng
mga kakailanganin sa panahon ng sakuna.
d. Hindi na kailangan mag handa ng emergency kit dahil lilikas naman.

7. Maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad kung tayo ay;

a. Maging responsableng mamayan


b. Hindi maghahanda ng maaga
c. Makinig sa alituntunin at mga abiso sa facebook
d. Sumunod sa mga kapitbahay kung ano gagawin

8. Bakit mahalaga ang paghahanda tuwing may kalamidad?

a. Upang tayo ay mailigtas sa tiyak na kapahamakan


b. Upang maiwasan natin ang mas marami pang pinsala
c. Upang masiguro ang mga ari-arian at kasangkapan
d. lahat ng nabagggit.

9. Ito ang ahensiya sa ilalim ng Department of Science and Technology o DOST


(Kagawaran ng Agham at Teknolohiya). Nagbibigay ito ng real-time o sabay sa
kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo.

a. PHILVOCS
b. PAGASA
c. NAWASA
d. MERALCO

vii
10. Ahensya na nagbibigay ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan
ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.

a. Department of Science and Technology


b. Department of Interior and Local Government
c. National Disaster Risk Reduction Management Council
d. Philippine National Police

Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag kang mag-alala kung tama man
o mali ang iyong naging kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag aaral ng paksang ito
mapagtitibay mo ang iyong tamang sagot at maiwawasto ang maling konseptong nabuo.

viii
Aralin MGA PANGANIB NG DULOT
NG SULIRANING
1 PANGKAPALIGIRAN

Kasabay ng patuloy na pagdami ng populasyon sa ating bansa ay ang pagdami rin ng


mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas. Kabilang sa mga suliraning pangkapaligirang ito
ay ang paglala ng "climate change", polusyon sa tubig at hangin, kakulangan ng suplay ng
tubig, pagkasira ng kalikasan, pagmimina at pagdami ng basura sa ating kapaligiran mapa
lupa man at karagatan. Ang mga suliraning ito ay patuloy na lumalala at kailangan nang
agapan at mabigyan ng agarang solusyon sa lalong madaling panahon.

Balikan

1. Anu-ano ang mga pangunahing Suliraning Pangkapaligiran na nararanasan ng Pilipinas?

2. Ano ang kalagayan ng suliraning pangkapaligiran ng ating bansa sa kasalukuyan?

Mga Tala para sa Guro


Maaring gamiting pantulong ang mga sumusunod:

Video links: https://youtu.be/Tk5xtSudsdo; https://youtu.be/SZ2WtTXRLLo;


https://youtu.be/LrxTuj1SsEw; at mga channel sa TV tulad ng:
PTV4, TV5, GMA7 Network, CNN Philippines, ABSCBN, National Geographic,
Discovery Channel, etc.

ix
Tuklasin

Gawain 1- Larawan-Suri
Suriing mabuti ang larawan. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa panganib na
maidudulot ng nasa larawan sa mga magsasaka, kapaligiran at sa buong bansa. Gamitin ang
mga gabay na tanong upang makuha ang tamang hinuha. Simulan na natin.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/15/17/el-nio-may-return-this-year-world-weather-
agencies-warn
Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang larawan?
2. Ano sa palagay mo ang magiging epekto nito sa hanap buhay ng mga
magsasaka?
3. Bakit kaya nangyayari ang ganitong sitwasyon?
ANO ANG MGA PANGANIB NA DULOT SULIRANING PANGKAPALIGIRAN?
Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at hamong kinahaharap ng ating bansa dahil
sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala
sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalaakas na bagyo, pagguho ng
lupa, at malawakang pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan para
mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay. Ilan sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran sa Pilipinas
ay ang sumusunod:
1. Panganib sa Solid Waste.

x
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste.
Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang 1500 tonelada ng
basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong
nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang
sakit.
Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot
din ng panganib sa mga naninirahan dito. Sa ulat na pinamagatang The Garbage Book (Asian
Development Bank, 2004) ang leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at Payatas
dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay
ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. Panganib din ang dulot
ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga
dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga
tambak ng basura. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa
sa posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o
kaya ay mamatay.
Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng electronic
waste o e-waste tulad ng computer, cellphone, at tv. Lumabas sa pagsusuri na ginawa ng
Global Information Society (2010), na humigit kumulang sa anim na toneladang e-waste ang
tinatapon sa landfill na siyang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang
bahagi nito na mapapakinabangan. Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng
pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng panganib
dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium, barium, mercury,
at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng tubig (Mooney, Knox, & Schacht,
2011).
1. Panganib sa pagkasira ng mga Likas na Yaman

Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil


sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi
epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at
mga natural na kalamidad.

