You are on page 1of 1

AP9 Q2 Quiz No.

1 Demand Pangalan: Section:

I. Panuto:Isulat sa patlang kung tataas o bababa ang demand batay sa sumusunod na mga sitwasyon.
______ 1. Noong buwan ng Marso 2019, ang halaga ng spaghetti sa kantina sa paaralan ay Php 15.00 bawat serving.
Pagdating ng pasukan, Hunyo 2019 ay nagging Php. 20.00. Hindi naman tumaas ang allowance ng mga mag-aaral.
______ 2. Mabibili ang kape na Kopiko sa halagang Php 5.00 bawat sampung gramo. Ang Great Taste na kape na
sampung gramo rin ay nagkakahalaga ng Php 4.50. itinaas ang presyo ng Kopiko sa Php 7.00. Ano ang mangyayari sa
demand para sa Great Taste?
______ 3. Ang Barangay Matatalaib na may populasyong 50,000 ay kumokonsumo ng 3,000 kaban ng bigas buwan-
buwan. Ang presyo ng bigas ay Php 1,500.00 bawat kaban. Hindi naman tumaas ang presyo ng bigas ngunit ang
populasyon ay tumaas ng 10,000. Ano ang mangyayari sa demand para sa bigas?
______4. Ang PSP na dating nagkakahalaga ng Php 20,125.45 ay nauso dahil sa mga anunsyo. Ngayon ang PSP ay
naagkakahalaga na ng Php 20,120.45. Ano ang mangyayari sa demand para rito?
______ 5. Ang pamilya Santiago ay kumikita ng Php 30,000.00 kada buwan. Kumokonsumo sila ng Php 18,000.00 buwan-
buwan para sa pagkain. Nadagdagan ang kinikita nila at nagging Php 33,00.00 buwanan. Ano ang mangyayari sa
konsumo nila sa pagkain?

II. Panuto: Suriin kung saang salik na nakaaapekto sa demand nakapaloob ang mga sumusunod na sitwasyon.
1. Ang pagtaas ng sweldo ay nagpapataas sa demand sa mga produktong normal tulad ng masasarap na pagkain, mga
gamit sa bahay at iba pa.
2. Inaasahan ang pananalasa ng Bagyong Cardo sa Hilagang Luzon sa susunod na Linggo.
3. Nagdudulot ng kasiyahan ang pag-aayos ng katawan, kaya naeengganyo ang iba na bumili ng kolorete sa katawan at
ang tinatawag na”cosmetics”.
4. Ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy ay nakapagpapataas sa demand sa karne ng baka. (produktong pamalit)
5. Batay sa estadistika, tumataas ang bilang ng ipinapanganak kaya nagdudulot ito ng pagtaas ng demand sa lampin,
gatas at iba pang gamit ng sanggol.
6. Normal good para kay Catriona ang karne ng manok, samantalang inferior good naman para sa kanya ang sardinas.
Kapag kapos sa badyet si Catriona, mataas ang kanyang demand sa kanyang inferior good at mababa naman ang
kanyang demand sa kanyang normal good.
7. Buko juice ang palaging binibili sa kantina ng magkakaibigang sina Marga, Cassie, Tope at Mikoy. Ngunit noong
nagkaroon ng buko shake, ito na ang palaging binibili ng magkakaibigan dahil gusto rin nilang makatikim ng ibang uri ng
inumin.
8. Nauuso ang eco bag ngayon dahil sa kagustuhan ng karamihan na makatulong sa pagpigil ng pagdami ng plastik sa
komunidad. Kaya naman, naisip ng pamilya ni Gerald at Julia na bumili ng maraming eco bag upang may magamit sila sa
tuwing sila ay mamimili sa palengke at sa iba pang lugar.
9. Nakita ni Junnie Boy sa isang patalastas sa telebisyon ang bagong solar phone charger. Dahil gusto niyang makatulong
sa pagtitipid ng kuryente sa kanilang tahanan at dahil ang kanyang mga kaibigan ay mayroon din nito, nag-ipon siya
upang makabili rin nito.
10. Marami ang napagbentahan ni Romina at ni Daniella sa tinda nilang turon. Kaya naman, imbis na sardinas,
makakabili sila ng karne ng manok bilang pananghalian.
11. Ayaw bumili ni Johnny S. ng Upo dahil mahal, kaya bumili na lamang siya ng talong.
12. Tatlong linggo bago sumapit ang Pasko, namili na si Lola Remedios ng mga sangkap para sa kanyang gagawing fruit
salad.
13. Napakaraming nagbebenta ng bilog na prutas dahil napakaraming bumibili nito para sa Media Noche.
14. Nagdala si Tito Boy ng isang kahon ng kandila sa pwesto niya malapit sa sementeryo sa unang araw ng Nobyembre.
15. Dahil sa nagbabadyang pagtaas ng presyo ng gasolina sa susunod na mg araw, dumako si Kuya Wel sa gasoline
station upang magpalagay ng gasoline sa kanyang truck.

III. I-DEMAND, ITALA, at IKURBA


Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E. Nagkataong may tinda sa kantina na softdrinks. Ilang bote ng
softdrinks ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php10, Php14, Php18 hanggang Php26 kada bote? Itala ito sa
kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand
schedule.
Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 33 - 8P. Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng
demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Demand Schedule para sa bote ng Softdrinks


Presyo Qd
10
14
18
22
26

You might also like