1.1 Panganib sa pagkasira ng Yamang Gubat

Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang


suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at
hayop. Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming) ang mga lumilipat sa
kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at
pagkawala ng sustansya ng lupain dito. Apektado ang kagubatan sa pagmimina
dahil kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng
limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang mga puno upang
maging maayos ang operasyon ng pagmimina. Nagdudulot din ng panganib sa
kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na
ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ang pangkalahatang
epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga mamamayan lalo na yaong mga
mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Ang patuloy na pagliit ng forest cover
ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.

1.2 Panganib sa pagkasira ng Yamang Tubig.

xi
Ang water pollution ay isang malaking problema lalo na sa ating bansa na
may mayaman na pangingisda. Ito ay isa sa mga pinakamalaking suliranin sa
ating yamang tubig kasunod ng mga dynamite fishing, fish kill at iba pa. Dahil sa
mga problemang ito di natin na papahalagahan ang ating yamang tubig sa
kanyang pinaka-kapasidad. Pinapababa din nito ang ating ekonomiya dahil
maaapektuhan ang supply ng isda sa ating mga pamilihan. Maari din tayong
magkaroon ng iba’t ibang sakit dahil sa pagkain ng isda na galing sa maruruming
ilog at dagat.
2. Panganib dulot ng Climate Change

Isa sa sinasabing dahilan ng climate change ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o


global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa
atmosphere. Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at
pagsusunog ng mga kagubatan. Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama
(2008), na nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito ang
madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng malalakas na bagyo,
malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest fires.
Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na
pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat,
nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng
ilang mga species. Pinangangambahan din na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar
sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg
sa Antartic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang panganib sa food security
dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang
produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga
kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at
pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda.
Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue,
malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init. Mayroon ring ilang mga
mamamayan ang napipilitang lumikas sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga tahanan
o kaya ay natabunan ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng
dagat ang dating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.

MGA DAPAT GAWIN SA


Aralin
PAGHARAP SA MGA
2 SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN
xii
Suriin

Gawain 2- Check the List!


Base sa iyong karanasan, punan ng listahan ang bawat kahon ng mga paghahanda
na inyong ginagawa sa bahay kapag may kalamidad. Maaring nakikita mo ang mga
paghahanda na ginagawa ng iyong mga magulang o nakakatandang kapatid o ng inyong
barangay sa tuwing may paparating na sakuna.
Kalamidad
Bagyo Lindol El Nino Tsunami
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.

Mga dapat gawin kapag may kalamidad


Ang mga suliraning pangkapaligiran katulad ng mga kalamidad na na nararanasan
natin ay isang pangyayari na hindi maaaring iwasan ngunit maaaring paghandaan. Isa itong
pangyayari na kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng milyun-milyong halaga ng ari-arian.
Ang mga kalamidad na dulot ng Climate Change tulad ng baha at tag tuyot, lindol, landslide,
tsunami at buhawi ay nag-iiwan ng napakalaking pinsala sa ating lahat.

May mga iba’t ibang impormasyon na ikinakalat ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan
mula sa iba’t ibang dako ng bansa ukol sa mga paghahanda kung may kalamidad bunsod ng
mga suliraning pangkapaligiran.

Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang sakuna o kalamidad. Ilan sa
mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga sumusunod:

1. Pag-iimbak ng maraming pagkain na hindi agad napapanis, malinis na inuming tubig,


malinis na mga damit, powerbank para sa mga cellphone at mga kandila o lampara kung
sakaling mawalan ng kuryente.

2. Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo ng balita para maging
updated sa mga pangyayari bago pa man dumating ang kalamidad nang sa gayon ay
mabigyan agad ng abiso ang miyembro ng pamilya na hindi pa nakakauwi sa bahay.

3. Kailangang magsama ng tools sa survival go-bag, dahil maaari itong magamit sa iba't
ibang sitwasyon, maging sa pagluluto o kaya sa pagtatayo ng iba't ibang

xiii
istraktura. Mahalagang isama sa bag ang isang gunting, at maliit na kutsilyo o Swiss knife.
Dapat ding maglagay ng lubid o tali sa bag.

4. Siguraduhing may dalang pera upang may kakayahang makabili ng mga


kakailanganin sa panahon ng sakuna. Dapat ay may barya, para hindi mahirap suklian
sa panahon ng sakuna. Mabuti ring magkaroon ng pagkakakilanlan ang bawat miyembro
ng pamilya sa panahon ng sakun, kaya kailangan magdala ng ID at mahahalagang
dokumento.

5. Siguraduhin rin na nasa loob ng bahay ang mga bata upang maiwasang masaktan
ang sinuman sa kanila sa oras ng kalamidad.

6. Sa bawat tahanan ay kailangang may nakahandang first aid kit. Ang first aid kit ay
ang mga gamot o pangunang lunas na ginagamit kapag may nasusugatan, o kung may
nararamdaman na kinakailangan agad ng atensiyon. Lagnat, pagtatae, pagsusuka,
pagkahilo ang ilan sa mga ito. Mga damit na pang-emergency o blanket, jacket, sumbrero
o maging sleeping bag.

7. Ang pinaka-mahalaga sa lahat, ay huwag magpanik upang manatiling malinaw ang


isipan at maiwasan ang mga sakuna.

Maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad kung tayo ay magiging responsableng


mamamayan. Matuto sana tayong magtapon ng basura sa tamang lugar at ihiwalay ang mga
plastic nang sa ganoon ay hindi bumara ang mga ito sa sa mga daluyan ng tubig na nagiging
sanhi ng matinding pagbaha. Malaking tulong rin ang pagtatanim ng mga puno upang
maiwasan ang pagbaha, maging ang pagguho ng lupa o soil erosion at ang panganib ng
mabilis na pagbabago ng panahon. Kung lahat tayo ay magiging responsable, sama-sama
nating malalampasan ang anumang kalamidad na dumating sa ating bansa.

xiv
KAHALAGAHAN NG
Aralin
PAGHAHANDA SA
3 SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN

Pagyamanin

Bakit nga ba mahalaga ang laging handa?

Ang nakaraang mga kalamidad dala ng dalawang magkasunod na bagyo na nagdulot


ng sobrang pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila, Bicol Region at Northern Luzon at
ang pag putok ng Bulkang Taal kasabay ng pagsisimula ng global na pandemyang COVID19
ay isang malagim na paalaala sa atin sa kahalagahan ng paghahanda.

Kung sabagay ang kahalagahan ng paghahanda ay hindi na bago para sa atin


sapagkat maliit pa man tayo at nagsisimula pa lamang mag-aral sa elementarya tayo ay na-
expose na at marahil ay naging kasapi pa sa Boy Scouts o Girl Scouts kung saan ang motto
at ang kaisipang laging ipina-ala-ala sa mga bata ay: “Laging Handa.” Kaya nga lang dahil
naman siguro sa kadalasan ay nagiging maayos ang ating bukas at maalwan naman ang mga
pinagdadaanan, kung minsan ang kahalagahan ng mensaheng ito ay ating nakakaligtaan.
Kaya naman pag dumating ang mga hindi inaasahang uri ng kalamidad katulad nga ng
nangyari tayo ay nagugulantang lalo na kung tayo ay kabilang doon sa mga libo-libong naging
biktima ng nasabing kalamidad. Kaya mula ngayon makakabuti marahil kung ang paghahanda
ay ating bigyan ng kaukulang pansin.

Alam naman natin na ang mga kalamidad ay sadyang bahagi na ng buhay ng tao.
Kaya naman, mahalaga na tayo ay maghanda para sa mga ito. Lalo na para rin sa ating
pamilya na umaasa sa atin. Ang maagap na paghahanda ay maaring mag ligtas sa atin sa
tiyak na kapahamakan. Mahalaga talaga na tayo ay nagtatabi ng ipon upang sa panahon ng
kagipitan ay hindi tayo mapipilitang umutang. Kapag may mga sakuna o trahedya na hindi
talaga natin inaasahan, marami ang maaaring mawala sa atin.

Una, na rin dito ang ating kabuhayan o ang source of income natin. Kaya mahalaga
na may pondo o ipon upang may panimulang budget. Yung ultimong pambili ng pagkain ay
hindi na natin magiging problema at maaari pa rin mabuhay nang matiwasay ang ating
pamilya.

xv
Isaisip

Ano-anong mga ahensiya ng gobyerno ang dapat kong takbuhan para hingian ng
impormasyon sa oras ng mga natural na kalamidad?

Ang PAGASA ay isang ahensiya sa ilalim ng Department of Science and Technology


o DOST (Kagawaran ng Agham at Teknolohiya). Nagbibigay ito ng real-time o sabay sa
kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo.

Kontakin ang PAGASA gamit ang:

• Website: pagasa.dost.gov.ph
• Twitter: @dost_pagasa
• PAGASA hotline: (02) 433-8526

Inilalabas ang Public Storm Warning Signals para bigyan ang publiko ng babala sa
pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo. Sa oras na
maibigay ang Storm Signal, posibleng hindi pa maramdaman sa nabanggit na lugar ang
masamang lagay ng panahon.
Ang Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) ay isang programang
inilunsad ng DOST para magtatag ng isang programang tumutugon sa pag-agap at
pagpapagaan sa mga sakuna, gamit ang mataas na uri ng teknolohiya upang lalong
pahusayin ang kasalukuyang geo-hazard vulnerability maps. Inilalatag ng mga mapang ito
ang mga lugar sa bansa na malubha kung tamaan ng mga sakuna.

Ang PHIVOLCS ay isang institusyong pangserbisyo ng DOST. Inatasan ang ahensiya na


paliitin ng epekto ng sakunang dulot ng pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at ibang
heotektonikong penomenon.

Kontakin ang PHIVOLCS gamit ang:

• Website: phivolcs.dost.gov.ph
• Ulat ng NDRRMC ukol sa lindol
• (02) 426-1468 to 79, local 124/125;
• I-text o tawagan: 0905-313-4077
• I-text lamang: 0918-942-8354

Itinatag ang NDRRMC o ang National Disaster Risk Reduction Management Council para
sa pag-agap sa mga sakuna at pagbawas sa panganib na dulot ng mga kalamidad.
Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga
kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.

xvi
Kontakin ang NDRRMC gamit ang:

• Website: ndrrmc.gov.ph
• Twitter: @NDRRMC_Open
• Facebook: http://www.facebook.com/pages/Ndrrmc-Opcen/103742183037609
• NDRRMC hotlines: (02) 911-1406, (02) 912-2665, (02) 912-5668, (02) 911-5061 to
64

#RescuePH ang tanging hashtag na gagamitin para sa paghingi ng saklolo ng mga


mamamayang nangangailangan ng tulong tuwing may emergency at natural na kalamidad. I-
tweet o i-post sa Facebook ang pangalan, lokasyon, at numero ng tao/mga taong
nangangailangan ng tulong o saklolo at ilagay ang hashtag #RescuePH.

Kung ikaw o ang taong humingi ng saklolo ay ligtas na, mangyaring paki-update ang mga
tagamonitor ng sitwasyon gamit ang tanging hashtag #SafeNow, upang malaman nilang hindi
na kailangan ng tao ng tulong. Sa pakikipagtulugan ng mga mamamayan at civil society
(samahang sibil), minomonitor ng Presidential Communications Development and Strategic
Planning Office (@pcdspo) ang hashtag #RescuePH at #SafeNow at tinitipon ang mga ito
upang makipagtulungan sa NDRRMC.

Isagawa

Gawain 3- HUWAG PO! Nakakapinsala.


Gumawa ng talahayanan o listahan ng mga pangyayari o gawaing nakapipinsala sa
kapaligiran.
Sundin ang talahanayan na nasa baba at sagutin ang pamprosesong tanong.

Di-kanais-nais na Pangyayari Napinsalang Likas na Yaman Idinulot na Di-Mabuti

Pamprosesong Tanong:
1.Anong hinuha ang iyong nabuo tungkol sa mga pinasala na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________

xvii
2. Kung magpapatuloy ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran na ito, Paano ka
maghahanda?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
3. May paghahanda bang ginagawa ang inyong barangay o munisipyo sa pagharap sa mga
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran? Anu-Ano ang mga ito? Kung walang
paghahanda, Bakit kaya?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________

Tayahin

I- DAPAT o DI-DAPAT: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang


salitang DAPAT kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at mga dapat
gawin tuwing may kalamidad at DI-DAPAT naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
espasyong nakalaan.

__________1. Mahalagang manatiling malinis ang katawan, upang makaiwas sa sakit. Dahil
dito ay kailangang maglagay ng sipilyo, toothpaste, shampoo, sabon, at tisyu sa
survival-go bag.

__________2. Maliban sa paghahanda ng survival go-bag, pagplanuhan ang lugar na maaaring


pagkita-kitahan sakaling magkahiwa-hiwalay, o kaya'y sundan ang plano na
inilatag ng mga pampublikong opisyal.

__________3. Namimili ng oras ang sakuna, kaya hindi mahalagang maging handa dahil alam
mo naman kung kailan darating ang kalamidad.

__________4. Kapag may bagyo, dapat manatili ang lahat sa loob ng kanilang tahanan at
manatiling kalmado
__________5. Dapat maabot ng tubig baha ang mga toxic substances at basura.
__________6. Kapag may panganib ng storm surge o biglaang pagtaas ng sea level na
magdudulot ng malalaking alon, dapa lumikas ang mga nakatira sa malapit sa
dagat o beach at iwan ang kanilng bahay.
__________7. Sakaling may pagyanig alisin ang mga frame, eskaparate, libro at iba pang
gamit sa itaas ng kama.

xviii
__________8. Magandang bumuo ng maayos na sistema ng babala ukol sa lindol at kaakibat
nitong landslide at ito ay marapat na ipag-bigay alam sa mga tao sa komunidad
o pamayanan.
_________9. Hindi kailangan ng contingency plan para sa evacuation ng mga tao kapag may
mga panganib ng kalamidad tulad ng landslide.
_________10. Dapat makalikha ng mga programa o polisiya na nakaukol sa pagpaparami at
pagtatanim ng mga puno.
_________11. Ang bawat mamamayan ay marapat na hindi tumangkilik sa isinusulong na
‘waste segregation.’
_________12. Pabakunahan o pabigyan ng vaccination ang mga bata upang mapigilan ang
pagkakaroon ng malulubhang sakit.
_________13. Ang epidemya ay ang mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit sa maraming
bilang ng mga tao. Kaya dapat mag kumpol-kumpol.
_________14. Ituro sa mga bata kung paano at kailan tatawag sa 911 para sa tulong
kapag may-emergency.
_________15. Ang pangangalaga sa kalikasan at maayos na solid waste management
practices ay dapat nagsisimula sa mga barangay upang mapigilan ang
pagbabara ng mga agusan ng tubig na maaaring maging dahilan ng baha

Karagdagang Gawain

Climate Change Forum


Magsaliksik ng batas, programa, mga best practices ng pamahalaan, NGO, at mga
pamayanan bilang tugon sa hamon ng climate change sa Pilipinas. Gumawa ng repleksyon
kung paano nauugnay ang mga suliranin sa Solid Waste Management at pagkaubos ng likas
na yaman sa Climate Change.
Repleksiyon:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________

xix
xx
PAGTATAYA
1. Dapat
2. Dapat
3. Di-Dapat
4. Dapat
Subukin
5. Di-Dapat 1. b
2. a
6. Dapat
3. c
7. Dapat 4. c
8. Dapat 5. d
9. Di.Dapat 6. d
10. Dapat 7. a
11. Di-dapat 8. d
12. Dapat 9. a
13. Di-Dapat 10.c
14. Dapat
15. Dapat
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

1. DepEd AP10LM (Draft)


2. Kontemporaryongisyu.blogspot.com
3. Academia.edu/28635459/kontemporaryongIsyu
4. https://news.abs-cbn.com/news/03/15/17/el-nio-may-return-this-year-world-
weather-agencies-warnhttps://brainly.ph/question/28449
5. http://phildigest.jp/paghahanda-sa-panahon-ng-kalamidad/
6. https://news.abs-cbn.com/life/09/02/17/listahan-mga-bagay-na-dapat-ihanda-
sakaling-may-sakuna
7. https://www.officialgazette.gov.ph/laginghanda/maghanda-para-sa-mga-kalamidad-
likha-ng-kalikasan-mga-impormasyon-at-takbuhan-ng-tulong-mula-sa-gobyerno/

xxi
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

xxii
23

You might also like